Chereads / Self Healing Magic / Chapter 89 - ...pag-alis ni Yman at umpisa ng panibagong laban...

Chapter 89 - ...pag-alis ni Yman at umpisa ng panibagong laban...

Limang araw ang lumipas nang makalaban nila ang Desert King.

Pero walang ideya si Yman kung paano nagtapos ang laban. Nawalan siya nang malay matapos maubusan ng stamina dahil sa sugat at lason na natamo.

Ayaw din naman niya magtanong sa mga kasama kung paano nila napatay ang Desert King. Basta pag-gising niya ay may napulot na siyang mga gamit sa kanyang storage at nag-level 5 breakthrough narin ang kanyang katawan. Mukhang nagawa niyang mag-leech sa mga kasama habang wala siyang malay.

Sinabi rin nila na nagawang iligtas ni Maena, Mina at Kesha ang mga adventurers na trap sa may kweba. Pero wala silang nakitang halimaw or Mini boss o kahit ano paman sa lugar. Tanging ang mga tao lang na na-trap ang nandun. Naharangan ng mga gumuhong bato ang parte ng daanan kung saan dapat sila lalabas kaya na-trap sa lugar ang mga adventurers na iyon.

Sabi nila, bago sila na-trap doon, ay may nakita silang mga taong nakabalot ng mga itim na tela ang kumalaban sa halimaw. Siguro nagawa ng mga taong yun na paslangin ito.

Ngunit, bigla nalang gumuho ang pasukan ng kweba kaya nahirapan silang makalabas. At yun dahilan ng kanilang pagka-trap sa lugar.

Limang araw na ang lumipas at balik na sa akademya ulit si Yman at Rea. Sa kasamaang palad, nalaman nila na wala si Seven sa guild. Ang grupo nila Ron ay sinundan ang taong matagal na nilang minamatyagan. Patungo sila sa kaharian na tinatawag na Kaharian ng mga Musang, na matatagpuan sa silangang bahagi ng mapa. May isang buwan na biyahe gamit ang Peon para marating nila ang kaharian.

Ibig sabihin nito ay medyo matagal bago mapagaling ang naputol na braso ni Yman.

Mula noong araw na iyon, ay nadagdagan ang nangungulit sa kanyang Mail section. Si Kesha ay araw gabi nangungumusta sa kanyang kalagayan. At paulit-ulit na nagpapasalamat at nagsosorry sa kanyang hindi magandang pakikitungo dati sa kanya.

Although, nakailang reply narin siya na okay lang yun at walang problema sa kanya ang mga nangyari na. At para sa kamay niyang naputol. Marami namang paraan para maibalik ito. Pero sa ngayon, mas mabuti na hintayin nalang niyang makabalik si Seven. Dahil sa magic nito na kayang mai-restore ang mga naputol na bahagi ng katawan ng tao.

Gabi ng sabado...

Mag-isa, malungkot at walang kausap. Nakatingin sa ulap at pinagmamasdan ang mga bituin na animo'y alitaptap.

Kanina pa na tumutunog ang kanyang Mail Section sa Interface. Pero minabuti na muna niyang huwag tingnan. Gusto na muna niyang magmuni-muni mag-isa.

Kasalukuyan siyang nasa taas ng bubungan ng adventurers guild. Nakatingin sa madilim na kalangitan.

Nitong mga nakaraang mga araw ay palagi nalang siyang nasangkot sa gulo. Mga gulong walang kabuluhan. Okay sana kung kumita siya ng milyones. Kaso nga lang, naputol pa ang kanyang braso, tapos wala, hindi pa siya kumita.

Yung utang niya parami ng parami. Kanina umutang ulit siya kay Headmaster Laura.

Siguro mag-nenegosyo na muna siya. Magtitinda ng mga bagay-bagay sa pamilihan. O di kaya, gagamitin niya ang kanyang pagiging baldado para pagkitaan? Magpapalimos nalang siguro siya sa may simbahan? (Lol)

Pero biro lang. Sa totoo lang, nang maputol ang kanyang kanang braso ay napansin niya na lumakas ang natirang braso. Siguro dahil wala na itong kahati?

Habang nag-iisip ay napunta ang kanyang pag-iisip sa kung paano naligaw doon ang Desert King? Bakit ito umalis sa kanyang teritoryo? At kung may taong ba na dahilan nun? Sino naman kaya? D'chaos? Si Rea ba ang target nila? Walang talagang mahanap na kasagutan sa kanyang mga katanungan si Yman.

Anyways, feeling niya ay nadagdagan na naman ang kanyang lakas mula nung maglevel 5.

Habang nakatitig sa kalangitan at sa maliwanag na buwan, ay bigla bigla nalang may tumawid sa buwan. Isang malaheganting nilalang. Pero hindi na binigyang pansin ito ni Yman. Dahil normal naman mga dragon sa mundong ito. Although, gusto niyang makita ito ng malapitan. Pero sabagay, medyo tinatamad siya. Baka maging hostile pa ito sa kanya at mapalaban pa siya. Mahirap na baka maputol pa ang nag-iisang braso na natira. Paano nalang siya kakamot kung ganun?

Kailangan muna niyang pangalagahan ang sarili. Hindi ito gaya ng mga anime o pilekula na maraming plot armors para sagipin ang bida. Buhay niya nakataya dito.

Haaaah!

Isang mahaba-habang paghikab ang nakatakas sa kanyang bibig.

Sa totoo lang, sampung milyon na ang utang niya kay Headmaster Laura. May natanggap siyang balita tungkol sa kanyang ina na naubusan na ito ng gamot. Siguro mag-absent muna siya sa akademya ng limang araw at uuwi muna sa Upperworld. Namimis narin niya ang kanyang ina at kapated.

Buti nalang at nalaman niya na pwede palang makauwi. Yun nga lang may isang milyong bayad papunta doon at isang milyon din pabalik dito.

Mula nang gabing iyon ay hindi na nakita pa si Yman... naglayas na ata!

Pabalik narin ang grupo ng mga special students na dumalo sa pagdiriwang papunta sa kani-kanilang akademya.

Nagtaka sila Meana kung bakit hindi nagpakita si Yman sa kanilang pag-alis.

Gusto sana ni Mina na sabihin ang totoong nararamdaman sa kanya. Pero nawala naman ito.

Gusto sana magsorry ulit ni Kesha at magpasalamat.

Si Rea lang ang dumating para makita ang pag-alis ng grupo nila Mina. Kahit paano ay naging close narin sila Mina at Rea. Medyo ilang araw din sila nagkasama at napagtanto na masaya kausap ang isa't-isa.

Gayunpaman, nagyakapan muna ang apat na babae bago umalis si Rea para pumasok sa akademya.

Masaya naman si Undying sa nalaman na nawala na ang asungot na binata. Walang nang makakaagaw sa kanyang pinapangarap na HAREM.

Sayang lang dahil gusto din sana niya ang engkantada.

Sa EMRMHS ay abalang abala ang bawat isa. Dahil dito gaganapin ang practice match sa pamamagitan ng dalawang akademya.

Siguradong maraming pupunta para tumingin sa laban. Kahit pa practice match lang ang mangyayari.

Marami naring mga stoll ang nakapila sa labas ng malaking gym ng akademya kung saan gaganapin ang praktis match.

May mga banner narin sa magkabilang gilid ng daanan. Siguradong kaabang-abang ito kahit isa lamang practice match ang mangyayari. Nagbibinta pa nga ng ticket ang pamunuan ng akademya. Kahit paano kailangan kumita.