Ilang oras nang hindi maipinta ang mukha ni Zigfred at nagtatagis ang bagang habang nakaupo sa kaniyang swivel chair, nakatitig sa kawalan. He suddenly clenched his fist and when he slammed the table out of anger, Jildon stepped back in fear.
"Dude naman! Hihimatayin ako sa ginagawa mo!" padabog nitong saad habang nakanguso na nakatitig sa kanya, ngunit halata ang pangangatal ng mga kamay na itinago sa likuran nito.
"It's almost 10 hours when she left pero hanggang ngayon wala pa rin siya!" matigas niyang wika, matalim ang titig sa kaibigan na parang kasalanan nito kung bakit hindi pa rin bumabalik sa lugar na 'yon si Lovan.
"Ikaw ba naman ang ipahiya sa mga bisita kagabi. Natural na magtampo 'yon," katwiran nito ngunit nang makita ang kulang na lang ay umusok niyang bumbunan sa galit ay nagbaba ito nang mukha sabay ubo.
"Baka naman magkasama lang sila ni Lenmark," anito na lang na lalong ikinapakulo ng kanyang dugo at para lang papel na ibinalibag ang lamesa sa kanyang harapan.
Muntik nang mapalundag si Jildon sa kaba at tila baklang mabilis na itinakip ang palad sa bibig upang hindi kumawala ang isang matinis na sigaw sa pagkagulat.
Nasa gano'n silang kalagayan nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at nilamon papasok si Lenmark na gwapong-gwapo sa
suot nitong 3-piece suit and checkered tie.
Muli siyang binalot ng panibugho. Para bang tinutusok ng matalim na kutsilyo ang kanyang dibdib sa selos na gusto niyang salubungin ang pinsan at umbagan ng malakas na suntok sa mukha.
Muli ay lumitaw sa kaniyang balintataw ang nakitang eksena sa loob pa man din ng studio niya. Ilang beses niyang narinig ang pagtatagis ng sariling ipin sa pagpipigil ng galit.
Sandaling napahinto sa paglapit sa kanya ang pinsan pagkakita sa basag na desktop sa sahig, sirang telepono, natumbang lamesa at nagkalat na mga folder. Nagtatanong ang mga mata nitong napatingin kay Jildon ngunit isang kibit-balikat lang ang sagot ng kaibigan sabay pailalim na sumulyap sa kanya.
Tumalikod siya sa dalawa't pigil ang galit na inihimas ang isang palad sa mukha, pagkuwa'y isinuksok sa bulsa ng kaniyang pants ang isang kamay.
Si Jildon nama'y lihim na lumabas nang makalapit na sa kanya ang pinsan.
"Zigfred, I couldn't contact Lovan since yesterday. Baka alam mo kung nasaan siya," walang gatol na wika nito.
Awtomatikong tumaas ang isa niyang kilay. Hindi ba ito ang kasama ni Lovan simula pa kagabi?
Salubong ang kilay na humarap siya rito, mariing tumitig sa mga mata nitong malamlam at malaki ang eyebags. Nainis siya sa sarili dahil ang kaninang galit dito'y napalitan ng kirot sa dibdib. Siya lang dapat ang higit na nag-aalala sa asawa. Siya dapat ang higit na nakakaalam kung nasaan ito. Pero ni hindi niya ito naisip tawagan simula pa kahapon nang makita niya itong kayakap si Lenmark.
"About what happened yesterday...She saw your paintings and--" Hindi nito natapos ang sasabihin nang marinig ang tunog ng kanyang phone.
Lalo lang siyang nasaktan nang makitang nakadungaw sa mga mata nito ang pagmamahal kay Lovan. Kung ikukumpara sa nararamdaman niya sa asawa, hindi rin ito patatalo. Gaano ba kalalim ang relasyon ng dalawa upang hindi niya mapaghiwalay ang mga ito kahit ilang beses na niyang pinagbawalan si Lovan na layuan ang una?
"Your phone. Baka si Lovan ang tumatawag," pukaw ng kaharap nang mapansing wala siyang balak sagutin ang tawag.
Doon lang siya tila natauhan at dinukot sa bulsa ang phone. Lalo siyang nagtaka nang makita ang number ng manager sa hotel na tinitirhan.
"Ziggy..."
Sasagutin na sana niya ang tawag nang tila may malamig na hanging dumaan sa kanya kasabay ng malamyos na tinig ni Lovan. Nanindig bigla ang kanyang balahibo at awtomatikong bumaling sa saradong pinto, baka nakatayo lang ito roon, pero walang tao liban sa kanila ni Lenmark.
