Chapter 3 - Chapter 3

Grace and Kino Moment

At Stockroom

Time Check: 3:00pm

Andito sa Stockroom si Grace at kanina pa nag iintay kay sa pagdating ni kino.

Grace: Ang tagal naman nila. Kanina pa ako dito asan na kaya sila? Naisama kaya ni Yanan si kino?

Sa Stockroom nila Yana  napagdesisyunan na dito aamin si Grace para walang epal at para private medyo ang pag uusapan ng dalawa. Hindi mapigilan ni Grace na di mag isip ng mag isip dahil wala pa sila Kino sa Stockroom.

Grace: Asan na ba sila? Ginagabok na ako dito sa stockroom at medyo madilim na hindi ko pa man rin naalala na buksan ang ilaw kanina hayst

Nakarinig ng kuluskus at nag uusap sa labas si Grace kaya nag atubili na ito mag ayos ng sarili para sa pag uusapan nila ni kino. At nagbukas ang pinto ng stockroom si Kino ang nakita nito na iniluwa ng pintuan.

Kino: Grace? Anong ginagawa mo dito? Atsaka asan na si Yanan? Nawala na lang bigla.

Eto na pagkakataong nakikita ni Grace para makaamin kay Kino. Hindi na ito  pinalagpas ni Grace, Ayos lang sa kanya kahit mareject sya atleast nasabi nito ang gusto nyang sabihin kay Kino.

Grace: A-ano kasi kino uhm ako talaga dahilan kung bakit ka nandito tinulungan lang ako ni Yanan para makapag usap tayo.

Pakiramdam nito sasabog na ang dibdib niya dahil sa kaba at sa lakas ng tibok ng puso niya.

Kino: Huh? Anong ibig mong sabihin? May pag uusapan tayo na dapat tayong dalawa lang?

Naglakas loob si Grace na kausapin si Kino. Upang masabi na nito ang mga gusto nyang sabihin.

Grace:  Oo kino. Tayong dalawa lang sana ang makakaalam nito kasi tungkol to sa nararamdaman ko para sayo.

Kino: Huh? Derektahin mo na nga ako Grace kasi kanina pa ako naguguluhan sa mga nangyayari ngayon.

Walang pag aatubiling umamin si Grace kay kino kahit kinakabahan ito patuloy pa rin sya sa pag amin sa lalaking nagpapatibok ng puso nya.

Grace: Kino! Gusto kita. Gustong gusto kita matagal na, hindi ko alam kung pano nagsimula ang lahat pero simula nung makilala kita iba dating mo sakin eh. Napapasaya mo ako.

Kino: Gu-gusto mo ako? Teka hindi mag sink in sa utak ko Grace ang pag amin mo. Pero gusto ko lang malaman mo na Gusto rin kita Grace matagal na rin nahihiya lang ako lumapit sayo.

Hindi makapaniwala si Grace sa narinig niya na tila hindi mag sink in sa utak nya ang sagot ni kino mula sa pag amin nito.

Grace: Se-seryoso?! Gusto mo rin ako? Kinikilig ako kino!!! Pero gusto ko lang malaman mo na sobrang saya ko dahil sa nalaman ko all this time akala ko ako lang nagkakagusto pero hindi pala.

Kitang kita sa mga mata ni Grace kung gano sya kasaya dahil sa pag uusap nila ni kino.

Kino: Akala ko rin naman eh. Ako lang nag kakagusto sating dalawa pero dahil sa pag amin mo nahiya ako. Ako dapat unang aamin eh kaso naunahan mo ako.

Kitang kita rin kay Grace kung gano nya kamahal ang lalaking nasa harapan niya.

Grace: Pasensya ka na kasi hindi ko na kaya eh patagal ng patagal mas lalo akong nagkakagusto sayo.

Hindi maialis ang ngiti sa mga labi ni Grace dahil sa nangyari. Para kay Grace sya na ang pinaka masayang babae sa mundo.

Kino: So uhm pwede ba kitang ligawan? Ligaw na knowing each other? Kasi hindi pa kita ganun kakilala eh at ganun ka rin sakin. One step at the time sana.

Walang pag aalinlangan si Grace na sumagot sa tanong ni Kino na mas lalo nyang ikinasaya.

Grace: Oo naman! Payag na payag ako gusto rin naman kitang makilala ng lubus eh. Kaya sige hinay-hinay tayo

Kino:  Talaga?! Payag ka na?! Thank you grace! *Niyakap si Grace*

Grace: *Niyakap rin si kino* Oo naman! Hindi ako makakatanggi sayo noh. Hihihihi

Hindi maalis ang mga ngiti ni Grace sa kanyang mukha at tanging si Yanan agad ang pumasok sa isipan nya na una nyang pagsasabihan ng GoodNews.