Chereads / The Stolen Identity / Chapter 89 - Ang Hinala ni Zigfred

Chapter 89 - Ang Hinala ni Zigfred

In that awkward situation, hindi niya alam kung itutulak ang lalaki at magkukunwaring nagulat, o sasampalin ito at tatakbo pabalik sa kwarto ng mga katulong.

Pero sa higpit ng hawak ni Zigfred sa kanyang beywang, wala ata itong balak na pakawalan siya.

"S--sir n-akakag-ulat n-naman po k-ayo!" pautal-utal niyang wika, kinarer na ang pagpapanggap na bulol, saka ito sinubukang itulak.

Sa halip na sumagot ay tinitigan siya nito, mariin...nanonoot...nakakapaso. Kaya't nagbaba siya ng tingin at hindi na nagtangka pang pumiglas.

Nagsimula na namang magrigudon ang kanyang dibdib. Huwag sabihing...namukhaan siya nito nang makita siya sa Sorsogon?

Naghihinala ba ito? Ibig bang sabihin, kanina pa siya nito pinagmamasdan? Paano nito nalamang naghahanap siya ng mga hidden camera sa loob ng kusina?

"S--sir," sambit niya nang maramdamang humigpit ang hawak nito sa kanyang beywang at sinadya pang amoyin ang kanyang buhok, pagkuwa'y ipinilig ang kanyang ulo na lalo niyang ikinagulat.

"Who are you?" Paanas lang ang boses nito na tila ba lasing ngunit sa higpit ng hawak sa beywang niya, ramdam niya ang galit ng lalaki. Why?

"S-sir, b-bakit po?" inosente niyang balik-tanong, pilit na nilabanan ang sobrang pananabik sa lalaki. Sa halos magkadikit nilang dibdib, dama niya ang init ng katawan, ni ang mabilis na pintig ng puso nito.

Pero nagulat siya nang bigla itong lumayo kasabay ng malakas na kalabog ng isang wine glass sa harapan nila.

Nang sundan niya ng tingin ang ingay ay taka siyang napatitig sa basag nang baso.

"Did I not tell you to be careful?!" bulyahaw ni Zigfred sa kanya, naniningkit ang mga matang nakatitig sa nalilito niyang mukha.

Kaybilis magbago ng emosyon nito.

"Nakupo, Cindal. Ano'ng ginawa mo?" natatarantang saklolo ni Liela at mabilis na inisa-isang ipunin ang bubog ng nabasag na baso.

"S--sorry po, S--sir. H-hindi ko po s--sinasadya," pautal-utal niyang sambit, biglang napahikbi.

Siya namang pagpasok ni Shavy, nakasuot ng nighties, kulang na lang ay ipakita ang buong kaluluwa sa sobrang nipis at tinakpan lang ang panloob sa ikli niyon. Ngunit wala ni isang pumansin sa nakabibighani nitong alindog. Ang lahat ng mga mata ay sa kanya nakatingin.

Sandaling kumulimlim ang kanyang mukha ngunit agad ding nakabawi nang makita ang pormal na mukha ni Zigfred.

"I don't wanna see her face in front of me!" duro ng lalaki habang matalim ang mga titig na ipinukol sa kanya, patunay na galit ito.

Rumihestro agad sa kanyang mukha ang takot.

"Ano'ng nangyari?" pigil ang galit ni Shavy, ingat ding huwag mahalata ni Zigfred na nagpapanggap lang itong mabait.

"Ma--am, h--hindi ko po s--sinasadya. N--nagpakuha siya ng t-ubig sa--kin, tapos n--abitiwan ko ang b-aso bago m--aibigay kay S--sir," namumutla niya sagot nang pautal.

"Tanga ka kasi kaya ganyan!" Hindi na napigilan ni Shavy ang sarili't suminghal.

"Sensya na po, Sensyorita Lovan. Hindi na po, mauulit. Pagsasabihan na lang namin si Cindal," sabad ni Aida na tinulungan na si Liela sa paglilinis ng sahig.

Siya nama'y kunwa'y nahihiyang yumuko sa babae.

"S--sorry po, Ma'am. H-hindi na po mauulit," paghingi niya nang paumanhin at baka totohananin nitong palayasin siya tulad ng sinabi ni Zigfred kanina.

Laking pasalamat niya sa dalawa nang sa wakas ay huminahon na si Shavy at bumalik sa kwarto nito.

-------------

Sa dalawang araw na pamamalagi ni Lovan sa loob ng suite ni Zigfred kung saan din nakatira ang impostor na si Shavy, ni wala siyang mahalagang impormasyong nakalap mula sa pagmamasid sa babae malibang lagi itong nakapulupot sa kanyang asawa sa tuwing umuuwi ito galing sa trabaho.

"Love, kelan mo ako sasamahang bumisita kay papa? Nami-miss ko na siya," pukaw ni Shavy sa tahimik na si Zigfred habang nakaupo ang dalawa sa L-shaped sofa sa sala. Nakahilig ang ulo ng babae sa balikat ng huli habang ito nama'y busy sa kapipindot sa hawak na smartphone.

Mula sa pagpupunas ng center table sa harap ng dalawa'y tila may sariling isip ang kanyang kamay, huminto sa ginagawa at agad sumasal ang tibok ng dibdib. Knowing Shavy, hindi nito maiisip na bisitahin ang kanyang papa kung wala itong masamang balak sa huli.

Palihim siyang nag-angat ng mukha at nasulyapang tumigil din sa ginagawa si Zigfred, saka bumaling sa babaeng mababanaag sa mukha ang lungkot.

