Chereads / The Stolen Identity / Chapter 94 - Panibugho

Chapter 94 - Panibugho

Isang matabang na tawa ang pinakawalan nito sabay bitaw sa kanyang namumula nang braso. Pagkuwa'y gigil nitong inihilamos ang isang palad sa pinagpapawisan nitong mukha, humalo na ang luhang hindi napigilang kumawala sa mga mata.

Siya nama'y mabilis na tumayo at umatras ng isang hakbang palayo sa lalaki.

"This is ridiculous," mahinang usal sabay tawa nang malutong. Ngunit maya-maya lang ay walang anumang sinuntok ang ibabaw ng kama.

Napapitlag siya sa malakas na langitngit niyon dahil sa ginawa nito, sabay atras na uli ng isa pang hakbang palayo rito habang kagat-labing nakayuko, pigil ang luhang pumatak.

"Lovan! Lovan! Where are you? Lovan!" tawag nito't ibinagsak ang katawan sa ibabaw ng kama, nagpagulong-gulong duon habang tinatawag ang pangalan niya.

"W-ala po rito si S-senyorita Lovan, S-sir," pabulol niyang sabad, sinikap na huwag pumiyok ang boses upang huwag mahalatang gusto na niyang maiyak.

Isang malutong na halakhak uli ang isinagot nito saka biglang tumahimik.

Ilang minutong katahimikan...

Nang maseguro niyang hindi na ito kumikilos at nakatulog na'y saka lang siya lumabas ng lumabas ng silid. Pagbukas pa lang ng pinto'y nagulat pa silang lahat nang muntik nang sumubsob ang dalawang katulong sa kanyang dibdib. Nakikinig lang pala ang mga ito sa dahon ng pinto.

Nang mahuli niya'y sabay ang mga itong naghagikhikan.

"Nag-aalala lang kami baka sinaktan ka ni senyorito sa loob," napapakamot na alibi ni Aida ngunit hindi makatingin sa kanya.

"Pinagalitan ka ba? Bakit tinatawag niya si Senyorita Lovan? Hindi ba sila magkasamang uminom?" curious na usisa ni Leila.

Isang iling lang ang kanyang isinagot, iwas din ang mga mata sa dalawa, saka itinuro ang lalaki sa kama.

"Tulog na siya, pwede mo nang linisin 'yong suka niya, Aida," aniya.

Ngunit mariing umiling ang kausap saka itinulak siya pabalik sa loob.

"Ikaw na. Baka sigawan na naman ako. Ako na lang ang tatapos sa mga trabaho mo," utos sa kanya saka mabilis na isinara ang pinto.

Dinig niya ang pagtakbuhan ng mga ito palayo sa silid.

Napilitan siyang bumalik sa kinaroroonan ni Zigfred at mabilis na nilinis ang sinukahan ng asawa gamit ang face towel na kinuha niya sa closet ni Shavy.

Ilang beses din siyang nagpabalik-balik sa banyo upang labhan ang face towel at ipunas na uli sa sahig upang masegurong walang naiwang amoy-suka sa loob ng silid.

Nang matapos ay saka siya nagpahinga sandali at pinagmasdang mabuti ang mukha ng natutulog nang asawa, binalik-balikan ang mga sinabi nito kanina lang.

Alanganin siyang lumapit dito nang mapansin ang mantsang nakakapit sa damit nito. Nasukahan pala pati ang suot nito. Nagdadalawang-isip man, sa huli'y napilitan na rin siyang maghanap ng damit nito sa closet ni Shavy ngunit wala siyang nakita kahit isa man ruon.

Naghanap siya sa palibot hanggang mapadako ang tingin sa nakabukas na mini-library ng asawa.

Huwag sabihing, naroon pa rin ang mga damit nito?

Inilang hakbang lang niya ang papasok sa mini-library, at tulad ng nasa isip niya, naroon nga sa isang kabinet ang mga damit ng lalaki. Napansin din niya ang malaking kama sa tabi ng kabinet, paharap sa work table nito.

Kunut-noong tinanaw niya si Zigfred. Hindi magkatabi matulog ang dalawa!?

Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng sobrang tuwa kahit na walang kaseguraduhan ang kanyang hula. Pero sa nakikita niyang itsura ng kama, halatang araw-araw itong pinapalitan ni Aida ng bedsheet. Ang sabi ng mommy ni Shavy, siya raw ang maglilinis sa kwarto ni Zigfred, pero nang malaman iyon ni Shavy, kahit ang makapasok roon ay pinagbawalan siya. Saka lang siya nakakapasok kapag wala ito at si Zigfred.

