Natigil si Fridah Mae sa pag-iyak at maang na tumingin kay Johann. "Ikaw ang bahala sa akin? Iniwan na nila ako dito?"
Tumango ito. "At tutuloy naman sila sa honeymoon nila. Sasama ka pa don?"
"S-Sabi nila isasama nila ako doon…" Saka niya unti-unting naunawaan na nautakan siya ng mga ito. "Iniwan ako nila Mama dito. Pinagkaisahan ninyo ako!"
"Naisip nila na maganda ang climate dito sa riding club. Bibilis ang recovery mo dito. Nag-aalala sila dahil matamlay ka."
"Pero dahil kulang ako sa trabaho. Kapag nakabalik ako sa trabaho, mas magiging mabuti na ang pakiramdam ko."
"Hindi ka pa makakabalik sa trabaho. Not until we make sure that you are totally out of danger. Kaya aalagaan muna kita habang nandito ka."
Sinundan niya ito pagpasok ng bahay nito. Bitbit na nito ang luggage bag niya na dapat sana ay para sa bakasyon nila ng mga magulang niya. "Bakit ikaw ang mag-aalaga sa akin? Hindi naman ako kabayo para alagaan mo."
"You are funny, Fridah Mae." Ngumiti ang mga mata nito.
Guwapo na naman ito sa paningin niya. Inirapan niya ito. Lalaki na naman ang ulo nito oras na malaman ang iniisip niya. "Hindi ako natatawa."
"Dadating mamaya ang private nurse mo. Dito ka muna sa riding club hanggang matapos ang medication mo. You can get a view of the lake from your room."
"Teka!" Namaywang siya at inagaw ang luggage bag dito. "HIndi ako dito titira sa iyo. Patirahin mo na lang ako sa kalye kung gusto mo."
"You are my responsibility now, Fridah Mae. Sa ayaw mo't sa gusto, dito ka."
"Responsibility? Hindi ko alam kung bakit kailangan akong iwan sa iyo ng parents ko. Marami naman akong pwedeng tuluyan dito sa riding club."
"Pinasasabi nina Mark Ashley at Richard Don na dalawin mo na lang sila. Pero di ka makakatuloy sa mga villa nila o makakatuloy sa guesthouse sa ilalim ng pangalan nila. Wala si Jenna Rose ngayon. Nasa Manila."
Nanlaki ang ulo niya. Ibig bang sabihin ay pinasabihan na rin nito ang mga pwede niyang hingan ng tulong? "How dare you, Johann! This is against the law! You can't keep me here against my will."
"Says who? Sabi ng Constitution? O Universal Declaration of Human Rights? Tumawag ka pa sa UN President. Magsumbong ka na inaalagaan kita dito."
"Ayoko dito. Ayokong kasama ka! I hate you!"
Wala naman itong pakialam sa mga pagpoprotesta niya. "Magpahinga ka na sa kuwarto mo. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako sa kuwarto ko. Magkatabi lang naman ang kuwarto natin."
"Ano?" bulalas niya at tumayo. Ayaw nga niyang magka-share sila ng hangin na hinihinga. Magka-share na nga sila sa isang bahay, magkatabi pa ang kuwarto nila. "Hindi. Ayoko dito! Ayoko sa iyo!"
"Kung ayaw mo sa akin, bakit ako ang hinanap mo nang nagdedeliryo ka?"
Saglit siyang di nakahuma. "Malay ko. May sakit nga ako noon. Ni hindi ko na matandaan kung ano ang mga sinabi ko."
Bakit pa kasi pangalan pa nito ang binanggit niya noong may sakit siya? Pwede namang si Brad Pitt na lang o si Antonio Banderas o si Yuu Shirota.
"Well, I was there when you called my name. Nasa ospital ka na sa Zamboanga, pangalan ko pa rin ang tinatawag mo."
Di siya makatingin nang diretso dito. Kahit naman siguro nasa normal siyang kalagayan at di nagdedeliryo, baka ito pa rin ang hanapin ng puso niya. Subconsciously, ito pa rin ang gusto niyang makita.
But no thanks. She didn't want any more heartache. Ayaw na niyang gawing komplikado ang mga bagay na matagal na niyang tinuldukan.
"Johann, you can't keep me here. Paano na si Jennifer?" Baka mamaya ay dumadating na naman ang babaeng iyon at inaagaw niya si Johann gamit ang sakit niya.
"Wala siyang kailangang sabihin," anito at nagkibit-balikat.
Ganoon lang? Wala nang pakialam si Jennifer sa gagawin nito? Siguro ay malaki ang tiwala ni Jennifer dito na di siya papatulan ni Johann. Pero ina-underestimate ba ni Jennifer ang kagandahan niya. Babae pa rin siya. Di nito alam kung ano ang kaya niyang gawin lalo na't sila lang dalawa ni Johann sa bahay.
"Hindi ba siya natatakot na agawin kita sa kanya?" tanong niya. "Malay mo pagsamantalahan kita habang tulog ka."
