Chereads / Arcane Vampire: A Fabled Fiend / Chapter 40 - Following to Live

Chapter 40 - Following to Live

Blood XXXIX: Following to Live 

Savannah's Point of View 

Pinunasan ni Zedrick ang kanyang bibig saka malungkot na napatingin kay Hades na nakahilata roon sa carpet. "Buddy, kailangan mo na ng iron para hindi ka masyadong naghahanap ng dugo." Napangiti ako dahil sa kadahilanang nagagawa pa ring magbiro ni Hades kahit mayro'n siyang napagtanto. 

Lumapit ako sa kanya't lumuhod para pisilin sandali ang pisngi niya. "O-Ouch." 

 "Thank you for saving him." Umangat ang tingin ni Hades para makita ako. Nakanganga lang siya nang umupo siya't humarap sa akin na may malawak na pag ngiti sa kanyang labi. 

"He also saved me once, ibinalik ko lang sa kanya." Tugon niya kaya namilog ang mata ko. He remembered? 

 Tumayo si Zedrick, akmang lalapitan si Hades nang lumayo naman ito na may hand stop sign. "Oh, ano nanamang gagawin mo? Huwag mo 'kong lapitan." 

Huminto nga si Zedrick gaya ng sabi ni Hades, bakas sa mukha ni Zedrick ang takot at pagsisisi habang nag-aalala lamang akong nakatingin sa dalawa. 

 Huminga ako ng malalim at seryosong tiningnan si Hades pagkatapos. "Hades, liste--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita. 

He's still looking at him-- Zedrick. "Don't get the wrong idea. Hindi ako natatakot sa katotohanang may bampira sa mundong ito." Panimula ni Hades kaya nagtaka naman ako. Nagsalubong ang kilay niya at biglang naging seryoso. "What I fear is the intention of erasing my memories TODAY." Pagdiin niya sa huling kataga na nagpatikum sa aking bibig. 

 

 Tumungo si Zedrick. "I'm sorry." 

Umismid si Hades. "Sorry? I don't want to hear that word again, coming from you." Pareho kaming napatingin ni Zedrick nang mag-iba ang tono ng pananalita niya. "Hindi ba't parang ang selfish na buburahin n'yo na lang 'yung alaala ko ng wala man lang pasabi sa akin?" Kalmado na siya pero mukhang dismayado na umiiling. "Wala kayong karapatan na alisin kung ano ang memorya na mayro'n ako ngayon o sa mga araw na nabubuhay ako." 

 Hades… 

"Don't you know the effect of forcing someone to forget their memories as you erase them? It's making them empty, sadness overflowing without knowing the real reason behind it." Sinubukan niyang tumayo pero napansin ko na parang matutumba siya kaya mabilis akong lumapit sa kanya upang masalo siya nang pabagsak na sana siya sa sahig. 

 "Don't force yourself to stand up, idiot." Inilagay ko ang ulo niya sa kandungan ko para pagpahingahin siya sandali, kaya ipinikit din niya 'yung mga mata niya. 

 "Hehe. Sorry." Napapagod na pgghinigi ng pasensiya ni Hades habang pilit na iminumulat ang kanyang mata. 

Pinuntahan siya ni Zedrick habang hindi ko lang inaalis ang tingin sa mukha ni Hades. Malakas na kumulog at mas bumagsak ang pag-ulan kaysa kanina. Inangat ni Zedrick ang kaliwa niyang kamay upang itapat ang palad sa noo ni Hades. 

 May ideya na si Hades sa gagawin ni Zedrick kaya mapait itong napangiti. Wala rin siyang laban dahil pagod na pagod na ang katawan niya. "Daya talaga, hindi na talaga magbabago 'yung isip mo." 

