Chereads / Embers of Ardor / Chapter 18 - Stress

Chapter 18 - Stress

After a visit at the cemetery, I spent the days planning out my summer vacation. First, I booked a flight to Andelmo Islands, where my grandma currently resides. Then, I was updated by the police on their investigation with my father's case. Parehas lang ang sinasabi nila ng private investigator ko... there are no leads yet but I should be rest assured that they're doing everything they can.

"Bullshit!" Out of frustration, tinapon ko ang binabasa kong libro sa kung saan. Masyadong mabagal ang usad ng lahat! Hindi pa ba sapat ang tao sa mafia ni Ainsworth?! Ano pa bang kailangan nila?

I sighed exasperatedly and threw myself on my bed. Damn, I'm stressed. Muntik ko nang makalimutang kaarawan ko pala ngayon kung hindi lang pinaalala sa akin ni lola. What should a woman in her 20s do on her birthday, anyway?

Should I go to the mall? Nah, I'm getting bored of that place. How about the club? Hmmmm...negative. I'm not in the mood.

Kinuha ko ang phone ko at nag-browse sa social media. There, I saw a video of a man showing off his handgun shooting skills. Not bad... Kahit na may mga parts na hindi niya tinamaan nang mabuti ang board dahil hindi maayos ang aim niya.

Now that I think about it, I'm in the mood for some shooting.

Nag-search ako ng mga lugar kung saan may magandang shooting range. May nakita akong lugar na may 5-star reviews pero medyo may kalayuan ito sa Montessori. Bukod doon, may archery range pa ito na mas lalong nagpagana sa akin para tumayo na sa kinahihigaan ko at mag-ayos.

After the 30-minute ride, nakarating na rin ako sa lugar. Tirik na tirik ang araw pero buti na lang at may dala akong sumbrero. I dressed comfortably in a black spaghetti strap top with skinny jeans and running shoes. I also tied my hair into a ponytail so it wouldn't get in the way.

Pagkapasok ko sa building ay tinanggal ko ang suot kong shades at sinabit ito sa aking spaghetti strap. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pasimpleng pagsulyap ng lalaking nagbabantay sa rental counter sa aking dibdib. Hinayaan ko lang ito dahil sa tingin ko ay hindi naman ito sinadya. Napapatingin rin naman ako sa shorts ng mga lalaki minsan dahil may hindi inaasahang magpakita doon.

Tumingin ako sa mga naka-display na mga baril na pwedeng gamitin. I chose to rent a .45 caliber pistol, bought a target board and ammunitions that didn't produce that smoky smell after shooting.

Pagkatapos noon ay lumabas ako sa kabilang dulo ng building para puntahan ang pistol bay, kung nasaan ako magpapaputok. Walang masyadong tao na ikinasaya ko.

Sinuot ko na ang shooting earmuffs at ipinasok ang mga bala sa magazine. I cocked the gun and aimed it at the target board. As I exhaled, I pressed the trigger gently and landed a bullseye on my first shot.

Napangisi ako sa galing ko. I still have a good aim.

Also, it somehow felt therapeutic and calming kahit na mainit sa lugar na iyon. Maybe I should try out other guns next or try archery for a change?

A couple of shots more and I had to reload. Habang ginagawa iyon, may taong pumwesto malapit sa kinatatayuan ko. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.

As I was about to aim at a new target board after reloading my magazine, medyo na-distract ako sa katabi ko. Kahit na sunod-sunod ang pagpapaputok niya ay iisang butas lang ang nakikita ko sa target board niya at sa ulo lang ito tumatama.

Sumipol ako. "Nice!" Sigaw ko kahit nakasuot ako ng earmuffs at sigurado akong hindi niya rin ako maririnig.

Mas lalo pa akong naengganyo dahil sa kanya at sinubukan ko pang galingan. Nang maubusan na ako ng bala, pinanood ko na lang kung paano tumama ang mga bala sa iisang lugar and damn, ang galing talaga!

