Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Black Society: The Devil and The Prince

🇵🇭JenifferClear
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7.9k
Views
Synopsis
BLACK SOCIETY : THE DEVIL WITH ANGELIC FACE Iyan ang taguri kay ZERIONE GREGORY Namulat siya sa mundong iba sa normal na namulatan ng ibang tao. KAMATAYAN Isang salitang nagbibigay ng kaba at takot sa iba ngunit sa kanya karaniwan niyang nararanasan, araw-araw. KYLE RENZO PADILLA The heartthrob/rich kid. Lahat ng babae gustong maging boyfriend siya. Lahat ng lalaki gustong maging siya. Tinuturing siyang Diyos na sinasamba ang bawat nilalakaran niya. Bakit nga ba hindi, nasa kanya na halos lahat ng hahanapin mo sa isang lalaki. Lahat ng gusto niya nakukuha niya. Lahat ng nanaisin niya mapapasakanya. Kaya parang sinasagasaan ang ego niyang sing taas ata ng Mt. Everest nung na deadma siya ng isang babaeng may mala anghel na mukha! THIS IS A STORY OF THE DEVIL AND THE PRINCE. ?❤?
VIEW MORE

Chapter 1 - The Black World

RED ALERT

RED ALERT

Nagkagulo ang lahat sa malakas na pagsabog na yumanig sa buong lab facility. Sa sobrang lakas ng pagsabog tumunog ang ikatlong warning ng alarm hudyat na kailangan ng lisanin ang lugar kung hindi malilibing sila ng buhay sa loob ng underground facility na iyon.

"Siguraduhin niyo ang mga weapon!" Pahiyaw na utos ng isang lalaking naka suot ng puting lab coat. "Ikaw! Tulungan mo akong linisin ang ground 0!" Hindi na hinintay ng lalaki na lingunin pa siya ng inutusan. Taranta ang hakbang na tinungo niya ang ground 0. Kung saan nandoon ang mahahalagang detalye ng research experiment na illegal nilang ginagawa. Kaya nararapat lamang na sirain nila iyon bago paman nila lisanin ang lugar.

"Prof kumalat na ang apoy sa hallway patungo sa ground 0. Mahihirapan tayong makadaan!" Puno ng pangamba ang boses nung lalaki na nakasunod sa taong may mas mataas na ranggo kaysa sa kanya. Kung hindi nga lang siya takot na maparusahan nunkang susundan niya ito.

Binato ng masamang tingin ng tinawag na Prof sa tinuran ng lalaki. Inutil! Sa tingin ba nito makabubuti sa kanila na hayaan nalang iwan ang ground 0 na hindi man lang sinisiguradong walang makukuhang ano mang bakas ang mga awtoridad patungkol sa ginagawa nila?!

Kapag nangyaring nahawakan ng mga ito ang mga datos. Paniguradong katapusan na nila. Makaligtas man sila dito. Mamamatay pa din sila sa kamay ng organisasyon.

"Magmadali ka na!" Malakas niyang hiyaw at pilit sinusuong ang daan kahit pa lumalakas na ang apoy at hindi na ito kayang lipuin ng fire extinguisher.

Sa isang banda kung saan nagkakagulo ang lahat. May isang batang babaeng prenteng nakaupo lang sa isang sulok at maganang nilalantakan ang isang buong chocolate cake.

Ni hindi nga nito inalintana ang malakas na apoy na kumakalat na sa paligid. Basta para rito kinakain niya lang ang premyo niya.

Sa unang tingin, aakalain mo isa lang itong inosenteng bata na nasa edad na limang taon. May mala anghel itong mukha. Ngunit ang mga mata nito ay salat sa emosyon.

Tunay ngang masasabi na ang kagandahan ay mabalat-anyo. At isang patunay ang batang babaeng ito.

"Nawawala ang weapon ZERO!!" Tarantang anunsiyo ng isang lalaking siyang itinalaga upang lipunin ang lahat ng weapon upang ilikas sa ligtas na lugar.

"Ano??" Nahintakutan naman ang kasama ng marinig ang sinabi nito. "Hindi maari iyon! Kailangan natin makita agad ang weapon ZERO kung hindi malalagot tayo!"

"Pero ang buong lugar ay wasak na dala ng pagsabog. Ang kabilang ibayo ay sobra na ang pagkalat ng apoy at hindi na ito madaanan. Kapag hahanapin pa natin ito lahat tayo ay hindi na makakalabas!" Mariin naman niyang paliwanag sa kasama.

Isa sa pinakamahalagang research experiment nila ang weapon ZERO. Kaya naiintindihan niya ang kagustuhan ng kasama na hanapin iyon. Pero sa sitwasyon nila ngayon, mas kakailanganin na nilang lisanin ang lugar at baka hindi lang ang isang weapon ang mawala sa kanila kundi lahat ng ito.

