Blood XLVI: Sports Fest
Savannah's Point of View
Hinampas ni Charlotte ang desk niya kung saan umangat pa nang kaunti ang mga gamit niya, salubong na ang mga kilay niya habang sinusubukang sermonan si Hades. 'Tapos ay ibinaling ang tingin kay Zedrick. "He's your best friend, right?! Try to convince him!"
Pilit na ngumiti si Zedrick at humawak sa batok. "Even if you say that..." Nagpa-plano kasi kami para sa paparating na sports fest ng K.C.A and Charlotte is trying to convince Hades but ended up being rejected for some reason, nung una ako ang gusto nilang isali pero ako na kasi ang mag o-organize nung events together with the other student kaya hindi na ako pwede.
Umiwas ng tingin si Hades na animo'y isang batang nagmamatigas na ayaw sumunod sa gusto ng magulang 'tapos itinaas ang kanang kamay para makuha ang atensiyon ng adviser namin. "Excuse me, Miss Eirhart! May bumu-bully sa 'kin dito!" Panunumbong nito kaya binigyan siya ng masamang tingin ni Charlotte.
"Hades! Your spit is hitting me!" Daing ni Vermione.
Napasapo na lamang ako sa noo ko dahil sa kaguluhang nangyayari sa mga kasama ko. Kami na lang talaga ang wala pang maayos na plano at lahat ng mga kaklase ko ay mga nakapasa na ng list nila. Tumayo si Charlotte at nagpameywang. "Gusto mo bang mawalan tayo ng opportunity na maging star?!"
Isinubsob lang ni Hades ang mukha niya sa mga braso niya't mabigat na nagbuga ng hangin. "Ayoko. 'Pag sumali ako sa ganyan, ano na lang mangyayari sa mukha ko?" Napa-pokerface ako sa naging rason ni Hades. Iyon ang concern niya?
"I want to volunteer pero ako na kasi 'yung mangongolekta sa magiging allowance natin that day." ani Vermione na may pagkamot sa pisngi. "Si Zedrick naman magpapaskil ng poster sa labas. Kaya 'di ba wala ka na ring choice, Hades?" Kibit-balikat pang dadag ni Vermione kaya mas isinubsob ni Hades 'yung mukha niya sa braso.
"Bahala kayo, wala na akong kasalanan kung matalo, ah?" Wika niya na walang bilib sa sarili.
Hinampas ni Charlotte ang braso ni Hades. "Akala ko ba competent ka?! Sige, kung mananalo ka sa activity ide-date ka ni Savannah!" Sabay patong niya ng kamay sa dalawa kong balikat nang makarating siya sa likuran ko. Napatingin naman ako sa kanya. Bakit parang binebenta niya ako?
Umangat kaagad ang ulo ni Hades at determinadong hinampas ang lamesa, kumikinang kinang pa ang mata niya. "Sige ba! G ako!" Pumukaw ang atensiyon ng iba naming kaklase dahil sa ingay namin samantalang hindi makapaniwalang napatingin si Zedrick sa amin.
"Luh!" Reaksiyon ni Zedrick.
Nakatingin lang ako sa kanya nang ilipat ko ulit kay Hades. "Masyado mo namang sineryoso." Simangot kong sambit sa kanya.
Sinilip naman ni Charlotte ang mukha ko. "Bakit? Sino ba may sabing nagbibiro ako?" Tanong niya kaya napatingin na nga rin ako sa kanya't aangal pa nga sana
Aangal pa nga sana ako pero umakbay na sa akin si Charlotte para kumbinsihin. "Ngayon lang, para rin 'to sa grupo natin, right? Bebe August?" my eyebrows furrowed as she called me that.
"Please, don't call me by my second name. Nakakawalang gana."
Tumayo bigla si Zedrick kaya pare-pareho kaming napatingin sa kanya. "I changed my mind." Biglaan nitong wika kaya taka namin siyang tiningnan.
"What are you talking about?" Tanong ni Charlotte sabay ayos ng eye glasses niya. Usually, contact lense gamit ng babaeng ito pero dahil daw sa napunit ay nagpasya siyang mag salamin ngayon. Naglalaro kasi siya ng hand ball kaya madalas talaga, wala siyang salamin at contact lense lang suot niya.
"Si Hades na lang ang magpapaskil ng poster at ako na lang ang magvo-volunteer." Tumaas sandali ang pareho kong kilay bago siya simangutan.
