Chereads / Adik Sa’yo / Chapter 15 - Kapag tumibok ang puso

Chapter 15 - Kapag tumibok ang puso

"THANK YOU po Doc Xander," tumayo si Nadia sa upuan at nakangiting nagpasalamat sa binata. Tapos na ang kanilang one on one counselling. Nagkuwentuhan lang naman sila ng mga bagay-bagay at naging smooth naman ang lahat. Sa katunayan ay nagtatawanan lang sila na para bang matagal na silang magkakilala.

"Your welcome, Nadia." Ngumiti si Xander.

Naglakad na siya patungong pinto. Pinihit niya ang door knob upang buksan 'yun nang tawagin siya ulit nito. "Nadia."

Agad siyang lumingon. "Bakit po, Doc?"

Tumayo si Xander, tumingin sa wrist watch tapos bumalik sa mukha niya. "Lunch time na rin pala. Let's eat." Mabilis nitong inayos ang mga papeles at pinasok sa loob ng drawer sa ilalim ng desk saka naglakad palapit sa kanya.

Nabigla man ay sumang-ayon na din si Nadia. "Sige po, Doc." Pinagbuksan pa siya nito ng pinto at pinaunang lumabas. Napangiti siya at nagpasalamat. Sabay silang naglakad ni Xander patungong dining area.

Ang totoo ay magaan ang loob ni Nadia sa binata. Nung una ay nahihiya talaga siya dito dahil nasaktan niya ito. Pero matapos ang kanilang therapy session ay unti-unting ng naging panatag ang loob niya. Bukod sa mabait at matalino ay may sense of humor din itong kausap.

"Good afternoon, Doc Xander!" Bumati ang isang babae at isang lalaking nurse na kanilang nakasalubong pagkaliko nila sa susunod na hallway. Bumati pabalik si Xander sa mga ito na may magandang ngiti.

Marami pa ang pumansin sa gwapong doktor maging iyong ibang mga residents ay magiliw sa binata. Tahimik lang na nagmamasid si Nadia. Mukhang malapit talaga ito sa mga tao sa loob ng Love and Hope at hindi na niya 'yun ipagtataka.

"Doc, ang dami niyo palang fans dito sa center 'no? Mapa nurse, staff o kahit residents ay magiliw sa inyo, " hindi niya napigilang komento.

Napangisi ito at simpleng sumulyap sa kanya gamit ang gilid ng mata. "Hindi naman ako artista para magkaroon ng fans. Normal lang naman ang pakikitungo sa'kin ng lahat. I don't see anything special with it."

Ngumuso siya. "Pero ang gandang lalaki mo, Doc. Matangkad ka pa, matalino at higit sa lahat mabait. Bakit hindi ka na lang nag-artista? Sigurado akong lalampusihin mo si Piolo, John Lloyd at Alden!"

Natawa ito sabay umiling. "I don't have any talent para mapunta sa showbiz. Parehong kaliwa ang paa ko, gusto ko naman kumanta pero ayaw sa'kin ng mga kinakanta ko. Mas lalong hindi ko kayang umiyak sa harap ng camera."

"May workshop naman, Doc. For sure, matutunan mo din 'yun."

"Hmm. I'm already good and happy with my profession."

Tumungo-tungo siya. "Sabagay, mukhang para sa'yo naman ang pagiging doktor. Malapit ka nga sa mga residents, eh. If you don't mind me asking, Doc. Bakit niyo ho pala naisipan maging Psychologist?"

Nakarating na sila sa dining area. Si Xander muli ang nagbukas ng pinto para sa kanya at pinauna siyang pumasok. Napapangiti si Nadia sa pagiging gentleman nito. Sabay silang naglakad patungo kaliwang bahagi ng maliit na canteen kung nasaan ang display ng mga pagkain at saka tumayo sa dulo ng pila. May mga bumati ulit sa binata. Walang tao na hindi nakapansin dito mula pa kanina.

Pinasok ni Xander ang dalawang kamay sa bulsa ng puti nitong lab gown. "At first, I'm just fascinated to study human behaviours. Bata pa lang observant na ako sa paligid ko lalo na sa mga tao. I wanted to know the science behind the human brains and how it works. Pero nung malapit na ako maka-graduate sa med school. Naghiwalay ang parents ko dahil sumama ang daddy ko sa kabit niya at iniwan niya kami.

