"So what do you like? The rattan chair, the genie seat or the onion seat?" tanong ni Dafhny sa mga kliyente niya at ipinakita ang mga catalogue ng furniture na ilalagay sa ire-renovate na Lakeside Café and Restaurant. Siya ang interior designer na kinuha nito para mag-renovate ng lugar.
"The circular seat is nice. Nakita ko iyan sa isang American MTV," sabi ni Richard Don, ang bagong may-ari ng Lakeside Café sa Stallion Riding Club.
Nais nitong bigyan ng bagong bihis ng Lakeside Café na aakma sa panlasang Pinoy. Masyado kasi itong mabusisi sa details ng interior. Mula sa furniture, paintings at pati sa mga halamang ilalagay ay dapat na may approval nito. Kaya naman bagamat may na-aprubahan na nito ang initial plan ay kailangan pang I-discuss at bigyan ito ng mga choices. He was a perfectionist.
"Ibig sabihin mas mahal dahil lumabas na sa Hollywood. Kunin na lang natin iyong mas mura," angal ni Danzelle Ann, ang kapatid ng business partner ni Richard Don. Dahil wala sa bansa ang kapatid ay ang dalaga ang tumitiyak na mapo-protektahan ng investment ng kapatid.
"Anong mura? Aanhin ko naman ang mura kung di ganoon kaganda?" kontra ni Richard Don.
"It is my brother's investment as well. Saka di ka ba natutuwa dahil makakatipid ka pa sa pagsunod sa suggestions ko?"
Nahihilo na siya sa pagtatalo ng mga ito. Wala kasing ginawa kundi magkontrahan nang magkontrahan. Nagkakanya-kanyang pili ang mga ito at sa huli ay di magkakasundo. Sa palagay nga niya ay mas malala ang discussion ng dalawa kapag wala siya. Mahinahon pa kasi ang tono ng mga ito. She wondered how they would run the business. They were almost at each other's throat!
"Bakit hindi na lang ninyo pag-usapan nang maayos? Ano ba talaga ang priority ninyo? Is it the quality or the price?" tanong niya sa dalawa.
"Maganda naman ang original concept mo, Dafhny," wika ni Richard Don. "Nakausap ko na rin ang business partner ko at nagustuhan niya."
"Masyado ngang mahal," giit ni Danzelle Ann. "Di lang kasi alam ni Kuya na may iba pang mas murang alternative."
"Kung gusto kong magtapon ng pera, wala kang magagawa. It is my money. At sino ang may sabi na kailangang tipirin ang restaurant ko? Bawal dito ang mura. Bawal dito ang kuripot. This is the Stallion Riding Club, Danzelle Ann," mariing wika ni Richard Don na nagsisimula nang maubusan ng pasensiya.
"Ano ngayon kung Stallion Riding Club ito?" nakataas ang kilay na tanong ni Danzelle Ann. "
"People come here for ambiance and because this place speaks of wealth. They pay a high price for it. Alam nila kung fake o mumurahin ang isang bagay. Bakit ba ako nag-I-invest nang malaki para sa renovation? I want to make an impression. Tapos gagawin mong cheap ang restaurant ko?" angal ni Richard Don.
And he was right. Stallion Riding Club is one of the most prestigious clubs in the country. It was a home for the most extravagant horses and the elite young men in the country. It was a haven for the rich. Idagdag pa na guwapo ang mga lalaki doon. Kaya naman di lang mga lalaki ang gusto ng makapasok sa prestihiyosong club kundi maging ang mga babae sa buong bansa.
Napaka-istrikto ng pamimili ng members doon. Di basta-basta makakapasok ang kung sino. And to do business at the riding club was an honor. Lalo na sa isang tulad niya na bago pa lang sa industriya ng interior designing.
"Magaling na interior designer si Dafhny, di ba? Kayang-kaya niyang makahanap ng mas murang materials nang di nagmumukhang cheap," depensa naman ni Danzelle Ann. "Akala mo dahil laki akong rancho di ko alam iyan? Masyado mo naman akong minamaliit! I am not stupid!"