Isang suntok agad ang sumalubong kay Zigfred mula sa galit na ama hindi pa man siya nakakalapit sa nakaratay na si Lovan sa hospital bed.
Though it was expected from his rude father lalo't alam niya kung gaano kalapit si Lovan dito, hindi pa rin niya nabalanse ang sariling katawan at parang lantang gulay na nadapa sa sahig.
"You damnn asshole!" Litid ang mga ugat nito sa leeg at nagtataas-baba ang dibdib sa galit sa kanya.
Umiiyak na iniharang ng kanyang mama ang sariling katawan nang susunggaban siya uli ng ama.
"Tama na! Kasalanan ko ang lahat. Walang kasalanan ang anak mo!" hiyaw ng ina, humahagulhol siyang inalalayang makatayo.
Si Lenmark nama'y pinigilang makalapit ang tiyuhin.
Kilala niya ang ama mula pa noon. Pagdating kay Lovan, protective ito na para bang ang babae ang anak nito. Mas mahal pa nga yata nito ang manugang kesa sa kanya. Pero hindi siya nagtanong kung bakit. Subalit ngayon, mula nang malaman niyang tumawag ito sa hotel upang ipa-review ang cctv footage sa harap ng kanyang suite, gusto na niyang magdudang dahil lang iyon sa pagiging protective nito.
Kaya kahit na nasuntok nito'y buong pagpapakumbaba pa rin siyang lumapit.
"Sorry, Pa," mahina niyang sambit, unang beses na humingi siya ng tawad dito.
Tinapik ng ama ang kamay ni Lenmark na nakakapit dito, pagkuwa'y kinuwelyuhan siya.
"It's because of your stupidity that she's now in this vulnerable state. You fool!" matigas nitong paninisi sa kanya, nagtatagis ang bagang habang malakas na tinutuktukan siya sa ulo.
"Tama na, David. Isisi mo sa'kin ang lahat. Kung sinabi ko sana agad kay Zigfred na ipina-kidnap ng impostor na Lovan ang manugang natin, hindi sana siya napahamak nang ganito," pagtatanggol ng ina sa kanya.
Salubong ang kilay na bumaling siya sa nagsalita, hindi alam kung magagalit o iiyak sa nalaman habang awang ang bibig na nagtatanong ang mga matang tumitig dito.
"What did you say?" pabalya niyang tanong, nakalimutang ina niya ang kausap.
Tumigil ito sa paghagulhol, ilang beses na lumunok ngunit panay pa rin ang patak ng mga luha.
"Nagpunta sa'kin si Lovan sa opisina, nagmakaawang iligtas siya sa isang babaeng nagpanggap na siya sa araw ng kasal niyo dahil papatayin daw siya nito kaya ipinadakip ko ang impostor pero nakatakas ang babaeng 'yon at binalak nga niyang patayin si Lovan," pautal-utal na kwento ng ginang.
Parang tinutusok ng karayom ang kanyng dibdib habang ini-imagine sa utak ang nangyari sa asawa batay sa salaysay ng ina.
Tumalikod siya sa tatlo at nilapitan ang nakaratay na babae. Awa ang agad na lumukob sa kanya pagkakita lang ditong may malaking bandage sa kaliwang braso. Naikuyom niya ang mga kamao, hindi alam kung sino ang sisisihin sa nangyari--siya ba dahil binalewala niya ito kahapon at kagabi o ang gumawa nito mismo?
Subalit habang tinititigan niya nang matagal ang asawa't nakikita ang ilang tubo sa ilong nito't mga kamay, unti-unting nawawala ang kanyang nararamdaman na ikinapagtaka niya.
"I'm the patient's doctor. Who is her immediate relative here?" Tinig ng kapapasok lang na matabang lalaki ang umagaw sa kanyang atensyon.
Itinaas niya ang kamay at matigas ang mukhang bumaling dito.
"I need to talk to him in private," anang doktor, sa kanya lumapit.
Nagpatiunang lumabas ang ama niya, sumunod ang ina at pinsan.
Isang buntunghininga ang pinakawalan ng doktor na ikinabahala niya.
May ibinigay sa kanyang X-ray.
"What's this?" maang niyang usisa.
"She's two months pregnant kaya kailangan mo siyang alagaang mabuti."
Parang bombang sumabog sa kanyang pandinig ang sinabi ng doktor. Hindi niya maiwasang magtagis ang bagang sa halip na matuwa at magdiwang.
Why was she pregnant for two months when they had just made love three days ago?
Nagsimulang mamula ang kanyang magkabilang tenga, malalakas na naglagutukan ang kanyang mga kamao at kahit ang doktor ay dinig ang pagtatagis ng kanyang mga ipin.
"But what bothers me is her blood," anito, iniladlad sa kanya ang kwintas sa loob ng isang clear plastic evidence bag na alam niyang si Lovan lang ang nagmamay-ari.
Salubong ang kilay na pinagmasdan niyang mabuti ang locket pero wala siyang kakaibang nakita o napansin sa kwintas maliban lang na nakabukas ang locket niyon.
