Sa malayong probinsya na kung tawagin ay Sitio Santo Domingo,may iilang pamilya ang nakatira at namumuhay ng tahimik,kabuhayan ay pangangaso at kung hindi naman ay pangingisda sa malaking ilog na nakapalibot sa kanilang lugar,sinasabing ang pinanggalingan ng tubig nito ay ang pinakamahiwaga sa lahat ngunit kahit sino ang umakyat sa bundok na iyon ay hindi na nakakabalik pa.Kaya kinatakutan at sa pagdaan ng panahon,sari-saring kwento ang nagbigay ng pangamba sa lahat,lalo na ng napatunayan ito ng isang mangangaso na nakabalik mula sa kanyang pagpunta sa bundok ng Santo Domingo,bitbit ang isang bote ng mahiwagang tubig na nakapagpagaling sa kanya noong siya ay matagal na nawala sa kagubatan,inamin niyang naging kaibigan niya ang mga nagbabantay sa bukal,tinawag niya itong mga lobo.
"tunay ang aking mga nasaksihan noon,nabuhay ako kahit na ninais akong kainin ng ilan sa kanilang mga kalahi,mabuti na lamang at nakilala ko ang pinunong si Bardos,isa siyang mabait na lobo,higit pa kung siya ay nag aanyong katulad natin,mga tao."
Ikinwento ni Lolo Efren sa mga bata ang kanyang naging karanasan noon,ngunit kahit na katawa-tawa na ito sa kasalukuyan,siya pa rin ang tanging nakakaalam kung ano ang tunay at kung sino-sino ang mga lobo na nasa paligid lamang nila,sila ay may palatandaan,at nakikita ito sa kanilang mga matang kulay dilaw at nag aapoy kapag may naaamoy silang piligro.
At sa kalagitnaan ng gubat ng Santo Domingo ay kasalukuyang nagpupulong ang mga lobong namumuno sa kanilang pangkat,ang kanilang Pinunong si Bardos ay napanatili ang kanyang kabataan sa kabila ng ilang dekada na ang nakakalipas,at ngayon ay patuloy na iniingatan ang bukal na nagbibigay ng lakas sa kanilang lahat na mga lobo,ngunit sa pagkakataong ito ay nalalapit na ang lahat sa kapahamakan dahil sa maraming lobo na ang nawawala mula sa pag-iibang anyo nito,pakikisalamuha sa maraming tao at hindi na nakakabalik pa.
"sinabi ko na sa iyo Bardos,hindi maganda ang sinasama mo sa mga tao ang ating mga kalahi,napapahamak sila at posible na maging tayo rin ang nailagay na nila sa alanganin."
Nagkakagulo na ang mga lupon hanggang sa magsalita na ang kanilang pinuno patungkol sa kalagayan na ito,at maaaring sa huli,ang mga dahilan na ito ang magtanggal sa kanya ng karapatan na mamuno sa matagal niyang pinakaingatan.
"hindi gagawin iyon ng mga kapwa natin lobo.. alam ko ang aking ginagawa,at kung magkaroon man ng malaking gulo sa pagitan natin at ng mga tao,mas uunahin kong protektahan ang aking lahi,tandaan mo 'yan."
Dahil sa mga nangyayari ng mga oras na iyon,isang lobo,na hindi pa gaanong maintindihan ang kanyang paligid,ay nasimulang alamin ang tungkol sa kanyang pinagmulan,siya ay si Liba,siya ang anak ng pinunong si Bardos na ninais na maging isang pinuno sa takdang panahon,ngunit ng pinaslang ang kanyang ama ng kapwa niya lobo,doon naganap ang isang pinakamalaking pag-aaklas ng kanyang mga kalahi,at nagkaroon ng bagong pamunuan sa pangunguna ng kanyang asawa na si Aragon.
Naipasa ang bagong batas,na naglalayong palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pagpatay ng mga mangahas na tumapak sa kanilang lugar,ang Sitio Santo Domingo.At sa maliit na komumidad na mayroon ang lugar na iyon,madali lamang nasakop ng mga lobo ang mga tao,ngunit ang iilan ay palihim na naghahanda sa kanilang pagdating.
"Huwag natin hayaan na sakupin tayo ng mga nilalang na iyan! papayag ba tayong gawin nilang hapunan? na gawin nilang tulad nila? mga tuta!"
Ikinabahala ni Lolo Efren ang mga laganap na pagpatay ng mga lobo sa ka ilang lugar,kaya naisip niyang umakyat sa bundok at hanapin si Bardos na matagal ng namatay sa mga pangil ng bago nilang pinuno na si Aragon.
"Paumanhin? Ako ay naparito upang makausap ang inyong pinuno,ang aking kaibigan,si Bardos?"