Kumuha ako ng hibla ng buhok ko't iniikot ikot iyon sa daliri ko. Inilayo ko rin ang tingin ko. "Huwag na."
"Pero--"
"Hindi ka naman dapat sumali, marunong ka ba sa kahit na anong sports?" Dudang tanong ni Charlotte kaya sumimangot si Zedrick.
Tinapik tapik ni Miss Eirhart ang board para kunin ang atensiyon naming lahat. "Kakaunti pa lang ang nagpasa ng lists sa inyo, ibigay n'yo na lang sa akin ng dismissal para mahaba haba pa ang oras ninyong makapag-isip. Sa faculty n'yo na lang ako hanapin." Kinuha niya ang mga kwaderno sa gilid ng lamesa't inayos ito. "That's all. Good-bye." Hindi pa nga kami nakakapagpaalam ay umalis na kaagad siya.
Nagmamadali yata siya ngayon?
Ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa mga nakasulat sa papel nang mapatingin ako kay Hades na seryoso lamang na nakatingin sa pwesto ni Miss Eirhart kanina. "Oh, siya mauna na muna ako sa inyo, ha? Kayo na ang bahala diyan." Paalam ni Charlotte bago kami kinawayan paalis.
Hinila ako ni Vermione at ngiting nilingon ang dalawa. "Sorry, pero kami na muna ang magsasama ngayon. 'Di ba? Savannah?" Tanong niya noong makatingin sa akin. Ngumiti rin ako pabalik at tumango bilang pagsagot.
Sumimangot si Hades at tumayo na rin. "Bakit? Sama na kami." Vermione shook her head and tsked.
"Nope. Pag-usapan n'yo munang maigi 'yong tungkol sa sports fest." Sambit niya't tiningnan ako. "Let's go." Yaya niya't hinila ako paalis ng classroom. Grabe rin 'tong mangaladlakad, eh. "May pupuntahan tayo sandali."
Tumaas ang kanan kong kilay. "Where?" Taka kong sabi pero kinindatan lang niya ako't hindi sinagot ang tanong ko. Dinala lang niya ako sa hindi pa tapos na cosplay cafe doon sa second floor 2-E. Hindi ba't sports fest lang naman ang mayroon? Ba't ginawa yatang school festival?
Hinawakan niya ako sa kamay 'tapos ipinasok sa loob nung cosplay cafe na iyon, binati niya 'yong mga estudyante na masigla rin siyang binati pabalik. "Ano'ng gagawin natin dito?" Naguguluhan kong tanong.
Humarap siya sa akin at nag tongue out. "Pampabawas stress, you've been working too hard for the up-coming event this year isabay mo pa 'yung kaunting training natin pagka dismissal. Kaya dress up muna tayo."
Inurong ko ang ulo ko. Hindi ako sang-ayon sa ideya niya. "Mas mai-stress pa ako sa iniisp mo."
"No, trust me." Pagpapanatag niya't nilingon ang isa sa mga estudyante. "Hey! May tester na kayo rito!" Sigaw ni Vermione with matching turo pa sa akin. Napanganga ako. So, hindi niya ako dinala rito para mawala stress ako?!
***
IBINABA KO ang skirt na suot suot ko habang manghang mangha na nakatingin ang mga estudyante sa akin. "Don't you think this one's a bit too revealing? It's oddly chill..." Naiilang kong sabi habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Napanganga ang mga lalaking estudyante na tila parang pumupuso pa ang mga mata.
Hey, kids. Alalahanin n'yong upperclassman n'yo ako.
"Venus!" Tawag ng kung sino sa akin saka lumuhod sa gilid habang inilalahad ang kanyang mga kamay.
"The Goddess of Beauty!" Puri pa nung isa at ginawa rin ang pagluhod tulad nung sa kaklase niya. Namula ako sa hiya at pinipilit silang patayuin nang picture-an ako ni Vermione dahilan para mas lalo akong mamula.
"Hoy!" Reaksiyon ko
Mabilis na lumapit ang isang estudyante't hinawakan ang kamay ko. "Miss Curry, hindi ba pwedeng ikaw ang tumulong sa amin para mas rumami ang customer namin sa Cosplay Cafe?" Napaatras ako ng isang hakbang. Kahit naman sabihin nila iyan ay hindi ko rin magagawa. Hindi naman mahirap ang tumulong pero napaka unfair sa ibang klase.
