Chapter 7. "The Wedding"
Ethina's POV
"Goodbye Ethina Montoya, welcome Ethina Alcantara." Nagpalumbaba ako habang nasa coffee shop kasama si Jenina.
"Aba? Wag ka ngang maginarte diyan Ethina, akala mo naman totoo ang kas—" Binusalan ko agad ang bibig niya ng tinapay.
"Ang bunganga mo talaga walang preno." Inis kong sabi rito't sumandal sa upuan. Tinanggal naman niya ang tinapay na sinalpak ko sa bibig niya.
"Eh malay ko ba, pasensya naman. Pero di nga? Ako talaga ang maiden of honor?" Sabik niyang tanong.
"Oo, may choice pa ba ako? Eh ikaw lang naman kaibigan kong nandito, sila Janine at Ashley nasa ibang bansa, ewan ko ba kung bakit tayo lang ang naiwan dito sa Pinas." Sagot ko sa kanya tsaka uminom ng kape.
"Bukas na talaga Ethina, yaiks! Kala ko mauuna ako sayo, pero mukhang natalo mo pa ako, kahit ba na, alam mo na, pero kasal pa rin 'to, may sing-sing, may vows, may wedding gown, at may you may kiss the bride!" Bigla naman akong nawindang sa sinabi niya.
"Ano? Kiss the bride?" Gulat kong tanong. Kumunot naman ang noo ni Jenina, halatang dismiyado.
"Natural, yun yata ang huling sasabihin ng pari sa inyo."
"Huh? Ano? Hahalikan ko si Sanjun? Pero bawal 'yun, rule number 1, no kiss, no hug."
"Abay malay ko sa mga rules niyo."
Napaisip ako sa sinabi niya, paano nga kung hahalikan ako ulit ng mokong na 'yon. Nakaisa na siya sa akin noong katangahan niyang proposal tapos mauulit ulit? Ano ako kissing booth? Nek nek niya. Uminom ako ulit ng kape, Habang umiinom naman ako napaling ang mata ko sa pinto ng coffee shop, bigla kong nagibuga ang kapeng iniinom ko ng makita ko ang pumasok sa pinto ng shop.
"Kung minamalas ka nga naman." Iiling-iling kong sabi habang nagpupunas ng labi. "Sira na ang araw ko." Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Jenina.
"Bakit naman?" Tanong niya.
"My naglalakad na hipon at demonyo." Sagot ko habang may gigil sa mga mata. "Asar! Sabi ko kasi sa kanya, i-fired na lang 'yang mga 'yan, pero sabi niya, 'Hindi pwede, matagal na sa kumpanya ko ang mga 'yan.' Nakakainis!"
"Eh pero dib a papahirapan niya daw?"
"Oo nga, ewan ko dun kung panong pahirap ang gagawin niya." Nakatingin pa rin ako ng masama kina Jazzsher at sa kasama niyang hipon ng mapansin ako ni Jazzsher at nagkatinginan kami. Inirapan ko naman siya. "Tara na Jenina, baka hinahanap na ako ni Sanjun." Aya ko kay Jenina at tsaka tumayo na.
Iniwasan ko na sila ng tingin habang nakataas ang isang kilay at nagmamataray dito sa loob ng coffee shop. Hindi ko makakalimutan yung sinabi niyang ginawa niya akong taga-support sa kanya. Ginawa niya akong BPI, Metrobank, Landbank, PSbank at Paypal niya? Anong akala niya sa akin may-ari ng mga nabanggit ko? Halos patayin ko ang sarili ko sa pagtatrabaho para lang sa kanya para lang ibigay ang gusto niya dahil nagtatrabaho siya sa isang malaking kumpanya. Tapos ganito? Demonyo siya.
Nang makalagpas na kami ni Jenina sa kanila. Hindi ko n asana sila papansin kaso biglang nagsalita ang hipon, na-amaze naman ako dahil ngayon lang ako naka-encounter ng nagsasalitang hipon.
"Babe, 'yung bangko mo oh." Maarteng sabi ni Hipon, and I know that she's referring to me.
"Uy Jenina, maghunos dili ka." Paalala ni Jenina sa akin. "Pairalin ang ego. Ignore them okay?"
"Hindi Jenina, mas lamang ang id ko ngayon." Hindi ko na pinansin si Jenina at hinarap ang babaeng hipon. "Oh my gosh! Talking shrimp! Alam niyo ba, ang mga hipon hindi lang sa dagat nakikita, dito rin sa coffee shop. And for your information, kung mukha akong bangko, ayos lang, at least may label. Eh ang hipon? May level nga sa palengke, kaso may nakalagay na timbang." Sabi ko rito't tinalikuran siya.
