Chereads / The Stolen Identity / Chapter 85 - It Was Lovan

Chapter 85 - It Was Lovan

It was engraved in Zigfred's mind that the woman in the hospital wasn't Lovan.

Subalit nang tumawag ang kanyang mama at tulirong ipinaalam sa kanyang nagising na ang babae at takot ang huling makita ito, hindi niya maiwasang magtaka, halos paliparin ang sasakyan papunta sa ospital.

"Where is she?" humihingal niyang tanong sa sumalubong na ina pagkapasok lang niya sa silid kung saan naroon si Lovan.

Nakita niya ang babaeng yakap ang sarili habang nakasiksik sa gilid ng kama. Pero nang marinig ang kanyang boses ay mabilis itong tumayo, patakbong lumapit sa kanya sabay pulupot sa kanyang batok at nagsimulang humagulhol.

"Zigfred, nakita ko na ang babaeng kamukha ko kasama ang mama mo," sumbong nito. "Siya at ang madrasta ko ang nag-utos sa mama mo na ipapatay ako."

He was startled, wrinkles appeared on his forehead. Confused, he pushed her gently and stared intently at his vulnerable face. Nakadungaw sa mga mata nito ang takot, patunay na hindi ito nagsisinungaling...na ito nga ang kanyang si Lovan.

Muli itong yumakap sa kanya.

Litong sinulyapan niya ang ina, namutla ito nang ituro ng babae bilang salarin sa nangyari sa huli.

"I--I didn't mean it. I thought she was an impostor kaya ko siya ipinadakip sa mga pulis. Pero wala akong balak na ipapatay siya," explained his mother, her face turned pale.

Siya namang pagpasok ng kanyang papa kasama ang isang doktor.

"Zigfred, ayaw ko rito. Papatayin nila ako. Gusto kong makita ang papa ko. Dalhin mo ako kay papa," pagmamakaawa ng nakayakap sa kanya habang ramdam niya ang panginginig ng katawan nito.

Lalo tuloy siyang nalito kung ito nga ba ang totoong si Lovan o sadyang magaling lang itong magkunwari.

"Ssshhhh.... It's alright. Walang pwedeng manakit sa'yo habang narito ako," pagbibigay niya ng assurance.

Magkasabay namang dumating sina Lenmark at Jildon.

Makahulugang tumingin sa kanya ang kaibigan, lihim siyang senenyasang lumabas muna.

Pero hindi niya magawa lalo na't humigpit ang yakap ni Lovan at lumapit din sa kanila ang papa niya kasama ang doktor.

Nagtatanong ang kanyang mga matang sumulyap sa ama subalit walang makitang emosyon sa mukha nito.

"She needs to rest for now. Kailangan pa siyang obserbahan uli dahil maaaring nagkaroon siya ng psychological trauma sa nangyari sa kanya," anang doktor na sa kanya nakatingin, para bang siya lang ang tao roon, pagkuwa'y sumulyap kay Lovan na nakasubsob ang mukha sa kanyang balikat.

Dalawang babaeng nurse ang pumasok at lumapit sa kanila, may hawak na syringe ang isa at walang anumang itinurok iyon kay Lovan.

Naramdaman niya ang pagluwang ng yakap ng huli habang paulit-ulit na sinasambit ang kanyang pangalan hanggang sa makatulog nang tuluyan, dahilan upang mag-guilty siya. Paano kung ito nga si Lovan, ang kanyang asawa? Ngayon pa lang ay nagkakasala na siya dahil nagdadalawang-isip siyang tanggapin ito.

"What about her pregnancy, doc?" baling niya sa doktor nang mapansing lalabas na ito sa silid na 'yon.

Nahagip ng kanyang paningin si Lenmark na lumapit sa nakahiga nang pasyente, hinawakan ang kwintas ng huling kahapon lang ay nakalagay pa sa supot.

"Pregnancy? I'm afraid there's no indication that she's pregnant. In fact she's on her period right now," pakaswal na sagot ng doktor.