"Since then, nagkaroon ng nervous breakdown si mommy. She became worser and worser everyday. Nung una, alcohol lang hanggang sa one time nahuli ko siyang gumagamit ng shabu. Because I'm too busy in studying and taking care of my younger sister. I wasn't able to keep an eye on her. Malala na pala ang addiction niya so we had to sent her to the rehab.

"Nung una she was able to get back to her old self. 'Yun nga lang after a few months she got a relapse. Bumalik ulit ang addiction niya so we have to sent her back again. But she became worser than ever. She became violent and suicidal. The psychiatrist advice us na kailangan na siyang dalhin sa mental hospital."

Nanikip ang dibdib ni Nadia sa mga narinig. Sa likod pala ng mga ngiti ni Xander ay may mapait itong nakaraan. "I'm sorry to hear that, Doc."

Bumuntong hininga ito at maliit na ngumiti. "She's doing fine inside the mental. Every once in a while binibisita ko siya. Since then, I promised myself to help those who are suffering in mental illness. I saw how addiction ruined my mother's life and how it badly affected our family. Ako ang tumayong magulang sa little sister ko and we have to be on our own. It was not easy. Pero kinailangan kong maging matatag dahil kaming dalawa na lang ang magkasama. Ayokong mangyari sa ibang anak ang nangyari sa'min ng kapatid ko."

Saglit na katahimikan ang namagitan sa dalawa. Nagtama ang mata nila at sa mga sandaling iyon ay nababasa ni Nadia ang kalungkutan sa mga mata ni Xander. She can't help but feel symphatetic towards him. Nadia deeply understand much it hurts to lose someone precious to you. Kung tutuusin ay maswerte pa siya dahil kahit nung namatay ang mommy niya. Nandun pa din si Nathaniel upang bigyan siya ng magandang buhay at pagmamahal. Unlike Xander who had to struggle everything on his own.

She wanted to give him a hug pero alam niyang hindi naman sila close. So instead, she slowly held his right wrist with both of her hands and gently squeezed it. Bahagyang nanigas si Xander sa kinatatayuan at nagtatakang napatingin sa mga kamay niya.

She looked at him directly in the eyes with softness reflecting on her face. "You did a great job, Doc Xander. Sa kabila nang nangyari sa mommy mo at sa pamilya niyo. I'm sure that she's very proud to have a son like you."

Natigilan ito at dahan-dahang napalunok. Nagtagal pa ng ilang segundo ang tinginan nila hanggang sa na-realized ni Nadia na hindi niya pa rin pala binibitiwan ang pulsuhan nito. Agad niya 'yun binitawan at alanganing ngumisi. "Ay, sorry, Doc."

Tumikhim si Xander at namula ang magkabilang pisngi. "It's okay. Thank you, Nadia. I appreciate what you said."

Nakagat niya ang ibabang labi at nahihiyang tumingin sa binata. Masyado ata siyang naging touchy at feeling close baka kung anu ang isipin nito. Napahawak si Xander sa batok at nahihiyang napangiti habang nakatingin sa kanya. Lalo tuloy siyang na-concious. Tumagal pa ang awkward nilang palitan ng ngiti at tingin hanggang sa nakakaramdam na siya ng pag-iinit ng pisngi.

"Doc, anu pong gusto niyong ulam?" Naputol ang tinginan nila nang magsalita ang canteen staff. Sila na pala ang susunod sa pila. Pinauna siya ni Xander na mamili ng pagkain.

"Ikaw muna, Doc."

"No, you go first."

Hindi na siya tumangi at tumingin sa nakahandang menu for the day. Ituturo niya sana ang kare-kare nang maalala niya si Riko at ang mga health tips nito. Kung kaya one cup of rice at pinakbet na lang ang pinili niya. Pumili naman ng kare-kare si Xander, one cup of rice at dalawang bottled juice para sa kanila. Pumuwesto sila sa pinakamalapit na bakanteng table malapit sa pintuan.

Kakain na dapat si Nadia nang kunin ni Xander ang kutsara at tinidor niya. Pinunasan muna nito iyon gamit ang tissue bago inabot sa kanya. Nahihiyang tinangap niya 'yun. "Thank you, Doc."

