Idinala siya ni Hero sa bahay nito. Pero sa halip na sa loob ng bahay tumuloy ay idinala siya nito sa likod-bahay kung saan naka-set up na ang camping tent at naka-ready na ang bonfire at sisindihan na lang.
"Wow! This is nice," sabi ni Sunny at binuksan ang tent.
"Gusto ko sana sa Lake Danum tayo mag-camping pero maraming tao doon ngayon. Sabi mo huwag din akong maglalabas ng bahay."
"Ang totoo, pinag-uusapan ka na kanina sa Lake Danum. Sinabi ng isang guide na may kahawig ni Carrot Man na tagadito. Dinescourage ko lang. Buti sabi nila suplado ka kaya may palusot ako," sabi niya.
"Ayaw mo bang humarap ako sa camera at sabihin na girlfriend kita?"
"Please. Huwag muna ngayon, Hero." Matapos ang banta ng nanay niya, ayaw niyang masali si Hero sa mga pakulo nito.
"May hindi ka ba sinasabi sa akin?" naguguluhang tanong ng lalaki.
"Ayoko lang dumugin ka ng fans. Palipasin natin..."
"Kapag di na sikat si Carrot Man? Kailan pa iyon?"
"Kahit hanggang matapos lang ang photo exhibit ko."
"Ibig sabihin hindi ako invited sa photo exhibit mo?" tanong nito.
"I am sorry." Nakikita niya sa anyo nito na gusto nitong makita ang photo exhibit niya at ipagmalaki siya sa mga tao bilang nobya nito. "Sa launching na lang ng libro mo ako babawi. Okay?" sabi niya at kinintalan ito ng halik sa labi.
Parang di pa ito pumayag noong una pero kalaunan ay tumango din. "Let's just enjoy this night. Anong gusto mong kainin?"
NABULAHAW ang tulog ni Sunny sa katok sa pinto. "Sunny! Sunny!" tawag sa kanya ng kaibigang si Mea.
Wala siya halos tulog dahil madaling-araw na natapos ang pag-aayos nila sa art gallery sa Baguio kung saan itatanghal ang photo exhibit niya na si Jeyrick ang subject.
"Pumasok ka na lang! Di ako makabangon," sigaw niya.
Hangos itong pumasok at umupo sa kama. "Bes, bumangon ka diyan. May malaking pasabog. Ikaw ba talaga ang dahilan kung bakit nag-break si Carrot Man at ang girlfriend niya?"
"Ha?" aniya at isinubsob ang mukha sa unan. "Naku! Kalokohan lang iyan. Itutulog ko na lang iyan."
"Bes, seryoso. Nakakalat na sa internet ang pictures. Isang showbiz blogsite ang naglabas. Tingnan mo na dali."
Nanlaki ang ulo ng dalaga nang buksan ang cellphone at tiningnan ang picture sa naturang blog. "Hindi namin ito picture ni Jeyrick. Picture namin ito ni Hero. Kuha namin ito sa Tagaytay." Bukod sa selfie niya habang natutulog si Hero ay mga selfie pa sila habang nasa cabin at naglalakad-lakad sa village. Saka paano naman ito mapupunta sa ibang tao ang pictures sa sarili kong phone?"
"Sino ba ang may access sa phone mo? Posible naman iyon."
Isang tao agad ang pumasok sa isip niya. Si Hero.
Kinakabahan siyang pinagmasdan ni Mea habang pabalik-balik siyang naglalakad sa kuwarto niya nang nakayapak at tinatawagan sa cellphone ang nobyo. Nakalimang ring pa bago nito sinagot ang tawag. "Hello, Sunny. Sorry, nasa labas pa ako kaya ngayon ko lang nasagot."
"How could you do this me? To us? Bakit inilabas mo ang picture natin sa public?"
"What? I don't get it. Ano bang nangyayari sa iyo, Sunny?"
"I-check mo ang Showbiz Pulis na blog. Nandoon ang picture natin."
"Wait." Narinig niya na nagbukas ito ng laptop. The suspense was killing her. "Paano naman mapupunta ang picture natin dito? Nasa cellphone mo ito. Ikaw ang kumuha. Ni di ko nga alam na kinuhanan mo ako habang natutulog."
"Baka nag-bluetooth ka sa phone mo noong nasa camping tao. O baka noong nasa Tagaytay pa lang nasa iyo na iyan. I really don't know," mangiyak-ngiyak niyang sabi. "Di lang ako makapaniwala na magagawa mo ito sa akin. Alam ko naman na gustong-gusto mo nang ipaalam sa public na may relasyon tayo. Ayaw mo nang magtago tayo."
"Kung gusto kong i-reveal ang sekreto natin, sana nakalagay sa blog na boyriend mo ako. Na nagkataong kahawig lang ni Carrot Man," sawata nito sa kanya.
"That is exactly the point. Para di ko mahalata na ikaw ang nag-send ng picture. Para may chance ka nang sabihin sa lahat na may relasyon tayo. Iyon naman ang gusto mo in the first place. Hindi ako makapaniwala na magagawa mo ito sa akin."
"Hindi rin ako makapaniwala na maiisip mo rin na ganyan ako kababaw. Na sa tindi ng insecurity ko, di ko kayang magtago ng sekreto. Hindi ako bata, Sunny. Hindi ko kailangan na ipahiya ka para lang makuha ang gusto ko. That's not how I love."
Sinapo ni Sunny ang noo. "I don't know how to think anymore. Sinisira ng isyu na ito ang pangalan ko."
"I am willing to help you clean up your name."
"Matapos ang ginawa mo sa akin, sa palagay mo mapagkakatiwalaan kita?" angil niya sa nobyo.
"I am still willing to help you. Palalampasin ko ang lahat ng akusasyon mo sa akin. Naiintindihan ko na emotional ka. Pero sana kapag malinaw na ang isip mo, malaman mo rin kung sino ang gumawa nito. I am sorry if I hurt you. Kahit na hindi ako ang gumawa nito sa iyo, Sunny."
Pinutol niya ang tawag nito at in-off ang cellphone. Tahimik na lang siyang umiyak dahil di niya alam kung ano ang dapat niyang paniwalaan.
Niyakap siya ni Mea. "Bes, baka naman di talaga siya ang gumawa no'n."
"Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan."
Sabi ng puso niya na nagsasabi ng totoo si Hero. Pero naguguluhan pa rin ang isipan niya kung sino ang maaring manira sa kanya.
"Paano iyan? Mamayang gabi na ang exhibit mo."
"Hindi ko alam." Mas gusto na lang niyang magmukmok sa kuwarto at huwag nang magpakita sa mundo. Career be damned. She didn't deserve this kind of betrayal from Hero. Love isn't suppose to hurt like this.