"What?!" bulalas niya, salubong ang kilay na humarap sa doktor, mariing tinitigan ang mga mata kung nagsasabi ba ito ng totoo. Pero sa kampanteng ekspresyon nito, walang palatandaan na ito'y nagsisinungaling.

Ngunit bakit ang sabi ng isang doktor kagabi ay two months pregnant si Lovan?

Sino sa dalawa ang nagsasabi nang totoo?

Nasapo niya ang noo, pagkuwa'y nagmadaling lumabas sa kwartong iyon upang makalanghap ng hangin. Kung hindi niya gagawi'y baka bumigay na ang katawan niya sa sari-saring iniisip at gumugulo sa kanyang utak.

"Dude, may report ang detective na kinuha natin," pagbibigay-alam ni Jildon nang sumunod sa kanya palabas ng silid.

Hindi siya umimik, marahan lang na hinilot ng dalawang kamay ang masakit na ulo.

Nagpalinga-linga muna si Jildon bago muling nagsalita.

"Natagpuan ang bangkay ng dalawang kidnapper sa isang beach sa Sorsogon," dugtong nito.

Kunot-noong napabaling siya rito.

"Sorsogon? Paano'ng napunta roon ang mga bangkay?" 'di makapaniwalang usisa niya't hinila palayo ang kaibigan.

"Iyon din ang ikinapagtataka ko," ani Jildon, sandaling nag-isip.

Lupaypay ang mga balikat na napaupo siya sa malapit na bench, ngunit maya-maya'y napatayo din agad nang may biglang ideyang rumagasa sa kanyang isip.

Paano kung dinala nga si Lovan sa Sorsogon at doon pinagtangkaang patayin?

Paano kung tama siyang hindi nga ito ang nasa ospital ngayon, na ang asawa niyang totoo ay nanganganib ang buhay sa Sorsogon o 'di kaya ay binawian na ng buhay?

Hindi! Hindi pwedeng mamatay si Lovan! Hahanapin niya ito, kahit saan pa itong lupalop ng daigdig naroon.

Muli siyang pumasok sa pinanggalingang silid upang kausapin sana ang ama ngunit sa harap ng kausap pa ring doktor ay bigla na lang siya nitong inumbagan ng suntok na naging mannerism na yata nito.

Parang papel lang ang katawan niyang bumagsak sa sahig.

"Kung hindi mo kayang protektahan ang asawa mo mula sa kapahamakan, hindi ka na rin karapat-dapat maging CEO ng kompanya ko!" tumatalsik ang laway nitong sigaw, nanlilisik ang mga matang nakaduro sa kanya.

Mabilis na umawat ang kanyang ina hindi pa man nakakagawa ng panibagong hakbang ang asawa.

"Maawa ka sa anak natin, David," pakiusap ng ginang, iniyakap na ang katawan sa huli upang pigilan itong makalapit sa kanya.

"Ito ang tandaan mo, Carla. Simula ngayon, ayuko nang makita ang pagmumukha ng lalaking 'yan! Si Lenmark na ang bagong CEO ng kompanya!" anunsiyo nito na sa asawa nanlilisik ang mga mata pero nakaduro pa rin ang daliri sa kanya. Pagkatapos siyang titigan nang matalim ay pumiglas ito sa pagkakayakap ng asawa at nagmadaling lumabas ng kwarto.

Hindi nakaimik ang kanyang ina sa narinig.

Kahit si Lenmark na inalalayan siyang makatayo ay nagulat din at nanatiling tahimik hanggang makaalis ang tiyuhin.

Tila naman bingi ang dokto na lumapit sa dalawang nurse na nag-e-examine sa natutulog na pasyente.

Tinapik niya ang kamay ni Lenmark nang tuluyan siyang makatayo, nagtatagis ang bagang at walang sabi-sabing sumunod sa kanyang papa palabas ng silid.

