"THIS place will be grand. It will be back to its majestic state once we are through with it. Gusto naming maging homey ito hangga't maari. We want the visitors feel that they are one of the dwellers here. Magtatayo kami ng a cottage para bisita na mas gusto ng privacy. But we want Casa Rojo to be the main attraction itself. It is like a historical piece. Ibabalik namin ang mga bisita sa makalumang panahon. Naka-Filpiniana costume ang mga staff," paliwanag ni Arneth, ang project coordinator. Ito ang nag-tour sa kanya sa Casa Rojo dahil may bisitang dumating si Gianpaolo. Naikot na nila halos ang kabuuan ng bahay.
She saw the old pictures of the house. At malayo na iyon sa dati nitong itsura. Naaamoy niya ang kalumaan ng bahay. At dahil sa kapabayaan ay marami nang bahagi nito ang halos di na magamit.
"Naiisip ko na kung ano ang gusto ninyong mangyari," wika niya at inilagay sa notepad niya ang mga idea na pumapasok sa isip niya habang naglalakad. Hinaplos niya ang dingding. "And I am positive that I will get this project."
"That is the spirit!" wika ni Arneth. "Nakita ko na ang nai-feature na bahay na ini-restore mo sa Ilocos. Sa palagay ko nga makakaisip ka ng magandang ideas para dito. Pwede mo ring tingnan ang mga lumang gamit sa bodega. Baka magkaroon ka pa ng idea sa gagawin mong design."
"Sure!" Mahilig din siya sa mga antique. May mga tao kasi na itinatapon na lang ang mga luimang gamit nang di alam ang kahalagahan niyon.
Nag-ring ang cellphone nito. "My boyfriend," nakangising bulong nito.
Nagulat siya saglit dahil lalaking-lalaki na kumilos si Arneth. Dinaig pa siya nito dahil may boyfriend ito. "Sure. Go ahead. Ako na ang magpapatuloy sa pag-e-explore nitong bahay."
"I will catch up with you later," anito at dali-daling lumayo sa kanya.
Nakabukas halos lahat ng silid na walang laman. She could imagine the mansion in its old grandeur. She would really love to bring it back to life. At ibubuhos niya ang lahat ng talento niya matiyak lang na mapupunta sa kanya ang project.
"Gusto kong itaas ang offer para sa Casa Rosa. One hundred million pesos. I am sure it is an offer you can't refuse," narinig niyang wika ng isang matandang lalaki nang dumaan siya sa isang silid.
Bahagyang nakaawang ang pinto kaya di sinasadyang masilip niya ang nasa loob. Iyon pala ang library. Isang matandang lalaki ang kausap ni Gianpaolo. Ayon sa sinabi ni Arneth kanina ay iyon si Don Teodicio, isang mayamang negosyante na noon pa interesado na bilhin ang Casa Rojo.
"Thanks for the offer. Pero matagal ko na pong sinabi na di ako interesado," walang kakurap-kurap na sabi ni Gianpaolo.
Nanlaki ang mga mata niya. One hundred million was a whopping amount to buy that old place. May ganoon kalaking offer para bilhin ang Casa Rojo?
"One hundred million is an awful lot of money for this piece of ghost-infested estate, hijo. You won't regret it," giit pa rin ni Don Teodicio.
"Hindi naman mababayaran ng pera ang pagtupad namin sa habilin ni Lolo. Mahigpit ang bilin niya na di namin maaring ipagbili ang lupain na ito. And I must honor my old man's will."
Humalakhak si Don Teodicio. "What can a dead man do? Patay na siya. Wala na siyang magagawa kung mas gusto ninyong ibenta ang isla."
"Nirerespeto lang namin ang kagustuhan niya kahit pa patay na siya. Isa pa, marami siyang masasayang alaala dito."
Good memories. Iyon din ang dahilan kung bakit gusto niyang buhayin ang mga lumang bahay at building. Gusto niyang mabuhay na muli ang alaala. Isa pa ay naroon ang respeto ni Gianpaolo sa iniwang habilin ng lolo nito.
"Be practical, Gianpaolo, hijo. Masyadong ambisyoso ang project ninyo na magtayo ng resort dito at gagawin pa ninyong hotel itong Casa Rojo. Walang bisitang tatagal dito. Balita ko nga iniwan ng mga trabahador ang project sa takot nang may makakita ng multo."
"Napalitan na namin ang mga trabahador namin, Don Teodicio. Hindi kami papayag na ma-postpone ang project namin dahil lang sa mga multo."
"Paano kayo makakakuha ng turista kung matatakot ang mga bisita ninyo dito sa isla? That's stupid," mariing wika ni Don Teodicio. Mukhang hindi ito susuko at gagamitin ang lahat ng taktika mabili lang nito ang isla.
"Iyon mismo ang ipang-aakit namin sa mga bisita namin," nakangiting sabi ni Gianpaolo. Ni hindi man lang nabawasan ang determinasyon nito. "Karamihan ng mga tourist pumupunta sa Baguio para mag-ghost hunting. Sa New Orleans, ipinagmamalaki pa ng mga residente ang mga lumang bahay nila na sinasabing may multo. So I have nothing to worry about. And besides, Costa Brava is a paradise. Makakalimutan nila ang multo oras na nandito sila."
Tumayo si Don Teodicio at itinuktok ng tungkod. "Pag-isipan mo pa rin ang offer mo, hija. Babalik ulit ako dito."
"Sure, Don Teodicio. Bibigyan ko kayo ng imbitasyon kapag open na ang resort namin," anang si Gianpaolo na may matagumpay na ngiti sa labi.