Hindi nagsalita ang mga lobong inatasan na magbantay sa kakahuyan kung saan ay nakita nila si Lolo Efren.Ginabayan lamang nila ito patungo sa loob ng gubat kung saan naghihintay si Aragon.Ngunit nanatiling mababangis ang mga tingin nila sa matanda na anumang oras,ay handa nilang kainin.
"Pinunong Aragon,bumalik na naman ang matandang kaanib ni Bardos,narito siya upang kausapin ang pinuno,ngunit kailanman ay hindi niya nanaisin na ikaw ay maging kaibigan,malamang ay makatulog siya sa loob ng iyong tiyan,mahal na pinuno.."
Napahagulgol ang mga lobo sa mga sinabi ng isa pang lobo,ngunit ang katuwaan na iyon ay nag-uwi lamang sa kamatayan ng nangahas na pagtawanan ang kanilang pinuno.
"Sige! magsitawa kayong lahat ng kayo naman ang isunod ko sa walang kwentang nakadapa na ngayon sa aking harapan.."
Biglang nanliit ang mga lobo at natakot sa maaaring gawin ni Aragon sa kanila ang ginawa nito sa kanilang kasamahan kaya tahimik silang sumunod sa pinaroonan nito.Kasama si Liba ay hinarap nila si Lolo Efren,at doon ay sinalaysay ng matanda ang kanyang pakay sa mga ito,napag-alaman din niyang namatay na ang kanyang kaibigan na si Bardos kaya nagkaroon din siya ng takot sa kanyang bagong kaharap habang siya ay nagbibigay pugay dito.
"pinuno.. ako ay naparito upang sana ay kausapin ang aking kaibigan na si Bardos,ngunit ikinalulungkot ko ang kanyang pagkawala,nais ko sanang pakiusapan ka tungkol sa mga nangyayari sa aming lugar,maliit na baryo lamang ang Santo Domingo at kalat na sa buong lugar ang pagpatay ninyo sa mga tao,sa anong dahilan ito ay inyong ginagawa,pinuno?"
Hinarap siya ni Aragon mata sa mata,na lalong nagbigay ng nginig sa kanyang matandang tuhod,maging si Liba ay natakot para sa kaibigan ng kanyang ama.
"Aragon! hindi mo na kailangan na takutin si Efren,kaibigan pa rin siya ng lahi natin,wala siyang ginagawang masama."
Natigil si Aragon sa pananakot niya kay Lolo Efren at inamin ang mga bagay na mas nagbigay pa ng takot sa matanda lalo na kay Liba at para sa kanilang mga magiging anak.
"Para sa aming lahi,kailangan na matustusan ang aming pangangailangan,lakas,tahanan at lalo na sa pagkain,tingnan mo ang gubat na ito na dati ay kay yabong,ngayon na ang mga katulad ninyo ang umaabuso na sa aming tahanan,naisip kong baguhin ang kalakaran sa bahaging ito,para na rin sa aning kaligtasan.. mas mahalaga pa rin ang aming layunin kaysa sa inyong mga tao,at kapag nakatapak ang isa sa inyo sa kinaroroonan ng bukal,para niyo na rin kaming pinatay.."
Nagtipon-tipon ang mga lobo na matapang na hinarap si Lolo Efren,ngunit sa halip ay matakot ay nilakasan niya ang kanyang loob upang makaalis at ipinangako ang isang bagay.
"ang mga tao ay natuturuan ngunit hindi kasing tulad ng iba na may talino na nakabaon sa kanilang lupa,pagkatapos ng usapang ito asahan mo na magkakaroon tayo ng tiyak at lehitimong kasunduan."
Napagkasunduan ng bawat panig na lagyan ng mga batong harang ang pagitan ng mga tao at mga lobo.Sa paraang iyon ay magiging ligtas ang lahat sa kani-kanilang mga pino-protektahan at sa kapahamakan.Ang mga lobong nag anyong tao ay tumulong sa pag-aayos ng harang na kasing tibay ng napagkasunduan ng bawat panig,habang sa pagdating ng gabing iyon ay ipinanganak naman ni Liba ang kanyang mga tuta,na sa kasamaang palad ay maaaring masawi anumang oras,inilagay ni Aragon ang limang tuta sa bukal upang bigyan ng buhay ang kanyang mga anak ngunit dalawa lamang sa kanila ang nabuhay.
"sa araw na ito,muling ipinakita ng bukal ang kanyang kapangyarihan,dalawa sa aking mga tagasunod ang nabigyan ng pangalawang buhay,sila ay magiging magiting sa pagdating ng araw.. Si Alasik at si Bagwis.."
Ikinabahala ni Liba ang pagtanaw ni Aragon sa kanyang mga anak,kanyang ipinangako na isa sa kanilang mga anak ang babaliktad sa kanilang ama,at ang magpapatuloy sa sinimulan ng kanyang ama na si Bardos,bilang isang mabuti at may prinsipyong pinuno ng mga lobo.