PANAY ang pagpihit ni Nadia sa ibabaw ng kama. Hindi niya mawari kung anung posisyon ang gagawin niya. Madilim at tahimik na ang buong females dormitory. Laking pasasalamat na lang niya na walang humihilik sa mga kalapit niyang bunk bed. Iyon nga lang ay hirap siyang dalawin ng antok dahil iniisip niya ang nangyari sa kanila ni Jace.
Humiga siya patihaya at tulalang tumingin sa itaas ng bunk bed. Humugot siya ng malalim na hangin at ilang minuto pa ang lumipas ngunit ayaw pa Rin siyang dalawin ng antok.
"Nakakabuwiset talaga ang gunggong na Jace na `yun. Siya na nga itong pinagmamalasakitan, babastusin pa `ko. Hmp! Anu ba kase pakielam ko sa kanya? Kung ayaw niyang maki-cooperate sa therapy, problema na niya `yun. Maging adik na lang siya forever. Tutal, mukhang matagal naman nang maluwag ang turnilyo ng utak niya." She mumbled to herself.
Napabuntong hininga siya ulit at nagtalukbo ng kumot sa buong ulo. Pipilitin na niyang matulog at `wag nang isipin si Jace. `Di naman sila close in the first place para mag-care siya rito. #Lakompake #Balakajan
Muling pumasok sa isipan niya ang mga sinabi ni Ms. Vina nung bumalik siya sa group therapy matapos nilang mag-away ni Jace.
"Nadia, where's Jace?"
"Umalis po, eh. Sorry hindi ko siya napilit bumalik."
Bumuntong hininga si Ms. Vina at bumagsak ang mukha. "Marami talagang cases na hindi nag-oopen up ang mga resident. Karamihan kasi sa kanila, in-denial pa rin sa totoong sitwasyon na malalala na ang kalagayan ng addiction nila. but they aren't acknowledging that they have been already depending on drugs. To the point na hindi na sila makapag-function ng normal lifestyle without it. Jace is not an exempted—" Natigilan ito at natutop ang bibig na tumingin sa kanya.
"Oh, I'm sorry Nadia baka na-offend kita. You're also a drug dependent. I'm so insensitive to tell you these things. I'm really sorry." Bumagsak ang nag-aalala nitong mukha.
Nahihiyang ngumiti si Nadia at tinaas ang dalawang kamay. "Naku, Ms. Vina hindi po. Naiintindihan ko po lahat. `Wag kayong mag-aalala, alam ko naman po `yun. Siguro tanggap ko lang ang sitwasyon ko kumpara kay Jace." Tulad nga ng napagdesisyunan niya ay paninindigan na lang niya na adik siya. At totoo naman ang sinabi niya. Tinanggap na niya ang mapait niyang sitwasyon. Kailangan niya lang maging mabuting resident sa loob ng anim na buwan at `di magtatagal ay makakalabas na siya rito.
Pansamantalang nawala ang inis na nararamdaman ni Nadia kay Jace dahil sa mga sinabi ni Ms. Vina. Sa kabila ng hindi magandang nangyari sa pagitan nila, something inside her still believes that he was just like everyone else. Kailangan lang nito ng taong makauunawa sa sitwasyon nito. Katulad nila Riko, Paps, Joey at Mother Theresa. Jace has been going through a difficult stage in his life that has triggered him to become drug dependent. Although his emotional capacity is not a valid reason para bastusin siya ng ganun. Nadia's still trying her best to be the bigger person here at pinipilit itong unawaain.
Hinawakan ni Ms. Vina ang balikat niya at malumanay na tumingin sa kanyang mata. "Nadia, I'll ask a favor from you. Sana mapagbigyan mo ako."
"Anu po `yun?"
"Nakikita ko na ikaw ang pinakamalapit kay Jace dito sa loob ng center. Sana matulungan mo rin siya. Ganito naman tayo sa loob ng Love and Hope, nagtutulungan sa bawat isa na muling makabangon. I know this is too much to ask on your part since you also have your own struggles. But within everyone else in your group, I can see that you are the most capable to influence them."
