Chereads / Self Healing Magic / Chapter 98 - Ang pinagsanib na lakas

Chapter 98 - Ang pinagsanib na lakas

你[Looking for ka duo]: I love you black magician! Ako na ang bebe mo!!!

Isang netizin ang hindi napigilan ang sarili na magkomento sa sobrang tuwa nang makitang nawala ang mga Spherical Bombs. Bagamat hindi pa tapos ang kasalukuyang krisis ng Sitona Town, labis na ikinatuwa ng karamihan ang pagkawala ng mga nakakatakot na bombang bilog na gawa sa purong enerhiya.

Sa pagkawala ng mga Spherical Bombs ay labis na nabuhayan ng loob ang mga taong kasalukuyang nasa gitna ng labanan.

Hindi nila alam kung sino ang nilalang na ito na nakasuot ng itim na kasuotan, at may pakpak na itim din. Wala rin silang ideya kung tao ba siya o halimaw. Pero dahil sa kanyang mga ginawa, nakakasiguro sila na hindi siya kaaway. Bukod pa diyan, napakalakas niya! Sino ba siya? Ang tanong ng lahat.

Biglang may mga makikitang kislap sa kanilang mga mata dahil sa pag-usbong ng panibagong pag-asa.

"Alright! Ito na ang pagkakataon natin! Humandang umataki!"

Sigaw ng mama ni Mina sa kanyang mga kasamahan. Ang pagkawala ng mga nakakatakot na spherical bombs ay nagbukas ng pagkakataon para sila ay mabigyan ng pagkakataon na umataki.

Dahil sa agarang pagsabog ng mga spherical bombs, hindi mapigilang mawala sa sarili ng sandali ang Grand Lord na Devil Helly.

Matapos marinig ang sigaw ng kanilang leader, "Yes!!!" Sabay-sabay silang tumugon at walang pagdadalawang isip na nagpakawala sila ng mga enerhiya sa kani-kanilang katawan.

Bigla-biglang nagliliwanag ang kanilang mga sandata.

Nang mapansin ito ng Devil Helly ay huli na ang lahat. Itinira na sa kanya ang mga nakakasilaw na bilog na hinulma gamit ang natitira nilang enrhiya.

Bagamat hindi ito kasing lakas ng spherical bombs, kitang-kita parin na hindi basta-basta ang mga maliwanag na bilog na iyon.

Ilang sandali ay isa isang napasigaw ang mga Devil Helly.

Kitang-kita ng lahat nang tamaan ang iilan sa kanila. Sabog-sabog ang kanilang mga katawan na animoy nagmistulang umuulan ng itim na dugo sa paligid.

Ngunit, bagama't marami ang tinamaan, marami parin ang nakailag na mga Devil Helly.

Pero, hindi pa tapos ang side ng mga tao. Mula sa ibaba ay kanya-kanyang nagpakawala ng kanilang mga atake ang mga natitirang survivor.

Bagama't hindi kasing lakas ng mga taga Defenders ang kanilang atake, enough na ito para mawala sa focus ang mga Devil Helly.

Kitang-kita ang anxious na mukha ng mga Devil Helly habang pinagmamasdan ang mga atake nila.

Dahil sa paggamit ng malakas na Spherical Bombs ay nanghina ang Devil Helly. Dahil dito, wala na itong sapat na lakas para depensahan ang sarili.

Isa pa, dahil sa paggamit nito ng multi figure na technique, nahahati rin ang lakas niya. So, nung dumami ito ay nagkahati-hati rin ang kanyang lakas.

Wala nang magawa ang Devil Helly sa pagkakataong ito. Alam niya na checkmate na siya.

Sa ibaba ay nag-aantay ang mga sundalong armado ng makabagong sandata. Sa harap naman niya ay ang mga Defenders. At sa taas ant misteryosong nilalang na tumapos sa higanteng octopus.

Biglang natigilan ang lahat nang biglang nagliwanag ang mga katawan ng mga Devil Helly. Naalerto at nabahala sila bigla. Baka ano nanamang klaseng atake ang binabalak nito.

Kahit pa mukhang nanghiya na ito, au hindi parin mawaglit sa kanilang isipan na isa itong Grand Lord. Isang mataas na uri ng halimaw na kayang gunawin ang buong siyudad.

Kahit ang mga taga Defenders ay natigilan din habang pinagmamasdang mabuti ang sunod na galaw ng Devil Helly.

Lumingon ang iba sa kanila sa taas at napansin nila na kahit ang misteryosong itim na nilalang ay hindi rin gumawa ng anumang hakbang. Siguro ay nagmamasid lang din ito.

Pero hindi sila sure kung ano talaga ang nasa isip niya o kung ano man ang binabalak niya.

Ang malalapad niyang pakpak na gaya ng sa paniki ay naka-unat sa magkabilang dulo.

At dahil nakapuwesto siya mismo sa harap ng buwan ay hindi nila maiwasang maisip na para siyang upgraded version ni batman. Ang superhero sa makalumang kwento.

Pagkaraan ng ilang segundo, biglang napanganga ang lahat nang liparan sa iisang direksyon ang mga Devil Helly.

Lahat sila ay sumanib sa isang Devil Helly?! Or mas klarong sabihin na nagsanib ulit ang mga ito sa iisang katawan.

Ilang saglit lang ay nag-iisang Devil Helly nalang ang nakatayo sa himpapawid. Pero bakas sa kanya ang pinagsanib na lakas.