Chereads / A Certified Casanova / Chapter 23 - Chapter 23

Chapter 23 - Chapter 23

HINDI ko alam kung paano ko babasagin ang katahimikan. Narito kami ngayon sa apartment ko. Oo, kasama ko si Terrence.

Inaayos ko iyong mga binili kong gamot sa drugstore para gamutin ang mga sugat niya sa mukha.

Nakaupo siya sa sofa at kitang kita ko kung paano siya napapadaing sa sakit ng sugat niya lalo na sa gilid ng labi niya. Hinahawak hawakan pa niya iyon.

Keeshia, umayos ka!

Dinala ko kay Terrence ang mga gamot saka inilapag sa center table.

"Gagamutin ko 'yung mga sugat mo."

"Where's your boyfriend?" Sa halip ay tanong niya.

Bakit kailangan pa niyang itanong? Iyong mga sugat niya ang mahalaga ngayon.

"A-Ano, nasa condo niya."

"I see."

Napalunok ako. Ibang iba siya sa dati. Bapaka-cold ng mga mata niya. Hindi ko pa rin tuloy masabi kung okay na ba kami? Kung galit pa ba siya sa akin or ano.

Umupo ako sa tabi niya. "Harap ka sa akin."

He glared at me. "Are you sure?"

Muli, napalunok ako. "Oo. Gagamutin ko nga kasi ang mga sugat mo sa mukha."

Ngumisi siya. "Fine. Don't worry, I won't do anything to you. I reminded myself not to touch you because you're taken."

Sa sinabi niyang iyon, parang may bahagyang kumirot sa bandang dibdib ko. Anong ibig niyang sabihin?

Tumikhim ako. "Medyo makirot 'to."

Nilagyan ko ng gamot iyong cotton buds. Dahan dahan kong inilapit sa labi niya ang hawak kong cotton buds.

Habang palapit ng palapit, palakas rin ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Napalunok na naman tuloy ako. Hindi naman pwedeng hindi ko tingnan ang labi niya pero kasi...

"Fuck."

"S-Sorry..."

"You shouldn't say sorry, Keeshia. Ginusto mong saktan ako."

Kumunot ang noo ko.

"Dadahan dahanin ko, Terrence."

"Binigla mo nga, Keeshia "

Lalong kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi niya? Tungkol pa ba sa sugat niya ang mga sagot niya?

Pinagpatuloy ko ang paglalapat ng gamot sa gilid ng labi niya. Hindi ko maiwasang ma-apektuhan tuwing igagalaw niya ang labi niya. Mapupula iyon at sa tuwing mapapatitig ako, naaalala ko iyong time na hinalikan niya ako.

Kusa akong napailing para tanggalin sa isip ko iyon. Kailangan kong gamutin ang sugat niya.

"Keeshia."

Napatingin ako sa mukha niya. Ang lapit lapit pala namin sa isa't isa. Sa ikatlong pagkakataon, napalunok ako.

"A-Ano, ah---may sugat ka pa sa may pisngi s-saka sa---"

"I fucking hate you."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero agad din akong nakabawi. Ayokong makita niya na sobra akong apektado sa sinabi niya.

May nagre-react sa bandang dibdib ko.

"I came here with you dahil pinuntahan mo ako sa bar but that doesn't mean that we're okay. I still hate you and I don't want you to come to me again."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Sa halip ay pinagpatuloy ko ang paglalagay ng gamot sa sugat niya sa pisngi.

"Stop answeting mom's call. Stop obeying her orders when it's about me. Just fucking stop, Keeshia." Mahinahong sabi niya.

Nilagyan ko ng maliit na badaid ang sugat sa pisngi niya. Sunod kong ginamot iyong nasa may kilay niya.

Kaunti nalang, tutulo na ang luha ko. Ayokong magsalita dahil baka bigla akong maiyak. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Nasasaktan ako sa sinasabi niya. Hindi maman dapat 'di ba? Dapat naman talaga iwasan ko na siya pero bakit ganito...

"I won't... pursue you. I'll let you live with that fucking asshole. You love him and I can't do anything with that."

Pilit kong iniiwasang mapatingin sa mga mata niya. Inabala ko ang sarili ko sa paggagamot ng sugat niya sa kilay.

