Hindi makapaniwala si Hope Anastasia sa sinapit ng kanyang mga magulang. Parang kahapon lamang ay nilalambing pa niya ang kanyang ama na ibili siya ng bagong sasakyan.
"Halika na, Iha. Nag-uwian na ang mga nakilibing at tayo na lamang ang naririto."wika ng kanilang mayordomang si Nanay Esmeralda.
"Iwan niyo na lamang po ako rito, Nanay. I still want to be at my parents side. " tatlong araw lamang ibinurol ang kanyang mga magulang, bagamat nasa probinsya sila ay hindi naman niya kinakailangan patagalin pa ang burol ng mga ito. Ang mga kamag-anak naman nila ay hindi manlang dumalaw para silipin ang kanyang mga magulang sa huling pagkakataon.
"Hindi kita maaaring iwan na lamang mag-isa rito, Anastasia. Hindi lingid sa kaalaman mong hindi simpleng aksidente ang nangyari sa iyong mga magulang."
Napahikbi siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang maaaring kahahantongan dahil kasabay nang pagkawala ng kanyang mga magulang ay ang pag-iwan ng mga ito ng isang napakalaking suliranin sa kanya.
"Napakabuti ng aking mga magulang, Nanay. Pero bakit ito ang kanilang sinapit?!" Nanlambot ang kanyang mga tuhod na kung wala si Nanay Esmeralda ay kanya nang ikinatumba.
"Hindi ko rin alam, Iha. Maaring may nagawa ang ama mo na hindi nagustuhan ng isa sa mga tauhan niya kaya nagawa nitong tanggalan ng preno ang sasakyan ni Don Ismael." Natigilan siya sa narinig. Paanong nagkaroon ng konklusyon na ganito ang kanilang mayordoma? Pinahid niya ang huling luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Pinatatag niya ang kanyang pagtayo at binalingan ang huli.
"Kung magpapadala ako sa lumbay, hindi ko makukuha ang hustisya na nararapat para sa aking mga magulang," Matiim niyang tinitigan ang mayordoma at hinawakan ito sa braso. "Sige po, 'nay, umuwi na tayo at magpahinga. Kailangan ko ng lakas upang makamit ang hustisyang hinahangad ko."
Tahimik na kabahayan ang sumalubong sa kanila pagka-uwi. Tanging ang mayordoma at siya na lamang ang natitira sa mansiyon na ito. Marahil ay nagsi-uwian na sa kanila-kanilang pamilya ang iba pa nilang kawaksi pagkatapos ng libing ng kanyang mga magulang.
Sumalampak siya sa sofang nasa kanilang sala at malalim na bumuntong-hininga. Inilibot niya ang paningin. "Hanggang kailan ko kayo makakapiling? Patawarin niyo ako at ako ang naging mitsa ng unti-unti niyong pagkawala." Maiilit na kasi ang mansiyon na ito kasama ang mahigit isang-daang ektarya na lupain na ipinamana pa ng kanyang abuelo sa kanyang ama. Wala ng matitira sa kanya kundi ang mga personal niyang mga kagamitan.
"Naririto si Atty.Roque, Anastasia." pagbigay-alam sa kanya ni Nanay Esmeralda.
"Let him in, 'Nay." aniya na hindi nag-abalang lingunin pa ang tinutukoy nito.
"Good afternoon, Ms. Aranque. Ipagpaumanhin mo kung wala ang aking presensiyapresensiy sa libing ng iyong mga magulang." Anito pagkaupo.
"It may be sounds rude, but your presence can't give my parents' life back," napatuwid ito ng upo sa kanyang tinuran."I already know that my parents left me nothing but a huge amount of debts. What else do I need to know?"
Parang may bumara sa lalamunan nito bago sumagot. "May gusto lamang akong ibigay sa iyo," inabot nito sa kanya ang isang putting sobre. "Way back here, I bumped into someone—your father's best friend. At naipagbigay-alam ko sa kanya ang iyong sitwasyon."
