Chereads / The Stolen Identity / Chapter 65 - Falling For Him

Chapter 65 - Falling For Him

Pakiramdam ni Lovan, tumigil sa pag-inog ang mundo, huminto sa pagtakbo ang oras na kahit ang malakas na buhos ng ulan ay hindi niya maramdaman, hindi niya marinig ang pagbagsak niyon sa lupa.

Ang tangi niya lang ramdam ng mga sandaling iyon ay ang panlalambot ng mga tuhod niya habang dama ang mainit na halik ni Zigfred, ang pagpisil ng kamay nito sa kanyang beywang at unti-unting paglikot ng dila nito sa loob ng kanyang bibig.

Pakiramdam niya, may mumunting siga ng apoy itong binuhay sa buo niyang pagkatao. May libo-libong boltahe ng kuryenteng nanalaytay bigla sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan dahilan upang mapapikit siya't mapakapit sa batok nito.

She could feel his fast heartbeat reciprocating hers and his body emitting the same heat as hers.

It was just a single minute pero pakiramdam niya, sapat na 'yon upang maramdaman niyang mahalaga siya sa binata, na hindi totoo ang sinabi nitong ayaw na siyang makita.

Kahit ngayon man lang, maramdaman niyang siya ang nagmamay-ari nito at hindi ang isang Lovan Claudio. Kahit isang saglit lang, pagkatapos ay pwede na siyang lumayo uli.

Subalit nang pakawalan nito ang kanyang mga labi at niyakap siya nang mahigpit, iba ang lumabas sa bibig nito.

"I'm so sorry that I didn't know what you'd been through all these years." Biglang gumaralgal ang boses nito, bagay na ikinapagtaka niya. Ibang-iba ito sa Zigfred na nakilala niya noon.

Hindi siya makasagot sa pagkalito at nang kumawala ito at hawakan siya sa kamay upang isakay sa nakaparada nitong motor malapit sa kanila ay hindi rin siya nakatanggi.

---------

Ilang minuto na siyang panay sulyap sa lalaki habang magkatabi silang nakaupo sa sofa ng suite nito at nilalagyan ng ointment ang gasgas niya sa siko. Hindi siya mapakali. Wala siyang bra nang mga sandaling iyon. Lahat na kasi ng damit niya'y dinala niya sa apartment nila. Nakigamit lang siya sa t-shirt at boxer nito. Hindi kaya pansin ang pagkailang niya rito?

Mula nang dalhin siya ng lalaki sa tirahan nito, hanggang sa makaligo na siya at heto nga'y ginagamot ang kanyang gasgas ay nanatili itong tahimik at pormal ang mukha. Ni hindi siya masulyapan man lang. Tuloy ay nag-alangan siyang kausapin ito.

Ngunit hindi niya mapigilang pagmasdan ang namumugto nitong mga mata na tila ba maghapong umiyak pero hindi iyon nakabawas sa taglay nitong kagwapuhan lalo na ngayo't naka-fitted t-shirt ito, bumabakat ang six pack abs sa damit na suot.

"Aren't you tired of staring at me?" Nang matapos na nitong lagyan ng gasa ang lahat ng kanyang mga gasgas at malagyan ng bandage ang magkabila niyang palad ay nagsalita ito sa wakas, unti-unting nag-angat ng mukha at deretsong tumitig sa kanyang mga mata.

Nag-blush siya bigla, noon lang umiwas ng tingin, kunwari ay inusisa ang ginawa nito sa kanyang mga sugat.

"Paano ka natutong mag-dress ng sugat?" sa kawalan ng sasabihin ay ungkat niya.

Sa halip na sumagot ay hinawakan nito ang kanyang baba, ibinaling dito at dahan-dahan iyong iniangat hanggang sa malantad dito ang kanyang mukha.

"Lovan..." anas nito habang nakatitig sa kanyang mga labi.

"Hm?" Hindi siya makatingin nang deretso sa lalaki, nahihiya siya.

Dinampian nito ng daliri ang munti niyang sugat nang magkasagutan sila noong nakaraang araw dahil kay Aeon.

"Tell me, how am I supposed to punish Avril for hurting you?" mahina nitong tanong, ang mga mata'y nakapako sa labi niya.

Napalunok siya nang muling dumeretso ang titig nito sa kanyang mga mata. Nagtama ang kanilang paningin.

She saw pain and sadness in those eyes na hindi niya alam kung saan nanggagaling.

"Hayaan mo na, ito lang naman ang nangyari sa'kin. Mawawala din mga 'to," sagot niya, mabilis na ibinaba ang tingin, napasulyap sa mga labi nitong ilang beses na niyang natikman simula nang magkita sila sa mismong suite din nito, hindi nga lang niya matandaan kung saang sala iyon nangyari.

Napansin niya ang pagtigas ng mukha nito ngunit hindi siya nagsalita.