 Walang emosyon na nakatingin si Zedrick kay Hades. Handa ng burahin ang mga alaala niya nang medyo nakita ko ang pag-aalanganin niya. "How I hope you'll give me a chance to see this side of you, Zedrick." ani Hades at pumikit. "Kung sakaling makita n'yo ako bukas, pwede bang maramdaman ko iyong yakap n'yong dalawa? Mawe-weird-uhan ako pero magiging masaya ako kung gagawin n'yo iyon." 

Kumukunot na ang noo ni Zedrick dahil sa pagpipigil gayun din sa pilit na pagkontrol sa kanyang emosyon, nanginginig ang mga kamay na inilalapit sa noo ni Hades para burahin ito. 

Pumikit ako at ngumiti, hinawakan ang malamig na kamay ni Zedrick dahilan para mapatingin siya sa akin. 

"It's okay, you don't need to do it anymore." Dinala ko ang mga kamay niya sa kamay ni Hades. 

 Umawang-bibig siya. "But," Pag-aalanganin ni Zedrick na nginitian ko lang. 

 "I'll take responsibility." Sabi ko nang hindi inaalis ang ngiti sa labi ko saka ibinaba ang tingin kay Hades na nakaangat lang din ang tingin asa akin. Hinawakan ko ang pisngi niya na nagpamula sa tainga niya. "Now that you finally got to see the truth behind shadows, I won't go easy on you." 

Titig na titig lang ito sa akin nang ngumisi siya. "I can't wait to listen to the whole story." 

Vermione's Point of View 

Lumabas ako sa makapal na bushes na pinagtataguan ko na narito lang sa harapan ng bahay ni Savannah noong paalis na 'yung taong kanina pa silip nang silip na tila parang binabantayan ang galaw ng kung sino kina Zedrick-- pero malamang ay si Savannah ang pakay nito. 

 Nakasuot siya ng Black hooded cape. Lumakas ang hangin kanina kaya nakita ko kahit papaano kung ano ang itsura ng mukha niya. "I guess, you're the vampire who has an ability to transfer one's soul in to someone's body, aren't you?" Bungad ko nang magpakita na ako sa kanya. 

Tumigil siya at lumingon sa akin nang nakababa ang tingin, sinusubukang hindi ipakita ang mukha sa akin. "Who are you?" Tanong niya gamit ang malalim na boses. 

 Humakbang ako palapit sa kanya ng hindi nawawala ang ngiti sa aking labi. "Oh my... Hindi ba't dapat ako ang magtanong niyan sa 'yo?" Tanong ko na may mapaglarong ngiti. 

Humarap siya sa akin at ngumiti kasabay ang paglabas ng kung anong pulang tutusok sa akin matapos niyang kagatin ang hinlalaki niyang daliri. Pa-tumbling akong umiwas at mabilis na inilabas ang scythe mula sa concealment guitar. Iniikot ko iyon sa ere't nag battle stance, inalis naman ng bampirang iyon ang suot niyang kapa at nagpakita sa akin. 

 Medyo nagulat na magkaiba ang itsura ng kalahati nitong katawan. Two people in one body? Also, babae ba iyong kalahating katawan?

 Ibinuka nito ang mga braso na parang sinasabi na lumapit ako sa kanya, "Now, then." Panimula nang lalaking bampirang ito. 

Lumabas na sila Savannah gayun din si Zedrick 'tapos tumalon noong walang babala silang inatake ng bampirang iyon. Lumanding ang dalawa sa tabi ko, "Blood whip." Tawag ng bampirang iyon sa abilidad niya saka dinilaan ang hinlalaki. 

Inilabas ni Savannah ang double handed gun niya, ito pa rin 'yong may dragon pattern--anti-vampire weapon. Pinagkrus niya ito't idinikit sa dibdib niya, "It'll be ended, real quick." Ipinutok na ni Savannah ang baril habang parang naging bula ang bampira na biglang nawala't sumulpot bigla sa harapan namin. 

 Umatras kami pero nagulat ako nang mapunta ako sa katawan ni Zedrick, "What--" Sa gulat, I wasn't able to dodge the attack. Tumama sa akin ang pahampas na atake ng blood whip nung bampirang iyon dahilan para bumagsak ako sa basang simento. 

