Blood XXXIII: Trouble for One Another
Savannah's Point of View
There are things that we don't want to tell and just kept it hidden.
Whether it is not necessary or not.
I had a very strange dream last 3 nights ago. Na sa kwarto raw ako ni Zedrick natutulog, at nung tingnan ko ang sarili ko sa salamin. Mukha na niya ang nakikita ko.
Sa kakaisip ko kasi sa mga nangyari nung nakaraan matapos niyang I-declare ang not-so-romantic confession niya sa gitna ng kaulanan. Hindi na siya matanggal sa utak ko. Kaya 'di na ako nagtaka kung ba't pati sa panaginip ko, siya pa rin ang nakikita ko.
Kaso pakiramdam ko, nananaginip nanaman ako ngayon. How come at na sa katawan naman ako ni Vermione ngayon?
Ibinaba ko ang tingin ko't hinawakan ang watermelon boobies niya. Napasimangot ako sa kaisipang na sa teen years pa lang siya pero adult size na 'yung dibdib niya. Hindi lang iyon, pati ang suot niya-- naka sexy black sleeping dress kasi at medyo transparent pa sa bandang dulo nung bestida. Samantalang ako, naka pajama pa. Madali rin ksi akong lamukin.
Sandali pa akong nakatitig nang humiga na nga lang ulit ako pabalik sa kama para matulog ulit, baka kasi magising na ako.
Tunog ng oras-an sa wall clock ang umaalingawngaw sa kwarto. Walang ibang ingay na maririnig at napakatahimik lamang nung lugar, kumportable rin ako ngayon sa dilim na paunti-unting lumiliwanag dahil sa papaangat na araw. Ngunit kung may iba man akong mapapansin, may kakaiba sa dibdib ko ang hindi ko maintindihan.
Napakabigat, ramdam ko ang lungkot na 'di ko alam kung saan nanggagaling.
Ang init…
Umupo ako mula sa pagkakahiga sa kama at napahawak sa noo. Pumikit ako at nagbabakasakaling makabalik sa realidad.
Nagbilang ng isa hanggang sa sampu hanggang sa imulat ko na nga ang mata ko.
Takang taka na wala pa rin ako sa kwarto ko.
May kumatok sa pinto. "Vermione, hindi ka pa ba gigising diyan? Kakain na!"
Napataas-kilay ako. "Huh?" Reaksiyon ko kasabay ang pag-angat ng araw.
Lumingon-lingon ako para hanapin si Vermione. Wala naman siya rito, eh.
"O-Oy, sino ka?" Rinig kong wika nung kung sinong lalaki mula sa labas. Bumukas bigla ang pinto kung saan nakikita ko 'yong sarili ko't may matamis na ngiti sa kanyang labi. HUH?!
Nakasuot siya ng school uniform tutal ngayon ang balik namin sa K.C.A
Tumitig ako sa sarili ko nang dahan-dahan akong mapasapo sa mukha. "Tell me, nananaginip lang naman ako, 'di ba?" Tanong ko ng nakapikit.
Naramdaman ko ang kanyang pag-iling. "Believe it or not but you're not dreaming." Sagot nung taong na sa katawan ko. "Anyway," She paused kaya iminulat ko ang mata ko upang tingnan siya. Tinuro niya ang kanyang sarili habang nanatili lamang na nakatingin sa amin ang isang lalaki na may katandaan na't nandoon sa pintuan.
Napahawak ako sa dibdib ko noong makaramdam ako ng pagbigat sa aking dibdib, sumama lalo 'yung loob ko.
"I'm Vermione."
Sandaling namuo ang katahimikan. Nakabuka lang ang bibig ko nang tumingala ako't nagbuga ng hininga. "I seriously don't know what to think anymore."
"Ano ba 'yung pinagsasasabi ninyo? Siya nga pala, kaibigan ka ni Vermione?" Turo nung lalaki sa katawan ko-- kay Vermione. Tumango naman siya bilang pagsagot. "Dito ka na kumain, maghahanda lang ako ng isa pang plato." Umalis na ang matanda pagkatapos niyon.