Tinanggal ni Nadia ang kumot sa ulo at muling nag-iba ng posisyon. Tumagilid naman siya. Hindi niya lang masabi kay Ms. Vina na talagang siya ang most capable dahil siya lang ang hindi adik at may matinong pag-iisip. Pero naisip niya rin na may punto ito. Tutal nandito na rin naman siya sa loob at mananatili ng ilang buwan. Makabubuting maging makabuluhan ang pag-stay niya sa Love and Hope at kung may maitutulong siya sa mga resident ay buong puso niya iyong gagawin.
#PurposeDrivenLife #CaringIsLoving
***
KINABUKASAN ay pinatawag siya na magtungo sa counseling room para sa kanilang one on one therapy.
Kinakabahan si Nadia habang nakatayo sa tapat ng pintuan at pinagmamasdan lang ang door knob. Parang gusto na niyang mag-back out dahil hindi niya ata kakayaning pumasok sa loob. Noong huling punta niya kasi rito ay nag-eskandalo siya dahil nung mga panahon na `yun ay nasa chapter pa siya ng buhay niya na: #SinabiNgDiAkoAdikQiqilNiyoSiAcoeh. Kaya tuloy hayun at lumabas ang kanyang inner amazona tapos nagtransform na parang si Hulk. Nasaktan niya ang Psychologist na si Dr. Xander Hontiveros.
Ngayon mas kalmado na siya at nasa huwisyo. Napagtanto niya kung anung kagagahan na naman ang nagawa niya. Nakapanakit pa siya ng tao. Wala tuloy siyang mukhang maihaharap kay Dr. Xander. Kagat-kagat niya ang kuko sa hinlalaki. Mannerism niya `yun sa tuwing nate-tense siya. Mabuti pa ay `wag na lang siyang tumuloy. Magdadahilan na lang siya na masama ang pakiramdam.
Pumihit na siya upang umalis nang makasalubong niya ang dalagang nurse na si Micka. "Nadia, bakit `di ka pa pumapasok? Inaantay ka na ni Doc Xander."
"Ahh, ano kase... m-masakit ang ulo ko." Sinapo niya pa ang sintido at pumipikit-pikit habang nagpapanggap na may nararamdamang kirot.
Ngumiti lang ito at hinatak siya sa braso. Mukhang wa-epek ang drama niya rito. Ito pa ang pumihit ng door knob para sa kanya at marahan siyang tinulak papasok. "Doc, nandito na po si Nadia."
Nanigas si Nadia sa kinatatayuan at nanatiling nakatalikod kay Dr. Xander. Hindi niya talaga magawang harapin ito lalo na sa tuwing naalala niya kung paano niya ito kinalmot sa mukha na hindi naman niya sinasadya. Nag-tantrums kasi siya nun at panay sigaw ng: "Pauwiin niyo na ako! I want to go home! I'm not an addict!" Pinagtulungan siya ng mga nurse. At dahil beast mode nga siya ng mga oras na `yon kung kaya nakalmot niya sa mukha ang kawawang binatang doktor.
"Thank you, Micka. Pwede mo na kaming iwan."
Mas dumoble ang paninigas ng buong katawan niya matapos marinig ang baritono nitong boses. Isang beses pa lang sila nagkita pero memoryado niya na ang tunog ng boses nito. Ngumiti si Micka at nagpaalam saka sinara ang pinto. Pero nanatiling nakatalikot si Nadia at panay kagat sa kanyang kuko.
"Nadia, bakit nakatayo ka pa diyan? Sit here."
Dinumbol lalo ang dibdib niya sa kaba. Ilang ulit muna siyang humugot ng malalim na hangin at bumuo ng sapat na lakas ng loob bago dahan-dahang naglakad.... nang paatras.
