Para akong tanga o tanga na nga talaga dahil sa patuloy parin akong umaasa sa taong alam kong imposibleng mahalin ako. Ni pansinin nga ay hindi niya magawa, ang mahalin pa kaya?
Makailang ulit ko na ring nasabihin ang sarili ko subalit ayaw talaga. Makailang ulit ko na ring sinubukang bumitaw sa taong ayaw namang pahawak pero ang kamay ko ay nagmamatigas. Makailang ulit ko na ring sinubukang kalimutan siya, oo at kahit papaano ay nagawa ng isip ko pero ang lintik kong puso ay hindi magawa-gawa. Nakailang ulit na sa lahat, pero lahat ay palpak.
Alam ko ring sasabihin niyong nakakapagod maghintay lalo na't walang kasiguraduhan ang paghihintay, don't worry ramdam ko yun sadyang ayaw pa bitawan ng puso ko ang salitang ayaw ko na.
Katangahan. Yan ang lahat sakin pagdating sa iisang tao.
"Napapadalas yata ang buntong hininga mo ah." Hindi na ako nag-abala pang lingunin ang nagsabi nun, kahit hindi naman kami magkasama sa araw-araw, alam na alam ko ang boses niya.
"Napapadalas rin yata ang pagiging kabute mo." Ganti ko dito. Naramdaman ko ang pag-upo nito sa tabi ko.
"Napapadalas daw kasi ang problema mo." Sagot niya.
"Napapadalas kasi ang mga taong paasa."
Napapadalas. Mga taong pafall. Sasabihin nilang kasalanan ng taong nainlove dahil asume ng asume kaya sa huli ay nasasaktan.
Bakit kaya hindi muna nila tanungin sa sarili nila ang dahilan? Bago manisi.
Kung ayaw nilang mainlove sa kanila ang taong yun, why not tell her or him the real deal ng wala na silang asahan mula sa inyo para sa simula palang maiwasan na nila. Pasweet kayo ng pasweet, then treating them like they are that precious to you pero sa totoo naman talaga ay hindi dahil may iba kayo tapos sa huli ang sisi ay sa mga taong hulog na hulog. Hindi na kayo naawa. Kaya wag narin kayong magtaka kung isang araw makita niyong may bali sila at nasasaktan, yun ay dahil tinulak niyo sila hanggang sa sila ay mahulog at hindi manlang tapos sasaluhin.
"I see, malaki nga ang problema mo. Nilahat mo na kasi eh." Aniya, he sighed too after it. Napahaba na pala ang monologue ko, "Kei..." tawag niya sakin pero hindi ko parin siya nililingon.
"Hmm?"
"Alam mo ba... na maaaring isa ka rin sa mga taong sinasabi mong paasa?" Dun na talaga ako napalingon sa kaniya at tiningnan siya ng nagtataka.
Papaanong maaaring isa rin ako sa kanila because the last time I checked ako yung umaasa.
"Anong pinagsasabi mo diyan? Paano naman ako napabilang sa kanila?" Tanong ko sa kaniya.
Hindi siya nakatingin sakin. Nakatitig lang ito sa nagkukulay kahel ng langit dito sa dalampasigan.
"Nasasabi ko dahil lahat naman tayo ay ganun ngunit sa iba-ibang aspeto nga lang." Sabi nito, tumigil muna siya saglit. Tumayo siya at pumunta sa harap ko, pinapanood ang papalubog ng araw, "Maaaring ikaw ay walang alam na meron palang umaasa sayo na nasa tabi-tabi lang." Dagdag pa niya, saglit lang ay nagpatuloy siya sa sinasabi, "Umaasang sana wag kanang maging malungkot. Umaasang sana mawala na yang sakit na nakikita nila sa mata mo. Umaasang sana sila nalang ang nasa kalagayan mo." Humarap siya pagkatapos sakin habang nakatingin lang ito ng diretso at seryoso sa mga mata ko, "Umaasa na sana sila nalang siya."
Ano ba talagang pinagsasabi niya? Sa akin? May umaasa? Imposible.
"Nagpapatawa ka ba?" Medyo natatawa ko ng tanong dito.
"It depends on someone if they find it funny." Sagot niya na ikinatahimik ko. Seryoso nga siya sa sinabi niya.
"Tara na nga. Tama na yan. Padilim na, ihahatid na kita." Aya na nito sakin.
"Maya-maya na lang. Kung gusto mo, mauna ka na." Sabi ko, pero ang totoo ay ayaw ko lang na magpahatid sa kaniya baka kasi kantyawan ako nila Mama at Ate.
