Chereads / To Get Her / Chapter 4 - "The Contract"

Chapter 4 - "The Contract"

Chapter 4. "The Contract"

Ethina's POV

Nasa bahay kami ni Sir Sanjun, or better to say Sanjun na lang since nag-resign na ako sa company as her secretary, pero magkakaroon naman ako ng isa pang trabaho. Ang maging asawa niya. Bakit ba ako pumayag? Simple lang, mataas ang sweldo at higit sa lahat, ang usapan naming pahihirapan niya si Jazzsher sa trabaho. In that way makakaganti ako sa kahayupan ng ex kong ginawa akong bangko para financial assistance niya. Unggoy siya. Nanggigil pa rin ako, hindi ko lubusang maisip na nagpagamit ako sa unggoy na 'yun. Pinagpalit pa ako sa hipon. Pwes magsama sila, pareho silang hayop.

"Ganito ang magiging papel mo sa gagawin nating pagpapanggap. Magpapanggap kang maging asawa ko sa loob ng anim na buwan, bawat buwan ay 100,000.00 Pesos ang bayad." Seryosong sabi ni Sanjun habang naka-de-quatro sa harap ko, nakaupo siya sa kabilang sofa.

"Okay, deal. Pero walang mangyayari ah?" Pagkakaklaro ko, bigla naman siyang ngumisi na animoy dismiyado pa.

"Akala mo naman pagtatangkaan kita? Mataas ang standard ko sa babae, no choice lang ako kaya ikaw ang napili ko. Naipit langa ko sa sitwasyon kaya kung iniisip mong may balak ako sayo? Huh, burahin mo 'yan sa isipan mo." Tinignan ko siya ng masama. Ang lakas mang-insulto ng isang 'to. Ngayon, nakukumpirma ko n gang mga sinasabi ng mga tao sa office. "And one more thing, ayaw ko sa asawa ang engot at tatanga-tanga." Pahabol niya pa, napasinghal ako sa sinabi niya.

"Sa tingin mo engot ako?"

"Malay ko ba kung saan ka galing. Baka isa ka rin sa mga secretary ko dati na ginawang subjest sa school ang katangahan." Kumpyansa niyang sabi. Aba, grabe ang isang 'to.

"May nakapagsabi na ba sayong baka ampon ka ng magulang mo?" Mataray kong tanong sa kanya. Nakita ko naman ang pagtataka at pagkunot ng noo niya.

"Wala pa, bakit?"

"Baka kasi anak ka ni Lucifer, o di naman kaya kalahi mo."

"What?"

"Oh bakit? Ikaw ang nag-umpisa, kung manginsulto ka akala mo nabili mo na ang kaluluwa ko! Hay nako, kung hindi ko lang kailangan ng pera at kung hindi lang para gawing impiyerno ang buhay ni Jazzsher di ako papayag dito." Sigaw ko sa kanya.

"Okay fine, wag na tayong magtalo. Pagusapan natin ang kasal at ang gagawin nating kontrata." Umayos siya ng pagkakaupo. Inirapan ko naman siya at sumandal sa sofa. "Gagawa tayo ng kontrata para may hindi mangyari."

"Anong mangyari?"

"We need to act like were really a marriage couple. In public dapat magmukha talaga tayong mag-asawa."

"So?"

"Sa mag-asawa, hindi ba ginagawa ang kiss, hug, touch and so on?" Sarkastikong sabi niya. "Alam mo, mukha alam ko na kung bakit ka iniwan ng boyfriend mo. Wala ka yatang ka-romance romance sa katawan eh." Napasinghap ako sa sinabi niya.

"Aba, nagsalita ang hopeless romantic na inindian ng babae sa proposal, kaya ito naghahanap ng panakip butas sa katangahan niya." Ganti ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Anong sabi mo?"

"Bakit? Sasaktan mo ako? Di pa nga tayo kasal, magiging battered wife yata ako sayo."

