Chereads / The Stolen Identity / Chapter 76 - Ang Pagkalito

Chapter 76 - Ang Pagkalito

Ilang minuto nang pinagmamasdan ni Zigfred ang mamahaling relong binili pa niya sa Dubai para lang kay Lovan. Nakalagay iyon sa maliit na kahon kung saan ay nakasulat sa takip ang mga letrang, Jaeger-Coultre.

It was a heart-shaped watch surrounded by different cuts of tiny diamonds all around the bracelet.

Iyon ang pinakamaliit na relong nakita niya sa bansang iyon pero segurado siyang magugustuhan ng kanyang asawa.

A mischievous smile slipped from his mouth as he reminisced about their lovemaking last night.

"Ahem!" Pukaw ni Jildon nang mapansing hindi na siya nakikinig sa mga sinasabi nito.

Awtomatikong tumaas ang isa niyang kilay at tinapunan ito nang matalim na sulyap bago tinakpan ang relo at ibinalik sa maliit na paper bag.

Nagkamot ng batok ang kaibigan ngunit nanunudyo ang mga titig sa kanya.

"Ano kaya'ng meron ngayong araw? Para kasing sobrang aliwalas ng kalangitan eh," pakli nito sa seryosong boses, sinadya pang tumingala sa kisame na tila kita roon ang bughaw na langit.

Kanina pa itong umaga nanunudyo sa kanya nang mahulaang magkasama sila ni Lovan kagabi sa yate.

Salubong ang kilay na ibinato niya rito ang nadampot na sliding folder. Mabilis itong nakailag ngunit panay ang tawa, natigil lang nang walang anumang bumukas ang pinto ng opisina.

"Zigfred!"

Kapwa sila napaharap sa may-ari ng boses. Umarko bigla ang isa niyang kilay sa pagtataka, pagkuwa'y napatitig sa mukha ni Lovan na kapansin-pansin ang makapal na make up at lipstick. Hindi niya maiwasang sipatin ang suot nitong bodycon dress na pinatungan lang ng open front coat, hanggang tuhod nito ang haba, binagayan ng high-heeled black boots na sapin sa paa. Sa kanang balikat nito'y nakasukbit ang Louis Vuitton sling bag.

Nagkatinginan sila ni Jildon. Ang tanda niya, ayaw ni Lovan na nagpupunta sa kanyang opisina. Ni ayaw nitong pinag-uusapan sila bilang mag-asawa sa buong kompanya. But here she was, a beaming smile plastered on her face with arms outretched, ready to give him a romantic hug.

Though, he must admit, napakaganda ng babae. Marahil ay sinadya nito iyon upang akitin siya.

Sa naisip ay hindi niya napigilan ang isang pilyong ngisi, kusang lumapit dito't yumakap nang mahigpit.

"I missed you, Honey," She seductively whispered on his earlobe that made his manhood respond with full arousal.

Subalit nang maamoy niya ang buhok nito'y napalayo siya bigla sabay pagkawala mula dito.

"Nagpalit ka ba ng shampoo?" kunut-noo niyang usisa.

Her face went pale all of a sudden pero agad din itong nagpakawala ng isang kampanteng ngiti.

"Ah, oo. Bumili ako ng bagong shampoo kanina, naglalagas na kasi ang buhok ko sa dati kong shampoo," paliwanag nito, muli siyang kinabig para yakapin nang mahigpit.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nawalan ng gana at mabilis na kumawala rito saka lumapit sa nakabukas pa ring pinto. Nasulyapan niya si Yahnie na sapo ng palad ang kaliwang pisngi at matalim na nakatitig sa kanyang opisina yumuko lang nang makita siya.

Sandali siyang natahimik. Sinampal ba ng kanyang asawa si Yahnie?

Naihilig niya ang ulo at sunod na sinulyapan si Lovan na hawak na sa kamay ang relong dapat sana ay ibibigay niya mamaya sa welcome party.

"Wow! Ang ganda!" bulalas nito, kumislap agad ang mga mata sa paghanga at nagmadali iyong isinuot.

"Talagang nag-effort si Zigfred para lang bilhan ka ng mamahaling relo sa Dubai," sabad ni Jildon, sumulyap sa kanya, nagtama ang kanilang paningin.

Isang payak na ngiti ang kanyang ipinukol dito sabay sara sa pinto at lumapit sa asawang halos lumundag sa tuwa habang sinisipat ang bawat dyamanteng nakalagay sa buong relo.