Hindi pa iyon natatapos dahil bigla naman akong napunta sa katawan ni Savannah. Ang bilis ng paglipat ng katawan namin kaysa kanina!

 

 Inangat ko ang tingin sa paparating na atake. "Sh*t." I cussed. Muli nanaman akong natamaan ng blood whip ng bampirang iyon kaya tumalsik ako't gumulong gulong sa simento. Inangat ko ang kalahating katawan ni Savannah kung saan naramdaman ko ang mahapdi sa bandang siko niya. Nagkaroon ito ng sugat. 

Tiningala ko ang tingin, tumalon ang bampirang iyon papunta sa akin kasabay ang paglabas ng maraming roots ng blood whip para ipang atake iyon sa akin. Hindi na ako makakatakas nito kahit umilag ako. Sumeryoso ang tingin ko, si Savannah ang sadya niya rito. 

Tila nag slow motion ang paligid nang tingnan ko sila Zedrick, sinusubukan nila akong iligtas pero ngumiti lang ako. Walang kasiguraduhan kung mamamatay ako kasama ang katawan ni Savannah o babalik ako sa katawan ko para matapos na ang buhay ng may-ari ng katawan na ito pero... 

 Itinutok ko ang dalawang baril sa ulo at puso niya. "ISASAMA kita sa impyerno." Mariin kong sabi kasabay no'n ang pa-slide na pagpunta ni Hades sa harapan ko't niyakap ako para siya ang sumalo ng tatama sa akin. 

Napapikit na rin ako para hintayin ang tatama sa aming pareho pero ilang minuto na ang nakakalipas, wala pa ring nangyayari kaya nang imulat ko ang aking mata ay laking gulat ko noong na-blocked ni Savannah ang mga atake ng bampirang iyon sa pamamagitan ng Scythe ko. 

 Si Zedrick naman ay napangisi't um-activate ang vampire instinct lalo na nang ilipat niya ang tingin sa mismong mata ng bampirang iyon. 

Oo nga pala, nabanggit ni Savannah sa akin na may kakayahan si Zedrick na kontrolin ang isip ng isang indibiduwal kapag nagawa ng kalaban na tumingin sa mismo niyang mata-- o ang tinatawag sa King's Eye, Absolute Order. 

"I will make you spill what you know." 

***

2 days after... 

Kapalit ng Class-A vampire, dinala namin ang bampirang nagngangalang Yue sa Dawn Abyss at doon siya ikinulong. May isang Locking Spell Card kaming inilagay sa cell upang hindi siya makalabas kahit na gumamit pa siya ng blood whip niya o kung ano pang abilidad ang tinatago niya. 

Sa ngayon, nagpapahinga si Hades sa bahay niya habang nandito naman kaming tatlo ni Savannah at Zedrick sa harapan ni Yue upang tanungin pa siya ng mga bagay na hindi namin nagawa last 2 days ago. Balak lang namin magpahinga ng ilang oras pero inabot na kami ng halos 27 hours o mahigit bago kami magising matapos ang labanan. 

 Na-drain ng sobra ang lakas na mayroon kami sa kadahilanang hindi naging compatible ang soul namin sa katawan na hindi sa amin. 

 

 Naglabas ng hininga si Savannah saka umupo sa malaking bato na nandoon lang sa isang tabi. "Yue--" 

"Ba't hindi niyo na lang kami patayin?" Tanong ng kalahati nitong katawan na si Yue. Iyong isa naman ay hindi lang nagsasalita at malungkot lamang na nakababa ang tingin. She has a split personality in the past pero dahil sa abilidad na mayroon siya at mataas ang capacity nito ay lumabas ang isa pa niyang katauhan sa iisang katawan. Malalaman mo kung sino si Yue rito o hindi. 

 The left side-- Yue has the white color body while the other one is Black. 

"Yue..." Mahinang tawag ng kalahati ni Yue. 

