Chapter 210 - Mural

>Sheloah's POV<

Nginitian ako ni Kreiss. "Hey, Sheloah," bati niya sa akin at binati ko rin siya by waving my hand. "So where's Veon?" tanong niya para sa akin and I just shrugged my shoulders.

"Ewan ko," sagot ko na lang sa kanya at tiningnan ko ang phone ko. "Sabi naman niya sa akin papunta na siya," dagdag sabi ko pa at tumingin ako sa kalsada because he would usually drop by with his car. Ginagamit niya na ang kotse ng ate niya since naiwan ang kotse niya sa Pilipinas. Chevrolet ang kotse ng ate niya.

Binalik ni Kreiss ang tingin niya kay Shannara. "Where did you put the gem that I gave you?" tanong ni Kreiss at tiningnan siya ni Shannara with a nervous look.

"Sorry. I left it at home," sagot naman ni Shannara and Kreiss just glared at her. Napabuntong-hininga na lang si Kreiss at kinuha niya ang phone niya.

"Just don't lose it," sabi na lang ni Kreiss sa kanya at nag nod na lang si Shannara bilang sagot.

Last month, Shannara and Kreiss became a couple. Kasi nung 1st month namin dito, I gave back the gem to Kreiss, saying that I'm sorry because I don't feel the same way towards him at si Veon talaga ang mahal ko. And to tell you honestly, umiyak si Kreiss at ang unang pinuntahan niya ay si Shannara. They understand each other. Because they love a person but the person doesn't love him back. I feel bad for Kreiss but I told him I'm sorry. At least, we became friends and hindi kami bitter sa isa't isa.

How did they became a couple? Because they realized that they love each other. Sabi nila they did not date each other dahil nilalabas nila ang sama ng loob sa isa't isa. Sabi ni Shannara na-realize niya na mahal niya si Kreiss nung siya palagi ang kausap niya when she feels down. And same goes to Kreiss.

Hindi lang chini-cheer up ni Shannara si Kreiss. Kundi inaasar din daw ng todo kaya Kreiss said he had fun and that he cannot explain why, he feels love towards her. And so yung binalik kong gem sa kanya, binigay niya kay Shannara. Pero hindi kasi siya mahilig sa accessories kaya madalas niya itong iniiwan. At ang usually na pinag-aawayan nila bilang couples, eh ang ginagawa ni Shannara na iniiwan palagi ang gem sa bahay.

Nagulat kaming tatlo nang marinig namin na sumigaw si Veon. "Guys! Pasok na kayo!" sigaw niya at lahat kami pumasok sa loob ng kotse. Ako nasa passenger's seat, at si Kreiss at Shannara nasa back seat. Naka akbay si Kreiss sa kanya at nakasandal ang ulo ni Shannara sa shoulder niya.

Sumilip si Veon sa rear view mirror niya pra tingnan si Shannara at Kreiss. "Walang P.D.A. dito, ah?" remind ni Veon sa dalawang lovebirds na nasa likod namin at tumawa lang silang dalawa bilang sagot. Inandar ni Veon ang kotse niya at papunta na kami sa sementeryo.

Si Geof hindi siya sumama. Nagkasakit kaya iniwan na lang. Kaya mamaya pagkatapos ng picnic namin sa riverbank at pagkatapos namin mag arcade, bibisitahin namin siya sa apartment niya at doon rin kami magsi-sleep over. Kasama ni Geof si Isobel at ang dalawa naming classmates para hindi sila mahirapan magbayad ng rent. Kasama rin nila ang pilot. As for Shannara and Kreiss naman, may sarili rin silang apartment. Lovebirds talaga. At si Veon naman, kasama ang mga ate niya. Ako, kasama ang tito ko at pinsan ko together with Dannie and tito John.

"Veon, pag paalis na tayo, drop mo kami ni Shannara sa malapit na pizza house dito. Bibili kami ng pizza at mga drinks para sa picnic," sabi ni Kreiss sa kanya at nag nod si Veon bilang sagot.

Nakarating na kami sa sementeryo and we walked going to the farthest place of this area. Malayo ka pa lang, makikita mo na agad ang mural ng Army of True Salvation. Ginawa namin ito para sa mga kasama namin na ngayon ay nasa Heaven para magpahinga. Nakarating na kami sa harap ng mural at binaba ko ang flowers na dinala namin para sa kanila. Ang nakasulat sa mural na 'to ay ang mga pangalan ng mga kasama namin. Sir Erick's name was the one above and below his name are two columns, with our comrades' name on it.

Shannara knelt down and lighted the candle tsaka niya tinabi sa mural. Binaba namin ni Veon ang rosary malapit sa mural at si Kreiss naman, nilinisan ang area malapit sa mural para hindi ito madaling marumihan.

"Hey, guys. Nandito kami para bumisita. Musta ang party niyo sa Heaven?" pabulong na tanong ko and I smiled at the mural as I caressed it slowly.

We stayed quiet for a few minutes. Nagdasal lna rin kami. Through praying, we can talk to them. Ang sometimes, we would feel the cold air surrounding us. Naniniwala kami na sila yung lamig na 'yun, para makausap kami. Mayakap kami.

Tumayo kaming lahat at tiningnan namin ang isa't isa. "Let's go?" tanong ni Shannara and we all nodded at her as our answer. Lumingon lahat kami sa mural for one last look before we go and leave this place.

May the Army of True Salvation rest in peace.