Lumaking matapang ang mga anak ni Liba at Aragon,sa tagal ng panahon ay namuhay ang mga lobo ng tahimik at walang problema sa mga taong dumistansya na sa kanila.At sa pader na humihiwalay sa kanilang lahi sa mga mortal,malayang nakakapagpalit anyo ang mga lobo bilang mga tao upang magmasid sa paligid,at sa hindi inaasahang pagkakataon ay makaakit pa rin ng mga dilag na nakatira sa paanan ng Sitio Santo Domingo.
Ang ilan sa mga dilag ay ginawa nilang asawa,ang ilan ay naging hapunan nila,ang kasunduang iyon ay muking nabahiran ng poot ng mga magulang na nawalan ng anak,nawalan ng mahal sa buhay at nawalan ng ina dahil sa kamay ng mga lobo na kahit ang mga tao ay walang laban.
"matagal na panahon na tayong namumuhay sa kasinungalingan,akala natin nang iwan tayo ni Lolo Efren tatahimik na ang lahat,pero hindi pa rin tumitigil ang mga lobo,walang saysay ang harang na iyan!"
Isang estranghero ang umabala sa pagpupulong ng mga taga Santo Domingo,isa siyang mananaliksik at na engganyo sa hiwaga ng lugar na ito,lalo na sa mga sinasabing Lobo na nagkakatawang tao.
"interesado akong malaman ang katotohanan sa pagkawala ng ilan sa inyong mga kasamahan,ako nga pala si Doktor Samuel Ortiz,matagal ko ng nais na pumunta dito dahil sa mga sabi-sabi.. tungkol sa mga lobo.."
Nagtinginan ang lahat ng mga nasa pulong na iyon,may naisip silang plano upang si Samuel mismo ang makasaksi sa kanyang dapat na makita.Ilang mga kalalakihan ang sinamahan si Samuel sa daan patungo sa bundok ng Santo Domingo,dala ang ilang sulo,nagtipon-tipon silang lahat sa harang upang siguraduhin ang kanilang plano.
"Huwag po kayong gagawa ng ikakapahamak ninyo,may hangganan po ang paglalakbay na ito,kahit na makapasok tayo sa lugar nila,hindi natin alam kung may mga patibong ba na bubungad sa atin,mag ingat lang po tayo.."
Sinimulan ni Samuel ang paglalakad,ilang minuto pa lamang ng kanilang pag-akyat,tila ay may naramdaman si Samuel na kakaiba,tila may tumitingin sa kanila.
"Shh! huwag kayong maingay,parang may nakatingin sa atin,dahan-dahan lang kayo sa paglalakad."
Pinigilan si Samuel ng isang lalaking kasama nila at balaan ito.
"Hindi na tayo maaaring lumayo,nandiyan lang sila sa paligid,hindi na natin sila pwedeng gambalain.."
Nainis si Samuel sa suhestiyon na iyon at napailing na lamang,kaya wala siyang nagawa kung hindi ang bumalik sa baryo at ipagpabukas na muli ang paghahanap ng lobo para sa kanyang pananaliksik.Sa sumunod na araw,maagang nagising si Samuel,naglibot-libot siya sa mahamog na paligid,hanggang sa nakarating siya sa bahay ng Kapitan ng maliit na baryo na ito,nagkwentuhan sila tungkol sa mga paniniwala sa mga lobo,at inalam pa ni Samuel ang mga bagay na matagal na niyang gustong malaman.
"Noong una,wala pang bakod ang paligid ng lugar na ito,hanggang sa bali-balita na sa kalapit bayan ang kahiwagaan na naririto,ang mga lobo.. Nang tumagal marami na rin ang nawawalang mangangaso sa aming panig,hindi na nakabalik at pinapaniwalaang naging isa na sa kanila.. Isang matanda.. si Lolo Efren ang nangahas na kausapin ang mga mahiwagang lobo,doon nagkaroon ng kasunduan ang pinuno,si Lolo Efren at ang aking ama,lagyan ng harang,wala ng taong-lobo,at wala ng mamamatay.. pero akala namin tapos na,hindi pa pala."
Isinulat ni Samuel sa kanyang papel ang mga impormasyon na iyon at pinagtagpi-tagpi ang mga bagay na nag-uugnay sa mahiwagang bukal na kanyang hinahanap.
Sa pagdating ng katanghalian,ipinagpatuloy ni Samuel ang kanyang paglalakbay sa bundok at isang lalaki lamang ang matapang na sumama sa kanya hanggang sa makarating sila sa gitna ng bundok.Maraming lobo ang palihim na nag-aabang sa kanya,at ang kasama ni Samuel ay napatakbo na lamang sa labis na takot,nagpatuloy siyang mag-isa at pinulot ang isang mahabang kahoy na maaaring pamalo sa mga lobong mangahas na kainin siya ng buhay.
"Hmmm.. isa na namang mortal?! ano na naman ang sadya ninyong mga tao sa aming teritoryo? natibag na ba ang kasunduan?"
Laking gulat ni Samuel ng magsalita ang lobo na lumapit sa kanya,ilan pang mga lobo ang dumating na pinalibutan siya.
