Chereads / The Stolen Identity / Chapter 84 - His Father's Burden

Chapter 84 - His Father's Burden

Walang direksyon ang paa ni Zigfred habang naglalakad sa gilid ng daan, bagsak ang mga balikat, ni hindi niya alam kung saan hahanapin si Lovan.

Sa huli'y dinala siya ng mga paa sa mismong apartment na tinutuluyan ng byenang lalaki.

"Sir Zigfred!" bulalas ni Ivory sa may gate pagkakita sa kanya.

Noon lang nag-angat ng mukha, nagulat din nang makita ang nurse ng byenang lalaki, mayamaya'y lumapit na siya rito't pumasok sa loob ng bahay.

"Tamang-tama po, gising ang alaga ko, hinihintay si Senyorita Lovan," anang nurse at iginiya siya papasok sa kwarto ng ginoo.

Bumuntunghininga muna siya at pilit ang ngiting pinakawalan bago tuluyang pumasok sa loob ng silid.

Naratnan niya itong tahimik na nakaupo sa wheelchair at nakaharap sa nakabukas na bintana, nakatalikod sa kanya.

"P-papa..." He stammered, but tried to calm himself. Ayaw niyang mapansin ng ginoong magulo ang utak niya ngayon.

Nang humarap siya rito't lumuhod ay saka lang niya nakitang yakap nito ang larawan ni Lovan noong hindi pa ito naaaksidente.

Matamis itong ngumiti sa kanya ngunit kapansin-pansin ang mugtong mga mata, tila ba kagagaling lang sa matagal na pag-iyak.

Kumurap-kurap siya upang pakalmahin ang sarili at huwag magpaapekto sa nakikita.

"Papa, did she come here yesterday?" basag ang boses niyang tanong.

Mariin siya nitong tinitigan, matagal bago umiling, marahang inabot ang kanyang kamay at nagsulat sa palad niya.

"Where is my tulip?"

Napasinghot siya, awtomatikong nailamukos ang isang palad sa mukha at muling kumurap-kurap upang itago ang pangingilid ng luha, pagkuwa'y masaya siyang ngumiti ngunit hindi makaderetso nang tingin dito.

"Nasa suite ko," pagsisinungaling niya, yumuko, inilapat ang noo sa mga tuhod nito at humugot ng isa pang buntunghinga bago nag-angat na uli ng mukha, kunwari'y sinuri ang buong kwarto.

Napansin niyang kunti na lang ang mga gamit na naroon, bahagya ding nakabukas ang closet nito.

Naramdaman niyang nagsusulat ito sa kanyang palad.

"Find her."

Kunot-noong tumingala siya sa byenan ngunit hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. May alam ba ito sa nangyari kay Lovan? Paano nito nalaman?

But the smile on the latter's face told him nothing or he was just really good at pretending.

Kahit noon pa man, hindi niya nakitang pinanghinaan ito ng loob sa kabila ng sitwasyon nito.

May isinulat ito sa palad niya na naging palaisipan sa kanya hanggang sa makaalis sa lugar na 'yon.

"To fool a fool is to be a fool."

Literal man ang ibig sabihin no'n pero bakit 'yon ang ibinigay ng byenan sa kanya?

Segurado siyang may alam ito sa nangyari kay Lovan kaya mugto ang mga mata nito pero bakit hindi nito ipinakita ang totoong nararamdaman sa kanya?

Gusto nitong magkunwari siyang walang alam sa nangyari kay Lovan at sakyan ang laro ng nagpapanggap na Lovan?

It seemed that his step-father's motive from the moment the latter asked him to marry Lovan wasn't as simple as marrying her.

Why? What was the real reason?

Nagsimula na siyang magtaka, nagsimulang maghalungkat ng mga bagay.

He even questioned himself about the latter's situation for the past 10 years.

Marami itong pera, mas mayaman pa nga sa kanila dati pero bakit hindi na ito nakalakad hanggang ngayon? Bakit hindi ito naipagamot sa abroad at nagkasya na lang sa pag-maintain ng gamot?

What really happened ten years ago?

"Dude, matulog ka kaya muna." Boses ni Jildon ang nagpabalik sa naglalakbay niyang isip sa kasalukuyan habang tahimik siyang nakaupo sa L-shaped sofa sa kanyang suite, ito nama'y balisang nakatitig sa kanya, mayamaya'y tumayo pero 'di malaman kung kukuhanan siya ng tubig na maiinom o alak kaya.

Pagkuwa'y muling umupo sa katapat na single sofa at tinitigan siya.

