Chereads / A Certified Casanova / Chapter 21 - Chapter 21

Chapter 21 - Chapter 21

PANIBAGONG araw na naman. Main goal ko agad ay ang makausap si Terrence. Hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ang bigat bigat sa pakiramdam na ganoon iyong pinakita niya sa akin kagabi sa bar.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit apektado ako na makita siyang may kahalikan at kalandiang ibang babae.

Mahal na mahal ko si Robi at masaya naman ako na naging maayos na kami. Pero bakit parang may something dito sa dibdib ko?

Papunta ako ngayon sa Hashtag bar. Lunch break at mas pinili kong puntahan siya kesa mag-lunch sa Cafe de Lucio. Isang oras lang ang break time ko kaya susulitin ko na. Hindi naman siya ganoon kalayo.

Kaninang umaga ay masaya pa rin naman akong makitang masaya si Robi. Dinalhan ko siya ng groceries at hindi ko mabilang ang pagpapasalamat niya. Mas naramdaman ko tuloy na mahal na mahal niya ako.

Bago ako nagdesisyong pumunta dito sa Hashtag bar ay tumawag muna ako kay Mrs. Palermo at tinanong kung nasaan si Terrence at iyon nga, sabi niya ay narito sa bar.

Ang aga aga, nasa bar siya.

Pumasok ako sa loob. Hindi ko akalaing may mga tao pa rin dito kahit ganitong oras. Para siyang cafe kapag araw. May mga tao sa mga mesa na umiinom ng cafe, kumakain at umiinom. Pero hindi katulad kaoag gabi na pati dance floor ay puno ng tao.

"Dude, she's here again. Oh, come on! You should give her what she wants para tigilan ka na. Tangina ng kamandag mo, hayop."

Narito na naman iyong bastos na lalaki na kasama niya rin kagabi.

"Shut up." Ani Terrence saka tumingin sa akin.

He looked normal. They are drinking coffee sa may bar counter. Akala ko ay alak agad ang iniinom nila.

"Ang aga aga, nasa bar ka na naman, Terrence." Hindi ko maiwasang sabihin.

Ngumisi si Terrence. Para bang napakalamig ng tingin niya sa akin.

"Woman, hell, ang aga aga? We fucking slept here." Tumawa pa si Dos pagkasabi niyon.

"Hoy, pamangkin ni Palermo na napaka-landi, hinahanap ka ng tingting mong Tito. Umuwi ka na. Nasisisi pa ang bar ko. That's a no no! Hindi na baleng si Kit Javier ang sisihin niyo! Huwag lang itong bar ko dahil napakatagal na nitong namamayagpag. Mas famous pa ito sa inyo."

Napatingin ako sa middle-aged man na nagsalita.

"Oh, yeah, Tito Ken." Sagot ni Terrence.

Muli siyang tumingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito kalakas ang kabog ng dibdib ko.

"Leave us." Sabi niya.

"Yeah, leave us, woman. Sorry but you're not his fucking type." Dugtong ni Dos.

"No, you. Leave us for a while." Sabi ulit ni Terrence. "You fucking leave us, Dos."

"Come on, Dude! Fuck, fine."

Umalis na si Dos. Naiwan kami ni Terrence dito sa may bar counter. He's looking at me with his cold eyes. Hindi ako sanay sa ganoong tingin niya.

"What do you want?" Tanong niya. May galit sa tono ng pananalita niya. "If you want to fucking save your relationshit with your boyfriend, then stop coming to me like we have a thing."

Napalunok ako. Naiintindihan ko naman iyong galit niya. Hindi maganda iyong mga nasabi ko sa kaniya noong huli kaming mag-usap sa apartment ko. Nadala ako ng galit, isa pa, ayoko lang talaga na nakikialam siya sa amin ni Robi.

"Terrence kasi, ano..."

"You know what, you're wasting my time. I have plans today and heck, here I am, talking to you, hearing non sense thing---"

"Nag-aalala na si Mrs. Palermo sa iyo. Hindi ka naman ganyan, Terrence. Sorry. Alam kong may pagkakamali ako at may nasabi akong hindi maganda pero sana huwag ka namang ganito. Maawa ka kina Mrs. Palermo. Hindi ko alam ang buong kwento at pinaghuhugutan mo kung bakit ka nagkakaganyan pero sana maisip mo na may mga tao pa ring nariyan para sa 'yo. Huwag mong sirain ang buhay mo..."