"Hindi mo ba alam na ang sobra mong kabaitan ang posibleng magpahamak sa'yo?" sambit nito sa malalim na boses.

Lito siyang napatitig ditong hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanyang mga labi.

"K-kahit gano'n ang ginawa niya sa'kin, babae pa rin siya at pinsan mo. Ayukong magalit sa kanya," aniya, hindi maiwasang mautal sa ginagawa nito. Pakiramdam niya, sinisindihan siya nito, unti-unting pinupukaw ang kanyang kainosentihan.

"Lovan..." anas na uli sa baritonong boses.

"Hm?" Kumabog na naman ang kanyang dibdib nang dahan-dahan nitong ilapit ang mukha.

Lalong nag-init ang magkabila niyang pisngi pagkalanghap niya lang sa mabango nitong hininga. Bakit ba kay bango ng lalaking ito?

"You are the only woman I kissed. Paano mo ako pananagutan?" bigla ay sambit nito.

"Ha?" maang niyang sagot.

Doon lang sumilay ang isang mapanuksong ngiti nito kasabay ng pagsiil uli sa kanya ng halik.

Natigagal siya agad, dilat ang mga matang pinakiramdaman ang ginagawa nito.

"Lovan..." Nang maramdamang hindi siya tumutugon ay bahagya nitong inilayo ang mukha saka inusal ang kanyang pangalan.

Nagpakurap-kurap siya, hindi alam ang isasagot. Ni hindi alam ang magiging reaksyon.

Muli nitong dinampian ng halik ang kanyang mga labi, tila tinakam lang siya.

"H-hindi ba si Lovan Claudio ang first kiss mo?" sa wakas ay nasambit niya, kunwari ay hindi apektado sa ginagawa nito ngunit ramdam niya ang kiliting unti-unting naglalakbay sa buo niyang katawan.

Napangiti uli ang lalaki, pinitik ang tuktok ng kanyang ilong saka iyon banayad na hinalikan, tila ba nananantya.

"Be my wife...my only wife, " anito't hindi na nakapagpigil, mabilis siyang kinabig padikit sa katawan nito at tila gigil na siniil siya uli ng halik-- mariin, marubdob, sabik na sabik sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi ang pakawalan ang isang ungol nang maramdamang tila mapupugto ang kanyang paghinga at itutulak sana ito upang makasagap man lang siya ng kunting hangin pero ito ang kusang kumawala.

"Lovan..." muling anas sa kanyang pangalan, sinumulang halikan ang kanyang pisngi habang ang isang kamay nito'y sa kanyang beywang naman ipinulupot.

Napapikit siya nang unti-unting gumapang ang bibig nito sa kanyang tenga, marahang kumagat sa dahon niyon. At nang dilaan nito ang loob niyon, hindi na niya napigilan ang pagkawala ng isa pang ungol, naipulupot na ang isang kamay sa batok ng lalaki.

Pakiramdam niya, may libo-libong boltahe ng kuryente ang nanalaytay sa kanyang buong katawan nang kasabay ng pagsipsip nito sa likod ng kanyang tenga ay ang pagkapa ng isa nitong kamay sa kanyang hitang nalantad sa suot niyang boxer shorts.

Nagsimula siyang maliyo nang maglakbay ang bibig nito sa kanyang leeg pababa hanggang huminto sa nakaumbok niyang dibdib.

Kusa siyang napaliyad sa hindi maipaliwanag na sensasyong nagsimulang lumukob sa buo niyang pagkatao lalo na nang ihiga siya nito sa kama at idagan ang katawan sa kanya.

Nagtatalo ang kanyang isip kung itutuloy ang kahibangang iyon o pipigilan ang lalaki at ipaalala ditong hindi siya ang totoo nitong asawa.

But when he begun to suck her nip outside her shirt, all the sanity that troubled her disappeared.

She didn't care anymore if she was the real wife or not. Ayaw na niyang huminto ito sa ginagawa. Kabaliwan mang matatawag pero gusto niyang magpakabaliw kahit ngayon lang. Saka na niya iisipin ang bukas.

"Ohh... Zigfred," atungal niya nang ipasok ng lalaki ang ulo sa loob ng kanyang maluwang na t-shirt.

He continued sucking her nip one at a time while he slid his finger up her thigh and pressed her womanhood outside her undies.

He moaned with undeniable lust shattered on his face. He begun to undress her and exposed her naked breast in front of him.

Parang nakakita ng dyamante sa tuwa, lalong namungay ang mga matang tumitig sa kanya, nanghihingi ng pahintulot sa gusto nitong gawin.

Nawala ang kanyang hiya at kusang isinubsob ang ulo ng lalaki sa kanyang kahubdan.

Bahala na. Anuman ang kahihitnan ng lahat, wala siyang pagsisisihan. Hindi niya kayang itanggi sa sariling matagal nang nahulog ang loob niya kay Zigfred.

Subalit kapwa sila tila binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig ng doorbell sa labas ng suite.