Hindi na siya magtataka kung paanong nalaman agad ng ama ang tungkol sa ibinalita ni Jildon sa kanya pero gusto niyang magpasalamat rito't ito na ang gumawa ng paraan para malaya siyang makaalis sa lugar na iyon nang walang naghihinala sa kanya.

"Ihanda mo ang sasakyan," utos niya kay Jildon na nakabuntot lagi sa kanyang likuran.

"Uhm!" Sa kabila ng pagkataranta nito sa nangyaring eksena kanina ay nagawa pa ring tumango agad bilang tugon.

------------

"Sir, good news. May nagreport na mag-asawa sa bayan ng Bacon tungkol sa babaeng natagpuan nila sa baybayin," balita ng tumawag na detective, hindi pa man sila nakakarating sa Sorsogon.

Sinenyasan niya si Jildon na bilisan ang patakbo ng sasakyang minamaneho. Puyat din ang kaibigan ngunit 'di nito magawang magreklamo lalo na't alam nitong marami siyang iniisip ngayon.

"Kamukha ba siya ni Lovan?" unang lumabas na tanong sa kanyang bibig habang nakadikit sa tenga ang screen ng smartphone.

"Hindi makilala ang mukha ng babae dahil puno iyon ng mga pasa pero kasing-edad lang siya ng asawa niyo at parehas sila ng hubog ng katawan,' kumpirma ng nasa kabilang linya.

Nagsimula siyang kabahan. Baka si Lovan na nga 'yon. Hindi lang makilala dahil sa dami ng pasa sa mukha.

Nabuhayan siya ng loob. Ang mahalaga ay buhay ang kanyang asawa. Hindi siya maka-Diyos. Ni hindi niya naalalang tumawag siya sa Diyos para magdasal. Hindi siya atheist, sadya lang wala sa bokabularyo niya ang magdasal. Subalit ngayon, ipinikit niya ang mga mata.

'Please, give me another chance to protect her,' taimtim na hiyaw ng kanyang utak, kung pakikinggan siya ng Diyos o hindi, bahala na.

After 7 hours of travel, sa wakas ay nakita niya ang sariling kumakatok sa bahaykubong tirahan ng sinasabi ng detective na bahay ng mag-asawang kumupkop sa isang estrangherang babae.

"Sisay iyan?" tanong ng boses babae mula sa loob ng bahay.

Sumasal lalo ang kaba ng kanyang dibdib. Kaboses ni Lovan ang tinig nito. Ito na nga seguro ang kanyang asawa.

Pagbukas ng pinto, para rin siyang binuhusan ng malamig na tubig sa pagkadismaya. Ang kanina'y pag-asang makita na uli ang asawa'y parang bolang biglang naglaho at salubong ang kilay na bumaling sa kasama nilang detective.

"Didn't I tell you that my wife does'nt have any birthmark on her face? Dammit!" sigaw niya rito at agad nang tumalikod, nagmadaling umalis sa lugar na iyon.

Napakamot lang sa ulo ang detective at humingi ng tawad sa babae.

-----------

Lumipas ang isang araw, dalawa, tatlo hanggang umabot ng dalawang linggong paghahanap kay Lovan sa probinsiya ay wala pa ring makapagturo kung nasaan ang babae.

Maliban sa natagpuang mga bangkay ng dalawang babaeng palutang-lutang sa dalampasigan ng Maggalanes na halos hindi na makilala ang naaagnas na mga mukha ay wala nang kakaibang insidenteng nai-report sa mga pulis sa buong syudad ng Sorsogon.

"Dude, bumalik na lang kaya tayo sa Manila. Malakas talaga ang kutob ko na 'yong bangkay ng dalawang babae sa Magallanes ay ang impostor na Lovan at ang madrasta ng asawa mo," kumbinsi ni Jildon habang nakaupo sa driver's seat at panay ang sulyap sa lalaki sa rear view mirror.

