Chereads / The Stolen Identity / Chapter 66 - Tsismis

Chapter 66 - Tsismis

Biglang natauhan si Lovan sa kabaliwang panandaliang naramdaman, tila napasong agad na itinulak si Zigfred at mabilis na itinakip ang dalawang palad sa nakaumbok niyang dibdib, pulang-pula ang magkabilang pisngi sa hiya.

Sandaling natigilan ang lalaki, nang makabawi ay muling dumagan sa kanya, pinugpog siya ng halik sa leeg hanggang sa marinig ang kanyang hagikhik.

"Ziggy, ano ba? May tao sa labas," saway niya.

"I'm not done with you yet. Let's finish it, Lovan," lambing sa namumungay na mga mata, ikinulong na siya sa mga bisig nito.

Tumigil siya sa paghagikhik ngunit nakatakip pa rin sa dibdib ang mga kamay habang dama ang naghuhumindig na pagkalalaki nito sa kanyang puson.

Kagat-labi niya itong tinitigan, pigil ang makilig.

"May tao sa labas, baka importante 'yan," giit niya.

Sumimangot ito bigla, halatang nagtampo.

"Kapag nakauwi na ang bisita mo, ituloy natin," aniya.

"Just a lick," lambing na uli, nagsusumamo ang mga mata ngunit nang umiling siya'y parang batang umismid.

Inayos niya ang sarili at hinablot sa lalaki ang pinulot nitong suot niya, saka tumayo. Ito nama'y nanatili sa pagkakaupo sa sofa, pagkuwa'y iniyakap ang mga kamay sa kanyang beywang.

Nang muli niyang titigan ang mukha nito'y naroon pa rin ang alab na nararamdaman nito, hindi nga napigilan at hinalikan ang kanyang puson. Kinilig man sa ginawa nito'y napilitan siyang pumiglas pagkarinig uli ng doorbell sa labas.

Muli siyang humagikhik nang tila ito batang tumayo't waring naghahamon ng away na nagdabog palapit sa pinto.

Tumakbo na siya papasok sa nakabukas nitong library upang magtago sa bisita nito ngunit hindi niya napigilang matawa sa lalaki.

Aaminin niyang iyon ang pinakamasayang sandali niya. Ang makita itong naglalambing sa kanya, nagta-tantrums na parang bata. Ibang-iba sa ugali nito noon lalo na kapag nasa trabaho--laging seryoso, hindi halos magsalita. Magsalita man, pautos o hindi kaya ay pagalit.

Muli siyang napahagikhik at sinipat ang buong paligid. Hanggang ngayon, hindi pa rin inaayos ni Zigfred ang lugar na iyon at ibinabalik ang mga gamit nito sa dati nitong kwarto.

Nahagip ng kanyang paningin ang nakabukas na silid na noo'y curious siyang buksan. Pero nang akma na siyang hahakbang palapit doon ay bigla niyang narinig ang pagtaas ng boses ni Zigfred.

Nagmadali siyang lumabas mula sa library at nakita ang lalaking nakaupo sa sofa, kausap ang nakatayong HR manager na si Jildon.

"Dude, hindi lang ikaw ang mapapagalitan kapag hindi ka tumuloy. Think about it." Narinig niyang wika ni Jildon.

Kinabahan siya agad, naalalang dapat nga pala ay naroon si Zigfred ngayon sa Middle East.

Mula sa pagkakaupo sa sofa ay aburidong tumayo ang lalaki, humarap sa kausap.

"Give me an assurace that she'll be fine 'til I return!" matigas na sambit.

"Dude, this is the only opportunity to let everyone know that you're worth the position," kumbinsi na ng kaibigan.

"Zigfred," tawag niya, nahihiya pang sumulyap sa HR manager na agad yumukod nang makita siya ngunit ilang segundo lang ay nanunudyong sumulyap kay Zigfred.

Tumayo ang lalaki, binatukan ang kaibigan bago lumapit sa kanya at hinawakan siya sa beywang saka iginiya sa may pinto ng kwarto, isinandal sa dingding niyon.

"My tulip, I'm afraid I won't be around for a week," simula nito, hinawi ang buhok na tumakip sa kanyang mukha at itinago sa likod ng kanyang tenga, pagkuwa'y tumitig sa kanya.

"Kelan ka aalis?" mahina niyang usisa, deretso ang tingin sa mga mata nitong iba-iba ang ipinahihiwatig.

"An hour later," usal nito, marahan siyang hinalikan sa mga labi, padampi lang ngunit sapat na iyon upang mag-init siya uli.

"Ang balik mo?" Iwinaksi sa isip ang nararamdaman.

"Friday next week."

"Okay," kaswal niyang sagot.

"Stay away from strangers specially from your step-mother, okay?" bilin sa kanya.

Sandali siyang nalito. Sino'ng step-mother ba?

"Follow Yaya Greta's advice," anito.

Doon niya lang naunawaan kung sino ang tinutukoy ng lalaki. Madrasta lang pala ni Lovan Claudio ang asawa ng papa nito? Kaya pala gano'n ito magsalita sa kanya.

Pero paano nalaman ng lalaki ang payo ni Yaya Greta noon?

"Dude, mali-late ka na," sabad bigla ni Jildon na kanina pa nakatalikod, kunwari ay inaabala ang sarili sa pagtingin-tingin sa paligid maliban sa kanila.

Napilitan siyang tumango kahit walang naunawaan, para makaalis na ito.

Hinalikan muna siya ni Zigfred sa noo bago tuluyang lumayo at nagpatiuna nang lumabas ng suite.

Si Jildon nama'y humarap sa kanya at yumukod bago sumunod sa lalaki.