Tiningnan ko iyon. "I'm Vermione, what's yours?" I asked as I smiled at her. Inilipat niya ang tingin sa akin pero ibinaba rin ang tingin pagkatapos. 

"Zue." sagot niya kaya inis na umiwas ang tingin no'ng isa. 

 "Why do you have to tell them? Papatayin din naman nila tayo." Iritableng sambit ni Yue. 

Kumunot ang noo ni Zedrick at lumapit nang kaunti. "Papatayin? Hindi--" 

"Sa tingin mo magtitiwala ako sa sinasabi mo?!" Singhal nito na nagpatungo nang kaunti sa akin. Naiintindihan ko kung hindi niya magawang magtiwala sa amin. Ilang bampira na rin ang namatay nang dahil sa mga tao, gayun din sa mga bampira na patuloy rin sa pagpatay ng mga tao-- cycle. 

 Kung ako rin ang tatanungin, hindi rin madali sa akin ang magtiwala sa katulad niya. "Bakit ka ba sumasama sa mga taong 'yan? Ginagamit ka lang nila! Pagkatapos nilang makuha ang gusto nila sa 'yo, papatayin ka rin nila!" Malakas na sigaw niya na umalingawngaw sa lugar. 

 Hindi sumagot si Zedrick kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi naman 'yun imposible." 

 Mabilis na inilipat ni Yue at Zue ang tingin sa akin samantalang ngumiti lang ako. "I mean, gusto ko rin naman talagang patayin 'tong lalaking 'to simula una pa lang." Turo ko kay Zedrick at nagkibit-balikat. "Hindi ko lang magawa dahil nandiyan si Savannah." 

 Sinimangutan ako ni Zedrick pagkalingon niya sa akin. "Hoy, seryoso tayo rito." 

 Binaling ko ang tingin sa kanya. "Seryoso naman ako sa sinabi ko." 

 Pumailanlang ang ungol ni Yue sa galit at inilabas ang blood whip para pilit kaming atakhin. "Mamatay na kayo! Mamatay na kayong lahat!" Paulit-ulit niyang wika habang lukot na lukot ang mukha. 

 Humawak sa noo si Zedrick. "Tingnan mo 'yung ginawa mo." Parang paninisi ni Zedrick sa akin kaya mas binigyan ko siya ng matamis na ngiiti. 

 "Wala naman akong sinasabing mali para magalit siya sa akin ng ganyan." Pang-aasar ko saka inilipat muli ang tingin kay Yue na patuloy pa rin sa pagsira nung cell niya. "Yue, say what you want it doesn't matter. But death is not impossible for you if you continue to act like this."

 Tumigil si Yue sa pag-atake ro'n sa cell niya at tinaliman ako ng tingin. "What do you want from us?! Bakit hindi n'yo na lang kami patayin ng diretsyo?!" 

 "Ano'ng kailangan namin?" Pinaharap ko ang dalawa kong kamay katapat ng aking dibdib at ipinagdikit ang bawat daliri sa isa't isa. "Information." Tipid kong sagot ng hindi inaalis ang ngiti ngunit kaagad ding naglaho pagkatapos. "Say," Panimula ko na medyo nagpaatras kay Yue at Zue matapos kong ibahin ang tingin ng mata ko. "Ano ang mapapala n'yo sa pag-atake sa amin? Ano ang kailangan n'yo kay Savannah?" 

 

 Naramdaman ko ang pagtingin ni Savannah mula sa kanyang peripheral eye view samantalang napaawang-bibig naman si Zedrick. Si Zue naman ay ibinaba ang tingin habang kumunot lang ang noo ni Yue. "What's the point of being alive kung magpapa-control kayo sa kung sino? Is this even your will?" 

 Napaabante si Yue dahil sa naging tanong ko. "Hindi namin alam kung ano 'yang sinasabi m--" Pinutol ko siya. 