Ngumiti ito at nagsimula na silang kumain. Tahimik lang silang dalawa. Habang sumusubo ay panaka-naka ng tingin si Nadia sa kaharap. Nakayuko lang ito at abala sa kinakain. For some reason ay biglang naging irregular ang pagtibok ng dibdib niya at para bang gusto niya lang itong pagmasdan buong araw. She feels delighted by just simple staring at his handsome face.

Para bang nakikisabay ang tadhana sa kanya at biglang tumunog ang kantang "Kapag tumibok ang puso" ni Donna Cruz sa speaker sa dining area.

♫ Sharam sharam shararam. . . Sharam sharam shararam.

Sharam sharam shararam. . . Aaaahhhhhhhh... ♫

'Oh no, bakit ganito ang tibok ng dibdib ko? Wala naman akong maalalang may history kami ng ashtma?' napahawak si Nadia sa dibdib habang kinakausap ang sarili.

♫ Heto na naman naririnig. Kumakaba-kaba itong dibdib

Lagi nalang sinasabi. Pwede ka bang makatabi? ♫

Tila nag-slow motion ang lahat sa paligid nila. Naging camera 360 ang mata niya at may glowing effects na may kasamang mga bulaklak at hearts ang image ni Dr. Xander sa paningin niya.

♫ Kahit sandali lang pweda ba. Sana pagbigyan sige na?

Muhkang tinamaan yata ako... ♫

Tugtug. Tugtug. Tugtug. Nag-chuva choo choo na ang beat ng puso niya. EMERGERD! Kailangan na ata niya magpatingin sa Cardiologist!

♫ Kapag tumibok ang puso. Wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Kapag tumibok ang puso. Lagot ka na. Siguradong huli ka... ♫

Biglang nagtaas ng tingin si Xander. Nagulat si Nadia, nanlaki mata at mabilis na nagbaba ng tingin sabay sunud-sunud na subo ng kanin na para bang isang buwan siyang gutom. Nakalimutan na nga niya magsandok ng ulam. Nalagot na dahil nahuli siya nitong nakanganga. #HuliKaBalbon

Habang nakayuko si Nadia ay simpleng tumaas ang sulok ng bibig ni Xander. Naaliw lang ito na pagmasdan ang mga galaw niya. Matapos ang limang segundo ay dahan-dahan siyang nag-angat ng mata upang sulyapan ulit ito. Sa gulat niya ay nakatingin pa rin pala ang binata. Bigla tuloy siyang nabilaukan sabay naubo ng malakas. Nataranta naman si Xander at agad siyang inabutan ng tubig. "Okay, ka lang?"

Panay ang ubo niya at hindi siya makasagot. Agad niyang ininom ang tubig habang mahinang hinahampas ang dibdib. Dahil sa pag-aalala ay lumipat pa si Xander sa tabi niya at hinimas ang kanyang likuran.

"Hey, can you breathe normal?"

Tumungo-tungo siya sa pagitan ng pag-ubo at pag-inum ng tubig. Nasa mukha nito ang labis na pag-aalala kahit nabilaukan lang naman siya. Ilang sandali pa at umayos na ang lagay niya at nakahinga na siya ng maluwag.

"Thank you, Doc. Okay na ako." Maluha-luha pa siya dahil sa pag-ubo. Nahihiyang ngumiti na lang siya sa binata pero mentally ay tinutuktukan na niya ang sariling ulo sa pagiging clumsy. Nakakahiya tuloy kay Dr. Xander. #BawasGandaPoints #BigtiNaBesh

"Dahan-dahan lang kasi ang pagsubo para hindi ka mabilukan."

Sabay silang napatingala ni Xander sa may-ari ng boses. Nagulat si Nadia nang makita si Jace na nakatayo sa harapan nila. Nakangisi ito na para bang pinagtatawanan siya dahil sa nangyari. Walang paalam na umupo ito sa table nila.

'Naku naman! Nandito na naman ang asungot. Kung dadalawin ka nga naman ng kamalasan, oh!'

"Jace, why you didn't come this morning? You were scheduled for a counselling," tanong ni Xander.

"Tinanghali kasi ako ng gising Doc, eh. Next schedule na lang," sagot nito sabay kibit balikat.

