Chereads / Dear Future Boyfriend / Chapter 65 - Message #28

Chapter 65 - Message #28

MrCreeper: Hey, sorry for the late reply. Medyo naging busy lang. Kumusta ka?

MrCreeper: Tungkol sa tanong mo kahapon. Parehas lang naman na ikaw yon. :)

You: Parehas? Ice lng nman ako.

MrCreeper: Matalino at maganda. Ice? :)

You: Binobola mo lang ako eh. Ice. Ays. Ayos. Maayos.

MrCreeper: Ice. Nice. Di kita binobola, baka tumalbog ka sa iba, sa kanya ka pa mapunta. :)

You: Stahp!

MrCreeper: Haha! Matalino ka at maganda Kayleen. :)

You: Ok na ako sa maganda ako. Alam mo ba kung ano ang grade ko sa math?

MrCreeper: Hindi naman dyan nasusukat yon. Alam mo nga ang ibig sabihin ng ICE eh. :)

You: Sus. Parang yun lang. Imbentong pinoy lang naman yun eh.

MrCreeper: Kahit na, look at it this way, may alam ka na hindi ko alam. May mga alam ka na hindi alam ng ibang tao. At alam ko na kung gusto mo tlaga ang isang subject mahirap man yon para sa iba, magiging madali lang yon pagdating sayo. :)

You: Wla akong maisip na subject.

MrCreeper: Ako meron. :)

You: Wow kilala mo tlaga ako ah. Cge nga. Ano yon?

MrCreeper: Baking. Magaling ka ron, Kayleen. And I'm proud of you because you know what you want. You have your dreams. You have a goal in your life. Kaya hwag mong maliitin ang sarili mo dahil lang sa grades mo. Maraming matatalino pero walang passion at kulang sa pangarap. Yon ang advantage mo sa kanila, Kayleen.

You: Wow. Hindi ko alam na ganyan pala ang tingin mo sakin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Uh. Thank you.

MrCreeper: And humble too. One of the reasons why I like you so much. :)