Kapwa pa sila nagulat ng pinsan nang 'di sinasadyang dumaosdos ang phone sa kanyang kamay.
"What's wrong?" takang usisa ng binata.
Lito siyang napailing. "Did you hear her calling my name?" litong tanong niya pabalik rito.
"Who?" lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito na higit niyang ikinalito sabay dampot sa nahulog na phone at mabilis iyong sinagot.
"Sir, may unknown number po na tumawag sa hotel, tinatanong kung pwedeng i-review ang cctv footage kahapon sa harap ng suite niyo," walang paligoy-ligoy na kwento ng manager.
Biglang sumakit ang kaniyang ulo kasabay ng tila tambol na kabog ng kanyang dibdib.
"Bakit at sino ang tumawag?" Iyon agad ang lumabas sa kanyang bibig.
Napatingin sa kanya si Lenmark, nagtatanong ang mga mata.
"We haven't checked the number yet. Pero what I'm concerned about ay 'yong nakita sa cctv kahapon at around 4PM. May--" anang manager.
Hindi na niya pinakinggan ang sasabihin nito't halos tumakbo na palabas ng opisina.
Nagtataka ma'y sumunod na lang din si Lenmark.
-------------
Pakiramdam niya, parang tuyong damit na pinipiga ang kanyang puso...gusto niyang mamilipit sa sakit habang paulit-ulit na pinapanood sa monitoring ng cctv ang paglabas ng isang lalaki sa kanyang suite sukbit sa balikat ang isang malaking sako na segurado siyang si Lovan ang laman at dumaan sa elevator pababa sa basement ng hotel hanggang sa kotse nitong dala. Nakita din ang kasama nitong lalaking nakabantay sa loob ng sasakyan.
Bago nangyari 'yon ay nakita pa niya ang sarili sa cctv na lumabas at ilang minuto lang ay lumabas si Lenmark pero hindi siya nito naabutan.
Nilingon niya si Lenmark na kanina pa nakikipag-usap sa phone nito sa 'di kalayuan sa kanya. Sa nakikita niyang pag-aalala sa mukha ng binata, masasabi ba niyang nagsisinungaling ito na kahapon pa nito hindi natatawagan si Lovan?
At paano niya ipaliliwanag ang nangyari kagabi? Si Lovan mismo ang nakita niya sa party pero dahil sa galit niya'y nagawa pa niya itong ipahiya sa mga bisita. Suot pa nga nito ang regalo niyang gown.
Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib, hindi niya kayang ignorahin.
Tinawagan niya ang number ni Lovan. Ngunit tulad ng sabi ni Lenmark, out of reach iyon. Napasulyap siya sa pinsan. May kausap pa rin ito sa phone. Nang bumaling siya sa manager, isang empleyado naman ang kausap nito't may ibinigay na bond paper sa una saka muling humarap sa kanya at iniabot ang papel.
"Ito ang record ng unknown number na tumawag sa'min, Sir," anang manager, tumalikod na ito sa kausap na agad namang lumayo sa kanila.
Kinuha niya rito ang papel. Isang katanungan agad ang rumihestro sa kanyang utak.
Batay sa IP address na nakasulat sa papel, bahay nila ang pinanggalingan ng tawag. Ang sabi ng manager, isang lalaking may edad na ang tumawag para ipa-review ang cctv footage sa hotel.
Ang papa ba niya? Bakit? Paano nalaman ng papa niya ang nangyari? Naka-monitor ba ito sa kanyang asawa? Bakit naman nito gagawin 'yon?
Hindi pa man niya nasasagot ang mga katanungang sa isip ay tumunog na uli ang kanyang phone. Unknown number ang nakalagay sa screen.
"Kayo po ba si Mr. Zigfred Arunzado?" tanong sa kanya.
"Oho--"
"Sir, sa Manila General Hospital po ito. Inform po namin kayo na narito po si Mrs. Lovan Claudio Arunzado sa ICU, natagpuan pong walang malay sa labas ng ospital, may tama po ng baril sa braso," detalyadong pagbibigay-alam ng nasa kabilang linya.
Biglang umikot ang kanyang paningin sa narinig, sumabay ang panlalambot ng kanyang mga tuhod na kung hindi siya nahawakan agad ng lumapit na si Lenmark ay baka bumagsak na siya sa sahig.