"I-akyat mo na natin ang mga ito sa ground level at balikan natin ang paghahanap kay weapon ZERO." Suhesyon niya na sinang-ayunan naman ang kasama. "Bilisan niyo!" Angil niya sa weapon na parang maamong tupa na nakasunod lang sa kanila.

Ang weapon ZERO na hinahanap ng mga ito ay andoon parin sa isang sulok kung saan napapaligiran siya ng apoy at maganang sinisimut ang cake na kanina pa niya nilalantakan.

At ng masigurong walang nasayang sa kinakain. Balewala niyang itinapon ang kahon ng cake sa apoy. Pinagmasdan itong lamunin ng apoy at naging abo.

Ngunit ang kislap ng mga mata niya ay kakaiba. Sumisilip doon ang isang demonyong may masamang plano.

Maya maya pa, tumayo ito at tinungo ang isang daan na halos natatabunan ng mga debris dala sa lakas ng pagsabog kanina. Ngunit ganun paman. Parang wala lang dito ang lahat. Ni hindi nga nito maramdaman ang mala impeyernong init sa lugar. Patuloy lang itong naglakad hanggang marating nito ang isang kwartong may pintong bakal.

Hindi makalagpas ang mainit na apoy doon dahil sa likod ng mala bakal na pintu-an ay isang kwartong puno ng tubig.

At dahil sira na ang lahat ng detector sa lugar. Madali lang nitong na buksan ang pinto na hindi na nito kailanganin pang sirain.

Sa loob ng silid may mga capsule na naglalaman ng tinatawag nilang defective weapon. Iyon ang mga weapon na kailanganin nilang i sedate dahil hindi nila kayang i-kontrol.

Kaya naman hindi nakapagtatakang iniwan lang ng mga taong iyon ang weapon na ito na walang pagdadalawang isip. Sa isip ng mga iyon hindi makaka survive ang mga ito sa labas ng capsule kaya wala din kwenta kung ilalabas nila ang mga ito.

"They are foul, aren't they?" Kausap ni Zero sa mga ito. Wala siyang nakuhang sagot pero ang tatlong pares ng mga blankong mata ay nakatutok na ngayon sa kanya. "Oops! I am not your enemy here. I am your God!" Usal niya pero ang boses ay salat pa din sa emosyon.

Inilabas ni Zero ang isang syringe na may lamang dugo mula sa kanya. Itinusok niya iyon sa main tube na nagkokonekta sa lahat ng capsule. Ang main tube na iyon ay siyang nagsusupply ng nutrients sa mga weapon upang mapanatiling buhay ang mga ito.

"If who among you survive this. Then you will be worth to live." Kalmadong aniya na para bang isang normal na usapin lang sa tulad niyang limang taong gulang ang salitang kamatayan.

Pero anu pa nga bang aasahan mo kung ang isang bata ay namulat na ang pagpatay ay mayhahalintulad mulang sa pagpalit ng iyong damit. Natural mo nang ginagawa at isang normal na bagay.

Matapos maubos ang laman ng syringe. May kanya kanyang reaksyon na ang bawat weapon na nasa loob ng capsule. Karamihan ay sumabog nalang bigla. Na para bang may bombang nasa loob ng kanilang katawan. Nagkalat ang laman loob ng mga ito sa capsule kung saan sila nakalagak. Ang ilan naman ay parang binuhusan ng asido. Unting unti nalulusaw ang mga balat ng mga ito hanggang sa buto nalang ang natira. Hindi pa pinatawad ang puting mata ng mga ito, nag mumukhang bangkay na ilang taon ng patay tuloy ang mga ito.

Sa dami ng defective weapon na nandoon. Tatlo lang ang naka survive. Ang tatlong iyon ay nakayang sirain ang capsule na naging kulungan na ng mga ito ng maraming taon.

"Congrats you three survive. " Pero ang tono ng boses ni Zero ay nanatili paring salat sa emosyon.

"W-ho are you?" Utal na tanong nung isang lalaking weapon. Nasa sampung taong gulang na ito kung pagbabasehan ang tangkad nito.

"She said she is our God didn't she?" Tugon naman ng isang cute na batang lalaki na nasa tatlong taon pero matatas ng magsalita. May yakap yakap itong teddy bear na dala dala nito kahit saan magpunta. Kahit pa nung nasa loob siya ng capsule.

"She did!" Sunod sunod na tango ng batang babaeng kamukhang kamukha nung batang lalaki. Fraternal twins ang mga ito. "Eww this place sucks! I hate the smell of rotten people!" Matinis na tili ng batang babae.

"Let's get out of here?" Suhesyon nung lalaking nakakatanda sa lahat. Pero tumingin muna ito kay Zero ng hihingi ng pahintulot. Kahit pa mas malaki at matanda ito kay Zero. Alam nitong mas malakas ang huli kompara sa kanya. Dahil kung hindi, 'di sin sana hindi ito ang naging paborito sa lahat ng weapon na nandoon sa lab facility na iyon.

"Teddy and me want to eat ice cream!" Excited na tili nung batang lalaki.