"Sigurado ka na pwedeng pumasok?" tanong ni Tamara kay Reid nang makapasok na sa compound. She was excited and nervous at the same time. Solo kasi niyang kasama si Reid sa lugar. Subalit pilit niyang pinangibabaw ang excitement na makapasok sa log cabin kaysa ang pagkailang kay Reid.
"Hindi ba nakapasok ka na?" ganting-tanong nito sa kanya.
"Sabi ng guard kahit si Reichen di mo pinapapasok dito."
"Walang may ibang karapatan na pumasok dito maliban sa iyo." He swiped the card at the machine beside the door. Bumukas iyon. Kahit pala ang simpleng log cabin na iyon ay electronic pa rin tulad ng ibang bahagi ng riding club. "Come in."
Namangha siya nang makapasok sa loob. Di iyon ang simple at walang kalaman-laman na cabin na dati niyang nakita. May Persian rug sa sahig at may iba't ibang unique wood furniture na nagbigay ng character sa cabin.
Sa dingding ay nakasabit ang iba't ibang klase ng paintings. Mga paintings na gawa ng mommy niya. Hinaplos niya ang isang painting na may view ng lake. "P-Paano mo natagpuan ang lahat ng ito?"
Ang alam niya ay tutol ang lolo niya na maging artist ang mommy niya. Walang natira kahit na isang painting ang mommy niya dahil ibinenta ng lolo niya. Ayaw nitong may maalala pang masasakit na alaala tungkol sa mommy niya. Kung di nga lang kasalanan na ipamigay siya o ibenta ay baka ginawa na rin nito,
"I have my sources." May isang kuwadra na nakatakip pa. "Look at this one."
Napanganga siya nang bumulaga sa kanya ang isang sketch. At mismong mukha niya ang nandoon. "Paanong…" Lumapit siya at pinagmasdang mabuti. It was not her but her mother. "How did you get this one?"
"Aksidente ko iyang nakita habang nagba-browse ako ng paintings ng mommy mo sa isang collector niyang kaibigan. Sabi niya baka maging interesado ako sa painting na iyan. When I saw it, I didn't hesitate to buy it. Magkamukhang-magkamukha kayong dalawa."
"Who painted it?"
"Creo Sebastian, your mother's former boyfriend."
May bumundol sa dibdib niya at naramdaman niya ang pangingilid ng luha sa mata niya. "Creo Sebastian? Iyon ang pangalan ng tatay ko?"
"Hindi mo ba alam kung sino siya?"
Nakayuko siyang umiling. "Walang sinasabi sila Tita at Lolo sa akin. It was forbidden to ask anything about him. Namatay si Mommy pagkapanganak sa akin. Kaya simula pa lang, pakiramdam ko kulang na ang pagkatao ko."
Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa dibdib nito. "I am sorry, Tamara. Pero matagal na siyang patay bago ka pa man ipanganak. Ulilang lubos na rin ang tatay mo. Ang tanging taong pwede mong pagtanungan tungkol sa kanya ay ang kaibigan nila ng mommy mo na binilhan ko ng paintings nila."
Patuloy lang siya sa tahimik na pag-iyak habang hinahaplos ni Reid ang buhok niya. Subalit di na siya makaramdam ng lungkot. Sa unang pagkakataon kasi sa buhay niya ay nasagot ang mga katanungan niya.
"Hush now! Baka isipin nila pinaiyak kita."
"As if you care." Ang alam kasi niya ay wala itong pakialam sa opinion ng ibang tao, Natawa siya. "I feel better now."
"Umiiyak ka pa nga rin."
"Because I feel complete. I feel like I found a missing part of me because of that painting. Because of you." Tumingkayad siya at kinintalan ito ng halik sa pisngi. "Thank you, Reid."
"What for?"
Yumakap siya leeg nito. "For the first time in my life, I feel important. Wala pang gumawa ng ganito kagandang bagay sa akin. This cabin, the paintings… everything. Thank you."
She kissed him once more. Subalit dumampi na ang halik sa labi niya. Nagulat siya sa ginawa at bahagyang umurong. Nakita rin niya ang pagkagulat sa mga mata ni Reid. Then she saw fire in his coal black eyes.
He cupped her face and kissed her. Di iyon katulad ng simpleng kintal ng halik na ibinigay niya kanina. It was a hot, passionate kiss. She felt her toes curl.
