Chereads / MY BODYGUARD / Chapter 3 - CHAPTER 02

Chapter 3 - CHAPTER 02

PARKER POV.

NAKAILANG libot na ako sa mga Malls at iba pang pweding ng mga babae pero hindi ko talaga siya makita.

Kanina pa niya inubos ang pasensya ko at nagsimula na akong mainip sa kakahanap sa kanya.

'Maybe Nextime lagyan ko ng tracker ang mga bagay na nakadikit sa kanya, para di na ako mukhang tanga sa kakahanap sa kanya!'

Suck this life ! Kong hindi lang talaga malaki ang utang na loob ko sa pamilya mo babae ka di ko tatanggapin ang trabaho na ito. Di ko kaya ang pag uugali mo.

Mabilis akong napaapak sa preno ko ng may kamuntikan akong mabundol na babae na pasuray suray na tumawid.

May open na bar sa ganito ka aga?

Sinuyod ko ng tingin ang kaliwang bahagi kong san nanggaling ang babae kanina. Kumunot ang noo ko ng may mabasa akong sign board.

"MYSTIQUE FREEDOM 24/7"

Ipinarada ko ang dala kong sasakyan pagkatapos ay bumaba na.

Pumasok ako sa loob. Natigilan ako ng makitang halos lahat nang naroon ay mga babae. Nagsasayawan at yung iba simpleng nag uusap at nakipag inuman.

Nakuha agad ng attensyun ko ang isang babae na nakaupo sa gilid habang nakipag usap sa mga babae.

There you are Stubborn woman!

Mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya. Nagulat pa ito ng makita ako.

"Fvck! Paano mo nalaman na andito ako?" Mataray na naman nitong tanong.

"Sino ba yan SC? Boyfriend mo?" nagpapacute na tanong ng babaeng patpatin kay Summer at nagpapacute pa ito sa akin.

"Hell no! He's just my freakin bodyguard!" nakaismid pa nitong saad.

Walang pasabi akong hinila ang braso niya. At kinakaladkad palabas.

"Let me go you jerk! Bakit mo ba ako sinusundan ha?" Galit nitong tanong sakin.

Hindi kona siya sinagot sa tanong niya at marahas ko siyang pinasok sa loob ng aking sasakyan.

"Pwede ba Mr. bodyguard pabayaan mo ako! Hindi Kita Kailangan dahil kaya ko ang sarili ko!"

" I Don't fucking care kong kaya mo ang sarili mo o hindi ang mahalaga sa akin ay gampanan ng maayos ang trabaho ko. Kaya kong gusto mong aalis ako sa buhay mo makipag cooperate ka."

Bahagya pa itong natigilan. Saka muling sumimangot at nagcross-Arm. Napailing nalang ako sa inaasal niya. Grabeng pag uugali talaga.

Malayo layo pa ang babyahiin namin kaya nang mapadaan ako sa isang convient store ay tumigil ako.

Akmang baba na ako ng maalala na may kasama pala akong tuta na matigas ang ulo. Kinuha ko sa bag yung posas at ipinosas ang pulsuhan niya sa manebela.

" Hey! Bakit mo ako pinosas? Sasama ako sa loob !."

Hindi kona siya pinansin at nagtuloy na ako sa loob at bumili ng makakain. Ilang instant noodles din ang binili ko at snack bars. Bumili narin ako ng tubig.

Naglakad na ako pabalik sa kinaroroonan ng kotse ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko rin itong sinagot.

" Parker, "

Napangiti ako ng marinig ko ang boses sa kabilang linya.

" Yes honey,? " tanong ko na di inalis ang ngiti sa labi ko.

" Kailan ka uuwi?," malungkot na tanong nito sakin. I sighed heavily.

" Soonest honey, soonest ill be home , but now? Let dady work okay? ." Sabi ko dito.

" I wanted to see you Parker, mom didn't visit me here since the day you left and its almost 6 months now ."

Natigilan ako sa narinig ko mula sa anak ko. Hiwalay kami ng ina niya. At sa akin siya lumaki. Pag ganitong May trabaho ako nahihiwalay ako ng ilang buwan o taon sa kanya. Pero hindi rin namin mamiss ang isat isa dahil gaya ngayon palage syang tumatawag.

