"Tatawagan kita mamaya," sabi ni Hayden kay Rei nang itigil nito ang sasakyan sa harap ng apartment niya at saka siya kinintalan ng halik sa pisngi.
Hindi siya bumaba ng sasakyan. Hinawakan niya ang braso nito. "Hayden, what's wrong? Sino ba ang lalaking iyon?"
"Just a trash. He isn't worth knowing, Rei," anito sa malamig ding boses.
"Pero mukhang malaki ang galit mo sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ang ginawa niya sa iyo." Di siya matatahimik hangga't di niya nalalaman.
Sumandal ito at ipinikit ang mga mata. "He was the man who pushed my cousin to death. Siya ang kumuha sa pera ng pinsan ko, nagpaasang mahal niya para lang paasahin sa wala."
"Then you are extracting your revenge."
Ngumisi ito. "Revenge? How I wish I could. Hindi mo lang alam kung anong klaseng paghihiganti ang naiisip ko nang una ko siyang makita. Pero nang umalis ako, sabi ko di ko muna siya sisingilin. Bahala na ang Diyos sa kanya. Huwag kang magku-krus ulit ang landas namin."
"Bakit ikaw ang sinisisi niya sa lahat ng nangyayari sa kanya?"
Nagkibit-balikat ito. "He is miserable to start with. He made the people around him believe that he is rich. Pero ang totoo ginagamit lang niya ang pera ng mga nauuto niya sa Indigo Sky. Nakapag-asawa naman siya ng mayaman pero di naman niya kayang I-handle ang negosyo niya. They are into furniture design as well. Madalas kaming magkalaban sa bidding."
"And you win most of the time."
"He doesn't know class, Rei. Akala lang niya alam niya dahil nakakapagsuot siya ng mamahaling damit at nakakakain ng masasarap na pagkain. Hindi ko minaliit ang mga mahihirap. Pero wala siya sa lugar. Hindi naman niya deserve ang estado niya ngayon," aniya at mariing hinawakan ang manibela. "Ni hindi nga siya marunong mag-handle ng mga tao niya. Minamaltrato niya ang mga trabahador niya. They are overworked yet underpaid."
Habang laging fair si Hayden sa mga tauhan nito. Napaka-dedicated din nito sa trabaho. He loved what he was doing. Mukhang nadagdagan ang rason nito para magtanim ng galit kay Renato.
"Ibig sabihin ikaw ang nagpa-ban sa kanya sa riding club?"
"Not exactly. Nag-iimbestiga ang riding club sa mga nagiging member nito. Nagkataon lang na binigyan ko ng kaunting tip ang security department nila tungkol sa kung saan magsisimula ng pag-iimbestiga kay Renato. Sabagay, kahit di ko gawin iyon malalaman at malalaman din naman nila."
Malaki man ang galit ni Hayden kay Renato pero di naman ito masyadong vindictive. "Ibig sabihin wala ka halos ginawa para gumanti?"
"One way or another, parang nakaganti rin naman ako. He gets what he deserves. Kung anuman ang nangyayari sa kanya, it was his own doing. Pero nalaman din niya na pinsan ko si Chad. At nagkakataon na kapag nasa paligid ako, nawawalan siya ng tsansa na umangat. Kaya ako ang sinisisi niya."
"Mas magiging masaya ka ba kung ikaw mismo ang gumanti sa kanya?"
"I don't know. Dahil sa kagustuhan kong gumanti sa kanya noon, nawala ka sa akin noon. I missed my chance of telling you how much I love you. Isa pa, ano ba ang magiging resulta ng paghihiganti? Maibabalik ko ba ang pinsan ko sa akin?"
Niyakap niya ito. "Pero nasasaktan ka pa rin."
"It will pass." Niyakap siya nito ng mas mahigpit. "Saka nawawala ang lungkot ko kapag kasama kita. Nababawasan ang sakit."
Pumikit siya. She knew it was not enough that she loved him. Di ganoon kadaling mawala ang sakit na nararamdaman nito. But she would share his pain. Makikinig din siya sa bawat sasabihin nito.
"Basta mag-iingat kay, Hayden. Hindi ko gusto ang Renato na iyon." At baka kung ano ang magawa niya oras na saktan nito si Hayden. Poprotektahan niya ito.