Chereads / Arcane Vampire: A Fabled Fiend / Chapter 39 - Isolated

Chapter 39 - Isolated

Blood XXXVIII: Isolated 

Savannah's Point of View 

Kasalukuyan kaming nag-aayos ng book shelves matapos makalabas lahat ng mga kaklase namin, dumidilim na ang ulap at hindi na maganda ang pakiramdam ko. Nararamdaman ko nanaman 'yong pag crave ng dugo mula sa katawan ni Zedrick kaya pinagpapawisan ako't pinipilit na pigilan na muna ang sarili dahil kaiinum ko lang talaga kanina. 

 Medyo nahirapan pa nga akong inumin dahil nga sa hindi naman luto at mukhang fresh pa pero dahil iyon ang hinahanap ng katawan ni Zedrick ay ininum ko. Iba ang panlasa niya sa tooong panlasa ng mga tao kaya parang nagulat ako kanina. 

 Hindi siya pangit, hindi rin naman masarap. Ewan ko, hindi ko maipaliwanag 'yong lasa. Dugo ng ibon ang ininum ko dahil iyon lang din ang nahagip ng mata ko nang makarating sa likod ng building. 

Ipinasok ko na ang libro sa kaunting space kaya ipinagpag na namin ang mga kamay naming naalikabukan. "Yown! Tapos na!" Ngiting wika ni Zedrick na may kasamang pagpameywang noong may ma-accomplish kami. "Pero hindi ko alam na meron pala tayong volume III ng..." Hindi na ako nakikinig sa sinasabi ni Zedrick dahil nahihirapan na akong makaintindi dahil sa sakit ng dibdib ko. 

 Umupo ako sa upuan na malapit sa akin habang patuloy lamang sa pagsasalita si Zedrick ng kung anu-ano. Hangga't maaari ay pilit kong hindi ipinapakita 'yong nararamdaman ko at humihinga lamang ng malalim para kahit papa'no ay ma-lessen ang sakit. Pero sa tuwing hihinga ako, may kumikirot. 

Pinagpapawisan na ako ng malamig at napapakuyom ng mariin. "Do you think Rejection is the reason why people deny their true feelings?" Bigla niyang tanong out of nowhere. 

Inangat ko ang tingin sa kanya. "Where did you get that?" Cool ko lang na tanong. Medyo hinihingal na rin ako para makakuha ng sapat na hangin. If we're just goin' to stay here, baka hindi ko mapigilan. 

 Bumuntong-hininga ako. "Anyways, we have to go home. Baka maabutan pa tayo ng ulan." Tumayo na ako at pumunta sa talaga kong pwesto para kunin ang bag ko. 'Di ko rin ito pwedeng ipauwi sa condo niya dahil mahirap na. Baka may kailangan akong tingnan sa notes ko. 

Isinabit ko na ang bag sa balikat ko, ang gaan. Lumapit sa akin si Zedrick na dala-dala na rin ang bag niya. "But what's the plan? Uuwi talaga tayo sa mga uuwian natin?" Paninigurado niya. 

Lumunok ako nang muli nanamang tumibok ang puso sa katawan ni Zedrick, tinaasan ko ng kilay ang lalaking ito. I've got to hold on. "What? Do you want me to stay in your condo?" I asked him, just wanted to know what will he think. 

Umiwas siya ng tingin kasabay ang pagkidlat, umuulan na. "No, I'm just worried about something." 

 Umawang-bibig ako, something? I see, tinutukoy niya yata 'yong abnormal na pagsakit ng dibdib niya. "Wala ka bang ibang nararamdaman?" Tanong niya noong ibalik niya ang tingin sa 'kin. 

 Tumulo ang pawis ko mula sa sintido. Kung sasabihin kong mayro'n, hindi impossible mag-aalala rin siya sa 'kin. Baka magpasya pa siyang magsama kami. Ayoko namang ma-isturbo siya o ano. Somehow, na sa katawan ako ni Zedrick. Kaya responsible kong gawin 'to dahil matagal na rin niyang tinatago 'tong sakit. 

 Kahit sandali lang, maramdaman niyang maluwag ang pakiramdam niya. 

"How 'bout you? Wala ka naman bang nakikita na kung ano mula sa katawan ko?" Kumunot-noo ito. Mukhang wala nga. 

