Chapter 64: School Festival Started!
Haley's Point of View
Kinusot ko ang mata ko nang makarinig ako ng ingay ng torotot, senyales ito na kailangan na naming gumising. Tiningnan ko ang wall clock na nandoon lang din sa harapan ko. Takte! Anong oras pa lsang, ah!?
"Haley! Haley! Gising! Kailangan na nating maligo!" Kei said as she wakes me up. Hawak-hawak niya ang paa ko at hinihila sa bawat kama ng mga classmate at school mate ko.
"Haley!" bahala s'ya riyan, basta inaantok pa ako. Binaba na niya ang paa ko at napabuntong-hininga, "Haley naman!" bumungisngis ako pero hindi naman niya napapansin dahil nakasubsob ang mukha ko sa mga braso ko. Nakadapa lang naman kasi ako.
Sayang, ang sarap pa naman sa pakiramdam no'n. "Hubaran natin Mirriam para magising!" rinig kong sabi ni Rose pagkahinto sa akin ni Kei sa pagkakahila Ayan nanaman 'yong kalokohan niya.
Bumungisngis si Mirriam, "Ayan ang gusto ko sa'yo prez, eh!" natutuwa at parang pumapayag pa sa sinasabi ng president namin. Narinig ko pang nag-apir ang dalawa, animo'y may mga masamang balak.
Nagbuga ako ng hininga at hinayaan na lang sila. Hindi naman kasi nila magaga--
Napamulat ako nang maramdaman ko ang pagbaba ng jogging pants ko. Asar akong tumingin kina Rose at Mirriam nang makaupo ako, pilit ko ring tinatakpan ang dapat na takpan. "Rose! Mirriam! Ibigay n'yo nga ang jogging pants ko!"
Ngumisi silang dalawa habang hawak ni Rose ang jogging pants kong pinapaikot ikot niya iyon sa ere. Mukha kang tanga diyan, bruha! "Ayaw nga namin" pang-aasar ni Mirriam. Akala ko ba kaibigan kita?!
"Wow..."
"Ang puti ng legs ni Haley"
"Ang cute ng underwear niya. Hello Kitty"
Inis kong tiningnan lahat ng mga estudyante sa classroom na ito. "Shut the hell up, people" inis na inis kong suway pagkatapos ay tiningnan naman ng masama si Kei, tawa kasi s'ya nang tawa sa gilid. Hindi man lang ako tulungan dito.
"Sus, kung pakitaan lang pala ng legs, eh 'di tingnan niyo na lang 'yong sa akin" sabay baba ng jogging pants ni Tiffany na nagpanganga sa aming lahat. May saltik talaga 'to sa ulo!
May nagbukas ng pinto kung saan bumungad si Reed do'n, "Pinapasabi ni miss Kim na--" bago pa niya makita ang underwear ko ay 'agad kong hinagis sa mukha niya ang libro na binabasa ko kagabi. Malakas na tumama iyon sa mukha niya kasabay ang pagsara ng pinto na itinulak ng mga kaklase ko.
"Geez, you're no fun" nakasimangot na sabi ni Tiffany saka muling itinaas ang jogging pants. Ipinagmamalaki niya 'yong mapuputi't mahahaba niyang legs.
Napasapo na lang ako sa mukha. "Paano ba 'ko napunta sa class section na 'to?"
***
NAG-AAYOS NA ANG buong estudyante sa E.U, 'yong mga Drum & Lyre, nagpa-practice sa mga tutugtugin nila para sa parada mamaya, 'yong mga tao naman sa horror booth, photo booth, marriage booth, maid cafe booth at etc. Ay mabilis nang kumikilos.
Kami namang naka-assign sa play ng Romeo and Juliet ay nagsususuot na ng mga costumes. 'Yong iba naman ay nag-aayos pa sa stage.
Wala naman akong kinuhang cast sa storyang 'yon kaya nakaupo lang ako rito sa tabi at nanonood sa mga estudyanteng may ginagawa. Dito sa mismong classroom namin.
Chill nga lang din ako. Nakasalong-baba lang din.
"Wow, bagay talaga sa 'yo iyong role ng Romeo, Reed! Pogi! Ang galing mo, Keiley!" puri ni Rose saka binigyan ng thumbs up si Kei. Siya kasi ang may idea sa costume nila.
Mukha namang na flatter ang ate natin dahil namula pa ito. Tiningnan ko naman sila Jasper na ngayon ay nakasuot ng Lion Costume, pinipisil pisil pa ni Mirriam ang pisnge nito dahil ang cute raw niyang tingnan. Sige, mag landian kayo d'yan, hindi na ako magtataka kung may daga na kayong katabi sa pagtulog niyo.
