Kahit isa lamang replay ng nakaraang laban ang kanilang tinitingnan ay biglang nataranta ang mga kasalukuyang nanonood ng video para sa kalagayan ng vlogger.
Kahit si Lily ay napapigil hininga habang pinagmamasdan ang bilog na liwanag na unti-unting humulma sa dulo ng kulay asul na daliring galamay ng Devil Helly.
Makikita sa video na bago pa maitira ang liwanag sa dulo ng asul na daliri ng Devil Helly ay iniharang ng vlogger ang kanyang mga kamay.
Alam ng lahat na useless lang ang kanyang ginawa. Ngunit kahit sino paman siguro sa sitwasyon niyang kinalalagyan ay gagawin din ang ginawa ng kaawa-awang vlogger, out of reflex kumbaga.
Dahil sa pagharang ng kanyang kamay, ay natabunan ang imahe ng Devil Helly na makikita sa screen ng video.
Ilang sigundo ang lumipas, ay walang dumating na inasahang pagsabog o pagkagutay-gutay ng laman ng vlogger.
Hindi rin nawala ang video. Dapat kung namatay ang taong nagvivideo gamit ang kanilang Window Interface, ay automatic sana na mag-turn off ang kanilang screen. Dahil sa pagkaputol ng enerhiyang dumadaloy sa kanilang katawan na nagbibigay daan para mapagana ang napaka hightech na sistemang ito.
Ngunit parang okay pa naman si manong vlogger. Maririnig rin ang kanyang mabilis na paghinga na halatang-halata na taranta at takot na takot.
Ilang sandali ay...
BOOOOOOOOOM!!! Isang malakas na pagsabog ang narinig ng lahat. Kinabahan ang lahat sa lakas nito. Biglang nagulo ang video na tila nawalan ng signal. Malakas din ang hiyaw na narinig ng lahat. Mula ito kay manong vlogger. Sumigaw ito ng, "Mamaaaaaa!!!"
Sa EMRMHS naman ay nawindang ang lahat dahil sa video na kumakalat. Halos lahat ng mga taga roon ay kasalukuyang nanonood ng video. Hindi sila makapaniwala na nangyari ito sa Sitona Town.
Sila ang mas affected sa nangyari, sapagkat karamihan sa kanila ay mula sa siyudad ng Sitona. Alalang-alala ang bawat isa sa kani-kanilang mga mahal sa buhay na naroon sa siyudad.
Alam ng lahat na parating may mga pagsalakay ng mga halimaw sa siyudad ng Sitona at kahit saan pamang siyudad sa mundo. Pero ngayon lang nangyari na sabay sabay na umatake ang mga mutated beast.
Madalas kung aatake man sila ay may isa o dalawa lang na mutated beast ang namumuno sa kanila. Habang karamihan ay mga rank D at C lang na halimaw ang madalas sumasalakay sa lugar.
Pero ngayon halos isang daang mutated beast ang sabay-sabay na sumugod sa Sitona Town. Hindi lang yun, may isa pang Grand Lord!
Kahapon lang dumating ang grupo nila Mina sa EMRMHS. Sa ngayon ay nasa taas sila ng fifth floor ng freshman building. Sa loob ng silid na para lamang sa mga special students. Kasalukuyan silang nagpaplano tungkol sa gaganaping practice match ng dalawang paaralan.
Ngunit biglang nakatanggap ng notification si Kesha na agad naman nitong binuksan. Kahit na nasa kalagitnaan sila ng pagpupulong ay hindi napigilan ni Kesha ang sarili na i-play ang video dahil sa nakaka-intriga na pamagat nito.
Makikita ang pagkunot ng mukha ni Mina habang pinagmamasdan ang video. Pero hindi ito nakabawas sa taglay niyang ganda, kahit na parang nakakain siya ng mapait na pagkain habang nakatingin sa video ng naglalaban.
Hindi lang si Mina, pati ang mga kasama sa special students ay ganun din. Karamihan sa kanilang pamilya ay nakatira sa siyudad na ito.
Ilang sandali ay luminaw na ulit ang screen ng video. Makikitang unti-unti binawi ng mamang vlogger ang mga nakaharang na kamay nang mapansin na buhay pa siya.
Pagbawi ng kanyang mga kamay, napansin ng lahat na kasalakuyang nanonood ng video na nawala na ang halimaw na parang Jelly Fish na may kulay asul at nakakatakot.
Naglipat-lipat ang display na makikita sa video. Mukhang luminga-linga si manong vlogger para hanapin kung saan na napunta yung halimaw.