"Your wife's blood is type B positive and she's two months pregnant. And the blood inside of this locket is also type B positive but it's very early to detect if she's pregnant or not which means, this must be someone's blood, maybe from the suspect?"
Hindi niya maunawaan ang kabang nararamdaman sabay lingon sa tulog pa ring babae, pagkuwa'y bumaling uli sa kausap. Nanginginig ang malamig na kamay na kinuha niya mula rito ang supot kung saan nakapaloob ang kwintas. Iyon ang pinakamatibay na ebidensyang magpapatunay na hindi si Lovan ang nakaratay sa hospital bed.
Gusto niyang manuntok ng tao sa galit. Bakit may dugo sa kwintas ng kanyang asawa? Bakit may tama ng baril ang nagpapanggap na Lovan?
Parang mabibiak na ang kanyang utak sa madaming katanungan hanggang sa hindi niya mapigilan ang pagkawala ng dalawang butil ng luha sa kanyang mga mata.
Walang anumang bumukas ang pinto at iniluwa si Jildon na humahangos papalapit sa kanila.
"If you have any other quesrions, feel free to call me," pagtatapos ng doktor, kinuha uli ang kwintas, lihim na isinuksok sa kanyang bulsa ang isang calling card at lumabas na roon.
Naiwan siyang tila ninakawan ng natitirang lakas at napakapit sa gilid ng kama.
"Dude, okay ka lang?" nag-aalalang usisa ng kaibigan.
Hindi siya sumagot, inayos ang sarili't walang sabi-sabing humakbang papunta sana sa pinto ngunit bigla na lang ay tila nawalan ng buto ang kanyang mga tuhod, saka siya nadapa sa sahig.
"Pull yourself together. Ngayon mo higit na kailangang maging malakas para kay Lovan," payo nito, nasa boses pa rin ang 'di matatawarang sympathy sa kanya.
"Magpahinga ka muna. Wala ka pang tulog mula pa kagabi. Ako na muna ang mag-aalaga sa asawa mo," anito saka siya inalalayan sa magkabilang braso ngunit nahinto ito sa ginagawa nang ilagay niya ang isang kamay sa balikat nito at pinisil iyon.
"She's not my wife, Jildon. She's not--" Hindi niya na napigilan ang sarili't niyakap ang kaibigang nagulat at naguluhan sa sinabi niya.
Ilang minutong nagtaas-baba ang kanyang mga balikat sa sari-saring emosyong nararamdaman. Isipin pa lang na dugo nga ni Lovan ang nasa loob ng locket at merong masamang nangyari dito, parang gusto na niyang pumatay ng tao sa galit. Paano kung patay na ito kaya nakuha ng impostor ang kwintas?
Ano'ng gagawin niya?
Ngayon pa lang, gusto na niyang sunggaban ang babae sa bed at sakalin ito hanggang mamatay.
Ang sakit ng kanyang dibdib, para iyong tuyong damit na pinipigang pilit, mahapdi, bumabaon ang sakit.
Napahikbi na rin si Jildon.
"Dude, baka nagkakamali ka lang. Hintayin muna nating gumising siya at saka natin imbestigahan kung siya nga ang asawa mo," hikayat nito ngunit wala siyang panahong pakinggan ang kaibigan.
Mas naniniwala siya sa doktor na 'yon.
Hahanapin niya si Lovan. Hindi siya makapapayag na may mangyaring masama rito.
Inipon niya ang natitirang lakas, saka tumayo't nagmadaling lumabas sa kwartong iyon.
Sumunod ang naguguluhang si Jildon.
Lingid sa kanila ay gising pala ang nakaratay sa bed at narinig ang lahat ng usapan mula pa kanina. Ngayo'y nanginginig ang mga kamay nitong dinukot ang phone sa ilalim ng hinihigaang unan at nag-dial ng number.
"Mommmy, napakabobo mo talaga! Hindi ba't sinabi ko na sayo'ng piliin mo ang mga doktor na mag-aasikaso sa'kin?" nanlilisik ang nga matang sermon nito sa kabilang linya.
"Yes, I did. Ang papa mo pa ang nag-ayos ng lahat," sagot ng kausap sabay halakhak nang malakas.
"Ang tanga-tanga niyo! Bakit merong doktor na nagpunta rito at sinabing may dugong nakita sa loob ng locket ng babaeng 'yon?" mahina nitong sigaw upang hindi marinig sa labas ng ICU.
"Ano?!" gulat na hiyaw ng nasa kabilang linya.
Noon lang gumaralgal ang boses ng babae.
"Mommy, tulungan mo ako. Alam agad ni Zigfred na hindi ako ang impostor na 'yon. Ano'ng gagawin ko? Hindi ako papayag na hindi mapasakin si Zigfred. Ako lang dapat ang mahal niya," anito sa garalgal na tinig.
"Calm down, iha. Magaling sa ganyan ang ama mo. Kaya nating lusutan 'yan. Ang mahalaga ay makuha natin ang yaman ng mga Arunzado. Mas maganda ngang nalaman nating alam pala ni Zigfred na ang babaeng 'yon ay ang anak ni Marcus." Muling humalakhak ang nasa kabilang linya.