"This will be the last time that you'll be with me. This will be the fucking last time that you can come to me this close."

Hindi ako iiyak. Bakit ba ako iiyak. Bakit ba?

"After this, I don't want to see you again."

Hindi talaga ako iiyak.

"As long as you're in a relationshit, don't ever come to see me." He grins. "Well, I prefer you not coming to me even if you broke up with him."

Bakit kasi ako nasasaktan sa sinasabi niya?

Alam kong marami siyang kalokohan. Alam kong nakangisi siya habang sinasabi ang mga bagay na iyon pero alam ko, sa tono ng pananalita niya, sincere sya at seryoso siya sa mga sinabi niya.

Nilagyan ko na ng band aid iyong kilay niya. Isang sugat nalang ang natitira. Sa gitna ng ilong niya.

"I... liked you."

Natigilan ako pero saglit lang at nakabawi din ako agad. Ayokong ipakita na apektado ako.

"Yeah, dati 'yon but not now. There are lot of fucking girls. Hindi ako magpapakatanga sa babaeng tanga, Keeshia."

Oo na, tanga na ako! Gusto ko siyang sigawan pero mas pinili kong manahimik.

"Kung kaya mong magpakatanga sa lalaking ginagawa kang tanga, then I'm fucking different."

Hindi ko na yata kaya. Anytime ay baka sagutin ko na siya at kapag nangyari 'yon, alam kong magkakasagutan na naman kami.

"Of course, mas pipiliin mo iyong lalaking natagal mo nang kasama kesa sa lalaking unti unti mo palang nakikilala."

Hindi bitter ang tono niya e. More on, stating the fact.

"That's your fucking choice. And I'm fine with it. I'm done, and I won't look at you again."

Natapos kong gamutin ang sugat niya. Hindi ko na naiwasang mapatingin sa mga mata niya.

"That face... I want to fucking erase that on my mind."

Gusto ko nang magsalita! Pero... pero...

"Get the hell out of my life, Keeshia. Thanks for treating my wounds. This is a better farewell."

Tumayo na siya. Nakatanga ako habang nakatungo. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Wala naman daoat akong pakialam 'di ba? Ito nga iyong gusto ko e. Iyong mawala na siya sa mundo ko dahil ginugulo niya lang ang buhay ko. Pero ito... itong dibdib ko, bakit ganito... bakit ako umiiyak? Bakit ako nasasaktan?!

"T-Terrence..."

Hindi na dapat ako nagsalita pa!

"Stop crying. That won't do."

"Sorry..."

"If you want me to forgive you, then... all you can do is to just stay out of my life."

Lalo akong naiyak. Bakit ako nasasaktan ng ganito. Ang bigat bigat at ang kirot kirot ng dibdib ko. Hindi ako makatunghay para tingnan siya. Ayoko g ipakita sa kaniya ang luha ko.

"Thanks, and take care of yourself."

Nanatili akong nakatungo habang mabikis na naglalagpakan ang mga luha ko. Hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pinto.

Umalis siya...

Umalis na si Terrence. Seryoso siya sa sinabi niya. Gusto niyang mawala na ako sa buhay niya. Ayaw niya nang makita pa ako.

Napahawak ako sa dibdib ko. Pilit kong pinipigilan ang pag-iyak ko pero hindi ko magawa. Napahagulhol ako. Ang sakit dito... ang sakit...

Bakit ako nagkakaganito sa 'yo, Terrence?

GABI NA NAMAN. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pamamaga ng mga mata ko. Kagabi ay nakatulugan ko na ang pag-iyak. Nasasaktan ako at sa tuwing maaalala ko iyong mga sinabi niya, nanggigilid na naman ang luha ko.

Malapit na akong magsara ng cafe. As usual, mag isa ako. Pero sabi ni Mrs. Hestia, naghahanap na siya ng makakasama ko rito.

Ibig sabihin, hindi na nga nila pababalikin pa si Terrence. Hindi na rin tunatawag sa akin si Mrs. Palermo. Oo, alam kong pinagsabihan na ako ni Terremce na huwag nang sasagutin ang tawag ni Mrs. Palermo pero heto ako ngayon, naka-abang pa sa tawag niya.

Tanga ba talaga ako para piliin si Robi? Mahal ko siya e. Siya iyong laman ng puso ko. At alam ko, oanandaliang saya lang ang ibinigay sa akin ni Terrence.