Mula sa mga papeles na binabasa ni Dr. Xander ay nag-angat ito ng tingin. Napakunot nang husto ang noo nito nang makita ang itsura ni Nadia. Naglalakad si Nadia ng nakatalikod. Nabangga pa ang dalaga sa divider na nasa kanang bahagi ng kwarto. Umiwas si Nadia doon at nagpatuloy sa paghakbang pero tumama naman sa dextrose stand na nasa kaliwa. Muntik na `yun matumba pero nasalo agad ito ng dalaga. Inayos ni Nadia ang dextrose stand at nagpatuloy sa paglalakad. Tinakpan ni Dr. Xander ang bibig gamit ang likod ng kamay nito upang pigilan ang kumakawalang tawa.
Tila bulag si Nadia na kumakapa sa daanan gamit ang dalawang palad. Pinanood lang ni Dr. Xander si Nadia hanggang sa finally at nakarating si Nadia sa upuan na nasa harapan ng desk. Dahan-dahang umupo si Nadia pero ang likuran at buhok lang ang humaharap kay Dr. Xander.
Napangisi Si Dr. Xander. "Bakit hindi ka humarap sa `kin?"
Napapikit lalo si Nadia at nakagat ang ibabang labi. "Ahh, ano kase, Doc... may pimples ako malaki. Kasing laki ng ubas. Nakakahiya. Kaya ganito na lang tayo mag-usap. Naririnig naman kita, eh."
Napakunot ang noo ni Xander habang naglalaro ang amusement sa mga mata. "May pimples ba na kasing laki ng ubas?"
"Meron, `yung akin. Ganito talaga ako magka-pimples, Doc. Once in a bluemoon lang pero matindi kapag tumubo."
Nagkibit-balikat na lang si Xander at pinagsiklop ang dalawang kamay habang nakapatong sa ibabaw ng desk. "How are you, Nadia? Kumusta ang pananatili mo rito sa Love and Hope?"
Tinigil ni Nadia ang pagkagat sa kuko at pinatong ang dalawang kamay sa hita niya. "Mabuti naman ho, Doc. Sa katunayan medyo nakapag-adjust na ako sa surroundings ko."
May mga sinulat si Dr. Xander sa papel. "That's good to hear. The last time that I saw you, hindi maganda ang behaviour mo. I can see na mas kalmado ka na ngayon."
"Oo nga ho. Sorry talaga last time, Doc. Hindi ko naman sinasadyang masaktan ka."
"Don't worry. It's just a minor scratch, malayo sa bituka. I've seen worser behaviours before."
Nakahinga naman nang maluwag si Nadia ng tanggapin nito ang sorry niya. Napakahirap siguro ng profession nito lalo na't adik at may mga sapak sa ulo ang araw-araw nitong kausap. "Magaling na ba ang kalmot ko sa `yo, Doc?"
Hinawakan ni Xander ang kaliwang pisngi kung saan ito tinamaan ni Nadia. Ilang araw lang at nawala na rin naman ang pamumula ng balat ni Xander gawa ng matalim na kuko ni Nadia. Nanatili pa rin nakatalikod si Nadia. May naisip si Xander na ideya at lihim na napangisi.
"Actually, malalim pala ang sugat na gawa ng kuko mo. Sabi ng dermatologist kong kaibigan mag-iiwan daw `to ng peklat at years bago mawala kahit pa may regular treatment."
Napansinghap nang malakas si Nadia. At dahil sa pag-aalala ay agad siyang pumihit paharap. "Naku, Doc! Sorry talaga sa nagawa ko—"
Natigilan si Nadia nang makita ang nakangiting si Dr. Xander. Kumunot ang noo niya at naniningkit na nilapit ang mukha sa binata. Wala itong kahit anung sugat. Ni walang bahid ng kalmot. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na mapagmasdan ang itsura nito. Bumagay rito ang suot na square-shaped eyeglasses. Mataas ang bridge ng ilong nito, makapal ang kilay, light brown ang mata, madepina ang hugis ng panga, at natural na mapula ang labi. Napakanis din ng kutis nito na parang baby. Ni wala man lang pores, blackheads, at kahit whiteheads. Parang nahiya tuloy ang balat niyang nagsisimula ng mag-dry dahil ilang linggo na siyang hindi nakakapag diamond peel.