Nilingon ko si Harvey na ngayon ay inaayos ang suot niya, s'ya ang gaganap na Benvolio na pinsan ni Romeo sa play. Ginala-gala ko ang mata ko sa paligid, mukhang magiging masaya kahit papaano ang school year ko.
"Okay ka lang d'yan?" tanong ni Reed nang makalapit sa akin.
Ngumiti at tumango ako. "Yep, sadyang…" sabay tingin kay Tiffany na sobra kung magpaganda sa hawak-hawak na salamin ni Trixie. Siya kasi ang gaganap na Juliet kaya tuwang tuwa nanaman siya ngayon.
Tiningnan din ni Reed and tinitingnan ko saka natawa, "Kung ba't mo naman kasi tinanggihan 'yung role ni Juliet, eh." natahimik ako sandali. Naalala ko kasi 'yung araw na nagde-decide pa lang kami kung sino ang mga gaganap na cast sa Romeo and Juliet.
"I don't want to take the role of Romeo if Haley is not my Juliet!" naalala kong sabi ni Reed nang tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. I decline the offer not because I don't want it, ito 'yung mga araw na nag-away kami't hindi nag-uusap kaya tinanggihan ko 'yong character role. Totoo, hindi ko maipagkakaila na natutuwa ako dahil sa sinabi ni Reed pero kung tatanggapin ko, edi mananatili lang siyang manhid sa mga sinasabi niya sa akin.
…Though at the end, wala pa rin siyang ideya kung ba't ako nagalit. Though hindi ko rin naman alam. Siguro dahil sa ayoko lang isipin niya na may nagugustuhan akong iba? Kaso bakit ko naman iisipin iyon?
Wala naman siyang something sa 'kin.
"Nahh, nakakatamad mag-memorize, at isa pa... Wala akong experience sa pag acting" sagot ko. Kapag kinukuha ako ng mga teacher kong mag lead, tinatanggihan ko palagi dahil ayoko ng drama at masyadong exposure. Kaya madalas lang akong supporting para hindi masyadong nabibigyang pansin. "Siya nga pala, bagay sa'yo 'yang gawa ni Kei" kumento ko sa suot niya. Nakita ko ang pagliwanag na namuo sa kanyang mukha. Mukhang natuwa siya sa sinabi ko.
"Totoo ba 'yan?! Pinuri mo ako?" hindi niya makapaniwalang sabi. Minsan lang kasi akong mag praise ng tao, kaya sagarin niya na.
Inirapan ko siya, "H'wag ka masyadong matuwa, ngayon ka lang naman naging tao, eh" at tumawa ako para maasar s'ya, kumukunot na nga ang noo, eh.
"Reed! Mag practice na tayo ng line!" ngiting pagtawag ni Tiffany at mabilis pa sa linta kung kumapit sa braso niya, idinikit pa 'yong boobs niya ro'n! Kalandian mo talaga! Augh!
"T-Tiffany" naiilang na tawag ni Reed na sinimangutan ko. Why the hell are you blushing? Gusto mo rin yata, eh!
"Tara, hindi mo dapat sinasayang 'yung oras mo." kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Pa-salamat siya dahil maayos na ang buhok niya, dahil kung hindi? Kanina ko pa 'yan nakalbo.
Wala akong pakialam kung magkakaroon ng war sa pagitan namin ni Shane o ni Tiffany basta mawala lang lahat ng buhok ng babaeng lumalandi kay Reed-- Wait, ano raw? Tama bang isipin ko 'yon?
Humawak ako sa dalawang pisnge ko nang maramdaman ko ang pag-init nito.
Nagpaalam naman si Reed bago naglakad paalis kasama 'yong Tiffany na iyon. Ibinaba ko na nga lang ang kamay ko para sundan sila ng tingin.
Kung ikinatuwa ni Tiffany ang pang-aasar niya sa 'kin, pwes. Effective nga.
Nginisihan niya ako at mas lalong dumikit kay Reed. Wala namang ginagawa 'yong lalaking iyon kundi ang pumayag. Letse! Gusto rin kasi niya, eh! Porke... Porke...
Ibinaba ko ang tingin ko para tingnan ang aking dibdib pagkatapos ay kinuyom ang kamao dahil the fact na maliit ang boobs ko, mas sexy pa si Tiffany kaysa sa akin. Ang tangkad pa!
I think mas gusto ng mga lalaki ang mga babaeng may mga puwet at malalaki ang boobs like Cup C or pataas kaysa sa babaeng plain lang like me.
Napakamot ako sa ulo ko't inis na tumingin sa labas. How come at na-conscious ako because of my own body?! Eh, ano ngayon kung mas sexy siya kaysa sa akin?!
Ano ba'ng dapat kong gawin para mas mapalapit ang loob mo sa akin? Reed?