He started a fire within her soul. She could run away somewhere safe. Doon sa di siya masusunog. But she was like a moth attracted to the light. She wanted to know how much more passion Reid could ignite. And she wanted to burn.
Isinuklay ni Reid ang kamay sa buhok niya. His tongue probed her lips. She had never been kissed that way before. Ang ibang mga lalaking nagtangkang humalik sa kanya ay tumitigil agad. Wala kasing nakukuhang sagot mula sa kanya. Subalit kay Reid ay kusa niyang ibinuka ang labi.
Wala na siyang magawa kundi ang magpatangay sa agos na itinatakda nito. She felt like she was drowning. She was helpless and she was clinging to him as if she was clinging for life.
"Tamara," he said in a rasp voice.
She loved the sound of her name in his lips. So intimate. Di tulad noon na parang napaka-pormal ng pagkakasabi nito sa pangalan niya.
And that kiss felt so good, so right. Who would have thought that a cold person like Reid could make her toes curl with just a simple kiss?
Binasa niya ang labi. She could still taste him. "Reid, I…"
Bigla itong lumayo sa kanya. "It was a you're welcome kiss."
Naguluhan siya. "What?"
"Nag-thank you ka sa akin. It is my way of saying 'you're welcome'," wika nito sa kaswal na boses habang nakatingin sa labas ng bintana.
Saka lang niya naunawaan ang lahat. There was nothing passionate about the kiss. You're welcome lang ibig sabihin niyon. She was so naïve. Paanong ang isang malamig na lalaki tulad ni Reid ay maglalabas ng tunay nitong emosyon sa isang halik? Reid Alleje was no ordinary man. At ang simpleng halik ay walang ibang kahuluhan dito. She said thank you and he replied.
Tumikhim siya. "I see."
Inabot nito ang electronic card sa kanya. "Itabi mo."
"Para saan ito?" tanong niya.
"Gamitin mo para makapasok ka dito sa log cabin. May tao na regular na nagme-maintain nito kaya wala kang magiging problema."
Huminga siya nang malalim. Sa wakas ay may lugar na siyang matatawag na kanya. And it was all because of Reid. Di nito pinabayaan ang lugar. "Thank you."
Iwinaksi nito ang kamay. "Huwag ka nang mag-thank you," iritado nitong sabi. "Baka…"
"Baka ano?"
Ipinilig nito ang ulo at hinarap siya. He looked more bothered. "Iyong nangyari kaninang umaga, walang ibig sabihin iyon."
Taas-noo niyang sinalubong ang mga mata nito. "Iyong thank you kiss ko, thank you lang talaga ang ibig sabihin niyon."
"Pati iyong sa akin, walang ibig sabihin iyon."
Akala naman nito ay interesado siya sa halik nito. Bakit naman siya magiging interesado sa halik ng isang lalaking kasinglamig nito? Akala naman niya ay nagustuhan niya. Hindi yata! Ayaw niya sa lalaking bato.
Naging pormal na ang ekspresyon niya at tiningnan ang malamig nitong mata. "I have to go back to my duty. Sir Reid."
"See you around, Doctor Trinidad."
Naninigas ang leeg niya nang lumabas sa log cabin. Nakataas pa rin kasi ang noo niya na parang isang reyna. Doctor Trinidad. Sir Reid. Napaka-pormal na tawagan para sa dalawang taong kasal.
No. Hindi sila mag-asawa. Isa lang siyang hamak na veterinarian sa riding club nito. Boss niya ito. And their intimacies didn't mean a thing. Parang nagsabihan lang sila ng thank you at you're welcome.
Humawak siya sa wooden rail ng lake boardwalk nang makarating. Bakit nanlalambot pa rin ang tuhod niya hanggang ngayon? At bakit nakapagkit pa rin sa isipan niya ang bawat dampi ng labi nito. Ang bawat haplos nito sa balat niya.
Tinamaan na yata siya ng kidlat. She was hooked by Reid Alleje. And she must admit. May magandang points ito dahil sa pag-aayos na ginawa nito sa log cabin at sa pangongolekta ng paintings ng mommy niya. And yes, she was also grateful in a way because he informed her about her father.
But it didn't efface the fact that he was an oar. A chauvinistic, insensitive oar! And a good kisser, too. Natigilan siya sa pag-amin na iyon. He was a good kisser, alright. Pero di niya ito magugustuhan kahit na kailan.
Ang halik na iyon ang huli. Di na mauulit pa.