Chereads / The Stolen Identity / Chapter 69 - Selos Sa Sarili

Chapter 69 - Selos Sa Sarili

Naalimpungatan si Lovan nang maamoy ang pabangong gamit ni Zigfred na halos pumuno sa buong palibot at nanuot sa kanyang ilong.

Dahan-dahan siyang nagdilat ng mga mata upang maguluhan lang sa kapaligirang tumambad sa kanya.

Matagal siyang tulalang nakatitig sa paarkong kisame na kinulayan ng ocean blue at pinintahan ng mga isda at sea foods na tila totoong nagsisipaglangoy sa ilalim ng karagatan.

Sa gitan niyon ay nakasabit ang isang malaking tulip crystal chandelier na ang gamit ay maliliit na LED candle bulbs.

Nasaan siya? Paano siya'ng napunta sa lugar na 'yon?

Ang pagkakaalala niya, pagkatapos ng nangyari sa kanila ay mabilis siyang nakatulog habang nakadagan sa kanya si Zigfred.

Napabalikwas siya ng bangon at pinagmasdan ang buong paligid. Kasinlawak yata ng dalawang sala ng suite ni Zigfred ang lawak ng kwartong iyon. Kapansin-pansin ang kwadradong dingding na pinintahan ng larawan ng isang nakangiting dalagita sa isang dalampasigan at sa likod niyon ay malawak na karagatan. Ang ganda ng pagkakapinta sa babae. Kuhang-kuha ang matamis nitong ngiti, kahit ang mga mata nito'y tila buhay na buhay, nakangiting nakatitig sa kanya.

Nanindig bigla ang kanyang mga balahibo, nakaramdam ng takot nang makilala ito bilang si Lovan Claudio. Kanino'ng kwarto iyon? Sa babae ba?

Bumama siya sa bilog na kama at iniapak ang mga paa sa malapad na puting karpet, tila iyon mga balahibo ng ibon sa lambot.

Maliban sa dalawang magkatapat na single sofa dalawang metro ang layo sa bed at round table sa gitna niyon maging ang side table kung saan nakalapag ang isang assymetrical glass vase na tulad ng nakita niya sa sala kung saan nakalagay ang iba't ibang kulay ng tulip flowers ay wala na siyang ibang nakitang furniture doon. Walang TV o closet.

Wala rin iyong pinto maliban sa wall na nakaharang apat na metro ang layo sa bed, sa dulo niyon ay isang pasilyo palabas ata ng kwarto.

Kung kelan balak na niyang baybayin ang pasilyong iyon ay saka naman dumating si Zigfred, nakabihis na ng office attire at inaayos ang suot na black coat.

Sandali siyang natameme, pinagmasdan ang malapad nitong balikat at well-trimmed na buhok na bumagay sa gwapo nitong mukha.

Pakaswal itong lumapit at hinalikan siya sa noo, padampi lang iyon pero naghatid pa rin ng kiliti sa kanya. Subalit pakiramdam niya, bumalik na naman ang pagiging pormal nito, ang malamig nitong mga tingin na tila walang pakialam sa paligid.

She wanted to hug him but his action told her not to. Pasimple lang itong sumulyap sa kanya. Para bang mas mahalaga ang pupuntahan kesa sa makita siya.

"Zigfred, kanino ang kwartong 'to? Tsaka 'yong painting ng dalagita, sino 'yon?" Kahit obvious na ang sagot ay hindi pa rin niya maiwasang magtanong sabay turo sa painting sa wall.

Sinundan nito ng tingin ang kanyang hintuturo.

"She was you," tipid na sagot.

"Ah," aniya, nakaramdam ng lungkot. Kahit sa kwartong iyon ay nakapinta si Lovan Claudio. Nakakainggit naman.

Bumigat ang kanyang dibdib sa naisip kasabay ng pananahimik. Hindi na niya kailangang itanong kung sino ang nagpinta niyon. Magaling palang pintor si Zigfred. Ilang babae na ba ang ipininta nito?

Hindi niya pansin ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ng lalaki saka kinabig ang kanyang beywang.

Gulat siyang napatingala rito, naitukod ang dalawang siko sa dibdib nito.

"Silly girl. You don't have to get jealous. She was you before you got that car accident," panunudyo nito, pinitik ang tuktok ng kanyang ilong.

Nagpakurap-kurap siya, nang maalalang nadisgrasya din pala si Lovan Claudio ay pilit siyang ngumiti at tumango.

Ngayon lang niya na-realize na hindi totoo ang tsismis sa kompanya.

Talagang mahal ni Zigfred si Lovan Claudio kaya lahat ng kalokohan ng babae ay pinayagan nito. Kahit na nga 'yong pumutok na iskandalo ng huli sa social media, mabilis nitong napagtakpan.

Kaya lang marahil ito laging galit sa kanya noon dahil sa dami ng naririnig sa labas lalo na 'yong sa recorder.

Pero paano kung ang totoong Lovan Claudio ay tumakas pala sa araw ng kasal at sumama sa ibang lalaki?

"This is my real home in Forbes Park," anito.