He chuckles. Hindi ako makapaniwalang nagagawa niyang tawanan ang sinabi ko.

"So, Mom asked you to come and stop me from what I'm doing? Putangina."

Binalot ng kaba ang dibdib ko. His eyes were cold pero ngayon ay para na iyong nag-aapoy.

"Who the fuck are you, Keeshia?! The woman I fell in love with? Oh yeah, but hell, hindi sa 'yo umiikot ang mundo ko. Hindi ako tanga sa pag-ibig tulad mo. Hindi ako magpapakatanga sa taong alam kong hindi ako mahal. You hate me, fucking okay! And I don't give a damn! I'm done with you and there's no more fucking reason for you to show up. Even if it's a favor from my Mom, you still have no rights to just come and talk to me like we're fucking close! We were close but not anymore. I decided to fucking remove you from my life. You're just a temporary person, anyway."

Nasasaktan ako. Gusto kong maiyak dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung dahil ba tama siya o dahil apektado ako sa trato niya.

"Terrence---"

"Live your own life, Keeshia. That's what I learned from you. Ayaw mo sa mga pakialamero ng buhay ng may buhay right? Then don't fucking do it. Huwag mong pakialamanan ang buhay ko dahil wala kang karapatan."

Tagos na tagos sa akin ang sinabi niya. Halos hindi ako makapagsalita dahil alam kong kaunti nalang, tutulo na ang luha ko.

"Sorry sa mga nasabi---"

"I don't fucking need your sorry. I want you out of my fucking life, Keeshia. I don't even want to see you anymore."

"Terrence..." pilit kong kinalma ang sarili ko. Ayokong umiyak sa harap niya. Ayoko.

"Fucking run to your boyfriend and feed him. You're like a sugar mommy to him, right? Go. I hate talking to people who are in a relationshit. Ayokong nasisisi ako sa nasisirang mga relasyon."

Tumayo na siya saka ako nilampasan pero hindi ko alam kung bakit parang may sariling isip ang mga kamay ko saka siya hinila sa kamay niya.

"Terrence, please."

"Bitaw."

Hindi ako bumitaw. Hindi ko alam kung gingawa ko pa ba 'to dahil sa favor ni Mrs. Palermo o dahil sa kakaibang nararamdaman ko.

"Huwag mong sirain ang buhay mo, Terrence..."

Pwersahan niyang hinila ang kamay niya dahilan para mabitawan ko iyon.

"Stop that crap, Keeshia. You never been a part of my life so stop acting like that. You are just part of my memories. Shut the fuck up and live your own fucking damn life."

Wala na akong nagawa nang tuluyan siyang nakalabas ng bar. Parang napako ako sa kinatatayuan ko.

Ang kirot kirot sa bandang dibdib ko.

Totoo namang nag-aalala ako sa kaniya hindi lang dahil sa sinabi ni Mrs. Palermo. Araw araw siyang nasa bar. Sinisira niya ang buhay niya.

Lumabas ako ng bar. Naabutan ko pa si Dos na naninigarilyo.

"Woman, tama na ang paghahabol sa kaibigan ko. Gago 'yon tulad ko pero wala kang karapatang guluhin siya. He's enjoying his life. Who are you to interrupt? Saka mo na pakialamanan ang buhay niya kapag may karapatan ka na."

Doon ako tinamaan sa sinabi niya. Masyado na ba akong naging pakialamera? Pagkatapos kong sabihan si Terrence na nakikialam sa buhay ko, heto ako ngayon, ginugulo siya.

Ano na bang dapat kong gawin? Sa halip na maging stable lang ang lagay ko dahil maayos na ang lahat, parang lalong gumulo ang isip ko. Palagi nalang si Terrence ang laman. Kailangan ko na bang tumigil at hayaan siyang gawin ang gusto niya sa buhay? Hay.