"May nakikita ka ba na hindi namin nakikita?" I'm not talking about ghost, you idiot. 

 Tumagilid ako. "No, it's nothing. Baka kasi may ganap sa katawan ko, 'di mo iniingatan." Wika ko kaya dinedepensahan na niya ang kanyang sarili. 

Ibinaba ko ang tingin sa sahig. Kaso kung ito ang respond niya, then that means wala nga talaga siyang nakikita sa nakaraan ko o kahit na ang alaala ko. Ganoon din kaya kay Vermione? 

"Mabuti na rin pala talaga na uminum ako ng maraming dugo bago tayo magkapalit ng katawan, hindi ka naman nauuhaw ngayon 'di ba?" Nag-aalala nitong tanong. Ilang beses ba siyang umiinum ng dugo sa isang araw? 

"I'm not and I don't think makakainum ako ng dugo, it's disgusting." Pagsisinungaling ko. Malakas na nagsara ang bintana dahil sa lakas na hangin kaya lumapit kami roon para isara na nga ang mga ito. Wala pa naman kaming dalang mga payong, pa'no kaya kami makakauwi ng ganitong oras? 

 Nang maisara namin lahat ay nanatili lang kaming nakatingin sa labas kung saan walang tigil ang pagbuhos ng ulan. 

Sumasabay na rin ang mga puno sa pag-ihip ng hangin. Huminga ako ng malalim. Nararamdaman ko nanaman 'yong kagustuhan ko sa pag-inum ng dugo. Hindi ako pwedeng manatili rito, mahirap na dahil baka atakihin ko si Zedrick-- o 'yung katawan ko. "May payong sa office ni Dad. Makihiram ka na lang." Lumakad na ako paalis ng classroom. 

 Naramdaman ko ang paglingon niya sa 'kin na kanina'y nakatingin sa labas ng bintana. "Sa'n punta?" Tanong niya sa akin. 

 "Uuwi na, may kailangan akong asikasuhin, bye." Hahabulin pa sana niya ako pero isinara ko na ang sliding door. 

*** 

BASANG BASA akong pumasok sa bahay ko, ginamit ko 'yung abilidad ni Zedrick ng walang kaproble-problema. 

 Isinara ko kaagad ang pinto at pabagsak na lumuhod habang gumagapang papunta sa kwarto ko. Hindi ko na kaya 'tong pagpipigil ko. Dugo. Kailangan ko ng dugo... Saan ako pwedeng kumuha ng dugo? 

Puro dugo ang tanging sinasabi ng utak ko. Nagsisimula ng lumabas ang mga pangil sa katawan ni Zedrick habang lumilingon-lingon ako. Nakarating na ako sa kwarto, pero kalahating katawan lang ang nakapasok. Mabigat na paghinga ang maririnig sa kwarto gayun din ang malakas na pagbagsak ng ulan sa labas. Nilalamig ako pero pinagpapawisan, 

 Masakit. Masakit. Masakit. 

 How the hell could he handle such pain? This is too unbearable, it hurts. It hurts! 

 Kumirot ang kung anong ugat sa puso ko dahilan para mapasigaw ako't mapaungol. "Ahhhh!" I feel it... I feel it! The blood that overflows through my body. 

 Nakababa ang ulo kong nakatingin sa sahig noong iangat ko ito kasabay ang mas lalong pagpula ng aking mga mata. 

Zedrick's Point of View 

Hindi ko na ma-contact si Savannah matapos niyang umalis kaya noong nakakuha't nakahiram ako ng payong sa office ni Mr. Okabe ay umuwi na rin ako sa condo ko. Pero hindi man lang ba ako babalaan ni Savannah? Kailangan ko rin kayang magpalit ng damit. 

 

 Gumamit ako ng taxi papunta sa condominium dahil lumalakas na rin ang ulan at hindi ko na kayang mag commute ng dalawang beses para lang makarating dito. Sobrang haba nung pila sa jeep terminal at mahihirapan pa ako kung sasakay pa ako ng tren, masyadong masikip.

 

 Pagod akong pumunta sa harapan ng pinto kasabay ang paglabas ko ng aking susi. Ewan ko ba kung ako lang nakakaramdam nito pero nakakapagod gamitin itong katawan ni Savannah, ang bigat bigat sa pakiramdam na gusto ko na lang matulog. 