Samanatala, lihim na nagngingitngit naman si Nadia dahil hindi pa nawawala ang inis niya kay Jace sa pamababastos nito sa kanya at sa pag-aaway nila. Wala siyang nagawa kundi bumuntong hininga na lang at ituloy ang pagkain bilang ayaw niyang makipagbangayan pa dito sa harap ni Dr. Xander.

"You should come to the counselling, Jace. It's very important. Next time, I won't accept your laziness as a reason."

Kumibit balikat lang ito. "Sure, Doc." Mula sa doktor ay lumipat ang tingin ni Jace kay Nadia na nakatingin lang sa plato.

Inabala na lang ni Nadia ang sarili sa kinakain nang biglang pinunasan ni Xander ang gilid ng bibig niya gamit ang panyo nito. "May naiwang kanin."

Nag-init lalo ang pisngi niya sa magkahalong hiya at kilig. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Jace sa dalawa at lihim na nagtigas ang bagang.

Natapos silang mananghalian. Nagpaalam na si Xander na babalik na sa counselling room. "I'll go ahead."

"Thank you Doc Xander. Bye, ingat ka." Ngumiti si Nadia at nag-wave sa binata. Naiwan siya sa tapat ng pinto ng dining room at pinagmamasdan itong mawala sa kanyang paningin. Napabuntong hininga siya habang tila nananaginip pa sa cloud nine. Hindi niya namamalayang nakangiti siya ng mag-isa.

"Bigla atang sumanib si Maria Clara sa katawan mo." Nakapamulsang tumayo si Jace sa gilid niya.

Mabilis na nasira ang maganda niyang moond at matalim na tinignan ang katabi. "Ano?"

Ngumisi ito ng nakakaloko sabay umaktong mahinhin na babae. "Thenk ye dek Xender. Bey, inget ke." Kunwari'y inipit nito ang buhok sa tenga at ginaya ang akto niya.

Napanganga si Nadia. Ganoon ba siya ka-arte kanina? Parang hindi naman. Sa inis niya'y hinampas niya si Jace sa braso. "Tumigil ka nga diyan! Ang OA mo!" Mabilis na nawala ang pagiging dalagang Pilipina niya makita niya lang ang pagmumukha nito.

"Bakit ang hinhin mo 'pag kaharap mo si Dr. Xander? Yan! Ganyan dapat ang ipakita mo sa kanya. Ang tunay mong anyo na isang amazona!" Tinuro-turo nito ang mukha niya.

Mas lalo niya itong pinaghahampas. "Sinung amazona? Excuse me! Normal ako makitungo kay Doc Xander. Sa'yo lang ako nagiging beast mode dahil makita ko lang ni anino mo, kumukulo na ang dugo ko!"

Sinasanga nito ang mga hampas niya habang tatawa-tawa. "Asus! Plastic mo! Kunwari ka pa! Pa-cute ka lang kay Dr. Xander. Hindi bagay sa'yo ang maging si Maria Clara. Mas maganda ka kapag ikaw si Gabriella Silang!"

"Tumigil ka na!" Nagpatuloy pa siya sa paghampas nito hanggang sa naalala niya na may atraso nga pala ito sa kanya at hindi sila bati. Tumigil siya sa ginagawa. "Teka nga, bakit nga ba kita kinausap? Hindi ko dapat kinakausap ang katulad mong bastos!" Inirapan niya ito sabay humalukipkip.

Nalusaw ang ngiti sa labi ni Jace. Alam niyang hindi maganda ang inasal niya kay Nadia nung nakaraan at ang totoo'y hindi siya nakatulog ng maayos dahil dun. Gusto niyang humingi ng tawad dito pero nakita niyang magkasama sila ni Dr. Xander.

"Nadia, about last time… I'm really so—"

"Nadia!"

Sabay silang napalingon sa likuran. Masiglang tumatakbo palapit si Riko. Agad nitong niyakap ang braso ni Nadia nang makalapit. "Nandito ka lang pala, tara sa garden!"

"Sige."

Tinignan siya ni Riko. "Sama ka din Jace."

Napangiti siya at sasagot na sana ng "Oo" pero pinutol ito ni Nadia. "Busy siya. Tara na!" Agad nitong hinatak si Riko at nagmamadaling naglakad paalis.

Naiwan siyang mag-isa. Napabuntong hininga na lang at napakamot sa ulo.