Sa hindi kalayuan mula sa kanyang kaliwa, may makikitang malaking butas tanda ng malakas na pagsabog.
Ilang sandali ay may narinig ang lahat na malakas na banggaan. Biglang napalingon sa taas si manong vlogger.
Apat na taong nakasuot ng kulay gintong mga kasuotan ang kasalukuyang nakalutang sa ere kaharap ng halimaw na Grand Lord, ang Devil Helly.
Makikita rin ang malaking maliwanag na shield sa harap ng grupo ng mga taong nakasuot ng gintong kasuotan.
Habang makikita ang Devil Helly na katuon ang daliri sa kinaroroonan ng mga taong nakasuot ng gintong kasuotan. Mukhang may itinira ito nitong nakaraang sigundo, at sinangga ng nagliliwanag na malaking shield.
Isang lalaking may malaking katawan ang nasa likod ng malaking maliwanag na shield na siyang ginamit pangsangga sa atake ng kalaban.
"Golden Denfender!" Biglang bulalas ni mamang vlogger. Mukhang kilala ang grupong ito sa tawag na iyon.
Sa loob naman ng silid ng EMRMHS na para sa mga special students, "Mom..." biglang napabulong rin si Mina habang pinagmamasdan ang isang imahe ng magandang babae na kabilang sa grupo ng Golden Defender. Sa pinakalikod ng grupo, nakatayo habang nakalutang sa ere ang isang babae na kung titingnang mabuti ay mukhang hindi pa umabot sa 20 ang kasalukuyang edad nito.
Pero sa totoo lang ay nasa 30+ years old na siya. Sa kanyang likuran makikita ang kulay pula at asul na kapang nakasabit habang sumasayaw sa ere. Ang kulay gintong baluti na kanyang suot ay mapapalunok ang lahat dahil sa kaseksihan, at may napakagandang hubog pa ito ng katawan. Na animo'y isang dyosa ang bumaba sa kalangitan upang magbigay hatol sa ksamaan.
Sa dalawa niyang mga kamay ay parehong nababalutan ng kulay gintong mga liwanag. Isang ibon naman na nagliliyab ang makikita sa ibabaw ng kanyang ulo.
Kyaaaaahhh!!! Ilang sandali ay sumigaw ang malaking ibon sa ibabaw ng kanyang ulo habang nakabuka ang mga tuka nito ng napakalaki, na sinundan ng mga apoy na naglabasan na parang mga sunrays patungo sa direksyon ng Devil Helly.
Pero bago pa tamaan ang halimaw ay nawala ito sa kanyang kinatatayuan at lumitaw sa kanan ilang metrong layo mula sa dating kinatatayuan.
Ngunit, hindi nawala ang parang mga sunrays na atake mula sa nag-aapoy na ibon. Sinundan nito ang Devil Helly.
Mabilis na umiilag-ilag ang halimaw na parang bulang nawawala sa kinatatayuan. At lumilitaw sa ibang direksyon.
"Si Aunt Himena at ang Golden Defenders! Buti naman nakarating na sila!" Sigaw ni Kesha sa loob ng silid ng special students. Napatango lang ang lahat na parang binuhusan ng malamig na tubig.
'Tsk!' Kinuyom ni Necromancer ang kamay. Habang iniisip na kung nagkataon na nandiyan siya sa lugar ng naglalaban ay siguradong marami pa siyang maitutulong kaysa sa mga sundalong ito na mabilis naging hapunan ng mga halimaw.
Hindi lang yun, chance ito para makapagpasikat siya kay Mina at sa mama nito. At marami rin siyang makukuhang specimen na lalong magpalakas ng kanyang kapangyarihan.
Si Undying ay inisip din na sana naroon siya sa labanan, sa rasong makapagpasikat.
Gayun din ang isang binata n kasalukuyang nasa isang silid. Ang silid na ito ay ang barracks ng mga taga YSIM guild. Ang binatang ito ay walang iba kundi ang mortal na kalaban ni Yman at matagal na na may gusto kay Mina, si Kiko!
Katulad ng iba ay kasalukuyan rin nanonood ng video sila Kiko at mga kaibigan nito. Pero wala manlang pag-alala para sa mga pamilya niyang naroon sa lugar. Sa totoo lang ay medyo malayo ang tirahan nila sa parte ng siyudad na inaatake ng mga halimaw.
Buti naman dumating na ang Golden Defender. Ang leader nila na ina ni Mina ay isang rank S na magician. Habang nasa rank A+ naman ang iba.
Kaya lang...
Hindi basta bastang halimaw ang Devil Helly!