Kilala niya ang sinasabi nitong matalik na kaibigan ng kanyang ama. In-fact, ninong niya ito. Binuksan niya ang sobre at binasa ang sulat na nakapaloob doon.
"Salamat rito, pero makaka-alis ka na Atty."
Tumayo na ito at nagpaalam sa kanya. "Sige, tawagan mo na lamang ako kung kailangan mo ng tulong."
She nodded."Pasensiya na po sa aking inasal. Salamat ulit."
Muli niyang pinasadahan ang sulat na natanggap. Kailangan niyang magmadali sa pag-desisyon at ilang araw na lamang ang kanyang ilalagi sa lugar na ito. Tumayo siya at tinungo ang kanyang kwarto sa pangalawang palapag ng mansiyon.
Pabagsak siyang nahiga sa kama at ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi lamang buong katawan niya ang pagod, ramdam niyang mas pagod siya emotionally.
"Dad, Mom… What should I do? Why did you leave your princess just like that?" Napabaluktot siya at humagulgol. Sobrang bigat ng kanyang pakiramdam ngayong nag-iisa na lamang siya sa kanyang kwarto. Kahit anong pilit niyang pigilin ang sarili na huwag maging mahina, hindi niya kaya. Paano na lamang siya ngayon? Kung sana naging masunurin siyang anak sa mga magulang. Kung sana pinagbigyan niya ang ama nang hiniling nito na tumulong siya sa kanilang Hacienda. Kung sana ay hindi niya ipinilit ang sariling kagustohan na maging isang propesiyonal na tambay. Oo, sa loob ng limang taon na pananatili niya rito sa Pilipinas, wala siyang ginawa kundi ang gumastos ng gumastos. Ngayon, sobrang pinagsisihan niya ang pagiging iresponsableng anak. Naging maluho siya na hindi man lamang inalam ang kanilang financial-status.
Nakatulogan na niya ang pag-iyak, ni hindi niya nagawang maglinis ng sarili at magtanggal ng sapatos. Bandang alas-onse ng gabi nang magising siya dahil sa ingay na nagmumula sa unang palapag ng mansiyon.
"Hindi ka man lamang ba naaawa kay Anastasia?! Halos ikaw na ang nagpalaki sa kanya bago siya umalis para mag-aral sa Los Angeles!" Bumangon siya at dahan-dahang lumabas ng kanyang kwarto. Ikinubli niya ang sarili sa isang personal ref na naroroon sa sala. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang asawa ng kanilang mayordoma. Ano ang ginagawa nito sa mansiyon sa dis-oras ng gabi?
"Manganganib lalo ang buhay niya kapag manatili siya rito, Arturo! Kailangan niyang lumayo para sa kaligtasan niya!" hiyaw ng mayordoma nila dito.
"Bakit hindi mo isuplong sa mga pulis ang iyong nasaksihan? Alam mong walang alam ang batang iyan sa buhay. Kailangan ka niya, Esmeralda." ani rito ng asawa.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Arturo. Mabuti nang manahimik na lang tayo pareho."
Sa takbo ng usapan ng mga ito ay nababatid ni Hope Anastasia na may alam ang mga ito sa aksidenteng nangyari sa mga magulang. Sa sitwasyon niya ngayon, hindi pa siya puwedeng gumalaw. Kailangan niyang tumayo at maging matatag. Aalamin niya ang lahat-lahat mula kay Esmeralda, ngunit hindi pa sa ngayon. Babalikan niya ang mga ito lalo na ang naging sanhi ng pagkawala ng kanyang mga magulang. Walang ingay na bumalik siya sa kanyang kwarto at pinindot ang intercom na naka-konekta sa unang palapag ng mansiyon.
"'Nay Esme, gising pa po ba kayo?"
Wala pang isang minuto ay sumagot din naman ang huli.