"Oh, what do we have here?" Nilingon ko 'yong lalaking asungot na dumating. Si Septimus. Dito rin kasi talaga siya nag-aaral, nandoon lang siya sa kabilang building kaya hindi namin nakakasalubong dito. But speaking of, bakit nandito siya?
Kasama niya ang mga grupo niya na hindi pa rin nagbabago't nakangiti pa rin. Tiningnan ako ni Septimus mula ulo hanggang paa. 'Tapos ay natawa na lamang sa naging itsura ko. "Weird, nagawa mo pang mag costume sa lagay na 'yan, ah?" Huminga ako ng malalim habang hindi lang siya pinansin ni Vermione at pinasukat pa sa akin ang iba pang mga pwedeng I-cosplay.
"Ito, Savannah. Bagay 'to sa 'yo." Tuwang tuwa niyang sabi na parang sinasadya talagang asarin si Septimus. Napabuntong-hininga na lamang tuloy ako.
"Oy! Nandito ako!" Pagpapapansin ni Septimus kasabay ang pagpasok ng grupo ni Queen. Gusto kong mapasapo sa mukha, ano ba'ng ginagawa ng mga 'to rito?
Iginagala ni Queen at Nancy ang tingin sa paligid nang ihinto iyon sa amin. "Oh? Ba't nandito kayo?" Mataray na tanong ni Queen.
Napasinghap ang estudyante sa klaseng ito na animo'y namamangha na sa nangyayari. "Nagiging tourist spot na ng students ang booth natin! Mabuhay si Miss Curry!"
"MABUHAY!" Sabay-sabay na sigaw ng lahat dahilan para pilit akong napangiti. I didn't do anything, you know?
Day of Sports Fest. (Friday)
Pinunasan ko ang pawis ko matapos kong tumulong sa pagtayo ng ginawang poste ng mga kaklase kong naka-assign para sa entrance ng K.C.A.
May disenyo ito ng iba't ibang isports na gaganapin hanggang dalawa't tatlong araw. Inaninag ko ang araw na papaakyat saka napatingin kay Zedrick at Hades na hingal na hingal ng tumatakbo sa buong campus. Napag desisyon-an namin na silang dalawa ang magiging participant sa activity namin dahil kakaunti lang daw pala ang sasali sa section namin. Kumuha na lang ng extra work ang isa sa kaklase namin para ipaskil ang mga posters.
Maaga kaming pumasok sa K.C.A. upang tapusin ang mga unfinished business kahapon. Hindi naman gano'n nagtagal ang pag-aayos namin dahil natapos din naman kami kaagad.
Inilipat ko ang tingin kay Vermione na pinapagpagan ang pwet-an. "Tapos na tayo. Shall we go? Nagugutom na rin ako, eh." Yaya ni Vermione na tinanguan ko. Nakakagutom magkikikilos. Tiningnan niya sila Zedrick at Hades na nag-uusap sa hindi kalayuan at nag ja-jack 'n poy. "Saan n'yo gustong kumain?"
Lumingon ang dalawa sa amin at hinarap kami na may ngiti sa kanilang labi. Wala nanamang sasabihing matino 'tong mga 'to. "Sa pwedeng tayong mabusog." Sagot ni Zedrick.
Nagbuga na muna ako ng hininga bago magsalita. "Ayusin mo sagot mo." Medyo pabalang kong pagkakasabi.
Humawak si Zedrick sa ulo niya. "Eh, kaya n'yo nga pinasa 'yung tanong kasi wala rin kayong maisip. Wala rin kaming maisip na pwedeng kainin."
"Idiot. Kaya namin kayo tinatanong dahil baka may gusto kayong kainin." Naiirita kong tugon at tiningnan si Vermione. "Kumain na lang tayo diyan sa Calbee--" Hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko nang may tumawag sa pangalan ko. Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses na iyon at napagtantong isa pala sa mga vampire hunter ang tumatawag sa akin.
Hingal na hingal ito habang hawak-hawak ang mga tuhod. "M-Miss Curry. Wala na po sila."
"Who?" Tanong ko sa tinutukoy niya.
Inangat niya ang tingin niya't tumayo na ng maayos. "Zue & Yue. Naabutan na lang namin na abo sila." Pagbabalita nito saka ako mabilis na napalingon sa kung saan. Naramdaman ko ang kakaibang presensiya dahilan para magsalubong ang kilay ko.
"Nag-aabang na sila."