Chapter 2 - Chapter 2

Yanan and Grace Moment

At the Campus

Time Check: 12:00nn

Naabutan ni Yanan ang Bestfriend nyang si Grace na mukhang malungkot at may malamin na iniisip.

Yanan: Oh bakit ganyan ang itsura mo habang tinitingnan sa malayo si Kino?

Nasa Gym si Kino habang sila ni Grace ay nasa labas ng Gym malapit sa Building nila.

Grace: Eh kasi habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog kay Kino mas lalo akong nahihirapan sa pag iisip ng plano kung paano ako aamin sa kanya sigh

Nakasimangot nyang sabi habang nakatingin pa rin sa gawi nila kino na naglalaro ng baskteball.

Yanan: Gusto mo na ba talaga umamin? Kasi kung Oo matutulungan kita. Iisip ako ng paraan para masabi mo sa kanya ang lahat lalo na dyan sa nararamdaman mo para sa kanya.

Namimilog na mga mata ni Grace nang tumingin kay Yanan dahil na rin siguro sa hindi nya inaasahang sagot ni Yanan sa kanya.

Grace: Talaga?! *o* tutulungan mo ako umamin kay kino?! Yiieee thank you talaga bes the best bestfriend ka talaga! *Niyakap si yanan*

Nagulat ito sa yakap ng kaibigan at  iyon ang matagal na nyang gustong gawin sa kanya ng bestfriend nyang si Grace.

Yanan: *Niyakap rin si Grace* Oo gagawin ko yon kung san ka sasaya dun na rin ako. Bestfriend mo kaya ako

Kumalas sa yakap at saka ngumiti ng abot tenga si Grace. Hindi maipagkakaila kung bakit na inlove si Yanan sa  babaeng to dahil kung titingnan na kay Grace na ang lahat ng katangiang gusto ni yanan sa isang babae.

Grace: Maraming Maraming Salamat sayo bes! Tatanawin kong utang na loob tong gagawin mo para sakin wala akong pake kahit mareject pa ako ni kino basta masabi ko lang ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Grace at saka hinila si Yanan palayo sa kinatatayuan nila. Wala na kasing klase kaya pwede na silang umuwi sa oras na gusto sila.

Yanan: May pupuntahan ka pa ba? O Nagugutom ka? Kung gutom ka halika kain tayo sa tapat ng school o kung may pupuntahan ka naman samahan na kita para di ka nagiisa.

At dahil gustong makasama ni Yanan ng buong araw si Grace gumawa ito ng paraan para magkasama sila ng matagal dahil baka sa mga susunod na araw hindi na niya ito makasama pang muli.

Grace: Oo may pupuntahan ako bes atsaka oo gutom na rin ako hahahaha samahan mo naman ako sa mall bes dun na rin tayo mag tanghalian hihihi

At dahil hindi makatanggi si Yanan at sa kagustuhan na rin nyang makasama ang Bestfriend nya sumang-ayon ito sa kagustuhan ng mahal nya .

Yanan: Sige ba! Tapos hatid na kita pauwi sa inyo tutal nasa iisang subdivision naman tayo eh.

Grace: Yeeeeeyy!!! Thank you bes!!! I love you with all my heart hihihi

Hindi man makaamin si Yanan sa Kaibigan ipinararamdaman naman nito yung pagmamahal nya para dito.