 

 O baka naman kasi kulang sa tulog 'yong katawan niya? 

Ipinasok ko na ang susi sa door knob saka ito pinihit. Kaso bakit ang tagal naming magkapalit ni Savannah kaysa sa oras na nagpalit sila ni Vermione?

Pumasok na nga ako't pabagsak na umupo sa aking sofa, huminga ako ng malalim at mabigat na nagbuga ng hininga. Tumingala ako para tingnan ang kisame. "Kailangan ko muna ng permiso ni Savannah bago ako maligo." Napapagod na sabi ko sa sarili saka ako nakarinig ng ingay mula sa banyo dahilan para mapalingon ako kung nasa'n iyon. 

 Laking gulat nang may lumabas mula sa aking banyo. "Zedrick, ikaw ba 'yan?" Ano'ng ginagawa ni Hades dito?! 

 Nagpupunas siya ng basang buhok gamit ang tuwalya na mukhang kinuha niya sa aparador ko nang makaharap siya sa akin, pareho kaming mga nakaawang-bibig at gulat na gulat sa aming nakikita.

 Tumayo ako. "Bakit ka nandito?" Naguguluhan kong tanong. Wala naman akong pinagbigyan ng spare key maliban kay Savannah. 

Tinakpan niya kaagad ng tuwalya ang hubad niyang katawan. "I-ikaw?! Ano'ng ginagawa mo sa condo ni Zedrick?! Nasa'n siya?!" Nanlaki ang mata ko. Oo nga pala, nakalimutan kong na sa katawan ako ni Savannah. 

 Kinuha niya ang mga damit na nakasabit sa sandalan ng sofa saka nagbihis, hinayaan ko lang siya roon habang umiwas lang ako ng tingin para hindi naman sabihin nito na naninilip ako. Malalagot ako kay Savannah kapag na-misunderstood siya ni Hades. "M-May kukunin kasi sana talaga ako rito pero--" 

Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong uminit. Ito rin ang naramdaman ko noong nagkapalit kami ni Savannah. 

 Hindi nga ako nagkamali, bumalik nga ako sa katawan ko pero nagulat din noong maramdaman ko ang sobrang uhaw. Humawak ako sa leeg ko't gumulong gulong sa malamig na sahig. 

B-Bakit?! 

"Uuwi na, may kailangan akong asikasuhin, bye." Naalala kong sabi ni Savannah bago siya umalis sa classroom kanina. Dapat kanina ko pa napansin! 

Her face is too pale at nakikita kong napapakunot-noo siya. 

 Mariin kong kinuyom ang mga kamao ko hanggang sa dumugo na ito. 

Savannah's Point of View 

Hawak-hawak ko lang ang kumikirot na dibdib sa katawan ni Zedrick nang manlaki ang mata ko nang makabalik ako sa totoo kong katawan. Bumungad sa akin ang nakatapis na si Hades. Nakatulala siya sa akin ganoon din ako sa kanya, ngunit hindi ko iyon masyadong pinagtuunan ng pansin at kaagad na umalis sa condo ni Zedrick para puntahan si Zedrick sa bahay. 

"Savannah! Oy!" Habol ni Hades sa akin. 

Hades's Point of View 

Kakaiba ang bilis ni Savannah habang tumatakbo papunta sa kung saan. Sumusunod ako sa kanya dahil biglang nag-iba ang itsura niya, mukhang hindi maganda iyon kaya heto ako't nag-aalala na sinusundan siya. 

 Hindi pa rin tumitigil ang malakas na pag-ulan. Isang pagkakamali, pwede kang madulas sa daan. 

 Naligo ligo pa ako, mababasa rin naman pala ulit ako! Labhan ko na lang din itong mga damit ni Zedrick pagkauwi mamaya, balak ko sanang makitulog sa condo niya dahil malayo layo pa 'yung uuwian ko. 

 Bale nabanggit lang talaga ni Curtis 'yung condo ni Zedrick, hindi ko naman inaasahan na alam niya 'yung address pati room number. Kung tatanungin naman ako kung pa'no ako nakapasok sa kwarto niya, kinuha ko talaga 'yong susi sa bulsa ni Zedrick kanina ng 'di niya napapansin. 

 

 Genius, right? 