Wala naman siyang nagawa at iniwas lang ang tingin sa akin.

"Okay, ganito," Kumuha naman siya ng piraso ng yellow paper at ballpen sabay inabot sa akin. Tinignan ko lang ang ginawa niya. "Isulat mo lahat ng ayaw at gusto mo sa gagawin nating contract, 5 sa ayaw at 5 rin sa gusto. Ganun din ang gagawin ko, maliwanag?"

Kinuha ko naman ang yellow paper at inirapan siya.

"Maliwanag."

Kanya-kanya naman kami nag-isip kung ano ba ang magiging ayaw at gusto namin sa kontrata. Itong kontrata na 'to kasi ang magsisilbing batas namin sa loob ng anim na buwan bilang isang mag-asawa. Dapat hindi niya makuha ang pinakaiingatan kong pagkababae. No way, di ko nga binigay kay Jazzsher eh, naniniwala kasi ako na dapat pagtapos ng kasal ko lang ibibigay ito sa taong papakasalan ko. And this marriage is excepted.

Matapos ang ilang sandali, natapos na kaming dalawa na magsulat ng mga ayaw at gusto namin. Magkaharap kaming dalawa ngayon. Magpapalit kami ng hawak ng papel para malaman ang gusto namin at ayaw.

"Akin na ang sayo." Utos niya.

"Hindi, akin na muna ang sayo." Sabi ko naman sa kanya.

"Ako ang Boss mo kaya ako ang susundin mo."

"Opps, remember? I resigned, ako po ang susi mo sa kalokohan mo kaya akin na." Nakita ko namang nasapo niya ang noo niya sa sinabi ko.

"Fine, sabay tayong magpalit."

"Bet!"

Magkatitigan kami habang hawak ang mga papel na pinagsulatan namin. Naghihintay kung suno ang unang maglalapag ng papel sa center table para kunin ng bawat isa. Sabay naming nilapag ang papel, mahigpit pa rin niyang hawak ang papel niya ganun din ako. Inurong niya ang papel palapit sa akin pati na rin ako ganun ang ginawa. Nang hawak ko na ang papel niya, hindi pa rin niya binibitawan ang sa kanya kaya pati ako ganun rin ang ginawa.

"Bitaw." Utos niya.

"Hindi, bitawan mo muna." Palaban ko namang sagot sa kanya.

"Alam mo, you're getting into my nerves!" Inis niyang sabi, hinigpitan niya naman ang gawak sa papel ko habang nanggigigil. Ginaya ko naman siya.

"Simpleng bagay pinapalalal mo pa Sanjun!" Sigaw ko tsaka hinatak ang papel niya. Nakuha ko naman 'to, kaso lang nakuha niya rin pala ang papel ko.

"Quits!" Nakangisi niyang sabi. Inirapan ko naman siya at tinuon ang mata ko sa papel na hawak ko.

"Ano 'to?!" Sabay kaming nagkatinginan at napasigaw.

Binasa ko ulit ang nakasulat sa papel.

Sanjun

Ayaw:

1. Tanga

2. Engot

3. Maingay

4. Walang sense

5. Tamad

Gusto:

1. Matalino

2. Edukada

3. May sense kausap

4. Sweet

5. Masipag

"Ano bang pinagsusulat mo? Anong akala mo sumasagot ka ng slumbook?" Asar kong singhal sa kanya.

"Bakit ikaw? Ano 'to?"

Ethina

Ayaw:

1. Masungit

2. Naninigaw

3. Malakas mang-insulto

4. Nakabusangot ang mukha

5. At higit sa lahat, kambal ni Lucifer

"Inaasar mo ba ako?" Inis niyang sabi, inirapan ko naman siya. "At tsaka ano 'tong mga gusto mo? Naghahanap ka ban g prince charming? Huh, engot ka nga talaga."

