After a month, bakasyon na. Instead of enjoying the sea, I'm stuck with my research. It's all about the beliefs of the Subanen in Zamboanga del Norte. Nag interview ako ng mga Lumad, yung mga kinilalang elders ng isang ethnic group. Yung mga Bágalál din na interview ko, sila yung nagkakasal sa isang Subanen wedding. At sa tingin ko, matatgalan pa ako dito. Mahirap ang mag obserba sa ganitong community. Buti nalang dito ako nakatira noon.
"Manong Okling, pupunta po muna kami sa bayan. Magpapasignal lang po."
"Sige, ayaw lang mo paglangay-langay, kay murag muulan raba ni unya." Huwag daw kami magtatagal kasi parang uulan na mamaya.
"Opo."
Pero di pa nga kami nakakaalis, umulan na.
"Nah, ugma nalang gyud ta ani muadtu, ma'am."
Bukas nalang daw kami aalis, babaha na kasi ang mga sapa pag ipagpapatuloy pa namin ngayun. Kaya nagligpit nalang ako ng mga gamit.
"Isabella, may naghahanao sa'yo. Sabi, kakilala mo daw. Classmate mo daw yung dalawa."
"Sino naman po?"
"Yung isa, Matangkad na medyo payat, medyo may bangas. Yung isa, bakla na maputi. Yung isang babae, sexy na medyo pandak." Sagot ni lola Endeng habang tinitiklop ang payong nyang basang-basa.
"Puntahan mo na baka napaka-importante yun." Sabi naman ni Manong Drigo.
Kahit malaks ang ulan, pinuntahan ko talga sila. May nararamdaman kasi akong kakaiba. Yung feeling na may masamang nangyari.
Nasa malayo palang ako, nakita ko na yung masyadong pamilyar na motor. Dalawa lang naman ang nandun. Tapos yung isang babae nakikipag-usap dun sa isang lalaki. Parang nag-aaway, eh. Masyadong mlakas ang ulan kaya di ko makita ng maayos ang mga mukha nila. Wala na din namang kwenta ang payong na gamit ko kasi malakas ang hangin.
"Sabi ko naman kasi, ngayun ang landfall ng bagyo. Kung sana, sumakay lang tayo ng van di tayo mababasa. Pati yung mga cellphone natin, basa!"
Parang boses ni Michelle.
"Sino ba naman kasi ang mag-aakala na wala pala tayong masisilongan along the road? Lahat ng lugar na napuntahan ko, meron!"
"Palibhasa kasi, di pa nakakapunta ng lugar na ganito."
"Hello?" Bati ko sa kanila. Lumingon na sila sa'ken. Nagulat nalang ako kung pa'no nakarating dito 'tong mga taong to. Si Nikko at si Michelle lang pala, sa pagkakaalam ko kasi hindi nila vibe ang ganitong lugar. Pwera nalang kung adventure ang hinahanap nila.
"Bee! Sa wakas nakita ka narin namin!"
"Huy, may extra ka bang damit na masusuot ko?"
"Meron, pambabae." Sagot ko. Kawawa naman si Nikko walang maisusuot.
"Akala ko ba, tatlo kayo. Sabin i Lola Endeng tatlo daw kayo."
"Ah, nandito din kasi si Alfred."
"Ang ganda ng biro 'nyo, ah." Lintik naman kasi.
"Hindi, meron ka kasing partner sa research mo. 'Di kasi naghintay na i-release ang printed instructions ni Maam Laibli."
"Hi." Sabi niya sa likod ko.
"K-kanina pa ba dyan?" tanong ko.
"Oo. Sa tingin ko, 'di ka naniniwala sa mga kaibigan mo ah. Don't worry, di naman ako magiging pabigat sa field."
"Eesssus! Parang may kasalanan kayo sa isa't-isa ah."
"Di naman sa ganun. Di lang talga ako komportable kasama sya."
"Di mo naman kailangan maging komportable, eh. Sapat na ang tiisin mo muna na nandito ako. For the sake of the success of this paper. Let's be professional around here." At tumalikod na sya para ayusin ang basa nyang mga bag.
"Nikko, Michelle... sorry to trouble you ha. Wala naman kasing ibang kaibigan niya na pwede kong makasama para marating 'tong lugar na to. Ah, Nikko may extra akong damit na hindi nabasa. Pwede mo yun gamitin. Michelle, pwede ka naman siguro makisuyo kay Miss Secer."
Nung humupa na ng konti ang ulan, dinala ko na sila sa bahay na pagpapalipasan namingng gabi. Bukas kasi, magtatayo nalang kami ng tent doon sa site na oobserabahan ko. Malayo-layo din nag lalakarin bago marating yun.
"Manong Okling, Pwede po bang makituloy din sila? Mga kasama ko po."
"Naku, okay lang. May mainit na tubig sa kusina, magtimpla nalang kayo ng kape para sa sarili 'nyo. Pupunta lang ako sandali sa kabayom ko at ilipat ko muna para makakain. May dal aba kayong, iuulam nyo mamaya?"
"Naku, nakalimutan po namin eh. May mabibilhan po ba dito sa malapit?" tanong ni Michelle.
"Aguuy… wala. Kailangan mo pang pumunta sa bayan. Pero, magsaing nalang kayo 'dyan. Sabay sabay na tayong maghaponan, ako na bahala sa iuulam natin."
"Maraming salamat po!" tuwang tuwa naman si Nikko.
Umalis na si Mang Okling. Nasa kabilang bahay lang naman sila nakatira. Bahay naming 'to dati. Kaya comfortable naman ako dito.
"Nikko, magbihis ka na. Baka magkasakit ka pa." Sabay tapon ng tuwalya sa kanya.