"Damn it, Empress!"

"Ang KJ mo! Like ano bang masama na mag-coffee tayo dito? Duh! Kay Hestia 'to."

Mabilis na kumabig ang dibdib ko nang makita si Terrence na hila hila ng pinsan niya. Kilala ko siya. Bunsong anak nina Mrs. Palermo.

"I fucking hate coffee! Sa bar tayo."

"No! Gusto ko ng coffee!"

Kaya mo 'yan, Keeshia. Kalma lang.

"Hi! Can you give us a caramel iced coffee, and... what's yours?!"

"Fuck it. Anything!"

"Okay, one americano for him."

Ibinigay niya ang card niya. I swiped it at the pos saka ibinalik sa kaniya kasama ang resibo.

Nanatili si Terrence sa likod ni Miss Empress.

Naglabas akonng tray saka tissue. Inihanda ko ang coffee nila. Parang nanginginig ang kamay ko. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko.

"Miss, isang coffee latte."

"Okay, sir."

Bumalik ako sa ginagawa ko. Sinabay sabay ko na para isang dalahan ko nalang sa kanila.

Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung paano patitigilin itong puso ko. Malala na 'to.

Nang matapos ako sa mga kape ay pinagsama sama ko na ang tatlong cup sa isnag tray. Huminga ako ng malalim saka lumunok. Kaya ko 'to. Matatanggap ang kabog dito sa dibdib ko.

Uunahin kong dalhin ang kina Terrence para makaalis agad ako.

"Duh! Don't you dare! Yayain mo na lahat ng friends mo sa pambababae mo huwag lang ang friends ni tandang Duke!"

"Why do you care?"

"Basta! Malalagot ka sa akin! Saka chaperon ko si Drake so he needs to be available anytime!"

"Fuck that reasons."

Nang makalapit ako sa kanila ay mabikis kong inilapag ang orders nila. Saka ko nilapitan ang isa pang order. Dito lang din siya nakaupo malapit kina Terrence na table.

"Here's your order, sir."

"Ano 'to? Wala akong sinabing iced coffee. Coffee latte! It should be hot!"

Napalunok ako. "S-Sorry, sir... papalitan ko po aga---oh my gosh, sorry!"

"What the hell?!"

Hindi ko sinasadyang mabitawan ang iced coffee at natapon sa lalaking nakaupo.

"Sorry sir---sorry!" Sinubukan kong punasan ang suot niyang polo.

"Don't touch me!"

"Sorry---"

"Anong nagagawa ng sorry mo?! Puro ka sorry! Nagkamali ka na sa kapeng inorder ko, tinapunan mo pa ako at napakagaling mo dahil talagang polong puti ko pa ang tinapunan mo!"

Sa tinagal tagal ko dito sa Cafe de Lucio, kahit kailanman hindi ako nagkamali ng ganito.

"Hey, she said sorry. That's enough. You're too loud!"

Hindi ko inaasahang marinig... si Miss Empress.

"Sisiguraduhin kong matatanggal ka sa trabaho!" Sigaw niya sa akin saka nag-walk-out.

Pakiramdam ko ay napakalaki ng pagkakamaling ginawa ko. Hindi ki akalaing nawala ako sa sarili ko dahil lang sa presensya ni Terrence. Okay naman ako e. Nagagawa ko ang trabaho ko ng maayos pero bakit ngayon...

"Ugh! He's too much! Nakakainis! Duh, she said sorry na! As if sinasadya niya." Sabi pa ni Miss Empress.

Nakaluhod ako sa saimhig habang pinuounasan ang natapon na kape.

"Let them. Trabaho nila 'yan and she made a mistake. Anyone will get mad with that."

Hindi ko inaasahan ang sinabing iyon ni Terrence. Napakalamig ng tono ng pananalita niya.

"You're too serious! Argh!"

"Finish that. Let's go somewhere. I hate coffee shops."

Ayan na naman ang luha ko. Tutulo na naman. Letseng luha naman 'to.

Binilisan ko ang pagpupunas saka dinala sa kitchen ang tray. Pinahid ko ang luha ko saka huminga ng malalim. Bumalik ako dala ang mop.