Nalungkot ako sa tinuran ng aking anak. Masyado pa siyang bata para makaranas ng ganito. Na hindi buo yung pamilya. Pero wala na akong magagawa korte na ang nagdedecisyon para sa amin ng dati kong asawa.

" Don't Worry honey bibisita din si Momy mo, i miss you honey, ill hang up now dady has something important to do you take care okay?."

" Yes Parker i will you too please come home soon."

" Surely i will honey. Pakabait ka kay Granny okay?."

" Sympre naman Parker ."

Matapos kong makausap ang anak ko. Pinatay kona ang tawag saka tinawagan ko ang asawa ko.

" Why?." Iritable nitong tanong.

" Salvie! Bakit hindi muna dinalaw ang anak natin? Hinahanap ka nya !."

" Parker bussy na ako marami na akong inaatupag ngayon. At buntis pa ako , "

Napailing nalang ako sa narinig ko

mula sa aking asawa. Wala parin siyang ipinagbago.

" Maybe you two need some time , makipag usap ka sa kanya ng maayos she will understand matalino ang anak natin ," turan ko dito.

" Some other time Parker, sege ibaba kona to marami pa akong gagawin,"

Ibinaba kona ang phone ko. Saka bumalik na sasakyan. Nadatnan ko na naman si Ms. Hamilton na masama ang tingin sa akin.

" Alam mo pesti ka talaga sa buhay ko! Simula nang dumating ka ang dami ng nagbago sa daily routine ko ! ."

" Hindi ka ba napapagod sa kakadaldal jan ha?,"

" Bwesit ka! Ibaba mo ako ! Kaya kong umuwi mag isa !,"

" Pag ikaw hindi pa tatahimik sa kakabunganga mo jan lalagyan ko ng duck tape yang bibig mo, tignan ko lang kong makapagsalita ka pa,".

Mukhang natakot din ito sa sinabi ko dahil tumahimik rin ito.

" Tanggalin mo nalang tong posas ko pakiramdam ko sa sarili ko para akong kriminal nito!, ganyan ka ba sa mga amo mo?," nakataas kilay nitong tanong sakin saka inirapan ako.

" Hindi, " at tinanggal ko ang pagkaposas ko sa kanya.

Muli itong tumingin sakin at binigyan ako ng "Walang hiya ka look". Saka sumimangot na naman at humalukipkip.

Napailing nalang ako saka nagmaneho na.

SUMMER POV.

KANINA pa ako nakatitig sa kisame sa sarili kong kwarto. Hindi ako makapag isip ng maayos. Naiinis na ako sa Bodyguard ko palage nalang niya akong pinapakialaman.

Simula nang dumating yan dito. Marami nang nagbago sa araw araw kong ginagawa.

Napaigtad ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong dinampot saka sinagot.

" Babe, ? I miss you so much kailan ba tayo magkikita?,"

" River, not now im not in the mood baka ma mura kita sa pangungulit mo sa akin ." Saad ko dito.

Narinig ko na lamang ang pagbuntong hininga nito.

" Okay, tawagan mo ako kong kilan ka pwede ."

Binaba kona ang phone ko saka tumagilid ng higa. Fuck this life!

Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa dito sa Dady.

" Anak, halikana kumain na tayo ng hapunan." Alok nito.

" Wala akong gana Dady, " sagot ko saka tumagilid patalikod sa kanya.

" Galit ka ba kay Dady anak?,"

Parang piniga ang puso ko sa tanong niya. Hindi naman ako galit pero pagtatampo OO nagtatampo ako dahil nasa tamang edad na ako dapat hinahayaan na niya akong magdecisyon para sa sarili ko.

" Im sorry anak kong nabago ang takbo ng buhay mo ngayon, wala na akong maisip na paraan para protektahan ka sa mga taong nagtangka sa buhay mo," pagkasabing iyon ni Dad ay lumabas na siya sa kwarto ko.

Bumangon at umupo sa kama napasabunot ako sa sarili kong buhok. Hindi kona alam kong ano ang Pwede kong gawin.