"May sarili kang bahay? Paano 'yong suite mo sa hotel?" usisa niya pero hindi naman nakapagtatakang madami itong bahay.

Sumagi pa rin sa isip niya kung paano siyang nadala rito ni Zigfred gayo'ng ang himbing ng kanyang tulog?

"They are just for display. Iyon talaga ang studio ko. Pero dahil ayukong malaman ng ibang may private house ako, iyon ang ginawa kong tirahan," pag-amin nito.

So, talaga palang isa itong pintor.

Huminga ito nang malalim, saka pinagmasdan ang buong palibot.

Gano'n din ang kanyang ginawa, tumalikod sa lalaki at humarap sa painting.

"When we got that picture, you told me to build a tulip house for you, the core is our bedroom," anito sabay turo sa dalagita sa painting.

Mataman siyang nakinig pero parang tinutusok ng karayom ang kanyang puso. Matagal na siyang nagpapanggap na ang totoong asawa nito pero bakit ngayon lang siya nasasaktan?

"Inside our room would be your painting all over the wall," patuloy nito sa pagkukwento. "But because I haven't seen you for years, kaya ngayon ko lang nagawa ang painting mo." Niyakap siya nito sa likuran sabay halik sa kanyang ulo.

Kagat-labi siyang tumango, pilit iwinaksi sa isip ang panibugho para sa totoong nagmamay-ari ng puso ng lalaki.

Mayamaya'y binitiwan na siya nito't muling inayos ang coat.

"I hate to say this but I have to go, Lovan. Ihahatid na muna kita sa apartment bago ako umalis.

--------

Mag-uumaga na pala nang mga oras na iyon. Wala pang kalahating oras ay nasa loob na uli sila ng apartment nakaharap sa kama ng natutulog pa niyang ama.

Pansin niyang parang ayaw nitong bitiwan ang kanyang kamay kaya siya na ang kusang bumitiw.

"Baka ma-late ka na sa pupuntahan mo," pagtataboy niya rito.

Alanganin itong tumango saka pilyong ngumiti, walang paalam na binigyan siya ng smack kiss at nagmadaling lumabas ng kwarto.

Naiwan siyang tameme, gustong magdabog. Wala man lang 'bye'. Basta na lang umalis?

Nakasimangot siyang nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape.

Sabagay ano pa ba'ng ii-expect niya mula rito? Nakuha na nito ang lahat sa kanya.

Ang haba ng nguso niyang binuksan ang gripo at itinapat doon ang mga kamay ngunit napahiyaw nang humapdi iyon sa lamig ng tubig.

Nagtaka siya. Hindi naman iyon masakit kahit kagabing naghuhugas siya ng pinggan. Bakit ngayon, tulad niya'y nagdadrama rin ang mga iyon?

Nang akmang lalabas na siya sa kusina upang maghanap ng ointment para sa sugat ay biglang pumasok si Zigfred, isinara bigla ang pinto.

"Hindi ka pa umaalis?" gulat niyang usisa.

Hindi sumagot ang lalaki ngunit dinig niya ang mabilis na paghinga nito.

"Lovan, I just can't help it." Iyon lang at hinatak siya nito't isinandal sa dingding ng kusina, muling siniil ng maalab na halik, mas maalab ngayon kung kelan ito paalis na.

Tulad ng nangyari kagabi, lahat ng tampo niya sa lalaki ay bigla na namang nawala, napalitan ng kiliti at pagnanasa.

Hindi na siya nagpa-demure pa nang buhatin nito habang nakasandig sa dingding. Kusa na niyang ibinuka ang mga hita at ipinulupot ang mga paa sa balakang nito sabay pulupot ng mga kamay sa batok ng lalaki. Ginaya niya ang maalab na mga halik nito, nakipagsabayan sa mahihina nitong ungol habang ipinapasok ang kamay sa kanyang bra at tuluyang humimas sa kanyang dibdib.

Ramdam niya ang matigas na bagay na tumutusok sa pagitan ng kanyang mga hita na lalong nagpawala ng kanyang katinuan. Subalit hindi niya alam kung bakit pinagkasya nito ang sarili sa pagbayo sa kanya sa ganoong ayos. Ni walang hinubad sa kanyang damit. At kung papaano itong nakaraos ay hindi niya ma-imagine, basta na lang nitong itinigil ang ginagawa habang yakap-yakap siya ngunit tulog na ang bagay na 'yon na nakatusok sa kanya kanina.

"Dammmn, Lovan. Bakit ang lakas ng hatak mo sa'kin?" sambit nito, hindi niya alam kung sinisisi o pinupuri siya. Ni hindi niya maintindihan kung ano ba'ng klaseng hatak ang sinasabi nito.

Nanatili siyang tulala, kumalma din ang kanina'y nararamdaman ngunit abo't abot ang kanyang paghinga.

Hinalikan muna nito ang kanyang bibig bago siya ibinaba at inayos ang kanyang damit.

"Wait for my return, my tulip," anito bago tuluyang naglaho sa kanyang paningin.

Ilang minuto ang lumipas at saka siya tuluyang natauhan sa tila quick dream na 'yon, mayamaya'y humahagikhik na, kilig na kilig sa nangyari.