Tahimik lang siyang nakaupo sa likod ng driver'seat, dinig ang sinasabi ng kaibigan ngunit pagod magsalita. Sa loob ng dalawang linggong halos galugarin nila ang buongrobinsiya ng Sorsogon, parang ngayon lang siya nakaramdam ng pagkahapo na ni ang bumigkas ng kahit isang titik ay hindi na niya magawa.

Lumingon na si Jildon sa kanya.

"Baka nagkakamali ka lang, dude. Baka si Lovan talaga ang ando'n sa ospital," patuloy nito sa pagkumbinsi sa kanya.

Isang matalim lang na titig ang iginanti niya para itikom nito ang bibig.

Tila isang pagong na biglang natakot at itinago ang ulo sa dalang-dalang bahay, tumiklop ang kaibigan, hindi na nagawang magreklamo pa.

Isinandal niya ang likod sa headboard ng upuan at pumikit.

Kelan lang ba niya nagawang makaidlip nang isang oras habang narito sila? Hindi niya maalala.

Ah...sapat na ba ang dalawang linggong iginugol niya sa paghahanap kay Lovan? Pagod na ang kanyang utak pati katawan.

Ngunit gusto man niyang tanggapin ang sinabi ni Jildon, hindi niya kayang dayain ang puso niya. Hindi niyon kilala ang babaeng naroon sa ospital dalawang linggo na ang nakararaan.

"Dude, maawa ka rin naman sa katawan mo. Kahit itinakwil ka ng papa mo, huwag mo pa ring pabayaan ang sarili mo. Lalambot din ang puso niya sa'yo." May himig nang panenermon sa boses ng lalaki.

Ngunit wala siya sa mood para pansinin ito.

Hanggang ngayon, walang laman ang kanyang isip at puso kundi si Lovan, walang ibang hiling kundi ang makita ito.

"Bumalik na tayo sa Manila." Subalit ayaw din niyang maging manhid sa kalagayan ni Jildon. Alam niyang tulad niya'y wala pa rin itong tulog sa loob ng dalawang linggo. Hindi lang masabing may lagnat ito pero halata niya iyon sa malamlam nitong mga mata.

Noon lang nagliwanag ang mukha ng kaibigan at agad pinaharorot ang sasakyang nakaparada sa gilid ng isang department store sa loob ng palengke ng Sorsogon.

Ngunit agad din itong nagpreno nang may biglang tumawid na batang babae sa kalsada. Kasunod nitto ang babaeng natatakpan ng suot na shawl ang mukha at agad hinablot ang kamay ng bata upang ilayo sa gitna ng daan.

Siya man ay gulat ding napatingin sa labas ng kotse, sinulyapan ang gusgusing bata maging ang hula niya'y ina nito, kasabay ng pagdagundong sa buong kalupaan ng malakas na kulog.

Bigla ay kumulimlim ang palibot.

"Nasaan ang nanay mo? Halika, ihahatid kita sa inyo," narinig niyang tanong ng babaeng akala niyang ina ng bata.

Napatingin siya rito habang mabagal na pinapatakbo ni Jildon ang sasakyan. Hinawakan nito ang kamay ng bata at nagsimulang maglakad palayo sa kalsada.

Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na lungkot habang hinahabol ng tingin ang dalawang palayo nang palayo sa kaniya.

"Lovannn!"

Pakiramdam niya, nasa mahimbing siyang pagkakatulog, may pumukpok lang sa kanyang ulo kaya siya nagising.

In an instant, he saw Lenmark from afar, nakaharap sa kanina'y pinanggalingan nila, siya rin namang pagbuhos ng malakas na ulan.

"Stop the car!" matigas niyang utos sa kaibigan na bigla na namang nagpreno, mas malakas kesa kanina.

Hindi kayang ihalintulad sa rumaragasang buhos ng ulan ang lakas at sasal ng kabog ng kanyang dibdib habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.

At nang humarap siya sa pinagmamasdan ng pinsan, tears suddenly flowed from his cheeks.

It was her!