Chereads / Our Last Night In Los Angeles / Chapter 4 - Chapter 2

Chapter 4 - Chapter 2

Mag-iisang oras na siyang naghihintay sa pagdating ng kanyang sundo ngunit magpa-hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Nababagot na siya at balak na niya sanang pumara ng taxi nang biglang may humintong Lexus sa kanyang harap at bumaba ang sakay nito.

"Hope Anastasia Aranque?" tanong nito sa kanya na may pilyong ngisi sa mga labi.

Pinasadahan niya ito ng tingin.Tumaas ang kilay niya nang mapansin na may bakas ng lipstick ang suot nitong polo. Hindi kaya ay dumaan muna ito sa kabaret bago siya naisipang sunduin?

"Are you the youngest son of Ninong Francisco?" tatlo ang anak na lalake ng ninong niya at ayon sa sulat na pinadala nito,ang bunsong anak daw nito ang susundo sa kanya sa airport.

"Emmanuel Francis nga pala." Inilahad nito ang kanang-kamay. Inabot niya naman ito para kamayan.

"'Yan lang ba ang dala mong bagahe?" tukoy nito sa dalawang malalaking maleta na dala niya. Tinanguan niya lamang ito. Masyado na siyang pagod physically at emotionally para muli pang magsalita. Kinuha naman nito ang kanyang bagahe at inilagak sa compartment ng dala nitong sasakyan. "Get in."

Tumalima naman siya at sumakay sa shotgun seat. Isinandal niya ang ulo sa headrest ng upuan. "Maaari ba muna akong matulog habang nasa biyahe patungo sa inyong tirahan?" wika niya rito habang nakapikit ang mga mata.

"Sure, but... Can I ask you first?"

"What is it?"

"I'm just curious with your Tagalog. Masyadong makaluma naman yata?"

"Medyo nakasanayan ko na limang-taon na ang nakaraan. I've learned to speak Tagalog frequently because of someone who's devoted in our National Language. I have already filled your curiosity, can I have my sleep, now?"

"I'll just wake you up kapag nasa bahay na tayo. Para kang si Kuya Pio... "

Limang-taon at muli na naman niyang narinig ang pangalan ng lalakeng hanggang ngayon ay hindi maalis-alis sa kanyang isipan. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya sa tirahan ng mga ito? Wala man itong malay ng gabing iyon, masyado itong matalino para hindi maisipang magtanong kung sino ang nagma-may-ari ng unit kung saan niya ito iniwan.

"We're here." Napamulat siya sa narinig. Ni hindi siya nakatulog man lamang sa loob ng may isang oras na biyahe nila. Nakapikit lang siya pero ang kanyang isipan ay naglalakbay sa nakaraan.

Iginala niya ang kanyang paningin pagkababa ng sasakyan. In front of her is a huge house. May tatlong palapag ito at napapalibutan ng terasa ang pangalawang palapag. Malaki rin ang kinalakihan niyang bahay ngunit masasabi niyang mas moderno ang istilo ng mansiyon ng mga Benedicto.

Ibinigay ni Emmanuel ang kanyang mga maleta sa gwardiyang naroroon at niyakag na siyang pumasok. "Halika na at kanina pa tayo hinihintay ni Daddy."

Agad naman siyang sumunod dito. Naabutan nila sa sala ang isang medyo may edad ng babae ngunit bakas pa rin sa hitsura nito ang kagandahan.

"Hi, Mom!" bati rito ni Emmanuel. She bit her lower lip. It was her Ninang Elisa, her mom's best friend.

"Tasia!" hindi nito pinansin ang anak, bagkus ay tinakbo siya nito at niyakap ng mahigpit. Pigil niya ang luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata. Kung may pangalawang pamilya man siyang maituturing, iyon ay ang pamilyang Benedicto. "We're so sorry for not being at your side,Iha, pero ilang araw na ka na namin hinihintay ng ninong mo. At napakasaya ko dahil pinaabot mo kay Atty.Roque ang iyong desisyon."