Ibinaling naman ni Vermione ang tingin niya sa akin at ngumiti. "Savannah, ayokong magkasakit kaya gusto mo bang maligo muna? Ako na mag-iinit ng tubig."
Nagbuga ako ng hininga. "Ba't kasi ganito ka manamit?" Tanong ko naman saka umalis sa kama. "Ako na lang ang mag-iinit ng tubig ko."
"Hindi mo ba tatanungin kung ba't tayo napunta sa ganitong sitwasyon?" Tanong ni Vermione sa akin.
Muli akong napabuntong-hininga. "Wala namang ibang pwedeng gumawa nito kundi 'yung mga normal vampires lang. Pero pag-usapan natin 'to kapag na sa U.B. tayo."
"Ang kalmado mo pa rin kahit wala ka sa katawan mo, ano?" Mangha niyang wika na hindi ko inimikan. Maglalakad na sana ako nang makaligo na ako pero hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako. Nilingon ko siya dahil doon. "Bakit?" Taka kong sabi.
Wala na 'yung ngiti sa labi niya at napalitan iyon ng pag-aalala. Hindi rin siya mapakali pero nagawa rin akong tingnan nang maayos. "Bago ka maligo, I have something to tell you."
"Hmm? Okay lang naman--" Hinawakan niya ang laylayan nung itim na bestida na suot ng kanyang katawan at mabilis na inangat iyon. Mamumula sana ako dahil nakikita ko 'yung panty niyang sexy pero tumuon ang atensiyon ko sa peklat na nasa itaas ng kanyang pusod. I'm sure I have seen this befo--
Lumitaw sa utak ko ang isang litrato.
Isang batang babae, nakaupo siya sa pinakasulok ng lugar ng dilim, tanging buwan lamang ang silbing liwanag niya. She's not crying but she's hugging her knees to her chest, not wearing any emotions on her face.
Pero nandoon 'yong feeling na parang nawawalan siya ng pag-asa.
How am I so familiar with this feeling kung hindi ko pa 'to nararanasan? Empathy--? No. This must be the deep sufferings that Vermione is trying to buried 'till now.
And one possible reason why I am seeing this ay dahil sa na sa katawan ako ni Vermione. Not just her body, but soul.
Binuksan ng kung sino ang pinto dahilan para mas umurong sa takot ang batang babae-- si Vermione.
Nagsisimula na rin itong manginig habang sinusundan ng tingin ang lalaking may sako sa ulo para takpan ang kanyang mukha.
Sa likuran naman ng lalaking may sako sa ulo ay ang ama ni Zedrick na si Bryan Olson.
Isa raw siya sa mga dahilan ng pagkasunog ng lugar na iyon bago ipatayo ang K.C.A. Bryan Olson is one of the biggest criminal in Vampire Community. May mga nabanggit pa si Dad na mayro'n pang iba ang lumalaganap ng krimen sa pagpatay ng mga ordinaryo noon pero hindi na natukoy kung sinu-sino sila.
"Hi, little girl." Bati ng lalaking may sako sa ulo. May hawak-hawak siyang bakal kung saan kumikislap kislap pa ang dulo nito na mukhang ibinabad pa muna sa napakainit na apoy.
Suminghap ang batang si Vermione at mas nanginig kumpara kanina. Hindi niya magawang makapagsalita pero bakas sa mukha niya ang sobrang takot. Tinakpan din niya 'yung leeg niya na mukhang kinagat ng isa sa mga bampira.
Ngumisi si Bryan Olson. "Do it." Utos nito sa lalaki kaya lumapit ito kay Vermione at hinawakan ang pulso upang hindi makawala. Umalingawngaw ang pagsigaw ni Vermione sa buong lugar at pilit na kumakalas sa mga hawak sa kanya.
Pumasok pa ang isang lalaki na isa rin sa nakasuot ng sako sa ulo para siya ang humawak sa magkabilaang pulso ni Vermione. Bumagsak na ang luha sa mata ni Vermione na animo'y walang katapusan sa pag-iyak, nadagdagan lang iyon nang idikit sa kanya ang napakainit at nakakapasong bakal na may simbolo sa dulo.
