NAKAUPO sina Liyah at Thyago sa wooden dock habang hinihintay ang pagsapit ng kaarawan nito. Ilang minuto na lang at magti-thirty na ito.
"Three months na pala mula nang umalis ako sa Bangkok. Parang marami nang nagbago sa buhay ko," sabi niya habang nakasandal sa likod nito.
"Ako rin. You used to avoid me like a plague. Pero ngayon palagi na tayong magkasama. Hindi kaya nagsasawa ka sa mukha ko."
Nilingon niya ito. "No. Imposible yata na pagsawaan kitang makita."
The sight of his handsome face was enough to make her smile. Makita lang niya ang ngiti nito o marinig ang boses nito ay buo na ang araw niya. Nagagawa siya nitong patawanin kahit pa ubod ng sama ang araw niya o namimilipit siya sa sakit kapag may period siya. May pagkakataon din na nakatulala na lang siya habang iniisip ito. It was far too different from her old sensible self.
"I wonder if there was a time that you regret coming here with you."
She shook her head negatively. "No. Wala akong pagsisisihan sa pagpunta dito. Alam ko na tama ang ginawa ko. Kundi nasa Bangkok pa rin ako at nagmumukmok. Malamang walang nangyari sa buhay ko."
Pinagsalikop nito ang mga kamay niya. "Natatakot ako na isang araw, ayaw mo nang manatili sa tabi ko. Tapos mawawala ka na lang sa buhay ko."
Parang isang malaking bato ang tumama sa dibdib niya maisip lang niya na maglalaho na ito sa buhay niya. "No! That won't happen." She looked at him with eyes full of love. "I love you, Thyago. I finally found a meaning in my life because of you. Nakalimutan ko ang lahat ng takot ko dahil sa iyo. Isa lang ang bagay na kinatatakutan ko. Ang mawala ka sa akin."
Lumuhod siya para magpantay ang mukha nila at marahan niyang hinalikan ang labi nito. It was the boldest thing she did in her life. To take the initiative in kissing a man. But she didn't care. Silang dalawa lang ang naroon ni Thyago. Ang gusto lang niya ay malaman nito ang nararamdaman niya.
Yumakap ang kamay nito sa baywang niya. Then he kissed her back with great care. Itinuturo nito sa kanya ang dapat gawin.
Mataman siya nitong pinagmasdan nang maghiwalay ang labi nila at hinaplos ang pisngi niya. "Do you really love me, Liyah? O baka naman nakikita mo lang sa akin si Elvin. Who knows? It must be a brotherly love."
"Hey! I will never kiss my brother that way."
Nagkibit-balikat ito. "Gusto ko lang makasiguro."
Ikinulong niya ang pisngi nito sa mga palad niya. "Listen, Thyago Palacios. As far as I can remember, I never see you as a brother. Masyado kang malayo sa kay Kuya Elvin. Paano naman kita makikita bilang kapatid ko?"
"Ang sabi mo mai-in love ka lang sa lalaking katulad ng kuya mo. Iyong faithful, mabait at hindi playboy."
"Bakit? Hindi ka ba mabait?"
"Medyo. Hindi naman ako halos maging santo na katulad ng kuya mo. And I will never be a saint, Liyah."
"Alam ko." Dinuro ang dulo ng ilong nito. "I am expecting that the playboy thing is history. At huwag mong sabihin na hindi ka magiging faithful sa akin. Naku! Sasapakin talaga kita, Thyago! Naalala mo ang sinabi ko dati? Hindi ka pwedeng makipag-date sa ibang babae. Magseselos talaga ako!"
"Gusto ko lang malaman mo na hindi ko kayang pantayan ang kuya mo. We are definitely worlds apart."
"Silly. I never asked you to be like my brother. Iba si Kuya. Iba ka. And don't ever doubt how I feel for you. Mas maghinala ka kung kapatid ang trato ko sa iyo kapag kaparehong-kapareho mo ang ugali ni Kuya."
"I remember how you use to hate my type."
"Thyago, you are not a total asshole. Bukod sa kaguwapuhan kang walang kapintasan na hinahabol-habol ng mga babae, I believe that you are more than just a pretty face. Naranasan ko kung paano ka mag-alaga at magpahalaga sa tao sa paligid mo. At hindi ko pwedeng balewalain iyon."
Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa dibdib nito. "I just wish that this moment will never end. You make me happiest man alive when you told me that you love me, Liyah."
"And I feel like the most special girl in the world. Salamat dahil ako ang minahal mo. Or else my life would be so bleak without you."
"DO YOU want to make friends with the horses?" tanong ni Liyah sa mga batang estudyante na edad apat hanggang anim.
"Yes, teacher Liyah!" sagot ng mga bata.
"Next week, tuturuan ko kayo ng mga paraan para maging malapit sa mga kabayo. We will feed them. Do you like that?"
Nagningning ang mga mata ng estudyante niyang si Thalis. "Teacher Liyah, pwede po pa akong magdala ng cake? Magugustuhan po ba ng horse iyon?"
"Thalis, we have specific food for horses. Hindi pwedeng basta-basta mo na lang silang pakainin," matiyaga niyang paliwanag.
Paborito niyang turuan ang bata dahil napaka-eagrar ng mga ito na matuto ng maraming bagay, Nagagaya siya enthusiasm ng mga ito. Nasa ganoong edad siya nang mag-aral siyang sumakay ng kabayo at naalala niya ang kabataan niya.
"Ma'am, pwede po bang magdala ng cake?" tanong ng batang si EJ. "Masarap po iyon. Magugustuhan ng horse."
"Hindi pwede. May specific food lang tayo na pwedeng ipakain sa kanila."
Bumakas ang lungkot sa mukha nito. "Kawawa naman iyon horse. Hindi pala siya pwedeng kumain ng cake."
"Pwede ka ring magdala para mai-share sa classmates mo."
Ngumiti si EJ. "Sige po. Magdadala ako."
Nang pabalik na siya sa opisina ay nasalubong niya ang sasakyan ni Thyago. Bumaba agad ito ng sasakyan. "Liyah, kailangan mong sumama sa akin pabalik ng Bangkok. Nabangga ang sasakyan ng kapatid mo."