"Ipagtitimpla na kita ng kape. Michelle, may damit dyan sa maleta ko. Maghanap ka nalang ng kasya sa'yo." Nilapitan ko sya, sabay bulong. "May underwear ka ba dyan na hindi basa?"
"Wala." Halos maiyak na sya sa kamalsan na nararanasan nya ngayun. Buti nalang may bagong set ako ng undies. 'Di ko pa nagagamit. Ibinigay ko na sa kanya yung isa.
Nagtimpla na ako ng kape, malinis na din ang kusina. Ako na din nagsaing, nilinis ko na din ang CR. Alam ko kasing pagod na sila.
"Bee?"
"Hm? Tapos ka na? Inumin mo na kape mo. Si Nikko?"
"Ayaw lumabas."
"Nikko? Lumabas ka na. uminom ka muna ng kape. Ipinagtimpla na kayo ng kape."
"Bhe, wala akong underwear. Huhuh!"
"Mag-bathrobe ka na muna. Patuyoin mo nalang yung mga undies mo sa electric fan."
Lumabas si Alfred nan aka half naked. 'Di naman ako masyadong na star-struck. Na-distract ako sa Rib Cage nyang bakat na bakat.
Kinaumagahan, maaga kaming umakyat sa bundok. MAbigat yung mga bag namin kaya medyo mabagal ang usad namin. Naabotan kami ng ulan. Malakas ang ulan at biglang lumakas ang agos ng tubig sa mga malalaking sapa. May nakasalubong kaming mga tao, may dala silang dalawang kalabaw na may kargang malalaking bag. Natatakpan ang mga mukha nila. Umatras si Manong Okling at yung isang tanod. Bakas sa mga mukha nila ang kaba at takot. Isa sa nakasalubong namin ang lumapit kay Michelle. Na nasa huli.
"Huwag kayong kikilos!" sigaw ng isa sa kanila na may suot na face mask at gwantes. May iniabot sa kanya ang isa nyang kasama. Isang Baby Armalite.
Lalo namang lumakas ang ulan. Mas lumakas din ang baha.
"Itaas 'nyo mga kamay 'nyo!"
Sumunod na lang kami, wala pa kaming magagawa sa ngayun.
"Dalhin sila sa kampo!" utos n glider nila.
Kinaladkad kami. Yung mga bag naming, kinuha na din nila. Yung mga cellphone naming, dinurog nila. Yung mga camera at laptop naman, kinumpiska nila at pwede daw yun ibenta. Hindi ko parin alam kung anong grupo sila galing.
Narinig ko si Mang Okling.
"Teka lang, naputol yung tsinelas ko."
Hindi sya pinakinggan. Kinaladkad lang sya lalo. Yung tanod namin, 'di ko na nakita. Nakiramdam ako sa paligid. Paano kung sila yung nasa kumakalat na video na namumugot ng ulo. Maraming video na ang nakita ko at sapat na yun para kilabotan ako.
May video na sinaksak muna nila ang babaeng naka-leopard print ang damit. Sinaksak nila ng paulit-ulit. Sa mukha, sa kamay, sa tiyan, sa hita, sa leeg, sa pusod. Sinubukan nyang saluhin ang saksak gamit ang kamay nya. Kitang-kita sa video ang bawat sugat. Parang baboy na kinakatay ang biktima.
Sa isang video naman, may tatlong lalaking nakagapos. Yung isa, tinanggalan ng tali tapos dinala sa damuhan. Pinadapa sya ng mga hayop na kriminal bago ginilitan ng leeg. Sumisigaw ang lalaki habang hinihiwa ang leeg nya. Yung isa naman, di na nakita sa video ang pagputol ng ulo nya. Yung isang naiwan, nagdadasal sya kahit kinakagat nan g langgam ang dinadapaan nya. Bago sya gilitan ng leeg, sumigaw sya ng "Ginoo!". Bisaya yun ng salitang "Diyos". Itinapat ang kamera sa mismong leeg nya kaya kitang-kita na hindi gaano katals ang itak na ginamit nila. Matagal natapos ang pagputol ng leeg nya dahil kulang sa hasa ang itak. Kaya imbis na hiwain ang leeg nya, tinaga nalang nung kumakatay sa kanya.
"Aaaa!" Sumigaw si Michelle sa sakit.
Nakita ko sya na namimilipit . Nataohan ako bigla. Gusto ko syang lapitan pero, hinila na ako ng taong gumapos sa'kin. Nakita ko sya, may malaking sugat ang kanang braso 'nya. Tumigil kami sa paglalakad, magpapalipas daw muna kami ng baha.
Tinali kaming lahat ng sama-sama. Pinilit kong maabot si Michelle. Kahit kamay lang nya ang mahawakan ko, basta malaman ko lang na okay pa sya, okay na ako 'dun. Pero masyadong malayo ang kamay nya. Galit na galit ako sa sarili ko. Dinala ko sila sa lugar na ganito. Nahawakan ko ang kamay ni Nikko. Gusto ko syang tanongin kung ayos lang ba sya, kung may masakit ba sa katawan nya, pero nakabusal din ang bibig namin.
Kinuha si Michelle mula sa pagkakatali nya. Dinala sya sa harap ng lider nila. Nakita ko ng maayosang sugat nya. Mga isang pulgada ang haba ng nakatusok sa paa nya. Di pa naaalis. Hinigpitan ang busal 'nya sa bibig at hinila ng isang lalaki ang nakatusok na kahoy habang may pumipigil sa mga kamay nya. Hindi niya makuha yung kahoy kaya kailangang dalawa ang huhugot. Masaydo nakakapit sa buto ang isa sanga ng kahoy na nakatusok sa paa nya. Hindi ito basta bastang mabubunot lang.