Chereads / The Stolen Identity / Chapter 70 - Ang Galit Na Byenan

Chapter 70 - Ang Galit Na Byenan

Umaga pa lang, ang tamis na ng kanyang ngiti lalo na nang mabasa sa messenger ang chat ni Zigfred.

'How's my tulip? Someone is missing you a lot,' anang chat with heart emoticon.

Pigil ang hagikhik na kanyang pinakawalan habang naglalakad sa pasilyo papunta sa kanyang department.

Ngunit nang makapasok ay nagtaka nang makita ang manager sa kanyang cubicle, halatang siya ang hinihintay.

"Lovan, pinapatawag ka ni GM," anito, tila balisa.

Kinabahan siya agad kasabay ng pagkunot ng noo. Simula nang mangyari ang insidente sa kanila ni Lenmark ay hindi pa sila nagkikita ng lalaki. Pero bakit ngayon ay bigla siyang ipinatawag?

"Sige po, pupuntahan ko," aniya, pumihit pabalik sa pinto.

Sa elevator pa lang ay hinuhulaan na niya ang sasabihin nito, subalit, pagbukas sa pinto ng opisin ay tumambad sa kanyang harapan ang namumula sa galit na ama ni Zigfred. Nakaluhod sa harap nito si Avril habang si Lenmark naman ay nasa may pinto, hinihintay ang kanyang pagdating.

Lito siyang napatingin kay Lenmark na agad na lumapit sa kanya ngunit nang akmang hahawakan nito ang kanyang kamay ay agad siyang umiwas at naglakad palapit sa ama ni Zigfred.

"Papa?" tawag niya rito, takang pinaglipat-lipat ang tingin dito at sa nakaluhod na dalaga.

"She's here, uncle. Ask her. Siya mismo ang nagsabing may nangyari sa kanila ng boyfriend ko. She confessed it herself the day before her wedding," umiiyak na akusa ni Avril habang nakaduro sa kanya.

Gulat siyang napatingin sa byenang lalaki, mabilis na umiling. Ni hindi nga niya alam kung sino ng sinasabing boyfriend ng babae.

"Shut up, you fool!" hiyaw ng ginoo.

"Do you know who you're pointing at, you brat? She's the daughter of the only black card holder of the World elite in the country!" sermon ng ginoo sa pamangkin.

Kunut-noo siyang napatitig sa byenang lalaki. Ano'ng ibig sabihin ng kanyang narinig? Paano napasali 'yong black card na ATM sa usapan? Dapat bang ipagyabang 'yon?

Blangko ang ekspresyon ng mukhang napalingon siya kay Lenmark sa kanyang likuran, ngunit wala itong reaksyon maliban sa lungkot na mababanaag sa mukha nang maramdamang ayaw niya itong kausapin.

Napahagulhol na ang dalaga, humawak sa tuhod ng tyuhin.

"Uncle, maawa ka. Wala akong kasalanan. Gusto ko lang gumanti sa ginawa niyang pang-aagaw sa fiancé ko," anang babae sa pagitan ng pag-iyak, pagkuwa'y muling sumulyap sa kanya saka siya muling itinuro.

"Look at her, Uncle. She's a devil with an angelic face. But I know how evil she is. Kaya niyang pumatay ng tao kung gugustuhin niya. Why would I hesitate to kill her if I had the chance!" pagmamatigas ng dalaga, paasik siyang tinitigan.

Napaatras siya sa takot, ramdam ang mga salitang binibitiwan nito. Hindi niya kayang gawin ang ibinibintang nito sa kanya, maliban na lang kung hindi siya ang tinutukoy nito. Kung hindi siya, sino? Si Lovan Claudio? Gano'n ba kasama ang babaeng iyon para pagbalakang patayin ni Avril?

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ng ginoo, dumapo sa pisngi ng dalaga dahilan upang mapasubsob ito sa sahig.

Nailagay niya ang kamay sa dibdib sa magkahalong takot at awa para sa dalaga. Kahit gano'n ang ginawa nito noon, wala siyang galit dito.

"Humingi ka ng tawad kay Lovan!" matigas na utos ng byenan sa pamangkin subalit paulit-ulit itong umiling.

"I'll never do that! I'd rather kill her than beg for her forgiveness!" sa halip ay banta pa sa kanya.

Nang akma na uli itong sasapakin ay napasigaw na siya.

"Papa, h'wag. Maawa kayo. Hindi niya sinsadyang saktan ako noong nakaraang araw kung 'yan ang ikinagagalit niyo." Nagmadali siyang lumapit sa byenan at pinigilan ang nakataas nitong kamay.

"Step aside, Lovan. Hindi magtatanda ang babaeng ito kung hindi siya parurusahan," gigil na wika ng ginoo.

"Maawa ka, Papa. It was just out of anger. Nagalit lang siya sa'kin nang sigawan ko dahil hindi niya agad sinabing actual demo pala ang gagawin ko. Itinapon niya kasi ang report na ginawa ko. Nasigawan ko siya, Papa," pagsisinungaling niya upang ipagtanggol ang dalaga.