"hindi ako nandito para sa inyong kasunduan,ako lamang ay isang estranghero na naligaw,hayaan ninyong ako ay umalis,paumanhin kung nagambala ko man kayo.."
Ang lobong kanyang nakaharap ay ang anak ng pinunong si Aragon,na walang iba kung hindi si Bagwis,kasama ang kanyang mga alalay na magtutungo sana sa paanan ng bundok upang kumain ng kanilang hapunan,na ngayon ay nasa kanilang harapan,ng biglang dumating si Alasik at pinigilan ang mga plano ng kanyang kapatid.
"Bagwis! ano na naman ang iyong ginagawa? pinapatawag na ang lahat ni ama,ihanda mo na ang iyong sarili,ako na ang bahala sa mortal na ito."
Nagkaroon ng matulis na tingin si Bagwis kay Alasik,tanda ng kanilang hindi pagkakasundong magkapatid,at ng mawala na si Bagwis sa paningin nila,masinsinang kinausap ni Alasik si Samuel,at pinaalis na ito.
"maswerte ka na nakarating ako sa mga oras na gutom na gutom ang kapatid ko sa inyong mga tao,mas mainam na ikaw ay umalis na at hindi na tumapak pa sa aming lugar,hindi ka nararapat na tumungo sa masukal at delikadong lugar na ito.."
Hindi pa rin makapaniwala si Samuel na kaharap niya ang mga lobong aktuwal na nagsasalita,buong akala niya ay kathang-isip lamang ang mga ito at walang katunayan.At sa pagkakataong iyon,hindi pinakinggan ni Samuel si Alasik,tahimik niyang sinundan ito patungo sa dulo ng bundok,kung saan ay marami pa ang mga lobo na naghihintay sa kanila,sa isang tila maliit na komunidad.Natuklasan ni Samuel na ang mga lobo ay tila mga tao rin,may mga kubo sila at sariling baryo,may malaking bato kung saan ay nakatingala lahat ng mga lobo sa iisang lobo na nakatapak sa batong iyon,walang iba kung hindi ang pinunong si Aragon.
"Ngayon ay ganap ng mga lobo ang aking mga anak na sina Bagwis at Alasik,ngunit isa lamang sa kanila ang nararapat na tumuntong sa biyak na bato,ang lobong may lakas at tapang,bangis at pagnanais na manguna sa lahat,simulan na ang paligsahan sa susunod na pinuno ng mga lobo!"
Nakita ni Samuel kung paano nag aaway-away ang mga lobo para lamang sa iisang trono,kagaya ng mga tao para sa iisang posisyon.Pangil sa pangil na nag-away ang magkapatid habang ang lahat ay sinisigaw ang kanilang mga pangalan "Bagwis!" dito,"Alasik" doon,hanggang sa nagdugo na ang kanilang mga katawan,bakas ng walang pigil na labanan na kanilang nakasanayan.Unti-unti nang nanalo si Alasik,at ng akma na niyang kakagatin si Bagwis,nakuha ang lahat ng kanilang atensyon sa ingay na nagmumula sa tagong bahagi ng kagubatan kung saan ay nahulog si Samuel sa kanyang inaakyatang puno.
Matapang na sinugod ng ilang lobo ang damuhan at hinihintay na lumabas ang nilalang na nakatago sa damuhan na iyon,hanggang sa ibinunyag ni Samuel ang kanyang sarili,agad siyang iniharap sa pinunong si Aragon.
"batid kong matagal ng natapos ang labanan,nanalo na ang aking anak na si Alasik! at bilang susunod na pinuno,ang aking ibabahagi sa iyo bilang iyong unang katay,ay ang pagkaing nasa iyong harapan,isang malinamnam na bisita ang dumating sa ating kasiyahan ngayong gabi,sino ang makakatanggi sa tila malusog na pangangatawan?"
Isang hamon para kay Alasik ang pangyayaring ito,binalaan na niya si Samuel na umalis ngunit hindi ito nakinig,ngayon ay magiging hapunan pa ito ng lahat,na hindi niya nais na gawin,sapat na sa kanya ang karne ng hayop kung kaya ay pinigilan niya ang kanyang sarili at ang kanyang mga kasamahan.
"Paumanhin Ama,ngunit hindi ko maaaring gawin ang iyong inuutos,hindi pa ako tuluyan na nagwagi sa aming duelo ni Bagwis,hindi pa napapatunayan na ako ay nanalo dahil natigilan ang lahat ng dumating ang mortal na ito,suhestiyon ko sana'y muli kaming maglaban,ng patas,at ang mortal na ito ay pansamantalang ikulong natin,upang mas ganahan naman si Bagwis na tamaan ako."
Tila naging isang kahihiyan pa para kay Bagwis ng pinagtawanan siya ng ilan,kaya napasubo na lamang siya sa hamon ng kanyang kapatid.
"kung iyon ang iyong nais aking kapatid,mas mabuting paganahin ko muna ang aking kalamnan para sa isang masaganang hapunan sa hinaharap.."
Nagkasundo ang bawat panig at ikinulong si Samuel sa isang kulungan na gawa sa kahoy,sa gitna ng mga lobo kung saan ay hindi siya matatakasan ng mga mata nito.