Gusto:

1. Mabait

2. Mapagmahal

3. Di ako sasaktan

4. Matapang

5. Protective

"Psh, engot nga naman, ganito na lang, since di ko alam ang capacity ng brain mo, sabay tayong magiisip." Sabi niya't kumuha ulit ng papel. "Gagawa tayo ng 10 rules habang nagpapanggap tayong mag-asawa."

"Sige, ako muna. Bawal ang kiss, hug at touch."

"Pero paano kung kailangan? Like pag nasa public tayo? Ethina, lahat ng mata ng tao nakamatyag sa atin."

"Edi holding hands lang o kaya akbay." Nakanguso kong sabi. Sinulat naman niya ang sinabi ko.

FIRST RULE: NO KISS, NO HUG. HOLDING HAND AND AKBAY LANG.

"It's my turn now. Bawal ang engot." Seryosong sabi niya, kumunot naman ang noo ko. "I mean, bawal ang maingay sa bahay."

SECOND RULE: BAWAL ANG MAINGAY SA BAHAY.

"Sandali, so? Dito na ako titira sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi, 'dun ka sa dog house kung gusto mo." Pilosopo niyang sagot. "Natural, may mag-asawa bang magkahiwalay ng bahay?" Inismiran ko siya sa sinabi niya.

"Hiwalay tayo ng kwarto." Sabi ko sa kanya.

"Aba, naunahan mo ko diyan ah." Saad niya't sinulat sa papel.

THIRD RULE: HIWALAY NG KWARTO.

"Gusto ko magluluto ka, maglilinis ng bahay ko." Utos niya.

FOURTH RULE: DO THE HOUSE HOLD CHORES

"Kinsenas katapusan ang sweldo ko."

FIFTH RULE: 15: 30 SALARY

Napagkasunduan namin, na ituloy ang 5 more rules kapag magkasama na kami sa bahay. May 3 pa siyang power para sa 5 more rules left habang ako merong 2 power.

"What about the wedding? Kailan gagawin ang kasal?" Tanong ko sa kanya.

Huminga naman siya ng malalim at tumingin sa ibang direksyon at sumandal sa sofa.

"As soon as possible, next week, on Siren's birthday." Kumpyansa niyang sabi tsaka ngumiti ng nakakatakot. Sabi ko na nga ba, may sapi ang isang 'to.

Sanjun's POV

Mabilis akong tumakbo palabas matapos kami makita ni Siren sa isang weird position ng secretary ko.

"Siren! Sandali!" Tawag ko sa kanya ng makita ko siyang papasok na ng elevator. Tinignan naman niya ako at ngumiti.

"Sanjun, pasensya na, hindi ko sinasadya, nabalitaan ko na nagpropose ka daw? Siya ba yung babae?" Masigla niyang sabi.

"Siren hindi nagkaka—" Hindi ko pa man tapos ang sasabihin ko ng magsalita agad siya.

"Wow! Si Dear Sanjun, ikakasal na! Sayang hindi ako nakapunta edi sana na--witness ko ang ka-cheesy-han mo." Nabalot ng inis ang mukha ko sa sinabi niya. Para akong sinampal ng malakas.

Hindi mo ba alam na para sayo ang proposal na 'yun?

Palihim kong sinabi sa isip ko. Nakakainis, bakit ba hindi niya maisip na siya ang gusto ko.

"Osya Sanjun, mauna na ako, gusto ko lang kasi ma-confirm kung totoo ang balita, and I guess, totoo nga! Kayo ah, get a room kapag may gagawin kayo! Wag sa office." Sabi niya't tinapik pa ang balikat ko bago pumasok sa elevator. Blangko lang ang mukha ko habang nakatingin sa kanya bago sumara ang elevator. Naiinis ako dahil hindi niya mapansin ang nararadaman ko. Naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko.

Napakamanhid niyang tao.

Pero, nauunawaan ko naman siya. Dahil alam kong, hindi naman talaga ako ang gusto niya. Kundi siya, kundi si Kuya.