"Girl, don't worry, I'll talk to Hestia nalang so hindi ka niya tanggalin sa work, okay? That guy will do everything, I think. You know boys? Matataas ang pride."

Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Salamat, Miss Empress."

Inabala ko ang sarili ko sa pagma-mop. Hangga't maaari, iniiwasan ko ring mapatingin sa mukha ni Terrence.

"I need to go to the bar. Honey is waiting for me."

"Whatever! As if naman bagay kayo ng Handyman na 'yon."

"It's Honey, damn it."

Nagkabalikan na pala sila ng ex niya? Mabuti kung ganoon, magiging masaya na ulit si Terrence.

"Basta I hate her!"

"I don't need your opinion. Let's go."

Napatingin nalang ako sa basang sahig na inapakan ni Terrence palabas ng cafe. Kasunod niya si Miss Empress pero hindi tulad ni Terrence, umiwas siya sa sahig na mina-mop ko.

Nang tuluyan silang makaalis ay nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang at sila lang ang customer dahil basta nalang ako napaupo sa sahig.

Nanghihina ang tuhod ko. Ang sakit ng dibdib ko. Ang sakit sakit...

Ito naman kasi iyong gusto ko 'di ba? Iyong huwag na akong pakialamanan ni Terrence tapos aakto akong ganito?

Tumingin ako sa wall clock. Five minutes nalang pala, close time na.

Inayos ko ang sarili ko saka tumayo na. Wala namang mangyayari kung mahdadrama ako ng ganito. Kailangan kong tanggapin na wala nang namamagitan pa sa amin ni Terrence at wala nang dahilan para pansinin pa niya ako o kausapin.

Napatingin ako sa glass wall dahil sa patak ng ulan na unti unting dumadami.

Umulan pa. Sabagay, sabi kanina sa balita, may bagyo daw. Kailangan ko nang bilisan dahil aiguradong mahihirapan akong sumakay ng jeep pauwi.

Inayos at nilinis ko ang mga table. Habang naglilinis at rinig ko ang paglakas ng ulan. Naku, paano na ako nito. Mag-taxi nalang siguro ako.

Iniayos ko lahat ng nasa counter. Tinanggal ko na rin ang laman ng kaha saka dinala sa vault ng back office. Pagkatapos ay nagpalit na ako ng damit sa locker room.

Lumabas na ako pero nakita kong sobrang lakas na ng ulan. Siguradong masisira lang ang payong ko. Magpatila nalang kaya muna ako?

Kinuha ko ang phone ko sa bag ko.

"Robi?"

"Baby, hello?"

"Pwede mo ba akong sunduin dito sa cafe? Sobrang lakas kasi ng ulan. Siguradong mahihirapan ako sa pagsakay ng jeep."

"Naku, baby naisip ko nga 'yan kaso narito pa ako sa trabaho at overtime kami. Ang dami naming tinatapos ngayon. Pasensya ka na, baby."

Nalungkot ako sa sinabi niya pero kailangan kong intindihin dahil trabaho niya iyon.

Magpapatila nalang ako bago umalis.

Umupo muna ako sa isa sa upuan. Huminga ako ng malalim saka sumandal. Nakakapagod pa man din ang araw na 'to at masarap sanang magpahinga sa apartment.

Bigla akong napayakap sa sarili ko nang kumulog ng malakas. Naguumpisa nang manginig ang mga kamay ko. Bumaba ako ng upuan at upupo sa sahig. Pilit kong isiniksik ang sarili ko sa may paa ng upuan.

Nagpatukoy ang pagkulog ng malakas.

Kusang tumulo ang mga luha ko habang nagpa-flash sa utak ko ang mga nangyari noon.

Hindi! Hindi...

"M-Mama..."

Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa sarili ko. Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko. Ilang beses ko nang sinubukang kalabanin ang phobia kong 'to pero hindi ko kaya.

Pilit na pumapasok sa isip ko ang mga pangyayari. Napakalinaw ng lahat ng iyon.

"H-Huwag... huwag..."

Halos kapusin ako ng hininga sa pag-iyak.

"Huwag...."

Naninikip nanang dibdib ko... unti unti nang pumipikit ang mga mata ko..

"Huwag---"

Sa tuluyang pagpikit ng mga mata ko, isang bulto ng lalaki ang huli kong nakita.