Buti na lang at totoong hindi niya napuruhan ang mukha nito dahil nakakapanghinayang kung malalamatan ang gandang lalaki ni Dr. Xander.
"Doc naman, pinakaba mo ako!" Nakahinga siya nang maluwag habang sapo ang dibdib. Tapos tumulis ang nguso dahil naisahan siya nito.
Napangisi si Xander na halatang naaaliw pa sa itsura niya. "Oh, akala ko ba may pimples ka? Wala naman, ah."
Napabuka ang bibig ni Nadia sabay hawak sa magkabilang pisngi. "Anu, Doc, kasi... mahiyain ang pimples ko sa ibang tao kaya nagtago muna sila."
Natawa nang malakas si Xander na halos dinig hanggang labas ng counselling room. Alanganin namang nag-hehe si Nadia dahil bentang-benta kay Doc ang korni niyang banat.
"You're so funny, Nadia." Nagpunas pa ng panyo si Xander sa mata dahil naiyak pa ito sa saya.
"Ikaw rin Doc, funny ka."
"Huh?"
"FUNNYwalain."
Tumawa ulit ito at nakisabay na rin si Nadia dahil ang totoo ay nahahawa siya sa tunog ng tawa ni Xander. Para itong bata kung humalakhak. Nawawala pa ang mata nito sa sobrang paniningkit. Kung lahat siguro ng tao sa mundo ay kasing babaw ng kaligayahn ni Doc Xander ay pwede na siyang magtayo ng sariling comedy bar.
***
NAGPATULOY lang sa pakikipagtawanan si Xander kay Nadia sa dami ng baon nitong jokes. Hindi niya namalayang labis na siyang naaliw na madinig ang tunog ng tawa nito at masilayan ang magandang ngiti sa labi. She was like a warm rays of sunshine.
Ngayong maayos na ang behaviour ni Nadia ay mas lalong napatunayan ni Xander na totoong may taglay itong kagandahan na nagtatago sa magulo nitong buhok. Nung mga nakaraang araw ay paminsan-minsan niya itong nakikitang naglalakad sa hallway, kumakain mag-isa sa dining area o kaya'y tulala na nakaupo sa garden. Even from afar he can clearly see her angelic beauty. She's even prettier closely. Masasabi niyang sa ilang taon niyang pagseserbisyo bilang volunteer Psychologist sa Love and Hope ay si Nadia na ang pinakamagandang patient na nakilala niya.
Bilang specialization niya ang paghahandle ng human psychological problems, nauunawaan niya ang dahilan ng mga behaviours nito. Nareview na niya ang informations at background ni Nadia na binigay ng kanilang head Psychatrist na si Dr. Becca Gomez. Maging ang resulta ng Drug Dependency Examination nito. Ayon sa nabasa niyang report ay kamamatay lang ng Daddy nito at `yun ang naging dahilan ng depression ng dalaga at addiction sa drugs. Maari rin na noon pa man ay gumagamit na ang dalaga dahil mahilig itong pumarty. Mataas ang risk percentage ng mga club goers sa paggamit ng ecstacy at cocaine.
May statement report din mula sa stepmother nito na si Rosanna Montemayor. Ayun sa ginang ay ilang buwan na nitong napapansin ang mga visible signs ni Nadia kagaya ng wala sa sarili, hindi pagkain nang maayos, pagiging moody, pagbabago sa attitude, at marami pang iba na lalong nagpapatibay ng severe addiction case nito. May report din mula sa isang Psychiatrist na minsang nag-handle sa medication ni Nadia. Lahat ng hawak niyang dokumento ay sapat na upang bigyan ng immediate help ang dalaga.
Katulad ng ibang mga residents ng Love and Hope. Gagawin ni Xander ang lahat ng makakaya upang matulungan ito. Ngumiti siya rito at nagsimula ng maging seryoso.
"Let's talk about you, Nadia. Can you tell me how was your life these past few months?"
Natahimik ang dalaga at alanganing ngumiti.