Paalis na dapat ako para subukan naman ang archery range nang mapansin ko kung kanino galing ang mga pagpapaputok na iyon. Sa katabing bay ay naroon ang hindi ko inaasahang tao. There, stood Dan Montavius Ainsworth in his perfect shooting stance with brows furrowed in concentration, and arm muscles flexed because of the way he gripped his gun.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang pinapanood siya. How can a man excel at various fields and be so damn appealing at the same time?

Pasimple akong lumapit sa kanya habang nakangisi. Nang maubusan siya ng bala ay bigla siyang bumaling sa akin na tila ba kanina niya pa alam na naroon din ako. He nodded at me as acknowledgement at sabay naming tinanggal ang aming earmuffs.

"If it isn't my boss... I didn't know you were that good, sir." Sinulyapan ko ulit ang target board bago bumaling sa kanya. There he goes again with his devilish smirk! Kung hindi lang ako nagwagwapuhan sa ginagawa niya ay kanina ko pa siya nasapak. Kapag ibang tao kasi ang gumawa, parang manyak. Pero kung siya ang gumagawa... ewan ko! I'd rather not talk about it.

"Same goes for you, Ms. Montecarlos. You were trained well by your father." Napansin ko ang pasimple niyang pagsulyap sa dibdib ko. I suddenly felt tingly when he did that and an idea popped into my mind.

"Hmm... Kelan ka pa nakabalik galing sa Australia?" I asked as I looked away and flipped my ponytailed hair to my back to reveal more of my top. I also crossed my arms to further emphasize my cleavage. My breasts aren't that big or small. They actually compliment my slim body pretty well so I never contemplated on opting for surgery. I prefer them this way.

"Noong isang araw lang..." Nakita ko kung paano napalunok ang lalaking kaharap ko sa ginawa ko. Pinigilan ko ang pagtawa dahil sa mukha niyang problemado. Now I know where he doesn't excel.

"Marunong ka sa archery, hindi ba? Can I request my boss to teach me, I wonder?" I cocked my head to the side at nagpanggap na nag-isip. If I remember correctly, nakita ko sa personal information niya nung pina-imbestigahan ko siya at nalaman kong marami siyang sports na hilig.

Tumango siya. "I could... Although, I wouldn't suggest that right now." Turo niya sa mga taong dumadagsa sa shooting bay. Ngumuso ako at inirapan ang mga taong kakarating. Ugh, mga istorbo!

"It's getting crowded. Wanna go for early dinner instead?" Napakurap ako. What? Is he inviting me on a dinner date? Hapon naman na at hindi na masyadong mainit. This is actually the perfect time sana to learn archery but I guess a dinner date doesn't sound too bad...

"Sige. Basta libre mo..." Tatalikod na sana ako para makaalis sa lugar na iyon nang bigla niyang hinila ang palapulsuhan ko. Hindi ko iyon inaasahan kaya napahawak ako sa dibdib niya para hindi ako mawalan ng balanse.

I looked up to meet his gaze para pagsabihan sana siya but I found myself getting lost in his beautiful eyes instead. Oh my, nakalimutan ko kung gaano pala siya katangkad. How could I forget since that... night in Baguio? Anyway, he makes me feel so small and vulnerable! And that distinct masculine scent which I missed—A-ano ba itong naiisip ko?! c'est ridicule!

"Hold your horses, Montecarlos... We have to return the gun you rented first." Hindi ko napansing binitawan niya na pala ako at parang ako pa ang chumachansing! He looked so amused when we were in that position that I felt my face heat up in embarrassment.

"O-oo nga. Sabi ko nga... Ikaw naman kasi, pinigilan mo agad ako." Nauutal kong palusot bago ilayo ang aking katawan at kunin ang baril.

Nauna akong bumalik sa rental counter habang nakasunod si Damon sa akin. Panay ang tingin sa amin ng mga tao pero hindi ko sila pinansin.