 "Then tell me, what's the reason behind all of this? Why are you attacking us? Why do you intent to kill her?" Tukoy ko kay Savannah na hindi inimikan kaagad ni Yue. Umiwas silang dalawa ni Zue ng tingin. 

 "Kahit na ano ang gawin mo, hindi kami magsasalit--" Sa isang iglap, nanlaki ang mata ni Yue sa pagbaon ng patalim na ibinato ko sa balikat niya. Nanggaling iyon sa ilalim ng skirt ko na ngayon ko lang din naisipang dalhin. 

Hindi kaagad nakapag react si Yue dahil sa sobrang bilis, samantalang nakanganga lang din si Zue. 

 

 Napatingin sa akin si Savannah. "Vermione!" Suway niya sa akin pero ngumiti lang ako at inilahad ang kamay kina Yue. 

 

 "Don't worry, that's not the anti-vampire weapon kaya gagaling din siya kaagad kapag tinanggal niya 'yan." Ngiti kong sabi. 

 Tinanggal nga ni Yue 'yung patalim sa balikat niya habang nag-aalala naman siyang tiningnn ni Zue. "Y-Yue, okay ka lang?" Tanong ni Zue na may pag-aalala sa kanyang tono. 

 Inangat ni Yue ang tingin niya sa akin at mas binigyan ako ng nakamamatay na tingin. "I will kill you, woman!" Nanggagalaiti nitong pananakot. 

 Taas-noo ko siyang tiningnan. "Your feeling is too pointless at this moment, Yue. Wala kang magagawa kahit na maglabas ka ng galit mo sa 'kin." 

 Ipinatong ni Savannah ang kamay niya sa kanan kong balikat. "That's enough." 

 Titig na titig pa rin ako sa nagagalit na mata ni Yue. "Sino ang panginoon n'yo?" Tanong ko bilang pagpapakalma sa sarili ko dahilan para mag-iba ng itsura niya. 

 Hindi ako pwedeng magkamali. 

 Noong na sa kamay ako ng mga bampira. Natatandaan ko na may dalawang nakabantay sa akin sa labas ng cell ko ang bumanggit sa Lord na iyon, subalit hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na malaman ang buong detalya dahil bigla silang pinatawag. Ang masisiguro ko lang, hindi nila pwedeng sawayin ang LORD na ito. "How pitiful." 

"F*ck off! Hindi kami kaawa-awa! This is our will! Stop looking at us that we're just like some dead machines!" He said, glaring at me. His overflowing with endless melancholy. "Hindi kami nagpapa-kontrol sa kung sinu-sin--" 

 "Stop it, Yue!" Malakas na sigaw ni Zue kaya sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. "The reason why we were here is to get Savannah August Curry." Panimula niya kaya hinawakan ng kanang kamay ni Yue ang pulso ni Yue sa kaliwa. 

 "Zue! You don't need to tell them!" Hindi pinakinggan ni Zue ang sinabi ni Yue.

 "We don't know the real face of the Lord nor his name. But Bryan Olson," Pagkarinig ko pa lang sa pangalan na iyon ay nandilim na ang paningin ko. "was the one who us the order to come here." 

 "Zue!" Tawag pa ni Yue. 

 "Is there any reason kung bakit si Savannah?" Tanong ni Zedrick na bakas sa mukha ang pagkalito. Kahit naman ako, naguguluhan. Ano ba'ng mayro'n kay Savannah at gustong-gusto siyang kunin? Kahit nung huling nagpakita sila Bryan Olson, si Savannah din ang una nilang inatake. 

 Bigla kong naalala 'yung paraan ng pananaksak ni Bryan sa tagiliran ni Savannah dahilan para pasimple akong mapahawak sa noo ko. Sh*t.

 "We honestly don't know the full reason but the Lord told us that she's a dangerous human being that will destroy all living things." Paliwanag niya habang sinusubukan siyang patigilin ni Yue. "If we don't take her to the Lord, we'll die. We're just following to live, and for the peace that we deserve." Nanliit ang mata ko.