"Gusto mo ngayon pa kahit na gising ako."
"Hindi ka ba natatakot sa akin?"
Ibinuka nito ang mga kamay. "Do whatever you please! Sige lang."
Sinasadya ba nitong maakit siya dito? O gusto nitong tuluyan na itong mapariwara sa mga kamay niya? Kapag pinasukan na naman siya ng espiritu ng nakaraan nila at nabaliw na naman siya dito, masisira ang puri nito sa kanya.
Magpasalamat ito dahil malinaw ang utak niya. Pero kung anu-ano nang ideya ang pumapasok sa utak niya.
"Johann, anong palagay mo sa sarili mo? Sacrificial lamb? Tingin mo ba mapapagaling mo ako oras na patulan ko ang pang-aakit mo?" pabiro niyang sabi.
"Naakit ka naman?"
"Sige na! Aamin na ako! Hindi pa ako totally nakaka-recover sa iyo. Noong una, tatlong taon bago kita tuluyang natanggal sa isip ko. Isang buwan pa lang mula nang mabasted mo ako ngayon. I am still weak for you. Kaya huwag mo akong maakit-akit diyan kundi magsisisi ka."
He cornered her and backed her against the wall. "How about we give it a try? Tingnan natin kung magsisisi ako."
Nanlaki ang mga mata niya. Napakalapit nito sa kanya. Napapitlag siya nang haplusin nito ang pisngi niya. "J-Johann, huwag namang ganyan."
Nanginginig na ang tuhod niya. Akala niya ay matatakot ito sa kanya kapag sinabi niya na aakitin niya ito at pagsasamantalahan. Natural lang din na magalit ito. Pero bakit naghahamon pa ito sa kanya ngayon? Siya na ang gustong umurong.
"Then tell me what you want." Hinaplos-haplos naman nito ang buhok niya. "I am willing to do anything you want, Fridah Mae."
"Anything?" Aba! At daig pa nito ang genie in a bottle. Nate-tempt tuloy siya. Ipinilig niya ang ulo. Di siya pwedeng ma-tempt. Hindi! She had to fight back. Di pwedeng siya ang magpadala dito. "Cedric Johannson Cristobal! Nababaliw ka na ba? Sa ginagawa mong iyan, pipikutin na talaga kita! Akala mo naman…"
"Fridah Mae Narcisso, I hate it when you are so full with words. I just want to shut you up like this."
His mouth took hers in a fervent kiss. It came too sudden; she didn't know how to react. Di niya inaasahan na hahalikan siya nito Johann. Alam na niya ngayon ang pakiramdam ng binagsakan ng malakas na bomba. The impact was too powerful… but this time it was too powerful to resist.
His lips rubbed against hers until they separated. She never thought that he could kiss so sensually. That he could be so passionate. And she didn't expect that she had the same passion in return.
Wala siyang naramdaman na kahit anong pagtutol. Sa likuran ng utak niya ay matagal na rin niyang hinihintay iyon. And it felt so right.
Nang maghiwalay ang labi nila ay nakatitig lang ito sa kanya. Di niya alam kung gaano katagal silang nakatitig sa isa't isa.
"A-Anong nangyari?" mahina niyang tanong.
Saka lang unti-unting nagbabalik sa utak niya ang mga pangyayari. Nasa vilal siya ni Johann sa Stallion Riding Club at kasalukuyan nitong ginugulo ang utak niya.
Bigla syang naging aware sa paligid niya. The hum of the aircon and its light breeze. His masculine scent and his warm body. The experience was exhilarating. She never experienced such kind of high. Sa halik lang ni Johann.
His kiss might have taken her to Antarctica for all she cared. At ni hindi rin niya mapupuna kung ilang libong taon na ang lumipas mula nang halikan siya nito. She lost the concept of time and space. Ganoon ba katindi ang impact ni Johann sa kanya. Halik pa lang nito ay wala na siya sa sarili. Paano kung…
"So what do we do next, Fridah Mae?"
Narinig niyang nag-ring ang doorbell. "Johann, iyong doorbell."
"Anong doorbell?" tanong nito. Mukhang gaya niya ay nakakulong din ito sa sariling mundo. Mundo na para lang sa kanilang dalawa. Masyado na itong nalunod sa atensiyon sa kanya at wala na rin itong pakialam sa mundo sa labas.
Itinuro niya ang pinto. "M-May tao yata sa labas."
"It must be the nurse," anito at dali-daling tumakbo sa labas.
Saka lang dahan-dahang bumalik sa normal ang paghinga niya. Hinalikan siya nito! Inanalisa niya sa utak kung tama ba ang nangyari? Di niya alam kung tama iyon o mali. She could tell that it felt go great and nerve-wracking at the same time.
Hinawakan niya ang leeg niya. parang lalagnatin yata siya. Mas delikado pa yata si Johann kaysa sa lamok na nagdadala ng malaria. He could take over her mind and brain. At natitiyak niyang walang gamot doon.