Ngunit nanatili siyang walang imik, hindi matukoy kung ano'ng eksaktong pinapagawa sa kanya ng byenan, kung ano'ng gusto nitong malaman niya.

Hanggang sa rumihestro sa kanyang utak ang mukha ng sariling ama.

Saka lang siya tumayo at lumabas ng suite. Sumunod na uli ang napapagod nang si Jildon sa kabubuntot sa kanya.

-------------

"Do you think you can solve this in just a day or two with your recklessness and stupidity?" simula agad ng papa niya.

Nagparoo't parito ito sa harap niya habang siya'y nakaupo lang sa swivel chair sa personal mini-library nito.

Maya-maya'y gigil siya nitong dinuro.

"It was you who made this more complicated!" aburido nitong singhal.

"Naroon na ako sa gitna! Pero dahil sa katangahan mo, babalik na naman ako sa simula!" makahulugan nitong saad sabay pukpok ng kamay sa lamesa, pagkuwa'y tinuktukan siya sa ulo.

"Let me in, Papa. Maybe I can help," presenta niya sa tonong nakikiusap sabay tayo at humarap dito.

"Alam kong marami kang tinatago sa'kin. halimbawa'y bakit ka tumawag sa hotel upang ipa-review ang cctv footage kahapon," patuloy niya.

Doon lang natahimik ang ama, matagal siyang tinitigan.

Tinatapan niya ang mga titig nito nang hindi kumukurap.

"Sino ang iniimbestigahan mo? Ano ang mga bagay na natuklasan mo? Iyon ba ang iniutos sa'yo ni Papa Marcus?"

Naglikot bigla ang mga mata nito sa mga tanong niya, saka tumalikod at ipinamulsa ang dalawang kamay sa suot na black pants.

Hindi siya basta sumuko, nilapitan ito't hinarap muli.

"Papa, asawa ko si Lovan. Byenan ko si Papa Marcus. I need to know what happened ten years ago upang malaman ko kung ano ang gagawin ngayon." Gumaralgal na ang kanyang boses, nagbabakasaling lumambot ang puso ng ama.

Nagtagis ang kanyang mga ngipin nang walang marinig na sagot mula rito pagkatapos ng ilang segundo.

"Alright," pagsuko niya, inilayo ang tingin dito.

"I'll do it myself!" malamig niyang turan at nagsimula nang humakbang palayo sa ama ngunit hindi pa man niya nahahawakan ang doorknob ng pinto ay nagsalita ito.

"I'm investigating for ten long years at madami na akong kinuhang detective ngunit ultimo original copy ng birth certificate ni Shavy ay walang makapagbigay sa'kin," he said anxiously.

Marahan siyang pumihit paharap sa ama, hawak na nito ang baba habang nakapameywang ang isang kamay.

"Bakit hindi mo tanungin ang eskwelahang pinasukan namin noong high school? Baka may birth certificate sila ni Shavy?" suhestyon niya na ikinapakulo na naman ng dugo nito.

"What's in that mind of yours, huh?! Your enemy is thinking like a genius serial killer and yet your mind is just as stupid as a tiny cockroach!" singhal na naman nito.

Natahimik siya, pilit itong inunawa. Sa ngayon, wala siyang ibang matatakbuhan maliban dito. Kailangan niyang mahanap si Lovan sa lalong madaling panahon. Hindi siya makapapayag na may mangyaring masama sa kanyang asawa.

Bumuntunghininga ang ama, mayamaya'y lumapit sa kanya, hinawakan siya sa balikat.

"I know this is hard for you, Zigfred. Pero I have tried my best to help Marcus. Hangga't hindi bumabalik ang batang si Lovan, wala akong magagawa para sa kanila," tila sumusuko nang saad nito sabay malungkot na umiling.

"She did came back pero hindi niya kilala ang sarili niya. She even disappeared again in front of my eyes. Your father is a real trash, it's true," nanlulumong saad nito at marahang tinapik ang kanyang balikat saka tumalikod sa kanya.

"Just help me find clues, Papa. I promise I'll make them pay for their crime," matapang niyang sambit, buo na ang loob na gumawa ng imbestigasyon upang mahanap si Lovan at malaman kung ano'ng nangyari sa pamilya nito ten years ago.

Lihim na napangiti ang kanyang ama ngunit nang muling humarap sa kanya ay seryoso na uli ang mukha nito.

"Remember this. If you really love Lovan, your heart will lead you to your wife," anito bago siya tuluyang lumabas sa silid na iyon.