I suddenly felt conscious of my body. Not because of them, but because of him. Ilang araw na akong hindi nakakapunta sa gym. Does my butt look nice with these skinny jeans?

Lumingon ako at nagtama ang tingin namin. Tinaasan niya ako ng kilay at ngumisi. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad nang taas-noo.

Nang maibalik ko na ang baril ay may kumausap sa kanyang lalaki na sa tingin ko'y empleyado niya. Ginamit ko itong pagkakataon para tumakbo papunta sa parking lot at kunin ang duffel bag ko. Lagi akong nag-iimpake ng mga damit for emergency cases like this. Inutusan ko rin si Jeff na siya na ang mag-drive ng sasakyan ko pabalik sa mansyon. Sinabi ko naman ang dahilan kaya sinunod naman nila ang gusto ko, nagdadalawang-isip nga lang.

Tumakbo ako pabalik sa loob at naabutan pa rin si Damon na may kausap. Pumasok ako sa CR para mag-ayos. I cursed as I looked at my flushed face at the mirror because of my pale skin. Hindi ako makapaniwala. I flirted with him while looking like this!

Naghilamos ako at nakaramdam ng ginhawa dahil sa malamig na tubig. I changed into a dress and did light make-up as fast as I can. Powder, mascara, brows, kiss-proof nude lipstick and a bit of blush... There, all better!

Tinanggal ko ang tali sa buhok ko at inayos ito. Nang masiyahan ako sa hitsura ko ay inayos ko na ang mga gamit ko para makaalis na nang mapansin kong wala pala akong dalang ibang sapatos bukod sa running shoes ko.

"Shit!" Hinalughog ko ang duffle bag at napagtanto kong naiwan ko ang heels ko sa sasakyan! Hindi ko na pwedeng tawagin si Jeff pabalik dito dahil sigurado akong nakalayo na sila dito!

Napasabunot ako sa aking sarili at naghaluhog ulit para maghanap ng casual wear. Alangan namang magmukha akong tanga paglabas? Formal dress and running shoes?! Shame on LEFEBVRE's heiress!

Dali-dali kong tinanggal ulit ang suot ko at pinalitan ito ng isang sexy halter top na kasingkulay ng sapatos ko at isinuot ko ulit ang aking skinny jeans. Tiningnan ko ulit ang maganda kong mukha sa salamin. Am I underdressed? Ugh, why do I even bother? It's just a dinner date!

I sprayed myself with my favorite perfume and finally went out the comfort room after what felt like years. Almost 30 minutes na pala ako sa loob! Nandoon pa kaya siya?

Kinakabahan ako nang naglakad ako pabalik sa rental counter. To my relief, he was still there... waiting for me. Nakakunot nga lang ang noo niya at tila malalim ang iniisip. Still, he looks as handsome as ever.

Wala na rin ang mga kausap niya kanina. Nang makalapit ako ay bigla siyang napatuwid sa pagkakatayo. Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti nang magkasalubong ang mga mata namin. I feel kinda giddy. I've had dates before but so far, ito lang ata ang date na sobra akong na-stress sa pag-aayos at sobrang na-excite.

"I thought I was dumped." Kibit-balikat niya at natawa ako ng bahagya. I should be the one saying that.

"Wala pala akong sasakyan. Just so you know, I had my guards ride it back home so I can be with you." Pag-amin ko habang naglalakad kami papunta sa kanyang sasakyan.

"Ibang klase talaga..." I heard him chuckle. "I know that. I was actually watching you the whole time." Sabi niya na nagpatigil sa akin. Hinarap ko siya at nakita ko ang mga namumungay niyang mata.

"H-how?" Impossible iyon! He was talking to people when I sneaked out!

"How?" He repeated. "You clearly haven't researched enough about me then, Adora." Tumigil kami sa harap ng kanyang sasakyan at pinatunog niya na ito.