Ayon kay Atty.Roque. Nalaman lang ng mga ito na wala na ang kanyang mga magulang sa araw mismo ng libing. Nag-bakasyon raw kasi ang mga ito ng dalawang linggo sa France. Pinalipas muna niya ang ikatlong araw ng pagkalibing ng kanyang mga magulang bago nag-desisyong lumuwas ng Maynila.

She hugged her back. "I'm fine, Ninang."

"Anastasia... " namataan niya ang kanyang ninong na may bitbit na tasa, kung kape o tsaa man ang laman nito ay wala na siyang balak na alamin pa. Ang mas higit na nakakuha ng kanyang atensiyon ay ang maluha-luha nitong mga mata.

"Ninong Fran... " Doon na tuluyang kumawala ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kinaroroonan nila. Ibinigay nito ang hawak na tasa kay Emmanuel at niyakap sila nito ng kanyang ninang.

"I'm sorry, Iha. I wasn't there para damayan ka sa pagluluksa. But I promise to take care of you on behalf of your parents'. "

"Hope is tired, parents'. Baka gusto niyo po munang pagpahingahin?" wika ni Emmanuel. Kumalas naman sa pagkakayakap sa kanya ang mag-asawang Benedicto at binalingan ang anak.

"Where were you, Emmanuel? Kaninang umaga pa kita tinatawagan para sunduin itong kinakapatid mo! Kanina pa dapat kayong naririto!" ani ng kanyang ninong dito.

"Anyway,pina-deritso ko na sa guest room ang mga gamit mo, Aranque. Sige, magyakapan na ulit kayo and Dad, akin na lang itong tsaa mo." Mabilis itong tumalilis at umakyat sa ikalawang palapag ng mansiyon ng mga ito.

Napailing lamang ang ninong niya sa iginawi ng bunso nito. "Pag-pasensiyahan mo na ang kinakapatid mo. Sa kanilang tatlo, itong bunso ang masakit sa ulo."

"Gusto mo ba munang umakyat sa silid mo, Tasia? Alam kong hindi pa maayos ang iyong kalagayan ngunit nawa'y pagkatiwalaan mo kami. Hinding-hindi ka namin pababayaan." turan ng ninang niya may bahid pa ng luha ang magkabilang pisngi nito.

"Alam ko po, Ninang Elisa. Siguro nga po ay kinakailangan ko lang ng pahinga sa ngayon. Pero pangako ko po sa inyo ni Ninong Fran na bukas na bukas ay magiging maayos na po ako."

Her Ninang Elisa held her hand. "Ihahatid na kita sa iyong silid, ipapatawag na lamang kita sa kawaksi pagsapit ng hapunan."

"Your ninang is right. You should rest first. We have something to talk after the dinner."

Mabini siyang ngumiti rito. "Sige po, Ninong."

Tinungo nila ng kanyang ninang ang isang silid-pampanauhin na nasa ikalawang palapag.

"Pansamantala, dito ka na muna sa silid na ito manuluyan, Tasia. Kumpleto ang kagamitan sa banyo kaya wala ka ng po-problemahin pa. At kung mayroon ka pang kakailanganin, huwag kang mag-atubiling ipagbigay-alam ito sa akin o sa iyong Ninong Fran. I'll be your mother from now on," tinitigan siya nito at hinaplos ang kanyang kaliwang pisngi. "Rest."

Nang makalabas na ang huli. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan ng silid. Kulay krema ang pintura ng pader nito. Kulay dilaw naman ang kobre kama ng kanyang higaan pati na ang mga punda't kumot. Makakapal na kurtinang puti naman ang nakatabing sa malapad na bintanang salamin. May maliit din itong lamesita sa gilid kung saan nakapatong ang isang lampshade. Wala ng marami pang dekorasyon ang silid na ito sapagkat para lamang ito sa mga bisita. Nilapitan niya ang kanyang bagahe na nasa gilid ng kama. Binuksan niya ang isa sa mga ito na ang laman ay ang kanyang mga kasuotan. Kumuha siya ng pampalit at tinungo ang banyo.