"Savannah! Sa'n ka pupunta?!" Tanong ko pero wala, tuloy-tuloy pa rin siya. Masyado rin siyang focus sa isang bagay kaya kahit na anong pagtawag ko sa kanya ay hindi niya naririnig. Pareho kaming na sa side walk, pinagtitinginan kami ng ibang naglalakad dahil siguro akala nila may hinahabol kami, muntik na nga rin akong makabangga dahil hindi ko na mahabol habol si Savannah. 

"Sandali lang!" Pagpapahintay ko na biglaan pang lumiko. Tiningnan ko ang lugar saka pumunta sa shortcut para makaabot sa kanya. "Excuse me! Excuse me!" Patalon talon kong pagpapatabi sa mga taong nakaharang sa dadaanan ko at nakalabas sa eskenita't nakasunod sa likuran ni Savannah. 

Madaling madali ito na animo'y parang may nangyaring hindi maganda. Sino pupuntahan niya? Si Zedrick? 

 Kanina pa kami takbo nang takbo at nagsisimula na akong mapagod. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Mag-aalasais na ng gabi. Sa'n ba kasi balak pumunta ni Savannah? 

Dumaan kami sa isang villa at pumasok doon, sinusundan ko lang siya hanggang sa marating na yata namin ang dapat na pupuntahan. Tinulak niya ang gate at dali-daling pumasok sa loob ng bahay. Pinihit niya ang door knob nang mapagtantong sarado ito, kaya ang ginawa niya ay gumawa siya ng pwersa't sinipa ito dahilan para bumagsak ang pinto. 

 Napanganga ako sa ginawa niya. What the-- Nawala rin kaagad ang pagkagulat ko nang tumakbo na siya paloob. Sumunod na rin ako. "Oy! Ano ba kasing nangyayar--" Nagulat ako nang makita ko si Zedrick na nagwawala sa isang kwarto. Hawak-hawak ang leeg habang gumugulong gulong sa sahig. Sumisigaw sigaw din ito dahil sa... Sakit? 

"Ahhhh! Arghhhh!" Sa pagsigaw nito ay ang biglaan niyang pagtingin sa akin ng matalim. Crimson Blood Eyes, sharp fangs. 

 I swear that I saw these before. "I'm sorry." Rinig kong boses ng kung sino kaya unti-unting nanlaki ang mata ko. Eh? 

Sa halo-halong emosyon na mayro'n ako ngayon ay ang kasabay ng paglitaw ng mga alala kung saan nagawa kong protektahan si Zedrick mula sa pagkakabaril ni Vermione.

 Namilog ang mga mata ko't napatingin sa gawi ni Savannah nang may mabasag. Tinutulak na siya ni Zedrick para isandal sa pader. "Vampire..." Bulong ko. 

Flashback

"You promised me, right?! So, why?!" Sa gitna ng sunog, nakaluhod ako sa lupa habang umiiyak na nakatingin sa bata na nakatalikod sa akin. Inalis niya ang mga dugong tumutulo mula sa mga daliri niya't dinilaan ito. 

 Humarap siya sa akin para lapitan ako. "I want you to understand that the only thing I want is for your safety, Hades. I'm sorry if I have to do it." Itinapat ng kung sino ang palad niya sa aking noo. 

 No... I won't let someone say those words again! I do not need your sympathy! I won't let you,

…ERASE MY MEMORIES AGAIN! 

End of Flashback

Kinuha ko ang mga balikat ni Zedrick at malakas siyang hinila para malayo kay Savannah. "Don't isolate yourself, you bastard!" Sigaw ko at sinapak ito dahilan para bumagsak siya sa sahig. Pumatong kaagad ako sa tiyan-an niya para kagatin ang bandang pulso ko upang sugatan. 

 May matalim akong ngipin sa bandang kanan ng bunganga ko kaya madali lang din talagang masugatan kung didiinan ko. Nakagawa ito ng sugat kaya kaagad kong inilagay iyon sa bibig niya. Kinuha niya kaagad ang kamay ko't ibinaon kaagad ang matulis niyang pangil sa aking balat. 

Napapikit ang isa kong mata habang nag-aalala namang nakatingin si Savannah, lumingon ako sa kanya't binigyan siya ng ngiti. 

I want to say it aloud, tell them not to go. Not to leave me behind.