"Gising ka na pala, Anastasia, naririto ako sa kusina at kakatapos ko lang maglinis."
"Medyo nagugutom po ako,kung p'wede lang po na paki-akyatan ako ng makakain dito." wika niya rito.
"O, siya, ipaghahanda kita. Hintayin mo na lamang ako riyan."
"Salamat po."
Pagkatapos kausapin si Esmeralda ay tinungo ni Hope Anastasia ang cabinet upang kumuha ng damit pantulog. Muling tumulo ang luha sa kanyang mga mata nang makita ang ternong pajama. Regalo ito ng kanyang mga magulang sa unang gabi niya rito sa mansiyon pagkatapos ng ilang taon ding pananatili sa abroad. Mabilis niyang pinahiran ang pisnging puno ng luha nang may kumatok.
"Pasok ho kayo, 'Nay, " pero ilang segundo pa ay walang tugon mula sa labas ng kanyang kwarto. "'Nay Esme?" Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib ng muli itong kumatok. Muli niyang binuksan ang cabinet ang pumasok doon para magtago. Nanginginig ang kanyang katawan na niyakap niya ang mga tuhod. Bigla nalang kasing pumasok sa kanyang isipan ang sinapit ng mga magulang. Ito na rin ba ang magiging katapusan niya?
"Anastasia?"
Hindi siya tumugon. Baka namali lamang siya ng dinig at hindi naman pala ito ang mayordoma nila.
"Iha, nasaan ka? Naririto na ang iyong hapunan," Doon siya lumabas mula sa pagtatago sa cabinet. "Diyos kong bata ka! Ano'ng ginagawa mo riyan?"
Tinakbo niya ito at niyakap. Doon siya umiyak ng umiyak sa balikat nito. "I'm so scared, 'Nay. Dalawang beses kitang tinawag pero hindi ka sumasagot at patuloy ka lamang sa pagkatok sa pintuan ng kwarto ko."
"Alam mong hindi na ako kumakatok kapag pumapasok sa iyong silid, Anastasia."
"P-pero… "
"Kumaen ka na lamang,batid kong dala ng gutom at pagod kaya kung anong guni-guni ang iyong naramdaman."
"Siguro nga po."
Habang kumakaen ay parang nais niya muling umiyak kaya napayuko siya. Pilit niyang nilulunok ang kanin at adobong manok. Naramdaman niya ang paghaplos ni 'Nay Esmeralda sa kanyang buhok.
"Bakit hindi mo tanggapin ang alok sa iyo ng iyong ninong Francisco?" Uminom muna siya ng tubig bago ito binalingan.
"Paano po ninyo nalaman na may inaalok sa akin si ninong?" alam niya na nais lang nitong lumayo siya sa lugar na ito.
"Pagpasensiyahan mo na at nangahas akong basahin ang sulat na nasa iyong mga kamay ng walang pahintulot."
Malungkot na ngumiti siya rito. "Okay lang po. Kayo po, wala po ba kayong balak na umuwi sa inyo?"
"Uuwi ako kapag tinanggap mo na ang alok ng iyong ninong."
"Bukas po ay p'wede na kayong umuwi sa inyo. Nakapag-desisyon na po ako, 'nay. Tatanggapin ko ang alok ni ninong Francisco," Nilapitan niya ito niyakap ng mahigpit. "Maraming-maraming salamat po sa inyong pag-aruga sa akin. Sa hindi pag-iwan sa sitwasyon na kinasasadlakan ko."
"Para na kitang anak, Anastasia. Gustohin ko mang naririto ka, mas importante pa rin sa akin ang iyong kaligtasan."
Tumango-tango siya at hindi na muling nagsalita pa.
"Aalis ako hindi para lumayo sa panganib. Aalis ako para maging matatag at kung kaya ko na, babalikan ko kayo, pagbabayarin ko kayo sa ginawa niyo sa aking mga magulang." ani ng isipan ni Anastasia.