Pabagsak siyang nahiga sa kama pagkatapos niyang magbihis. Dala ng sobrang pagod ay agad naman siyang nakatulog.

Tawag na nagmumula sa labas ng silid na inuukupa ni Anastasia ang siyang nagpagising sa kanya.

"Anastasia, Iha? Gising ka na ba?"

"Opo, Ninang," tugon niya rito.

"Fix yourself, then, go to the dining area and join us for a dinner."

"Susunod po ako... "

"Sige, maghihintay kami."

"Ok po."

Naghilamus muna bago lumabas ng silid. Naabutan niya ang mga ito na parang may sersyosong pinag-uusapan. Bukod kay Emmanuel ay may isa pang lalake na nakaupo sa hapag. Hindi niya ito mamukhaan dahil ang likod na bahagi nito ang nakaharap sa kanya.

"O, narito ka na pala, Tasia. Natatandaan mo pa ba si Anthony? He used to play with you kapag dumadalaw kami sa inyong Hacienda," pero wala ang atensiyon niya sa sinasabi ng kanyang ninang kundi sa taong bumangga sa balikat niya.

"Hi, family!" bati nito na hindi man lamang siya nilingon.

Kumabog ng mabilis ang kanyang dibdib. Ilang oras pa lamang siya rito pero tila ang bilis naman yata siyang paglaruan ng tadhana.

"Good that you are here, Pio Francis," walang emosyong wika ng ninong niya kay Pio bago siya nito binalingan. "Umupo ka na rito Tasia para kumain."

Pilit naman niyang inihakbang ang mga paa para lumapit sa hapag-kainan.

"Dito ka, Aranque." Iminuwestra ni Emmanuel ang bakanteng upuan na nasa tabi nito. Kimi naman niya itong nginitian.

"So, tama pala ang aking nabalitaan na may bagong myembro ang pamilya. Sana lang ay hindi ka basta-bastang aalis na walang pahintulot, Tasia," dahil katapat lamang ng kanyang inuupuan si Pio, hindi niya magawang salubungin ang matiim titig nito. Sa tono ng pananalita ni Pio, batid ni Tasia na may ibang nais ipakahulugan ang huli.

"Did I tell you to eat first before chit chatting?" sita ng ninong niya rito.

"Daldal pa more, Kuys!" sabat naman ng kapatid nito.

"Emmanuel!" asik ng ina rito.

"I'm eating," baliwala run namang tugon nito sa ina.

After their dinner, her Ninong ask her to join him in his library. Tumalima naman siya at sumunod dito.

"Have a seat, Anastasia."

"Just the two of us, Ninong?"

He nodded. "Yes. We will talk about your situation. Let me ask you, Iha. How much do you want your mansion's back?"

Mapait niya itong nginitian. "Lumaki po ako sa mansiyon na iyon, Ninong. Doon ako pinanganak ng aking mga magulang, nagka-isip at doon din sa mansiyon na iyonw ang lahat ng magagandang ala-ala kasama ang Mommy at Daddy ko."

"Gustong bilhin ni Anthony ang Hacienda pero hindi kasama ang mansiyon ninyo. Nagtapos siya ng Agrikultura at pangarap niyang magkaroon ng sariling Hacienda. Why am I telling you this? I want you to marry Anthony and I'll help you persuade him to give you back the mansion."

"Ayaw ni Kuya ng hindi na virgin, Dad!"

Sabay silang napalingon ng kanyang ninong sa pintuan ng library.

"Pio Francis!" Napatayo ang ninong niya nang makita si Pio na nakasilip sa pintuan.