Chereads / Naghaharing Karupokan / Chapter 3 - 3. Hwag Hamunin Ang Malas.

Chapter 3 - 3. Hwag Hamunin Ang Malas.

Kailangang magbago ng daan, tatahakin namin ang kakahoyan. Nahihirapan na kaming maglakd dahil maputik at mahirap ang daan. Sobrang taas ng mga batong kailangang akyatin.

Hapon na, hindi pa din kami nakarating sa kampo nila. Hindi kami nakakain ng tanghalian at malamang wala na din kaming haponan. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa amin kungsaan man kami mapunta. Sana lang, ang tanod na nakatakas ang syang tatawag ng tulong.

Alas Otso na ng gabi, naglalakad padin kami. Halos mahimatay na kami sa pagod. SI Michelle naman, namamaga ang sugat sa paa nya. Wala namang pwedeng gamitin na sanitizer sa paligig. At kung meron man, hindi naman ako makakalapit sa kanya. Himinto na sa paglalakad ang mga bunihag sa amin. Sumenyas yung lider na ibaba muna ang mga gamit at itali muna ang mga kalabaw.

Pinaupo nila kami ng magkakasama, yung mgabibig namin nakabusal pa din. May humawak sa kamay ko- si Michelle. Sumandal si Nikko sa likod ko. Si Alfred naman, nasa gilid ko lang. Tahimik lang sya. Sana naman'di nya ako sisihin.

"Paano kung 'di na tayo makauwi?" tanong ni Michelle.

"Anong tayo? Sisiguradohin kong makakauwi kayo." Sabi ko.

"Mamaya, habang natutulog na yung iba gagawa ako ng paraan para madistract ko sila. Manong, pasanin mo si Michelle. Nikko, alam kong may natutunan ka sa Theatre. Flexibility mo kailangan natin. Kailangan mong makawala sa tali na hindi napapansin tapos, pakawalan mo na sila. May swiss knife ako dito sa boots ko. Abutin mo. Yun ang gamitin mo. Alfred, kaya mo bang tumakbo ng mabilis?"

"Kung oo, anong plano mo?"

"Kailangan mong tumakbo sa kabilang direksyon ng tatakbohan ko. May baril sila kaya kailangang bilisan ang pagtakas. Manong, aasahan kita. Ikaw lang ang kayang iuwi ang mga kaibigan ko."

"Paano ka? Mapapatay ako ng mama mo pag ngakataon."

"Maiintindihan nya ako. Total, sa kanya naman ako nagmana."

"Pero…"

"Nikko, hindi ko na kailangang magpaliwanag sa'yo. Alam kong naiintindihan mo."

Nakatulog na ang ibang nagbabantay. Yung iba, umalis para manghuli ng palaka iuulam daw bukas. May dalawa paring naiwan para magbantay sa'min.

Dahan dahan kong inilapit kay nikko ang boots na may swiss knife. Maingat namna nyang pinutol yung mga tali. Si Michelle, nilalagnat kaya nakatulog. Inihanda na nila ang sarili sa gagawing pagatakas. Tyempo naman na umalis yung isang bantay para tumae. Nakatalikod naman yung isa habang umiinom ng kape. I picked my pace and kicked his head as hard as I could. Pinatakas ko na sila, nagatgo muna ako sa likod ng bato para masigurado ko na na di na sila makikita ng mga kriminal.

Napansin na ang pagtakas namin. Nagpaputok ng baril ang isang bantay.

"Nakatakas ang mga bihag!" sunod-sunod ang pagpapaputok nila ng baril.

Nung nakita kong sinusundan na sina Manong, nagingay na ako para ako ang habolin nila. para akong nasa kanta. Tumatakbo habang sumisigaw. Nang masigurado ko na hindi na nila sinusundan sina Nikko at Michelle, binilisan ko na ang takbo. Nagtago muna ako sa ilalim ng nalalantang torso na nakababad sa sapa. May masisiksikan naman ako kaya doon ko na piniling magtago.

Malamig ang tubig. Makati ang nalalantang kahoy. Maraming langgam ang kumakagat sa katawan ko. Ang mas malala pa, naalala kong ganito pala ang pugad ng mga scorpion. Hindi naman ako makalabas sa pinagtatagoan ko dahil alam kong delikado. Pero hindi naman ako pwedeng hindi lumabas.

Hinihingal na si Alfred sa kakatakbo. Hindi pa nya nasubukan mag mountain running. May nakasunod sa kanya kaya mas binilisan pa nya ang pagtakbo. Sa sapa sya dumaan para hindi gaanong marinig ang mga yapak nya. Nagbsimula na namang umulan kaya hindi sya agad makikita sa kapal ng fog. Hindi narin nya Makita ang dinadaanan nya hanggang nahulog sya sa pampang. Nauntog ang ulo nya sa bato na nagging sanhi ng pagkahimatay nya.

Sinamantala ko ang makapal na fog at ulan. Lumabas na ako sa pinagtatagoan ko. Buti nalang khaki pants at navy blue na t-shirt ang suot ko. Sinundan ko nalang ang tubig. Hindi ko makita ang paligid, hindi ko alam kung nasaan na ako. May naririnig akong malaks na pagbagsak ng tubig. Dahan-dahan akong bumaba sa pampang hawak ang mungting baging na nakita ko. Nasugatan ang paa ko natapakan ko ang isang matulisna bato. Pinigilan ko nalang ang sumigaw by holding my breath.

Naputol ang baging. I tried to reach for a rock or anything I can hold on but even with my all, I failed. I fell on the water luckily, but I can't swim. Desperate, I kicked and reached for air like there's no tomorrow.

Habang nalulunod ako, nakatago na sina Manong at Michelle. Sa ilalim ng palayan. Nanginginig na sa lamig si Michelle.

"Delikado na ang kalagayan 'nya. Nainpeksyon ang sugat nya. Kung hindi tayo magmamadali, baka hindi na nya kayanin."

"Sana lang may makita tayong bahay dito. Sa ngayun, kailangan natin ng makakain."

"Nasa bag lahat ng pagkain, iniwan pa natin."

Iniwan ni Manong Ang dalawa, maghahanap sya ng pagkain. Pagbalik nya, may dala na syang mga palaka.

"Huwag sana kayong maarte." Sabi ni Manong sabay abot sa mga nahuling alimango, igat at mga palaka.

Nagising si Alfred na nasa ilalim ng mga buhay na damo sa pagitan ng dalawang bato na nagmistulang kweba. Wala na ang suot nyang t-shirt dahil naka bandahe na ito sa napurohan nyang braso.

"Sal-"

Hindi na ako nakinig.

"Hindi mo naman ako kailangang iwasan. Hwag kang magalala, di naman kita lalapitan."