Chereads / Juno ( Ang Kapangyarihan ng Buwan) / Chapter 3 - Kabanata 3

Chapter 3 - Kabanata 3

Dali-dali niyang tinungo ang kinaroroonan ng babaeng nangangailangan ng tulong. Isang babaeng nasa edad 50. Agad na tinulungan ni tatay Mando ang matandang Babae. Ngunit bago pa man makapag pakilala si tatay Mando ay biglang naglaho ang babae.

Mando : Teka, nasaan na ung matandang Babae? namamalik mata lang ba ako? Hindi makapaniwala si Tatay Mando sa mga nangyari,sapagkat alam niyang may Babae siyang natulungan. Bumalik na siya sa kaniyang ginagawa at pagkatapos ay umuwi na ito sa kanilang tahanan. At agad na kaniyang ikiniwento sa kaniyang mag-ina ang nangyari. Subalit, hindi pa man naikukuwento ang lahat ay biglang umulan Ng malakas at Ang ihip Ng hangin ay napakalakas, napakaingay ng kulog at ang kidlat ay napakalakas. Kaya naman,

Juno : Nay, natakot po ako.

Nanay: Halika ka nga dito. At lumapit siya sa kaniyang ina. At Sabi Ng kaniyang ina: " alam mo ba na kapag ang langit ay kumukulog ibig sabihin ang Dios ay nagagalit.

Juno: Bakit naman po?

Nanay: Ang Dios ay nagpapahiwatig sa kaniyang mga anak.

Juno: Ganun po ba nanay? ibig sabihin po ba nagagalit ang Dios?

Nanay: Oo anak,kaya dapat na ang tao ay magsisi at humingi ng kapatawaran.

Matapos ang napakalakas na hangin at ulan, nakita nila ang labas ng kanilang bahay na puno ng mga nagsipagbagsakan na mga puno at mga halaman, tila ang nayon ay nasira dahil sa ulang napakalakas. Kaniya kaniyang kumpuni ang mga tao upang maayos ang kanilang mga tahanan. Alasais na ng hapon ng matapos sila at madilim na nga ang paligid. Kaya naman nag sindi ng lampara Ang kaniyang ama na si Mando at sila ay naghapunan, at matapos makapagligpit ng pinagkainan,ang buong mag-anak ay naghahanda na upang matulog. Subalit, hindi maalis sa isip ni Mando ang babaeng naglahong parang bula.

Abangan ang susunod na kabanata.