Lumipas ang labindalawang tao at si Juno nga ay binata na, lumaki sa kinikilala niyang mga magulang. Si nanay Len at tatay Mando. Isang simple at payak na pamumuhay lamang ang kanilang buhay sa isang nayon sa bayan ng Pilar, Sorsogon.
Isang umaga, habang nasa kanilang palayan si tatay Mando ay nakarinig siya ng tinig na tila nangangailangan ng tulong.
Siya ay nagdali dali na puntahan ang dikalauyan kung saan niya narinig ang tinig ng isang babae.
Babae: Tulong! Tulong! Tulong!
Ito pala ay malapit ng mahulog sa bangin.
Mando: Teka, nasaan na yung tinig na aking naririnig? Alam kong kailangan nito ng tulong.
At muli niyang narinig ang, Tulong....! wika ng babae. Nasaan ba iyon? tanong sa sarili ni tatay Mando. Nang siya ay napasulyap sa gilid ng kapatagan, nakita niya ang isang kamay na nakakapit sa ugat ng halamang puno na matagal ng nakatayo doon, ngunit ang hindi niya alam, ito pala ang simula ng bagong buhay na babago sa kanilang lahat.