Hinawakan niya ang kamay nitong tila yata lalong lumambot ngayon. Halata ding kagagaling lang nito sa salon at nagpa-manicure. Marahil ay pinaghandaan ang party ilang oras na lang mula ngayon.

Ngunit bakit pakiramdam niya sobra ang ginawa nitong pagpapaganda? Para lang ba talaga 'yon sa kanya?

Inihilig niya ang ulo upang palisin ang panibughong gustong sumakop sa kanyang utak. Ayaw niyang isiping hanggang ngayon ay karibal pa rin niya si Lenmark. Nakuha na niya si Lovan kagabi. Hindi dapat siya nagdududa sa loyalty nito.

Yumuko siya, marahang inilapit sa bibig ang kamay nito at maingat na hinalikan ang likod ng palad ng asawa.

Humagikhik ito bilang sagot.

Kinikilig namang nakamasid si Jildon mula sa kanyang likuran.

Nag-angat siya ng mukha hawak pa rin ang kamay ng asawa ngunit nang mahagip ng kanyang mata ang leeg nito'y nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Bakit ka nagpalit ng kwintas?" taka niyang usisa.

Sandali itong natigilan, pagkalito ang agad na bumakas sa mukha. Ngunit nang makabawi ay matamis na uling ngumiti, saka ipinakita ang suot nitong kwintas.

"Regalo ito ng mama mo kanina. Pumunta kasi ako sa office niya bago dumeretso dito," malambing nitong saad.

Alanganin siyang tumango at marahang binitiwan ang kamay nito. Nagtataka man sa asawa'y hindi na lang niya binigyan ng anupamang kahulugan.

"By the way," pakli niya.

"Sa suite ka tumuloy after ng work mo. May inihanda akong regalo para sa'yo sa studio," aniya rito.

Isa na namang hagikhik ang pinakawalan nito, subalit sandaling natigilan at lito na namang tumitig sa kanya, pagkuwa'y alanganing ngumiti.

"Ah, oo. May work pa pala ako," anito, saka sumulyap kay Jildon na ngingisi-ngisi pa rin habang nakamasid sa kanila.

Isang mahinang katok sa pinto ang umagaw ng kanilang pansin.

"Mr. Arunzado, Sir. Pinapupunta po kayo ni Mr. Chairman sa office niya," pormal na wika ni Yahnie nang bumungad sa pinto at muli iyong isinara.

Marahan niyang tinapik ang balikat ni Lovan. "I have to go. Sa suite mo na lang ako hintayin," paalam niya.

Tumingkayad ito upang sana bigyan siya ng halik ngunit ewan ba kung bakit nawalan siya ng ganang pagbigyan ito, marahil ay dahil naaasiwa siya kay Jildon. Sa halip na yumukod ay humakbang na siya palayo sa asawa't nagmadaling lumabas ng opisina.

Si Jildon nama'y nanunudyong nilapitan si Lovan sabay siko dito.

"Umamin ka, may nangyari sa inyo kagabi, noh?" kumpirma nito.

"What?!" umalingawngaw ang matinis na boses na iyon sa buong opisina dahilan upang sandaling mapatda sa kinatatayuan ang lalaki.

Napalitan ng mala-tigreng mukha ang kanina'y maamong awra ng babae. She gritted her teeth and furiously glared at Jildon.

"Let me remind you of something, just in case you forgot it," matigas nitong sambit na ikinapagtaka ng lalaki ngunit bigla ay binatukan ito ng huli.

"Gaga. Nag-honeymoon lang kayo ni Zigfred kagabi, para ka nang 'yong bruhang Lovan kung umasta!" singhal sa babae na halos hindi na makita ang mga mata sa panggigigil sa lalaki, naikuyom na ang dalawang kamao at mangani-nganing sampalin ang kausap kung hindi lang nagpipigil.

"Palitan mo nga ang damit mong 'yan. Para kang si demonyitang Lovan sa itsura mo. Mas gusto ni Zigfred ang simple lang, gaga!" pairap na saad ng lalaki bago pinitik ang noo ng kausap sabay talikod dito't nagmadali nang lumabas ng opisina.

Naiwang nagupuyos sa galit ang babaeng hindi alam kung magwawala sa lugar na iyon o magsisigaw sa pagkamuhi sa kung sino.

"You fuckinn sluut! I'll kill you for sure! Hindi ko hahayaang mabuhay ka sa mundong ito! Papatayin kita!"