Naiwan siyang bakas ang lungkot sa mukha. Ngayon pa lang ay nami-miss na niya ito.

Pero hindi bale, aaliwin na lang niya ang sarili sa trabaho at sa pag-aaasikaso sa kanyang papa.

--------

"Bakit parang namamaga ang kabila mong pisngi?" puna ni Crissy sa kanya, hindi inaalis ang tingin sa pisnging dalawang beses na sinampal ni Avril kahapon.

Dapat pala ay nagsuot siya ng mask at nagkunwaring may mumps. Buti nga, naka-longsleeve shirt siya ngayon, hindi kita ang mga pasta niya sa siko, kung hindi, lalo itong mag-uusisa.

"Natapilok kasi ako kahapon sa bahay namin at napasubsob sa sahig, tumama ang pisngi ko sa semento kaya medyo namumula at namamaga," padadahilan niya.

"Ah, gano'n ba? Kaya pala may bindahe ka sa magkabilang palad," anito.

"Oo, tama ka," sang-ayon niya, iniiwas agad ang tingin dito.

Doon lang ito natigil sa kauusisa at pumunta na sa sariling cubicle. Siya naman ay nagsimula na ring i-review ang summary ng report na itinapon ni Avril kahapon.

'Pag na-finalize na niya ang gagawing actual demo ay dederetso siya sa ama ni Zigred upang duon derektang ipasa ang kanyang gawa.

Napangiti siya nang maalala ang lalaki, kagat-labing napahinto sa ginagawa. Kumusta na kaya ito? Nagtatampo pa rin ba sa kanya nang hindi niya napagbigyan kagabi? Naitakip niya ang palad sa bibig upang hindi humulagpos mula roon ang isang hagikhik.

"Alam mo gurl, may kakaiba talaga sa'yo ngayon."

Muntik na siyang mapalundag sa gulat nang makita si Crissy na nakapatong ang baba sa taas ng kanyang cubicle.

"Ano ka ba? Busy ako sa trabaho!" Sumeryoso agad ang kanyang mukha.

"Seguro, in love ka noh?" panunudyo ng dalaga.

"Hindi ah," maagap niyang sagot, iniyuko agad ang ulo upang hindi nito mahalatang nagba-blush siya.

Tumingin muna sa paligid si Crissy bago nagmadaling pumasok sa kanyang cubicle.

"Kay Sir Lenmark ba?" curious nitong usisa.

"Ha?" Tumaas agad ang dalawa niyang kilay.

Yumukod sa kanya ang dalaga.

"Usap-usapan kahapon pa na may relasyon daw kayo ni GM. Madami raw ang nakakita sa inyo sa labas ng elevator at narinig si Sir Lenmark na nag-'I love you' sa'yo," tsismis nito.

"Ano!? Hindi totoo 'yan!" bulalas niya, kumulo agad ang dugo sa narinig sabay tayo.

Sinaway siya nito na huwag maingay, saka tumingin sa palibot. Buti na lang, walang pakiaalam ang mga naroon sa kanila.

"Kanino mo nalaman 'yan?" usisa niya, salubong na ang mga kilay.

"Halos lahat ng mga empleyado alam na 'yan. 'Di ko lang alam sino ang nagtsismis. Ang sabi pa, kaya ka raw pumatol kay sir Lenmark kasi hindi ka raw talaga mahal ni Sir Zigfred," dugtong nito.

Namula lalo ang kanyang magkabilang pisngi sa sinabi nito. Pakiramdam niya, nag-akyatan lahat ng kanyang dugo sa ulo sa galit. Dahil lang sa nangyari kahapon, andami nang naging tsismis sa kanila? Hindi ba alam ng mga itong matalik niyang kaibigan si Lenmark?

"Mas gusto raw ng CEO ang mga babaeng dinadala ng HR manager sa kanyang suite. Kaya ka nga raw nagpanggap na pangit para hindi raw malaman ng lahat na ikaw ang asawa niya. Ibinulgar ka lang ni Ma'am Aeon kaya napilitan kang ibalik ang dati mong mukha," patuloy nito sa pagkukwento ngunit nang makitang papalapit ang manager ay nagmadali itong bumalik sa sariling cubicle.

Tiim-bagang siyang nameywang, bakas sa mukha ang panggigigil. Kaybilis na ngang kumalat ng nangyari sa kanila ni Lenmark kahapon, ang dami pang dagdag.

At sino naman kayang mga babaeng dinadala ng HR manager sa suite ni Zigfred maliban sa kanya? Huwag sabihing ang babaeng nakita niyang tumawag kay Zigfred noon?

Wala sa sariling naipukpok niya ang nakakuyom na kamao sa ibabaw ng mesa dahilan upang takang mapatingin sa kanya ang dumaang manager.

"Something wrong?" usisa nito, huminto sa kanyang cubicle.

Noon lang siya tila bumalik sa huwisyo at muling umupo sa swivel chair.

"May langaw po kasi, pinatay ko lang," pagdadahilan niya sa manager. Hindi naman ito nag-usisa pa.

Ngayon lang siya nakaramdam nang ganito. Para bang nagliliyab ang kanyang katawan sa galit. Maraming babae si Zigfred? Bakit ang sabi kagabi, siya lang ang babaeng hinalikan nito?

Kaya pala gano'n kung makatawag dito 'yong babaeng lumapit sa kanila sa labas ng suite noon. Isa pala 'yon sa mga babae nito.

Kagat-labi siyang napayuko, pinigilan ang pagkawala ng isang hikbi. Sinungaling talaga 'yon. Sa sunod, hindi na siya maniniwala sa sasabihin pa nito.