"Okay, ipahahatid kita sa Driver. You can use my car," malamig na tugon ng lalaki.

Agad siyang nagbaba ng mukh pagkakita ritong panakaw na sumulyap sa kanya.

Itinuloy niya ang pagpupunas sa center table na kung tutuusin ay wala namang dapat punasan dahil kumkintab na iyon sa linis. Kahit ang ilalim niyon ay hindi nakaligtas sa kanya.

Narinig niya ang marahang tapik ni Shavy sa balikat ng katabi.

"Hey, I'm afraid of riding cars. Nakalimutan mo ba?"

Awtomatikong nagsalubong ang kaniyang mga kilay sabay sulyap kay Shavy na titig na titig sa awang ang mga labing si Zigfred.

Paano nalaman ng babaeng takot siyang sumakay sa kotse?! At lalong nangunot ang kanyang noo sa napansing reaksyon ng kanyang asawa. Nagdududa rin ba itong hindi talaga siya ang babaeng katabi nito?

Ngunit higit siyang nagulat nang makita ang pagkabig ng lalaki sa ulo ni Shavy sabay halik sa noo ng huli dahilan upang mapahagikhik ito.

Binawi niya ang tingin at mabilis na tumayo upang magtungo sa banyo at doon maglinis, magkunwaring wala siyang nakita.

Kailangan niyang tanggalin sa isip at puso si Zigfred upang hindi makahadlang sa kanyang paghihiganti ang lalaki. Hindi pwedeng mabalewala ang effort nilang mag-ama dahil lang sa kanyang nararamdaman.

Hindi niya alam kung ilang minuto siya sa loob ng banyo na kung hindi pa kumatok si Leila at nag-ayang kumain ay wala yata siyang balak na lumabas mula roon.

"Damihan natin ang kain ngayon habang wala ang mga amo natin," ani Aida, punong-puno ang bibig ngunit wala pa ring tigil sa pagsubo habang panay ang nguya.

"Ala eh, magdahan-dahan ka naman. Aba'y hindi na kain ang ginagawa mo. Lamon na!" Muntik nang mabatukan ni Leila ang katabi.

Sa Batangeńo nitong punto habang pinandidilatan ng mata si Aida ay hindi niya napigilang tumawa. Nakakatuwa kasi itong magsalita.

Subalit hindi nagpaawat ang sinaway at sige lang sa pagsubo.

"Marami ka pa bang gagawin sa loob ng kwarto ng mga amo natin?" maya-maya'y usisa niya kay Aida.

"Oo. Hindi pa ako nagtupi ng mga damit niyang isinukat kanina bago sila umalis mag-asawa," tugon ng katulong, nakikipag-unahang tusukin ng tinidor ang isang hiwa ng beef steak sa platito sa harap nito.

Wala namang nagawa si Leila kundi umismid na lang, nagkasyang ulamin ang adobong baboy sa mangkok malapit dito.

"Samahan mo muna ako maglinis ng banyo. Hindi ko pa kasi tapos doon," yaya niya kay Aida na mabilis namang tumango.

Napangiti siya't hindi na tinapos ang pagkain at nagpatiunang lumabas ng kusina. Sasamantalahin niya ang pagkakataong kumakain ang dalawa. Sa loob ng ilang araw, kabisado na niya ang mga ito sa tagal ng oras na iginugugol sa pagkain lang, hindi tumatayo hangga't hindi mga busog.

Nagmadali siyang pumasok sa loob ng kwarto ni Shavy, sinipat muna ang buong paligid kung may cctv camera at nang walang makita ay dumeretso siya sa closet nito, hinanap ang mga bag na ginagamit ng babae. Baka sakali may makita siya, kahit maliit man lang na clue kung sino ang mga kasabwat nito maliban sa kanyang madrasta.

Subalit maliban sa mga personal na bagay ay wala na iyong mga laman. Lumukob sa kanyang mukha ang frustration. Kung mananatiling ganito, hindi mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang pamilya. Tikom ang bibig at lupaypay ang mga balikat na napaupo siya sa gilid ng kama habang hindi inaalis ang mangiyak-ngiyak nang mga mata sa nakabukas na closet ni Shavy.

Subalit kung kelan pinanghihinaan na siya ng loob ay saka naman nahagip ng kanyang tingin ang bag na ginamit ng babae noong araw na itinapon siya ng mga ito sa dagat. Segurado siyang iyon ang nakita niyang gamit nitong sling bag.

"Cindal! Asan ka ba?"

Bahagya siyang namutla pagkarinig sa sigaw ni Aida, pero agad ding nakabawi at mabilis na nilapitan at binuksan ang bag. Tulad ng mga naunang bag, mga personal na gamit lang ang naroon. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Bakit iisang brand lang ang gamit ng babae sa lahat ng mga cosmetics nito?

Dinampot niya ang naroong matte lipstick, sinipat na mabuti.

'El Cosmetica'

Iyon ang brand ng lipstick.

"Cindal!"

Muli siyang napalingon sa nakasarang pinto, sinikap na kampantehin ang sarili at ibinalik sa sisidlian ang hawak na lipstick ngunit muntik na siyang mapahiyaw nang may kung ano'ng tumusok sa kanyang daliri nang muling halungkatin ang bag.

Kumislap sa kanyang paningin ang isang pares ng teardrop earrings---magkahalong ginto at dyamante, halatang mamahalin.

Alanganin niya iyong kinuha at isiniksik sa bulsa ng suot niyang uniform bago pa bumukas ang pinto ng silid at iniluwa si Aida na pinagpapawisan na kakahanap sa kanya.