Huminga ako nang malalim saka nag heads down. Right… Lolokohin ko pa ba ang sarili ko? Sa totoo lang ayoko pang aminin pero hindi ko na talaga siguro maitatago na gustong gusto ko si Reed.
Hindi naman pwedeng magsinungaling ang puso, tama? Haley Miles Rouge.
Mirriam's Point of View
Hinanap ko kung saan-saan ang I.D ko pero kahit na ano'ng gawin ko ay hindi ko pa rin talaga makita, binalikan ko pa 'yung mga napuntahan ko at tinanong ang mga janitor kung may nakita o napulot sila pero kung minamalas nga naman ako. Wala talaga. Saan naman kaya 'yon napadpad? Alangan namang nakawin nila 'yon, 'di ba? Aanhin nila I.D ko?
Lumiko ako at nabangga si Jasper, nakatingin lang kasi ako sa sahig kaya hindi ko na siya nakita. "Okay ka lang?" tanong niya habang umatras lang ako ng isang hakbang.
"Oo, sige, ah?" nagpaalam na ako dahil kailangan kong hanapin 'yung I.D.
"Sandali." tumigil ako at nilingon siya, patakbo siyang lumapit sa akin at may inabot. "Nakikilala mo ba 'to?" sabay labas niya mula sa bulsa ng Employee I.D. Laking gulat na ayun ang hinahanap ko.
Halos manigas naman ang katawan ko, kung saan-saan ko hinahanap 'yan pero na sa kanya lang pala?!
Hinablot ko kaagad iyon sa kanya at pilit na natawa, "O-oo! K-kaibigan ko kasi talaga ito. Pinapahanap niya nga 'to, eh." tumatawa pa ako niyan para hindi mahalata. Tinapik ko ang balikat niya, "Salamat, ha?" nagmadali na akong umalis pero muli nanamang napahinto nang tawagin niya ako.
"Ano nanaman ba--" pagkalingon ko pa lang sa kanya ay ang mukha niya kaagad ang bumungad sa akin. Nakangiti siya nang ilapit pa niya lalo ang kanyang mukha.
"Wala ka namang tinatago, ano?" tanong niya, tila parang nanghihinala na sa akin.
Lumayo ako sa kanya't pinaltukan siya, "Ano ba'ng sinasabi mo? Ang weird mo, ha?" hawak niya ang ulo niya nang iangat niya ang tingin niya sa akin at ngumiti.
"You're being violent again, are you lonely or something?" sabihin niyo nga sa akin kung nang-aasar ang lalaking ito para mapaltukan ko ulit.
"Aren't you two just flirting around?" pareho kaming napatingin kay Haley na ngayon ay nakasuot lamang ng bored look. Nakikita ko tuloy sa kanya si Harvey. "It's kind of annoying, you see? Magsisimula na 'yong parade pero nandito pa rin kayo."
This time, sabay kaming napatingin ni Jasper sa isa't isa bago ibinalik ang tingin kay Haley. Ang unusual ng pagka-bad mood niya ngayon?
Nilapitan siya ni Jasper at inakbayan "Alam ko na! Dahil nanaman 'yan kay Reed, 'no?" pang-aasar naman niya kay Haley kaya sinikuhan siya nito sa tagiliran. Inalis lang ni Jasper 'yong kamay niyang nakaakbay kay Haley.
"Baliw ka ba?" napipikon na sabi ni Haley at lumapit sa akin para hilahin ako sa kung saan, binelatan pa niya si Jasper bago kami umalis sa lugar na iyon. Sa paglalakad namin ay ngiti niya akong nilingunan, "Inlove ka na ba?"
"Kanino?" taka kong sabi.
Lumapad ang nakalinyang ngiti sa labi niya, "Jasper." sagot niya na nagpamula sa mukha ko. Umiwas ako ng tingin kaya mas lalo pang lumawak ang guhit sa labi ni Haley. "Don't be afraid to fall in love. Just do what your heart says, but always remember that we should always be prepared in whatever pain that will come in the future." she paused, "Life is too short, gawin mo 'yong mga bagay na magpapasaya sa 'yo without any regrets."
Mas napatulala ako kaysa kanina. Can't be helped, huh? I'm smiling right now, may na-realize din kaya siya kaya niya ito sinabi sa akin? 'Di ko rin ito ine-expect.
"Thank you." salita na nagpamula sa tainga niya. Natawa ako 'tapos napatingin sa labas ng bintana kung saan naghahanda na sila para sa paradang magaganap.
Marami pa talaga akong kailangang malaman sa mga kaibigan ko. Lalo na kay Haley. She's still give me this kind'a mysterious aura that makes me think that she's interesting. Looking forward to it!