I don't want to see this…
"Hngg! Ahhhh! Alisin n'yo 'yan! Alisin n'yo!" Paulit-ulit na sigaw ni Vermione habang nag-iiiyak na nagmamakaawang alisin ang bakal sa tiyan-an niya.
Hindi ko kayang alisin ang tingin, 'di ko magawang pumikit.
Wala akong ideya kung ba't patuloy ko 'tong nakikita. Gusto ko ng umalis dito, ayoko na 'tong makita!
Patuloy sa pagsigaw ni Vermione hanggang sa dumugo na ang kanyang ilong. "AHHHHHHHH!!"
"Savannah!" Tawag ni Vermione sa pangalan ko at napagtantong nakatakip na ang mga tainga ko ng aking mga kamay. Nanlalaki ang mata habang nakatulala sa kung saan. "Nakikinig ka ba? Kanina pa ako nagsasalita rito, okay ka lang? Namumutla ka na rin. Masama ba 'yung pakiramdam ng katawan ko?" Nag-aalala niyang tanong na hindi ko kaagad nagawang sagutin.
Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay ko na nakatakip sa aking tainga. Naririnig ko pa rin 'yung ingay sa utak ko, sa sobrang ingay. Hindi ko alam kung ano pa 'yung dapat kong gawin o sabihin.
Parte ba 'yun ng alaala ni Vermione? O isang ilusyon? Gusto kong isiping, oo. Pero itong peklat sa tiyan niya ang patunay na walang kasinungalingan ang mga nakita ko kanina.
Unti-unti kong inangat ang tingin para makita siya. Hindi pa rin nawawala 'yung pag-aalala sa kanyang mukha habang napayukom lamang ang aking kamao.
Vermione's Point of View
Matapos kong ikwento kay Savannah 'yung tungkol sa peklat na nasa tiyan ko. Nanahimik siya bigla, sasagot lang siya kapag kinakausap o tinatanong siya.
Tahimik naman si Savannah pero,
"Wala ka naman bang ibang nararamdaman na kahit na ano sa katawan ko?" Biglang pagtatanong ni Savannah kasabay ang pagpasok naming dalawa sa campus. Gumamit kami ng grab papunta rito, nung una nga ayaw ni Savannah dahil magastos kaya ako na nag initiate na magbayad kahit medyo tumatanggi pa siya.
Umalis kaagad kami sa bahay matapos kumain. I just don't want her to hear anything unpleasant from my grandfather kung sakaling mawala ako sandali sa paningin nila. For sure, manunumbat lang siya.
"Bakit? Meron ka bang sakit?" Tanong ko naman na inilingan niya.
"No, chine-check ko lang dahil wala tayo sa mga katawan natin." Sagot naman niya nang hindi ako nililingunan at nakabaling lang ang tingin. Sabagay, pero wala naman ako masyadong napapansin sa katawan ni Savannah maliban na lang sa napakakumportableng kumilos. Ang gaan sa pakiramdam.
"Hi, Ate Savannah!" Bati nung babaeng estudyante at dahil na sa katawan ako ni Savannah ay kumaway ako na may ngiti sa aking labi. Mukha namang nagulat ang bumating estudyante dahil napanganga ito 'tapos napatingin na lamang sila ng kaibigan niya sa isa't-isa. "Nakita mo 'yun? Nginitian niya ako!" Tuwang-tuwang wika nito saka patalon talon na umalis kasama 'yung kaibigan niya.
Sinundan ko naman ng tingin 'yung dalawang iyon na kumakaway-kaway pa sa akin bago ko ibinaling ang aking tingin at tumingala. "Ahm…" Taka kong reaksiyon.
"For now, habang hindi pa tayo bumabalik sa mga katawan natin. Umarte na lang muna tayo ng normal." Saad ni Savannah na may seryoso sa kanyang mukha.
Humalukipkip muna ako at napakamot sa aking ulo.
Oo nga pala, hindi pala madalas makitaan si Savannah na ngumiti.
Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa magkabilaang balikat ni Savannah at pinaharap siya sa akin. Naguguluhan siya na nakatingin sa akin nang I-stretch ko ang pisngi ng mukha ko na gamit ni Savannah ngayon upang turuan siyang ngumiti. "Ngumiti ka, hindi naman sumisimangot si Vermione, eh." Tukoy ko sa sarili ko saka siya binitiwan.
Humawak naman si Savannah sa pisngi niya. "Is it even necessary?"
Nagpameywang naman ako. "Of course."
Medyo nag-alanganin naman ang itsura niya. "Kailangan ko pa rin bang ngumiti kahit walang katuwa-tuwa?" Tanong pa niya. She's a bit awkward but, I guess that's what makes her so adorable.
Nginitian ko siya. "Nevermind, okay lang naman kung hindi ka ngumiti."
"Vermione! Sav!" Rinig kong tawag nung munggo. Pareho kaming napatingin ni Savannah kay Zedrick na ngayon ay tumatakbo palapit sa amin. Noong makarating ay binigyan ko kaagad siya nang matamis na ngiti na mahahalata mo pa ring may masama pa ring aura sa aking paligid.
"Parang close kayo ni Savannah kung tawagin mo siya sa nickname niya, ah?" Wika ko kaya kumunot-noo si Zedrick. Mukhang naguguluhan sa sinabi ko.
"We have something to discuss. Come with us." Seryosong sambit na Savannah bago maunang maglakad, sinundan naman siya ng tingin ni Zedrick bago ibinalik sa akin ang tingin.
"Bakit ang seryoso naman yata ni Vermione?" Turo niya kay Savannah kaya napangiwi ako ng wala sa oras.
***
NAGPAALAM MUNA ako sandali kay Ma'am Eirhart na nasa faculty bago ako pumunta sa U.B.
Excuse naman kami pero kailangan naming bumalik sa afternoon cleaning.
Tumapat ako sa face scanner ng U.B.
Mayroon na kaming high-tec security para maiwasan na magkaroon ng trespassers sa Underground Basement.
Bumukas ang pinto kung saan nakikita ko na sa sila Savannah at Zedrick sa white room. Nakaupo sila habang umiinum naman ng kape si Savannah at naka-cross legs. Hindi ko na-imagine 'yung sarili ko na magiging cool akong tingnan.
Umupo ako sa vacant seat kaya pa-triangle ang naging posisyon naming tatlo. Pareho lang kaming tahimik ni Savannah habang palipat-lipat ang tingin ni Zedrick sa amin. "Ano 'yung pag-uusapan natin? Medyo seryoso yata 'yan, ah?"
Nilingon ko si Savannah. "Hindi mo pa pala sinasabi."
Ibinaba ni Savannah ang kanyang iniinum. "Mas maganda kasi kung nandito ka rin para maipaliwanag nang mabuti 'yung sitwasyon." Sagot niya.
Tumaas ang kaliwang kilay ni Zedrick. "May nangyari ba na hindi ko alam?" Taka niyang wika.
Ibinaling ko na ang tingin kay Zedrick na may ngiti sa aking labi. "Listen carefully, vampire." Panimula ko. "Hindi ako 'yung kilala mong si Savannah, I'm Vermione." Pag-uumpisa ko na medyo nagpatulala sa kanya nang kaunti.
Kumamot siya sa likurang ulo. "I don't quite get it, a-anong ikaw si Vermione? Sav, kulang ka ba sa tulog?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Akala niya nga kasi ako si Savannah.
Ngumiwi ako saglit. "Pa'no ko ba 'to sisimulan?" Tanong ko at nginitian si Savannah na nakahawak sa sintido. "Kaya ba hinintay mo pa 'ko rito? Ang slow nitong bampirang 'to, eh." Tukoy ko kay Zedrick kaya napatingin siya sa akin, hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Para kang si Vermione!" Bulyaw ni Zedrick sa akin.
Lumingon naman ako sa kanya. "Because I am VERMIONE."
Humigop na muna ng kape si Savannah bago ako sagutin. Chill na chill lang sa pwesto niya. "I didn't wait for you because of that reason. Sadyang ayaw lang talagang makipag cooperate ng katawan mong makipag-usap kay Zedrick kaya hinintay kita rito." Ah, that's what you mean by earlier?
