"Di ko sinasabing stupid ka!" sabi ni Richard. "Ang sa akin lang, bakit di ka na lang bumalik sa rancho mo, magpatumba ka ng baka and leave me in peace."
Tumikhim siya. Mukhang kailangan na niyang mag-referee sa painit nang painit na diskusyon ng dalawa. "I suggest that we discuss this some other time."
"I am sorry. That woman is testing my patience," anang si Richard Don.
Sa huli ay napahinuhod na niya ang dalawa na makipag-usap sa kanya kapag sigurado na ang mga ito sa desisyon. Nanlalambot siyang lumabas ng function room. Saka niya natuklasan na papalubog na pala ang araw.
She stopped just outside the wooden lanai overlooking the lake. Kung magkakasundo lang sana ang dalawa ay tiyak na mas magiging maganda pa ang magagawa niya para sa Lakeside Café and Restaurant.
Bakit kailangan bang mag-away ng mga tao sa ganoon kagandang lugar? Sayang naman. Parang ang masarap lang gawin sa lugar na iyon ay mag-relax, kumain at tumingin sa magagandang lalaki.
Inikot niya ang paningin. Lalo na ang lalaking palapit sa kanya. He was tall. Ang alam niya ay nasa 5'10" ito. Malamlam ang mata nito, matangos ang ilong at may kahabaan ang buhok. He also had cute dimples. Lagi pa itong nakangiti dahil alam nitong anmg dimples ang asset nito. Simple lang ang suot nitong light blue polo pero na-emphasize ang matipunong balikat nito. Napatulala na lang siya dito.
Nasira ang mood niya nang matuklasan si Gianpaolo Aragon iyon. Biglang nasira ang magic ng kaguwapuhan nito at ng papalubog na araw.
"Hello, Dafhny!" bati nito. "Caught in the crossfire again?"
"Yeah! Kaya medyo late na akong makakabalik sa Manila," malamya niyang sagot. "Hanggang ngayon di pa rin sila magkasundo."
"You look tense. Why don't we have dinner instead?" he asked in a soothing voice. Nanghahalina. Isa iyon sa mga pang-akit nito sa mga babae. Ang maganda nitong boses. And she hated its temporary effect on her.
Tumuwid siya nang tayo. "No, thanks. Uuwi na lang ako. Baka mamaya isipin pa nila na girlfriend mo ako."
"HIndi ba maganda ngang isipin nila na boyfriend mo ako? You should be honored, Dafhny."
Tumaas ang kilay niya. Parang pumayag na rin siyang matatakan ng sumpa nito. Para sa kanya, ang isang inosenteng dinner kasama si Gianpaolo ay di niya dapat na payagan. Tingin kasi niya ay may gayuma ito.
She and Gianpaolo grew up together. He was twenty-nine at the moment and one of the most promising architects in the country. And as one of the member's of the Stallion Riding Club, nadagdagan ng sampung beses ang mga babaeng gustong magpakamatay dito. Kaya lumobo ang kayabangan nito.
Malapit ang mga pamilya nila. Sila lang ni Gianpaolo ang hindi close dahil madalas siya nitong inisin. Nang mag-eighteen siya ay niligawan siya nito. Pero dahil kilala ito bilang playboy ay binasted niya ito. Kung di lang sana ito playboy, tiyak na magugustuhan niya ito. Who wouldn't fall for Gianpaolo Aragon? Mga babae lang siguro na tulad niya na di uto-uto at di nagpapadala sa kaguwapuhan lang ng isang lalaki ang di papatol dito. And she was glad that she was wise enough not to.
"Honored? No, thanks. Magtatrabaho na lang ako," aniya at naglakad sa wooden pathwalk patungo sa parking lot.
Bumuntong-hininga ito. "Trabaho na naman ang iniisip mo. Kaya wala nang lalaking lumalapit sa iyo. Mabuti nga at may Gianpaolo Aragon na nag-o-offer ng dinner sa iyo. Magpasalamat ka sa biyayang lumalapit sa iyo."
Tumigil siya sa paglalakad at nakangising hinarap ito. That was Gianpaolo. He thought that he was God's gift to women. At sa palagay nito ay isang malaking karangalan para sa tulad na tapunan ng atensiyon nito.
Tinapik niya ang pisngi nito. "I am sorry I have to crush your pride, Gianpaolo. But you are not worth the heartache."
Nasapo nito ang dibdib na animo'y nasaktan. "Ouch! That hurts! Parang sinabi mo naman na playboy ako."
"Wow! Hindi ka nga ba playboy?"
Hindi pa rin nawawala ang sakit sa mga mata nito. "Ilang beses mo na ba akong ni-reject, Dafhny?"
"Siguro nasa fifty times na." Tuwing lumalabas ito o nagpapa-cute sa kanya ay isang malakas na "HINDI" ang sagot niya.
"Fifty times lang ba?" Naipaisip pa ito at nagbilang. "Alam ko nasa seventy na sabi ng diary ko. Simulan mo noong high school ka pa."
Tinapik niya ito sa balikat. "Ano ang ibig sabihin noon? Huwag mo na akong yayain dahil sa susunod na bilang mo, isang daang beses ka na palang na-reject."
And it was definitely not good for Gianpaolo's ego. Hanga nga siya sa tatag ng loob nito. Hanggang ngayon ay di pa rin nadi-discourage sa panre-reject niya.
Hinaplos nito ang pisngi niya at tinitigan siya na parang gusto siyang tunawin na parang kandila. "You will say yes to me someday, Dafhny. Put that in mind."
Inirapan niya ito. "I am leaving! See you around, Gianpaolo!"
"Pare, nabasted ka na naman?" naulinigan niyang tanong ni Thyago, ang head polo trainer ng riding club.
"Shut up! Kung wala kang masabing maganda, manahimik ka!" angil ni Gianpaolo habang ihinahatid siya ng tanaw.
Nakahinga siya nang maluwag nang makalayo na ang kotse niya. She was finally safe from Gianpaolo. Kung tumagal pa ng sampung segundo ang pagtitig niya sa mata nito, tiyak na nahipnotismo na siya nakikipag-date na dito. And she would surely regret it for the rest of her life.