"Ethina." Tawag naman sa akin ni Jazzsher. Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na palabas ng coffee shop. Pero bakit pakiramdam ko, mina-magnet ako ng boses niya na tignan siya. Nakakainis naman.
"Oh ano? Okay ka na?" Tanong ni Jenina habang naglalakad kami sa labas ng coffee shop. Huminto naman ako sa paglalakad at tinignan si Jenina. "Oh? Bakit ka umiiyak?"
"Eh kasi naman Jen, akala ko kaya ko, pero nang banggitin niya ang pangalan ko, nagbalik lahat ng mga happy memories namin. Nakakapanghinayang lang." Humihikbi kong sabi.
"Hay nako, tigilan mo na nga 'yan. Tara na't bumalik sa office."
"Leche siya Jen."
"Oo na."
Pagbalik namin sa office, nandun na si Sanjun at naka-ayos na. Ako naman ay parang Biyernes santo ang mukha. Nakaupo ako sa sofa niya habang siya naman ay nag-aayos ng neck tie niya. Papunta na kami ngayon sa studio para sa pictorial ng wedding namin.
"Hoy, ano? Ganyan ka na lang? Mag-ayos ka man lang." Masungit niyang sabi sa akin.
"Sanjun, wala akong ganang magpapicture." Matamlay kong sabi rito
"What? No! Tomorrow is the wedding. Dapat matapos na 'tong pictorial!" Sigaw niya.
"Ewan ko sayo, ang dami mong arte."
Hindi ko na siya pinansin at binaling ang tingin ko sa pader ng office niya. Napatingin naman ako sa isang painting, nakapaint ang isang couple habang naghahalikan.
"May sing-sing, may vows, may wedding gown, at may you may kiss the bride!"
Nanglaki ang mata ko ng bigla kong maalala ang sinabi kanina ni Jenina. Mabilis akong napatingin kay Sanjun na kasalukuyang nag-aayos ng buhok niya.
"Sanjun!" Tawag ko rito. Gumusot naman agad ang mukha niya at tinignan ako habang may inis na reakasyon.
"What?"
"Hahalikan mo ba ako sa kasal?" Walang indang tanong ko. "Sandali, di ba rule number 1, no kiss, no hug?"
"Edi break the rule, hindi naman pwedeng hindi."
"Sandali, eh kung bayaran mo na lang kaya."
"Ano?"
"Bayad, mahal yata ang kiss ko, nakalibre ka na nga nung proposal eh, siguro 50k ang isang halik."
"Dammit, how expensive?! Ano ka artista?"
"Hoy, akala mo lang, ito yata ang best asset ko. My lips, my lips, my lips! Mwah!"
"Cut it out, I'm not going to pay you 50k for one kiss. How gross."
"Yabang mo, pero baka gusto mong i-try?" Malandi kong sabi tsaka nginuso ang labi ko.
"Diyan ka na nga," Sabi niya't lumabas na ng office. Sumunod naman ako sa kanya.
"Ang arte." Natatawa kong sabi.
Kinabukasan. This is it, this is really is it. Ito na ang wedding of the year, since wala akong Daddy. Ang Daddy ni Sanjun ang maghahatid sa akin sa altar, katulad noong una ko siyang nakita, ganun pa rin siya. Hindi nagsasalita at seryoso lang ang mukha. Parang walang emosyon, ganito ba talaga ang pamilya nila? Inakbay ko na sa braso ng Daddy ni Sanjun ang braso ko.
"Ingatan mo si Sanjun ah? Ethina?" Narinig kong sabi ng Daddy niya.
"Po?"
"Take care of my son, sa buong buhay niya, he's suffering in pain. I want you to make him happy and feel to be in love." Napatingin lang ako sa Daddy niya.
"Opo Sir." Sagot ko.
"Call me now Daddy too."
"Opo, Daddy too." Nakangiti kong sabi, napansin ko naman ang pagtataka sa mukha ng Daddy niya, "Joke lang po, Daddy lang pala." Sabi ko't tumawa.
Nagumpisa ng maglakad ang mga nasa harap ko, ang mga flower girl, ring berer, ang mga brides maid, ang best man at iba pa. And now, it's my turn. Habang naglalakad ako papalapit sa altar, naisip ko, paano kaya kung hindi ito fake, paano kung si Jazzsher kaya ang nasa harap ng altar at naghihintay sa akin. Paano kaya kung, hindi niya ako niloko. Ano kayang mararamdaman ko habang naglalakad ngayon papalapit sa altar.