Kasi sabi niya nga kanina para maipaliwanag nang mabuti, eh.
"You mean, nararamdaman mo kung ano ang nararamdaman ng katawan ko?" Tanong ko sa kanya kaya tumango siya.
"Yes, exactly." Sagot niya gamit lamang ang gilid ng kanyang mata.
Nagtakip naman ako ng bibig. "Don't you think that's kind'a dangerous?" Medyo natataranta kong tanong.
"Maybe." Kalmado pa rin niyang sagot at uminum nanaman ng kape.
"Ah? Ano nga 'yung sinasabi n'yo? Medyo hindi ko na kasi naiintindihan." sabat ni Zedrick kaya wala akong nagawa kundi ang mapabuntong-hiniga.
"Let me explain this in a simple way, Vampire." Humalukipkip at inalis na 'yung ngiti sa aking labi. "Nagkapalit kami ng katawan ni Savannah. Kumbaga na sa katawan ko si Savannah at na sa katawan naman niya ako."
Kumurap-kurap si Zedrick at tinuro kaming dalawa. "Kayong dalawa?" Tanong niya na tinanguan namin. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tiningnan nanaman kaming dalawa isa-isa. "And that is because of someone's ability?" Muli namin siyang tinanguan kaya pahalimos niyang ibinaba ang mga kamay niya.
"Seriously?" Hindi niya makapaniwalang tanong. "Then possible mangyari 'yan sa 'kin?" Dagdag pa nito.
Sumandal si Savannah sa lean seat. "Yes, there's a huge possibility that it will also happen to you so as much as possible, we have to look for them bago mangyari 'yang sinasabi m--" Napatigil sa pagsasalita si Savannah at biglang napaungol sa sakit kasabay ang paghawak nito sa dibdib, napatayo na ako dahil doon.
"Sav--" Humawak din ako sa dibdib ko noong muli ko nanamang naramdaman ang sobrang init nito. Ganitong ganito ang naramdaman ko kaninang umaga. Ang bigat sa pakiramdam, napakainit!
Lumuhod ako sa sahig habang napahawak naman si Savannah sa edge ng lamesa na nasa gitna namin. Tumayo na si Zedrick, "Oy--"
***
PAGKAMULAT KO, mabilis pa kay the flash kung I-check ko ang sarili ko. Laking tuwa na nakabalik na pala ako sa sarili kong katawan kaya kaagad na hinanap ng mata ko si Savannah na paunti-unti na ring umuupo mula sa pagkakabagsak sa sahig. "Sav! Bumalik na ako--" Napatigil ako sa dapat kong sasabihin nang makita kong nakahiga rin ang katawan ni Zedrick sa sahig.
Hawak-hawak ang ulo ni Savannah na luminga-linga. "A-Ano'ng nangyari?" Walang ideya nitong tanong kung sa'n nagkaro'n na ako ng kutob.
Dahan-dahang umupo ang katawan ni Zedrick mula sa pagkakahiga at napatingin sa gawi ni Savannah. Sandaling nanlaki ang mata niya samantalang napaatras naman ang katawan ni Savannah nang lingunin ang katawan ni Zedrick. "Wha--! Hoy! Sino kang impostor k--" Napatigil siya sa pagsasalita at napahawak sa kanyang lalamunan na parang nagulat sa naging boses niya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinagpagan ang pwet-an ko. "Na sa katawan ka ni Savannah ngayon, Zedrick." Saad ko dahilan para marahan na inilipat ni Zedrick ang tingin niya sa akin. Hindi makapaniwala sa nangyayari.
Someone's Point of View
Lumapad ang ngisi ko habang hindi mapigilan ang paghagikhik. Na sa tuktok ako ng pinakamataas na gusali ng K.C.A. habang nakatingin sa malayo't pinapakiramdaman ang malakas na simoy ng hangin. "If you want to go back,
then I'm keeping your soul that happy ending is no longer yours.
Don't you ever forget. I'm in control. Now, let's begin our game."