"You, hyprocrite! I don't need your pity! Stop acting like a naive woman!" sigaw sa kanya ni Avril ngunit hindi niya ito pinansin.

Sinipa ng byenan ang dalaga upang kumawala ito sa pagkakahawak sa una. Napahiyaw ang huli sa sakit.

Umiiyak na siyang napaluhod din sa harap ng byenan.

"Papa, maawa ka. Ako ang may kasalanan kung bakit niya nagawa sa'kin 'yon! Please, huwag mo na siyang saktan," pagmamakaawa na niya.

Agad na lumapit sa kanya si Lenmark at itatayo sana siya pero mabilis siyang pumiglas.

"Take your hands off me!" hiyaw niya sa binata.

Natahimik ang lahat. Gulat na napabaling sa binata ang kanyang byenan. Maging si Avril na wala na sa ayos ang buhok at namumula ang pisngi sa ilang sampal na natamo ay natigil din sa paghagulhol at takang napatingin kay Lenmark, pagkuwa'y sa kanya.

Napahiya si Lenmark, tahimik na tumayo sa tabi ng ginoo.

"Papa, hindi ko masisisi si Zigfred kung nagsumbong siya sa'yo sa ginawa ni Avril, pero--" patuloy niya.

"Si Zigfred? Was Zigfred there?" takang baling ng ginoo kay Lenmark na hindi agad nakahuma.

Natigilan siya, litong nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki.

Si Zigfred lang ang naroon at nagligtas sa kanya. Pero bakit iba ang mga titig ng byenan kay Lenmark?

"I called him, Tito. Galit sa'kin si Lovan kaya wala akong lakas ng loob na lumapit upang ipagtanggol siya," paliwanag ng binata.

Lalo lang siyang nakaramdam ng tampo sa binata. Ito pala ang nagsumbong sa byenang lalaki sa nangyari sa kanya noon, hindi si Zigfred?

Biglang lumagapak ang pisngi nito sa sampal ng tyuhin.

Hindi ito nakakilos sa pagkagulat.

Siya man ay napanganga na lang sa ginawa ng byenang lalaki.

"Coward! The fact that you knew she would be in danger, ang galit pa rin niya ang iniisip mo? Paano kung hindi dumating si Zigfred? Hindi mo ba naisip kung ano'ng posibleng mangyari sa kanya sa kaduwagan mo?" sa binata naman napunta ang panggagalaiti nito sa galit.

Hindi makasagot si Lenmark, parang batang nakayuko habang pinapagalitan.

Pulang-pula ang mga mata ng byenan habang palipat-lipat ang matatalim na titig sa dalawang nilalang, pagkuwa'y nameywang.

"Mga wala kayong silbi! Puro kahihiyan ang ibinibigay niyo sa'kin!" sigaw nito.

Tahimik ang lahat.

"Remember this, Avril. Sa oras na ulitin mo pa ang ginawa mo, hindi ako magdadalawang-isip na ipatapon ka sa kulungan!" babala sa dalaga bago sumulyap sa kanya at nagmadaling lumabas ng opisina.

Mahabang katahimikan.

Marahan siyang tumayo mula sa pagkakaluhod, hindi na hinintay na makalapit si Lenmark upang tulungan siya.

Nang lingunin niya si Avril, tahimik na itong nakatayo, inayos ang pagkakabuhol ng buhok.

Nang masegurong okay na ito ay saka siya naglakad palapit sa pinto ngunit nahawakan siya ni Lenmark sa siko. Mahina siyang napa-"aray!" nang mahawakan nito ang gasgas doon.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya," wika nito, puno ng pag-alala para sa kanya ang mababanaag sa mga mata.

Kahit papaano'y lumambot ang kanyang puso para sa binata. Hindi pa rin niya nakakalimutang ito ang kanyang bestfriend. Pero hindi pa siya handang patawarin ito sa ginawang panlilinlang sa kanya.

"Lovan, I'm sorry. Alam kong mali ang ginawa ko, but I--"

"Salamat sa ginawa mong pagsusumbong sa nangyari sa'kin. Pero sana, ito na ang huling beses na mangingialam ka sa buhay ko. Kung hindi mo kayang makipagkaibigan sa'kin, huwag ka nang lalapit pa," seryoso ang mukha na agaw niya sa sasabihin nito bago tuluyang lumabas sa opisinang 'yon.

Hanggang ngayon, masakit pa rin sa dibdib ang ginawa nito sa kanya. Itinuring niya itong matalik na kaibigan subalit hindi pala gano'n ang turing sa kanya. Matatanggap pa niya kung nanligaw ito agad, kung sinabi na nito agad ang nararamdaman. Hindi iyong inilihim pa sa kanya to the point na ipinaalam sa kamag-anak na gusto siya nitong pakasalan samantalang wala man lang siyang kaalam-alam sa pagtingin nito sa kanya.