Chereads / Black Society: The Devil and The Prince / Chapter 2 - Prinsepe ng Adamson High

Chapter 2 - Prinsepe ng Adamson High

TILIAN ang sumalubong kay Kyle Renzon, at sa dalawa pa niyang kaibigan na sina Clyde at Joseph.

Wala naman bago dahil araw araw tuwing pagpasok nila ay ganito ang reaksyon ng mga studyante ng Adamson High.

Mapababae o binabae man ay nagkukumpulan sa bungad ng school gate upang hintayin ang pagpasok nilang magkakaibigan.

Bakit ba hindi eh silang tatlo lang naman ang tinuturing na hearthrob dito. At siya ang tinaguriang Prinsepe ng Adamson High.

Mayaman, gwapo at magaling sa basketball. Medyo may kahinaan lang sa utak pero hindi naman din iyong matuturing na bobo. Iyan si Kyle Renzo Padilla. Sinasamba ng mga binabae at babae. Kina-iingitan naman ng mga lalaki.

"Tsk umagang umaga ang ingay!" Himutok ni Kyle. Sabihin na natin na masarap sa pakiramdam kapag tinitingala ka ng lahat pero katagalan na-uumay ka din kasi nawawalan ka na ng privacy sa buhay mo.

Kaya nga hindi siya kailanman umu-o sa mga offer ng talent scout sa kanya na maging artista. Ngayon pa nga lang na normal pa ang buhay niya ay pinagkakaguluhan na siya. Lalo na siguro kapag pinasok pa niya ang pagiging artista.

"Asus bro parang 'di ka pa sanay." Pang-aasar ni Joseph.

Sinamaan ng tingin ni Kyle Renzo si Joseph. Ayan na naman kasi ito. Sinisimulan na naman bwisitin ang araw niya. Sa kanilang magkakaibigan itong si Joseph ang kwela at mapang-asar. Palabiro at palagi nakatawa. Pero nunka ito din ang sobra kapag nagalit. Malimit niya lang itong makitang magalit. Pero kapag galit hindi mo gugustuhing lumapit kahit isang dangkal dito.

"I'll go in the library first." Paalam ni Clyde . Hindi na nito pinansin si Joseph dahil alam na nito sa asaran na naman matutuloy ang dalawa niyang kaibigan. Isang mapang-asar at isang madaling ma asar. 'Perfect combination' ika nga.

"Na naman?" Napakunot noo si Kyle Renzo. Halos araw araw nalang ata na sa library ang tungo ni Clyde. Imbes na sumama ito sa kanila sa cafeteria lage ng sa library ang tungo nito. Hmm. Nakaka-amoy tuloy siya ng malansa sa ginagawi ng kaibigan niyang ito.

"See ya nalang sa classroom." Alam na alam ni Clyde ang mga tingin na iyon ni Kyle Renzo. Ngunit tulad ng dati hindi niya iyon pinansin. Tumalikod nalang siya sa dalawang kaibigan at kumaway patalikod. At tinungo ang deriksyon ng school library.

May ilan babaeng gusto siyang lapitan. Pero dahil kilala siya bilang snob at silent na tao nag-aalangan ang mga itong lumapit sa kanya. Buti naman din kung ganun kasi wala siyang panahon para bigyan ng oras ang mga ito.

"Grabe talaga 'tong si bro Clyde sing lamig ng yelo." Napailing nalang si Joseph sa ginawi ng kaibigan niya. Hindi niya pa din mawari kung bakit ayaw na ayaw ng kaibigan niyang iyon ang atensyon na binibigay sa kanya.

Kung siya ang tatanungin. Mas mabuti pang i-enjoy nalang nila ang atensyon na binibigay sa kanila. Gwapo sila kaya natural lang na pinagkakaguluhan sila.

"Uy uy iyong may mga regalo para kay Clyde sakin nalang ibigay ako na ang mag-aabot." May ngiti sa labing aniya sa mga babae na gustong lapitan si Clyde kanina.

Napailing naman si Kyle Renzo kay Joseph. Kung hindi mo kasi kilala ito aakalain mong nagmamagandang loob lang ito. Pero sa kanya na alam na alam ang ugali ng gagong kaibigan. Nunkang aabot sa mga kamay ni Clyde ang mga regalo na iyon. Ang mga chocolates o pagkain na regalo malamang sa mga alaga sa tiyan ni Joseph mapupunta. At iyon namang mga love letters ay kinokolekta nito para ipang-asar kay Clyde. Ang problema nga lang. Kahit buong araw man nitong asarin si Clyde wala siyang makikitang reaksyon doon.

Tsk tsk.

"Uy Joseph lika na!" Angil niya sa kaibigan. Ang init init na dito. At wala siyang planong hintaying matapos ito sa pangongolekta ng basura.

"Teka naman! Hindi mo ba kukunin ang sayo?" Pahiyaw na tanong ni Joseph sa kaibigan. Ng wala siyang nakuhang sagot mula dito. Tarantang sinundan na lang niya ito. Grabe ang weirdo talaga ng mga kaibigan niya. Isang sing lamig ng yelo at isang daig pa ang bulkan sa init ng ulo. Ang totoo siya lang ata ang normal sa kanilang tatlo. "Hoy hintayin mo naman ako!" Hindi na niya alintana ang ibang regalong nahuhulog. Sus pasalamat nga ang mga ito, pinagkaka-abalahan niyang kunin ang regalo ng mga ito. Himutok niya sa isip.