Hindi niya napigilan ang pagkawala ng isang hagikhik at muling tinanaw si Zigfred. Mula sa kinatatayuan ay kitang-kita niya itong nakatihaya sa kama, nakadipa pa ang mga kamay, halatang masarap na ang tulog.

Ang malamang hindi nagtatabi ang dalawa sa pagtulog ay sapat na upang maging masaya siya. Hindi na siya maghahangad ng anupaman maliban doon. At kung pakikinggan lang ang kanyang dasal, sanay malaman ng kanyang asawa nang maaga na isang impostor ang babaeng nakapulupot lagi dito.

Pero malabo yatang mangyari iyon. Noong nakaraang araw lang ay siya mismo ang nakakita na hinahalikan nito sa noo si Shavy. Patunay lang na naniniwala itong ang babae ay siya.

Bumalik siya sa silid ni Shavy at sumampa sa kama upang palitan sana ang damit ng asawa subalit nagulat siya nang bigla itong nagmulat ng mata at walang sabi-sabing hinila ang kanyang kamay sabay kabig sa kanyang batok.

Ni hindi siya nakasigaw, tanging nanlalaki lang niyang mga mata ang patunay na nagulat siya.

At sa muling pagkisap ng kanyang mga mata'y nakadikit na ang bibig ng lalaki sa kanyang mga labi.

Pakiwari niya'y biglang tumigil sa paghinto ang oras na kahit ang pintig ng puso niya'y tumigil din sa pagpintig.

Ngunit bago pa siya tuluyang mawala sa katinuan ay mabilis niya itong itinulak, nagmadaling bumaba ng kama at patakbo nang lumabas ng kwarto.

----------

"Sweetheart, hindi ba't nag-promise ka sa'kin na ako na ang papalit kay Yhanie para magkasama naman tayo sa office mo. Gusto ko lang kasing makasama ka nang matagal kapag nasa company tayo."

Umaga pa lang, habang nagba-vacuum sa may pinto ng kwarto'y dinig ni Lovan ang lambing ni Shavy kay Zigfred at ang huli'y inaayos ang coat na suot.

Nakaramdam siya ng kakaibang inis. Mula nang magpunta siya rito, lahat na yata ng endearment ay sinabi na ng babae sa kanyang asawa...'babe, honey, love, sweetheart, darling...'

Pero hindi niya narinig na sumagot si Zigfred na lihim niyang ikinatuwa.

"Busy ka ba sa work ngayon, love? Pupunta sana ako kay papa. Gusto ko siyang bisitahin. Eh ayuko namang magpasama kay Lenmark kasi natatakot ako kapag siya ang nagda-drive ng motor, mabilis kasi magpatakbo," reklamo ng babae.

Napahinto siya sa ginagawa at panakaw na sumulyap sa loob ng silid. Kahit pala si Lenmark ay napapaniwalang ito nga siya. Nakaramdam siya ng lungkot. Lahat na yata ng malalapit sa kanya'y naagaw na ng babae. Ang galing talaga nitong magpanggap.

Nang mapansing palabas na ng silid ang dalawa'y mabilis niyang hinila ang vacuum cleaner papunta sa sala at doon naman, naglinis.

"Hey, you!"

Napapitlag pa siya nang marinig ang malakas na boses na 'yon, maang na bumaling kay Zigfred na salubong na ang kilay habang nakatingin sa hawak niyang vacuum cleaner.

"B-bakit po, Sir?" lutang niyang usisa na para bang walang nangyari noong nakaraang araw lang. Kahit din sa mukha ng lalaki, hindi mababanaag roon na natatandaan nito ang ginawa at sinabi ng mga sandaling lasing ito.

"Hey! How many times I told you that it's not sir! You must call him senyorito!" pigil ang sigaw na pagtatama ni Shavy sa kanya. Pero kung wala ang lalaki, umalingawngaw na marahil ang hiyaw nito sa buong suite sa panggigigil sa kanya.

Yumuko siya upang hindi makita ang pagtatagis ng kanyang mga ngipin para sa huli.

"Linisin mo ang mini-library at ilipat ang mga gamit ko sa kwarto namin ni Lovan," malamig na utos ng lalaki, tila sinadya ding lakasan ang boses nito upang marinig niya nang mabuti.

"Ha?"

Ewan...pakiwari niya, para iyong bombang sumabog sa kanyang pandinig na naging dahilan upang kumirot bigla ang kanyang dibdib subalit wala sa sariling puson ang bigla niyang nahawakan nang maramdaman ang malakas na pitik mula sa loob niyon. Marahil ay magkakaroon na siya kaya iyon sumakit.

"Opo, S-senyorito," mahina niyang tugon, marahang hinimas ang kumirot na puson saka tumalikod agad kaya hindi niya nakita ang pagsasalubong ng mga kily at pagtiim ng bagang ng lalaki.