Bigla akong nalungkot dahil sa iniisip ko. Wala na talagang atrasan 'to, sa loob ng anim na buwan kailangan kong magpanggap na asawa ni Sanjun, ang dating Montoya ngayon at Alacantara na.
Nang makarating na kami sa altar, inabot ng Daddy ni Sanjun ang kamay ko sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Maraming tao sa loob ng simbahan, mga sikat na personalidad at mga mayayamang tao.
Humarap na kami ni Sanjun sa altar, tinignan ko pa ang mukha niya. Blangko lang at tila wala man lang pakialam sa mundo.
"Dear friends and family, we are gathered here today to witness and celebrate the union of Sanjun Alcantara and Ethina Montoya in marriage. In the years they have been together, their love and understanding of each other has grown and matured, and now they have decided to live their lives together as husband and wife." Paguumpisa ni Father ng ceremony. Ganito pala ang feeling kinakasal, nakakakaba, pero nakakaexcite. Ewan ko lang sa katabi ko.
Matapos ang ilang ceremony ni Father, ang dami niyang sinabing English na di ko naman maintindihan, ang daming mga ek ek, ang sakit na ng paa ko sa suot kong sapatos, sa wakas napunta na rin kami sa vows.
"Do you Sanjun Alcantara, take Ethina Montoya, to be your partner in life and sharing your path; equal in love, a mirror for your true self, promising to honor and cherish, through good times and bad, until death do you part?" Tumingin naman sa akin si Sanjun, direkta sa mata. Ang mukha niya, para pa ring binalutan ng itim na kartolina sa pagkasungit.
"I do." Sagot niya. Narinig ko naman ang tilian ng ibang tao sa simbahan na animoy object na object sa pag-I do ni Sanjun. Edi kayo magpakasal dito.
Sa akin naman tumingin si Father. "Do you Ethina Montoya, take Sanjun Alcantara, to be your partner in life and sharing your path; equal in love, a mirror for your true self, promising to honor and cherish, through good times and bad, until death do you part?" Correction Father, walang till death do my part dahil in six months lang ang expiration ng contract ko.
Nakatingin din ako sa mga mata ni Sanjun, nadadalawang isip sa isasagot ko. Once na sinabi kong I do, kami na nga talaga. Sa mata ng mga tao at Diyos kami na nga, sorry po Lord, kailangan ko lang.
"I do." Sagot ko. May mga babae naman akong narinig na nainis kaya tinignan ko sila at inirapan.
Sumunod naman ang exchange ng rings. Kinuha ni Sanjun ang kamay ko.
"I give you this ring, a symbol of my love, as I give to you all that I am, and accept from you, all that you are." Seryosong sabi niya at sinuot ang singsing sa daliri ko.
Ako naman ang sunod na gumawa ""I give you this ring, a symbol of my love, as I give to you all that I am, and accept from you, all that you are."
'Yan ang sinabi ko, pero deep in my thoughts, gusto ko na siyang isako at palu-paluin.
Nagpalakpakan naman ang mga tao.
"Family and Friends, I hereby pronounce you husband and wife. You may kiss your bride."
Nanglaki naman ang mata ko sa sinabi ni Father. Totoo? Kailangan ba talaga? Teka, akala ko joke lang.
"Father, kasama po ba talaga 'yan? PDA much?" Tanong ko kay Father.
"Hija, noong proposal nga hindi ka pumalag ngayon pa kaya? Napanuod ko sa youtube." Nabigla naman ako sa sagot ni Father.
Tinignan ko naman si Sanjun, isang tingin na kakainin siya kapag tinuloy niya. Bigla naman niya akong hinila papunta sa kanya, gawa na nakahigh heels ako, hindi ko nakontrol ang pagtayo ko at matutumba ako sa kanya, mabuti na lamang at sinalo niya ako, at doon niya ginawa ang paghalik niya sa akin. Nakadilat ang mata ko nang halika niya ako, ilang sandali lang, mas lumakas ang palakpakan ng mga tao at nilayo niya na ang mukha niya sa akin.
"You may now have your 50k, engot." Seryosong sabi niya sa akin. At tinayo ako, loko 'to ah, tinotoo nga. Leche, maraming tao ang pumapalakpak sa amin at mga kumukuha ng pictures. Ito na talaga, isa na akong ganap na may asawa. Asawang demonyo.