"Nah, hindi pupwede. Tara na, gumagabi na eh. Hatid na kita. Madaming tambay pa naman ngayon sa plasa dahil sa perya." Pamimilit nito.
Hinihila na rin niya ang kamay ko kaya wala na akong nagawa pa kundi ang magpahila dito dahil kapag hindi, bubuhatin na naman niya ako pauwi kagaya na lang minsan dun sa plasa. Nakakahiya sa mga nakakita nun.
"Natuto ka na ah." Sabi niya. He's trying to hide his laughter kaya ayun nabatukan ko siya. Iyan pa naman ang isa sa pinakaayaw ko sa lahat, yung pinagtatawanan ako.
Alam ko naman kasi na I can't take embarassment out of nowhere, dahil kung mapapahiya man ako gusto kong alam kong ako mismo ang may gawa na para sa huli, walang ibang masisi. Ako lang.
"Magtigil ka nga diyan Cy para kang ewan eh." Sita ko dito pero ang gago natawa na nga talaga.
Hays. Imba talaga siya, but I am thankful na nadiyan siya dahil kapag kailangan ko ng masasandalan sumusulpot nalang siya bigla na parang isang kabute at nagagawa niyang baguhin ang mood ko. He is my pain reliver, ika nga. He's always making me happy. At kung pwede nga lang sana pumili ng taong mamahalin.
Naalala ko nga rin minsan na pinapili ako ng bestfriend ko between 'A love you cannot live without or a love that makes you live'.
Ang sinagot ko ay none. Wala akong pinipili dahil sabi ko when it comes to love there is no such choices. The two isn't win-lose situation. Lahat ay may kaakibat na sakit.
The first one, the love you cannot live without. Wala namang kasing kasiguraduhan na ang tinutukoy doon ay mahal ka rin. Oo nga at hindi mo kayang malayo sa kaniya dahil hindi ka mabubuhay na wala siya, pero dahil hindi naman sigurado na mahal ka rin ng mahal mo, ikaw lang din ang masasaktan. You cannot live without him but the pain you'll be encountering will kill you slowly.
The second one, the love that makes you live. Magiging masaya ka nga or maybe not, but what about the one who loves you? Magiging masaya ba siyang tunay kong alam niyang ang mahal niya ay nagmamahal na ng iba? Siyempre hindi dahil alam niyang hindi ka naman talaga tunay na masaya. At tunay na sa kaniya. Kaya wala siyang ibang gagawin kundi ang pakawalan ka kahit na masakit sa kaniya. At ikaw naman, masasaktan ka rin because of guilt and conscience. Pareho kayong nagkakasakitan. And let also say na, matutunan mo rin siyang mahalin, pero kelan naman mangyayari yun? Yung wala na siyang nararamdaman sayo. Ganun ba?
In the both choices. There is no asurance. Ang asurance lang ay ang hintaying maging isa ang dalawang choices. So for now it is better to choose none in any of those, dahil pareho ka rin namang talo. But I know, that deep inside me, pumili ako. Matagal na.
"Yan ka na naman. You are here but your mind is off to somewhere else..." Shit namern, nakalimutan ko ng may kasama pala ako.
I was about to apologize to Cy ng maunahan niya akong magsalita, "Or someone else..." sabi niya, "hays, nagtaka pa ako. Hindi na ako nasanay." Dagdag pa niya sa mahinang boses pero sakto lang para marinig ko ito pero hindi ko alam kung alam niyang narinig ko. O sadyang pinarinig niya talaga sakin, "tama ng kakaisip yan sa kaniya. Pasok na sa loob." Sa sinabi niya doon ko lang napagtantong nasa harap na pala kami ng bahay.
"Ops, my bad." I said, I even putted some hint of being playful in my voice to lighten the atmosphere pero hindi ito gumana dahil talo iyon ng mukhang meron ngayon si Cy.
He's disappointed. Alam ko at dahil yun sakin.
"Stop staring at me like that." Seryoso niyang sabi, "pasok ka na." Utos nito sakin bago siya tumalikod at naglakad paalis.
Hindi ko siya sinunod. Mas pinili kong tumakbo papunta sa kaniya at yinakap siya mula sa likod nito na ikinatigil niya.
Alam ko, Cy. Alam kong ang tanga tanga ko. Alam ko. Sorry. Gusto kong sabihin sa kaniya ang mga yan pero hindi ko magawa. Ang hirap aminin ang bagay na yan sa harap ng ibang tao, kahit sa kaibigan ko pa.
Sorry, Cy. Malapit na. Sana wag mo kong sukuan.
Ang sakit na hindi ko na rin alam kung saan ko ilalagay yung iba.
"I'm sorry, Cyrenz."